Try niyo magstay sa condo para mafeel niyo kung para sa inyo ito. Siguro mga isa o dalawang linggo? Para kasali yung paglaba haha. Yung mga DMCI, may mga AirBNB sila.
Depende kasi talaga sa tao yan eh. Kung ikaw yung tipong tao na kailangan ng espasyo, hangin, lupa, etc. di para sayo ang condo..
Pag starting family pa lang, pwede pero pag lumalaki na yung mga bata, lipat na.
Kami sobrang ok kami sa condo

Yung mga cons, hindi dealbreaker para sa amin.
Di namin gusto ng sobrang laking space kasi mahirap din imaintain.
Ok lang sa amin na sakto lang yung gamit at kung ano lang kailangan namin. Minimalistic ba
Gitna yung location namin madali umikot sa Metro Manila tapos may mall sa baba. Importante ito kasi ang traffic lagi

Ok yung building mismo, ok yung nagmamanage, maayos naman mga kapitbahay sa floor namin. Mga pamilya sila.
Gusto ko na may lobby/reception kasi pag wala kami, pwede nila receive mga ipapadala sa amin.
undisciplined neighbors
Importante ito kasi kahit gaano kaganda ng condo mo, mabbwisit ka pa din kung walang manners ang mga kapatibahay mo.
Hindi ito controllado pero sabi ng agent, kung yung mga bumili ng unti ang titira, mas ok.
May papel din yung association kasi kung nireregulate nila yung pagrent ng mga unit, pwede mafilter yung mga ok na kapitbahay..
hear the noise from the other room (talking, TV, radio, etc).
Ibig mo ba sabihin from other unit? Yung mga ganyan naririnig ko galing sa mga SMDC kasi tipid yun sa materyales.
Ito yung unang tinignan ng mister ko. Kinatok katok ang mga dingding kasi nga maingay kung manipis lang pagitan ng mga unit.
Hindi namin marinig yung kabilang unit at hindi rin nila kami marinig

Yung sa corridor lang maririnig kasi may siwang yung pinto pero saglit lang kasi dumadaan lang naman mga kapitbahay dun. Paminsan minsan lang may mga batang naglalaro pero sinusuway din naman sila ng mga yaya/magulang nila.
we cannot buy new things without first throwing something out.
Oo hehe o kaya yung pagiisipan mo kung kakasya ba sa balak mo paglagyan

nakakaburyo sa loob kasi really there is not much you can do
Kulang ba sa amenities? O dahil sa espasyo ng unit?
some do not install rangehood, amoy through air well yung niluluto nila. or i don't know, feeling ko kahit may rangehood, may amoy pa rin sensitive lang talaga ako.
Dapat kasama na rangehood sa unit eh.. Kahit na meron at kahit na max na, hindi siya sapat. Tapos parang may mga oil napupunta sa mga gamit.
Di ko sigurado kung kailangan tipong high-powered rangehood para walang ganito?