watch now

Author Topic: ABS-CBN: La Luna Sangre  (Read 26711 times)

pandalicious

  • Guest
Re: ABS-CBN: La Luna Sangre
« Reply #80 on: September 15, 2017, 09:22:42 am »
Ako din curious kay jacintha kung si lia nga ba siya. Actually hindi ako interisado sa romantic angle ng characters ng kathniel, maganda kasi story nila individually, lalo na si tristan, hindi pa natin alam papel niya sa propesiya kaya intriguing yung itatakbo ng story nya.

etxetera

  • Guest
Re: ABS-CBN: La Luna Sangre
« Reply #81 on: September 16, 2017, 08:22:47 am »
So far so good. Enjoying Gel and Richard's presence in this series. Hindi sila naging primetime king and queen once upon a time for nothing. The charm is still there.  Richard's best tv role to date. Dito at least umaarte na siya sa wakas  ;D

Miss Granger

  • Guest
Re: ABS-CBN: La Luna Sangre
« Reply #82 on: September 20, 2017, 09:44:01 am »
Mawawala kaya ang character ni Sue?  :-\

janachen

  • Guest
Re: ABS-CBN: La Luna Sangre
« Reply #83 on: September 21, 2017, 12:14:45 am »
Parang may kakaibang spark sina Gel at Richard.  Feeling ko maiinlove 'yong character ni richard kay angel.

Feeling ko nasasapawan si Kathryn, magaling naman siya kaso parang  walang suntok sa akin( sa akin lang naman) kasi kahit anong tigas ng papakita niya sana sa character, sweet pa rin ang mukha unlike kay Maricar ang lakas ng dating niya sa pag arte, strong personality ang dating sa character niya.

SI Daniel, magaling talaga.

liana

  • Guest
Re: ABS-CBN: La Luna Sangre
« Reply #84 on: September 21, 2017, 07:50:57 am »
^ True. Magaling naman si Kathryn but something is missing, nagiging boring yung character nya with the way she acts. Siguro she needs more guidance on how to attack her character kasi talagang masasapawan sya sa galing nina Angel and Maricar na tumayo lang sa screen dama mo na yung characters nila.
« Last Edit: September 22, 2017, 10:43:43 am by liana »

bluish_mommy

  • Guest
Re: ABS-CBN: La Luna Sangre
« Reply #85 on: September 21, 2017, 01:39:52 pm »
naiinis ako sa character ni Tristan (magaling si Daniel sa pagkakaportray nya). yung mapusok na karakter, hindi nag-iisip, uma-arya agad, nakakabuwisit.  ;) ;) ;)

true, kulang pa sa pagiging matigas sa karakter si Kathryn, hindi ko nga masyadong na-feel na sya ang bagong itinakda nung dumating yung mga imported na lobo kagabi na nagbow down sa kanya eh. hmmm siguro dahil hindi kasi masyadong ine-emphasize sa story ang powers nya, dapat bigyan diin din ito kasi eto ang isa sa mga pinaka-aabangan ng mga tao eh. after nung mabuhay sya, so what now? ano na ang kaya nyang gawin? tagal naiinip ako lumabas ang totoong powers nya hehe

janachen

  • Guest
Re: ABS-CBN: La Luna Sangre
« Reply #86 on: September 21, 2017, 05:35:32 pm »
Bagong itinakda is about leadership pa naman.  Kasi 'yong first episode nila noong June, alam mong hindi na lobo at vampire sina JL at Angel pero ang lakas ng dating nila  kung paano nila pinamunuan ang grupo.

Ngayon, ang inaabangan ko kung paano magiging lobo si jacintha or kung lobo nga ba siya. Dito ako mas  excited.

Kasi kay Kathryn, parang 'yun na ba 'yun? Parang wala man lang dating 'yong tigas ng pagiging lider.

Si Daniel naappreciate ko 'yong galing niya sa arnis. Ang hirap sapawan kasi si Angel. Kung ituturn over niya ang role, talagang hindi sa basta basta lang.

Maricar, wala akong masabi sobrang galing. Buti nalang hindi rin sinama si Dimples Romana(dating gabay), kundi wala na uwian na.

« Last Edit: September 21, 2017, 05:40:55 pm by janachen »

bluish_mommy

  • Guest
Re: ABS-CBN: La Luna Sangre
« Reply #87 on: September 22, 2017, 08:50:22 am »
^feeling ko kasama sa "setup" na ayain nya si Supremo kagabi para hindi makasama sa labanan dahil alam nyang mauubos ang lahi nya kapag kasama si Supremo. Mukhang may pag-uusap si Jacintha at kung sinuman yung sa LLU.

hay! palaisipan din sa akin kung si Lia nga sya or yung kakambal nya noon, ang pinalabas napatay ng bampira si Noah at yung kakambal ata di ba? pero di naman pinakita. kwento lang, so pwedeng eto na rin ang twist. hmmmm... ka-abang abang!

pandalicious

  • Guest
Re: ABS-CBN: La Luna Sangre
« Reply #88 on: September 22, 2017, 10:32:59 am »
^ dalawang lalaki yung namatay na kambal, mga kuya niya. Feeling ko siya si lia, si joross siguro contact niya sa LLU.

