watch now

Author Topic: Hong Kong Guide (Thread 42)  (Read 84658 times)

mysterioza_me

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 42)
« Reply #500 on: March 14, 2018, 05:19:02 am »
^Andiyan ka na pala sis. Enjoy kayo.  ;)
Oo sis nung Sunday kami dumating. Sobrang enjoy ng 10yr old ko kahit ang sakit ng mga paa namin. Nag-Disneyland kami kahapon and stayed until the night parade. Buti nalang talaga hindi kami umuwi agad, 5pm kasi tapos na kami mag-ikot and rides, 7:30pm pa ang parade. Umulit nalang kami sumakay sa mga rides na nagustuhan namin. Around 6:30pm naghanap na kami ppwestuhan para sa parade. Sa harap kami mismo nakapwesto, pinakain ko nalang ng ice cream and popcorn ang bata para di mainip.

evokezion

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 42)
« Reply #501 on: March 14, 2018, 10:01:28 am »
Thanks sis swt girl bee.. sayang nga.. kelan ba susunod na may holiday sa atin April or May? Nag check ako with PAL kaming 3 umabot ng P36k and with CEBUPAC mga P33k considering na combination of weekend and weekdays iyon then month of October or November

evokezion

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 42)
« Reply #502 on: March 14, 2018, 10:08:03 am »
San kaya magandang mag stay in TST? Iyong mura and kid friendly? Better kung may free drinking water na rin kase mahal nga tubig sa HK. Previously kase me and hubby stayed in Taisan Guest House (no breakfast dito that we have to go out) not sure though if okay pa rin duon. Thanks sa mag respond

mysterioza_me

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 42)
« Reply #503 on: March 14, 2018, 03:34:05 pm »
^Sa Hao?s Inn (Wonderful Inn) sa Golden Crown Bldg kami nagsstay ngayon. Very basic lang amenities pero malinis naman ang room. May naglilinis and pinapalitan towels everyday. May free water din. May isang guesthouse dun nasilip ko Yiu Fai ang name, may fridge and microwave sila sa reception area. Di ko lang napansin if may water dispenser sila. Maganda yung area since napakalapit sa mtr station, pag-uwi pa naman galing sa pasyalan pagod na pagod na kaya laking bagay talaga na malapit sa mtr station yung guesthouse. Recommended din dito sa GT yung Golden Crown mismo and mura din mga tickets nila sa attractions.

Ang lamig dito ngayon since umuulan-ulan. Pero ang sarap maglakad-lakad maski natulo sipon ko dahil sa lamig.

crzysxycl

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 42)
« Reply #504 on: March 15, 2018, 09:34:21 am »
^hi sis! anong floor yung hao's inn? dyan din sa gc yung yiu fai diba? nicheck ko site nila, mas mura sa kanila ang DL tickets ng HK$10 compared to golden crown. may i know ilan kayo sis? naghahanap kasi ako accommodation for 5 adults 1 child. thanks!

mysterioza_me

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 42)
« Reply #505 on: March 15, 2018, 06:58:58 pm »
^Same flr din sila ng Golden Crown. Paglabas mo ng elevator bubungad sayo yung signage ng Golden Crown, kumaliwa ka lang pagdating sa dulo ng hallway kaliwa uli. Makita mo na yung signage ng Hao?s Inn sa dulo. 2 lang kami ng anak ko. 2 single beds kinuha ko for us para tig-isa kami ng kama. Di masikip ang room for us, our luggage and bags. Yung restroom nga lang maliit, sakto for 1 person talaga.

Yung guesthouse pala na may microwave, small fridge and thermos (not sure if may free water since sumilip ako kahapon wala ako nakita sa reception) Wan Fai pala ang name. Same flr sila ng GC. Paglabas mo ng elevator sa 5th flr gawing kanan sila.

