Seryosong asking for a friend

Mga limang taon na silang kasal.
Si misis nagtrabaho sandali tapos nagresign na simula ng ikasal sila. Si mister ang nagttrabaho at sakto naman sa mga kailangan at gusto nila sa buhay.
Nagtaksil si mister. Nagsisi, pinatawad, tinanggap ni misis. Di na umulit.
Hindi sila magkaka-anak at wala silang balak magampon.
Nakatira sila sa bahay ng magulang ni mister. Walang kailangan gawin si misis. May tagaluto, tagalinis, tagalaba, tagalahat na.
Nagnenetflix lang si misis buong araw. Nagdedate naman sila pag walang pasok si mister.
Pag nag-aaway sila, isang subok lang si mister suyuin si misis. May pataasan din ng pride minsan tipong "ayaw mo di wag". Hanggang sa magkalimutan at magbati sila ng di inaayos ang problema.
Ngayon, namomroblema si mister dahil tingin niya napapanis na yung pagsasama nila.. Hindi na daw gaya ng dati. Sinubukan niya ayusin nagdala ng pari para kausapin silang dalawa

Nagalit si misis lalo na walang sinabi yung pari kundi dapat magkaanak sila (eh hindi nga magkaka-anak)

Imbis na makatulong, parang lalo nagkalayo loob nila sa isa't isa..
Ang nasabi na lang namin eh subukan niya ligawan ulit si misis at siguraduhin niya nararamdaman ni misis na nagbago na siya at di uulitin yung kasalan niya.
Tingin niyo, kaya ba ganyan si misis kasi nagtaksil noon si mister?
O talagang ayaw niya kumilos kasi di naman kailangan? Kaya kahit sa pagsasama nila, ganun din di rin siya nageeffort?
O walang siyang gana kasi di naman sila magkakaanak?
All of the above?