Re kathniel, in fairness bilib ako sa mga fight scenes nila, kahit yung kay malia hindi puchu-puchu, makikita mong inaral talaga nila. Though oo nga, may kulang pa rin sa arte ni kathryn kahit nagpapaka-fierce siya, ang bland pa din. Maybe she should ask for tips kay maricar, we know naman na prim and proper ang personality niya in real life, pero pag samantha siya, iba talaga dating niya.

samtorini

  • Guest
Re: ABS-CBN: La Luna Sangre
« Reply #89 on: September 22, 2017, 07:45:02 pm »
Nae-excite ako sa role ni Angel. Feeling ko naman walang sapawan. Although ang tagal nga ng powers ni malia. Baka iyon talaga ang story 

Miss Granger

  • Guest
Re: ABS-CBN: La Luna Sangre
« Reply #90 on: September 23, 2017, 08:20:06 am »
Si angel kaya yung nagtanggol sa LLU kagabi?

Exciting!

etxetera

  • Guest
Re: ABS-CBN: La Luna Sangre
« Reply #91 on: September 23, 2017, 10:19:26 am »
Si Daniel konting push pa or maybe I was expecting more fierceness dahil sa Tito Robin at tatay niya. Kay Kathryn kulang at mahinhin masyado. May lacking sa atake niya sa character ths making it boring.  Makes me wonder how Liza will fare in Darna na mahinhin din and how about Nadz although wala naman chance to showcase if she can do fight scenes.

cindy_rella

  • Guest
Re: ABS-CBN: La Luna Sangre
« Reply #92 on: September 23, 2017, 12:41:05 pm »
 :-* Si Tristan ba ay anak ni Samantha?

bluish_mommy

  • Guest
Re: ABS-CBN: La Luna Sangre
« Reply #93 on: September 25, 2017, 10:11:15 am »
^hindi, anak sya ni Tanya Garcia , na isa ring bampira na gumanap na wife ni Romnick.

etxetera

  • Guest
Re: ABS-CBN: La Luna Sangre
« Reply #94 on: September 26, 2017, 08:35:50 am »
Lakas talaga ng sexual tension ni Richard at Angel.

izabelle

  • Guest
Re: ABS-CBN: La Luna Sangre
« Reply #95 on: September 26, 2017, 09:21:03 am »
Im sorry to Kathyrn's fans, pero ang pangit nya mag salita. Pilit na pilit maging astig. Ang boring ng dating.

Parang hindi sya ang bida or ang itinakda.Walang kadating dating mag deliver ng lines. Honestly, mas ok pa si Daniel Padilla kesa sa kanya.

Yung ibang casts ang nagdadala ng story. Mas may dating pa umarte sina Joross e

janachen

  • Guest
Re: ABS-CBN: La Luna Sangre
« Reply #96 on: September 26, 2017, 11:10:22 pm »
^^ Mabash ka sis..lol..Pero yeah kaya pala sa Pangako sa'yo mas nangibabaw si Jodi Sta Maria.

Quote
Lakas talaga ng sexual tension ni Richard at Angel.

-Akala ko ako lang ang nakakapansin. Tsaka parang may kilig factor sila sa akin.

izabelle

  • Guest
Re: ABS-CBN: La Luna Sangre
« Reply #97 on: September 27, 2017, 09:17:11 am »
^ ok lang, pwede naman ireport sa MOD. Haha!

That is my opinion e, para sa akin ang pangit magsalita ni Kath. Pilit na pilit maging "astig" ang dating or maging "matapang" ang dating.

tischarmedlife

  • Guest
Re: ABS-CBN: La Luna Sangre
« Reply #98 on: September 27, 2017, 08:26:42 pm »
I used to watch LLS too pero nung mga 3rd week na, I stopped na. Then when I saw in Angel's IG that she's back, ay nongga! Balik-loob kaming pamilya sa LLS.

Akala ko ako lang din napapangitan sa atake ni Kath sa character nya. Pilit na pilit yung pagpapaka-astig nya, hindi bagay kahit ano gawin nya. Pero malay naman natin, mag-improve pa.

anhing

  • Guest
Re: ABS-CBN: La Luna Sangre
« Reply #99 on: September 28, 2017, 11:52:33 am »
^hindi, anak sya ni Tanya Garcia , na isa ring bampira na gumanap na wife ni Romnick.

May scene kagabe nung nagkwekwentu yung TIta ni Tristan about his family. Me hawak na isa pang baby si Tanya Garcia (Tristan's mother), mukhang babae.  And sinabe din na hinde na nila alam kung nasaan na yung nanay ni Tristan. Hindi kaya si Angel yung batang yun na kapatid ni Tristan? hahhahah. At maaaring buhay pa yung nanay ni Tristan! OMG! na-eexcite aku sa palabas na to!  ;D ;D ;D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close