watch now

Author Topic: Hong Kong Guide (Thread 42)  (Read 84636 times)

foxlady

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 42)
« Reply #560 on: April 03, 2018, 09:59:45 am »
^korek sis! :)

I wanted to try that milk tea kaso nga laging blockbuster hehe...

mysterioza_me

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 42)
« Reply #561 on: April 03, 2018, 10:25:16 am »
^Thanks sis. Atleast pagbalik namin alam ko ng may Jollibee pala dun. Di ko nakita yung signage nila. Sayang din yung milk tea gusto ko din sana itry kaso mukhang pipila kami ng higit 1hr dahil sa haba ng pila, nandun na sa kanto yung pila nung madaanan namin.

nataliaesperon2000

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 42)
« Reply #562 on: April 04, 2018, 05:50:32 am »
sis anong milk tea yan hehhehe.

foxlady

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 42)
« Reply #563 on: April 04, 2018, 07:30:53 am »
^di ko na napansin sis e... sobrang liit lang kasi ng stall nila.. :)

triciaaamaldita

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 42)
« Reply #564 on: April 04, 2018, 01:50:59 pm »
Hi everyone :)

Question lang. Is it still worthy to stay at Chungking/Mirador Mansions? Ive heard kasi na marami daw drug dealers/addicts doon at mabagal at konti pa ang elevators. Ill be going to HK kasi with my senior dad and 12 y/o sister. So ako kumbaga yung "team leader" hahaha. So Im planning where to stay. Gusto ko sana sa TST area pero gusto ko naman syempre maayos, maganda, at safe na hotel.

Your opinions please :) Salamat!

obsessed143

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 42)
« Reply #565 on: April 04, 2018, 05:02:23 pm »
We stayed at Mirador Mansion ok lang naman at wala kaming naencounter na nagoffer sa amin ng ganun. Sa baba lang naman maraming indian na nagooffer ng ewan. Di naman din crowded ang elevator bale dalawang elevator sa may main entrance talaga then meron din sa likod. Magkaiba elevator nila kasi parang sa isa odd numbers then yung kabila even numbers. At mura mga hostel dun comparing na magstay sa hotel.

triciaaamaldita

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 42)
« Reply #566 on: April 04, 2018, 05:21:03 pm »
^So over all safe naman pala. How about the rooms sis? Maliliit daw, based sa reviews?

crzysxycl

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 42)
« Reply #567 on: April 05, 2018, 09:33:16 am »
Hi sisses. Kakatapos ko lang mag backread from January 2016 posts. Balik kami HK on November 20-23. Not sure kung may previous info about my questions or namiss ko lang.

1) May octopus cards kasi kami nung first visit namin sa HK in 2015. Hindi namin naibalik, nakalimutan namin kakaikot sa HKIA, naaliw masyado haha. Pwede pa rin ba naming gamitin yun tapos top up nalang?

2) Since 7:50AM ang dating namin sa HKIA, plano namin mag citygate so mag S1 bus kami. Same bus station or area ba sila ng A21 bus? From citygate to TST, anong dapat namin sakyan? regarding sa lockers naman, kasya kaya ang 2 large luggages?

3) Sa mga nakapag try na sa rent a room quick residences, how's their free breakfast?

4) Regarding klook, gusto ko sana dito rin bumili ng DL tickets. Pero nung nag SG kami last month, yung USS tickets na binili ko for 2,520 naging 2600+ nung nacharge sa card ko. Sabi ng citibank ganun daw yon talaga, kasi nag convert from PHP - USD - HKD. Eh parang wala rin pala silbi yung promo code ko haha. Any tips kung paano macharge yung mismong amount lang sana?

Thanks in advance! :)

mysterioza_me

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 42)
« Reply #568 on: April 05, 2018, 12:22:24 pm »
#1. Ang alam ko valid ang octopus card for 1000 days.

#4. True sis yan din napansin ko sa Klook, mas nagmahal after icharge ang card ko. Akala ko nakamura ako
kasi may promo code.
Pinalitan ko pa currency ng Hkd. Medyo nagsisi pa ako sa Klook ako bumili ng DL/DL meal voucher and PeakTram/Sky Terrace tix. Hinabol ko yung promo code ko tapos mas napamahal pa ko. Sana sa Golden Crown na lang din ako bumili.

crzysxycl

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 42)
« Reply #569 on: April 05, 2018, 12:36:36 pm »
^hi sis. thank you sa reply. dami mo rin pala binili from klook. nagsisi nga rin ako, mas ok pa ata kung sa resorts world site ko mismo binili tickets, may free ez link card pa sana. itong sa HK namin isip isip pa muna ako. balita ko nga sa pex meron mga buy 1 take 1 sa klook, pag yun siguro baka iconsider ko pa, laking tipid kung sakali.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 42)
« Reply #570 on: April 05, 2018, 05:55:46 pm »
^May buy 1 take 1 ang Klook pero parang piso fare ang peg dahil agawan din.

foxlady

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 42)
« Reply #571 on: April 06, 2018, 07:48:56 am »
Day 4 Tuesday: Disneyland Day 1

Again, we had our breakfast at Jollibee hehe... then we headed off to Disneyland :)
Iniwan ko muna ang family ko sa park entrance and nag settle muna ako ng aming check-in sa Explorer's Lodge.  Bale on the 5th day pa ang check-in namin dapat sa hotel but since kumuha din ako ng park tickets from the hotel (discounted price for hotel guests), so sinettle ko muna lahat ng balances and all :)  Aside from the discounted park tickets, may 4 priority price tickets din kami for 4 main attractions (Iron Man Experience, Small World, Mystic something and I forgot the name nung isa pero sinakyan namin yun, it's like a roller coaster na made sa wood).

Nakapasok kami ng park at 10.30am and by the way, hindi allowed ang paggamit ng selfie stick inside the park :( hindi naman nila kukumpiskahin but remind ka nila na itago na lang.  Since we bought a 2-day ticket, so nag aksaya muna kami ng 2hrs para lang makapag pa picture kina Mickey and Minnie.  It was a sunny but breezy day so masayang mag stroll :)  I can't remember exactly ang sequence ng mga ginawa namin pero we left the park early, mga 5pm kasi last night na namin sa TST and we had to buy goodies for pasalubong pa.

Balik GC kami then sinamahan ako ng kuya and nanay ko na bumili ng dinner.  For dinner, nag take out na lang kami ng 3 orders ng fried rice (huge servings!) and 5 sticks ng tusok-tusok.. masarap yung lobster ball... solb na! sa sobrang mahal ng food sa disneyland, kailangang magtipid hahahaha!!!  bumili na rin kami ng pasalubong like cookies.. yung nasa latang bilog na cute ang mga designs hehe... mukhang napamahal kami sa binilhan namin kasi when I checked the website na nakalagay sa lata, sa Mirador Mansion lang pala yung bakery mismo and mukhang mas mura dun :(  Bumili din kami ng dried plums (champoy).

Pinauna ko na ang nanay at kuya ko na bumalik sa GC kasi bumalik ako sa subway para bumili ng tinapay na almusal namin bukas :)


to be continued...
« Last Edit: April 06, 2018, 08:04:26 am by foxlady »

crzysxycl

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 42)
« Reply #572 on: April 06, 2018, 08:01:30 am »
^^oo nga raw sis, agawan din tapos yung ba binebenta raw. sana makatyempo, matagal tagal pa naman alis namin. pag hindi makaabot sa sale, no choice hehe.
« Last Edit: April 06, 2018, 05:53:31 pm by crzysxycl »

omneecka

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 42)
« Reply #573 on: April 06, 2018, 11:34:15 am »
^Jenny's Cookies yata yan sis. sa ground floor ng Mirador Mansion ang store nila na daily may pila na i think scam na ang pila dahil for me, nothing's special with their cookies. feeling ko lang majority of those in the line is hindi naman talaga customers kundi pang-attract lang ng customers. feeling ko lang naman. hehe!

foxlady

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 42)
« Reply #574 on: April 06, 2018, 02:18:17 pm »
^Jenny nga sis :) hehe...

HIndi ko masyadong napansin sa Mirador.. baka close pa pag nagpupunta ako sa Money changer hehe... ang dami ko lang kasing nasasalubong during our stay in TST na sandamakmak ang dala.. na curious naman ako hehe.. for me, masarap naman ang cookies and oks na ring pasalubong :)
ang cute ng designs ng cans.. Christmas lang ang peg  ;D

dyeniramos

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 42)
« Reply #575 on: April 11, 2018, 12:12:07 am »
Hi. pa help po. first timer in HK with my daughter.Our arrival is almost midnight on May 17. How do I get to Tsuen Wan? Is it safe to ride a taxi? How much is the cost? Where do I change php to hkd? Is it best to purchase DL tickets via klook or direct sa DL? Appreciate your suggestions. Thanks

zieaja

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 42)
« Reply #576 on: April 11, 2018, 01:51:37 pm »
Hi! pasali po. First time po mag out of the country, kasama ko First Cousin ko. Birthday trip ko sana to, question po pag po ba sa immigration sabay kami ng cousin ko for interview? kasi same airline ticket and travel agency booking. TIA po sa sasagot.

obsessed143

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 42)
« Reply #577 on: April 11, 2018, 02:42:40 pm »
Hi. pa help po. first timer in HK with my daughter.Our arrival is almost midnight on May 17. How do I get to Tsuen Wan? Is it safe to ride a taxi? How much is the cost? Where do I change php to hkd? Is it best to purchase DL tickets via klook or direct sa DL? Appreciate your suggestions. Thanks

safe nman taxi dun sis and if you plan dun na magpaexchange, magpaexchange ka lang ng konti sa airport then compare money changer within your area kung sino may magandang rates. Or maybe try Czarina here ok naman rates nya. Meron din Czarina sa worldwide sila may pinakamagandang rates usd to hkd / php to hkd compare sa 1st na pinuntahan namin which is sa chungking mansion.

obsessed143

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 42)
« Reply #578 on: April 11, 2018, 02:43:38 pm »
and also regarding DL tix better book na sa klook mahal pagdun mismo sa DL

thistle_lilac

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 42)
« Reply #579 on: April 11, 2018, 07:27:28 pm »
how to pack vitamins and supplements po? okay lang po ba sa airport yan? di masisita? do I have to put those inside small ziplock bags and label them or kahit sa pill organizers okay na? or bring the original packaging talaga? malaki kase bottles ko ng vitamins....
« Last Edit: April 11, 2018, 07:39:20 pm by thistle_lilac »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close