DL tix and Peak Tram sa Klook ako bumili?since may 450php off. OP tix sa GC ako bumili, 365hkd adult and 190hkd kids?ang layo ng price sa Klook
« Last Edit: March 15, 2018, 08:24:21 pm by mysterioza_me »

ubermame

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 42)
« Reply #506 on: March 15, 2018, 08:08:07 pm »
Hi...next month HK din kami. 4days 3 nights ang plan. Nagbooked ako ng 1night sa DL Hollywood hotel, maexperience lang ba :) ...pos sa Ibis HK central na yung 2 nights. Sa klook ako nagbooked ng DL park entrance. Gusto din ng anak ko mag ocean park at chocolate museum. Hindi pa lang ako makabili sa klook, kasi hinihintay hintay ko pa din ang weather forecast kahit 10days before kami umalis. Sa mga nagstay sa Central area, anong marecommend nyo na kainan? Mukang yun lang kasi mangyayari sa min...food trip kasi sobrang tamad ng mag-ama ko maglakadlakad  ;D Salamat.

oolong1

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 42)
« Reply #507 on: March 15, 2018, 09:39:38 pm »
Just got back from HK last Tuesday,  it was already my 4th time and this time i felt na mas na explore ko ang HK compared before. Hindi na ganon ka lamig,  sunday kami nag DL ang sakit ng mukha ko sa init dapat naka sunblock buti nlang medyo malamig ang hangin so hanap nalang ng masilongan. Nag AirBNB kami,  3bedrooms and sadly napagastos kami sa drinking water kasi wala sa apartment kaya pag may chance before going back pumupunnta kami sa Wellcom mas cheap ang water compared sa iba.  HK tourist spots are always very crowded but HK overall is very vibrant for me. Parang ang sigla sigla araw man o gabi

mysterioza_me

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 42)
« Reply #508 on: March 15, 2018, 09:50:47 pm »
We just got back from HK today. We stayed there from Mar11-15.

Day 1: Arrival
Checkin
Stroll within the vicinity of the guesthouse
Lights Off

Day 2: Ocean Park
Breakfast kami sa guesthouse since andaming dinalang food ng pinsan ko nung sunduin niya kami sa airport. Dinala namin yung pound cake and tumbler sa OP, nailusot naman. Yung iba nakita ko nakumpiskahan ng food. Bumili lang kami ng hotdog sandwich and meatballs sa OP for 70hkd, di sulit LOL. Bumili din ako ng coke float and paper straw binigay so yun di pa nakalahati yung float tunaw na straw.

Nalibot namin OP, 5pm tapos na kami. Naenjoy namin mga aquarium and ibang animal attractions nila. Konti lang nasakyan namin since extreme na sa kids karamihan. Cable Car, The Rapids, Rev Booster and Ocean Express lang nasakyan namin. Umuwi na kmi after and nagrest para magdinner.

Day 3: Disneyland
Medyo disappointed ako taghirap ata sila haha. First Time pins nila out of stocks. Walang warm/hot water sa faucet. Lamig ng tubig kapag naghugas ng kamay. Ang lungkot din ng food, di sulit yung price ng voucher. Mas mura price ng food na available compared sa klook meal voucher. Sana nagcash na lang ako. And also yun ibang tourists like Japanese (at may iba pa) na naghahanap ng guide map sa language nila pero out of stock daw according sa staff, English map na lang daw. Helpful ang guidemap. Swerte may Filipino and English map na available. Download the DL app so you can check sked ng shows and waiting time ng attractions. Di kami nanood ng shows, di interesado anak ko. Maski yung sa Jedi ayaw niya, nagpapic lang siya sa mga characters.

Around 5:30pm tapos na kami.  Inuuna namin yung maiiksi ang pila kaya mabilis. Normally ang mabilis na magkaroon ng queue yung mga attractions na malapit sa entrance. Nakaulit pa kami sa ibang rides. Around 6:30pm nagpunta na kami ng Main St at pumili ng perfect spot for the night parade. Ibinili ko nalang ng ice cream and caramel popcorn anak ko para di mainip. Ganda ng pwesto namin since sa pinakaharap kami, nakunan ko ng buo ang parade. Tuwang-tuwa anak ko.

May bad experience ako dito sa Pinay mismo dun ng pauwi na kami from DL. Nagpareload anak ko ng Child Octopus card niya. Dun ako nakapwesto sa area na tanaw ko siya. Nung turn na ng anak ko siningitan siya ng Pinay tapos may kasama pa palang 2 Pinay pa sa likod. Nagkumpol na sila kaya lumapit ako. Sabi ko ang kakapal naman ng mukha pati bata siningitan. So yun nahiya ata yung 2 na kasunod pinauna na anak ko.

Day 4: Peak Tram/Sky Terrace/Mongkok

Peak Tram- di ako nasiyahan maski anak ko pero for experience ok na din. Masabi lang na na-try namin. Buti na lang one-way lang inavail ko. Sa totoo lang mas naenjoy namin pareho ang bus ride pababa.

Sky Terrace- pag akyat ko yung feeling na ?eto lang yun? pero siguro baka sa gabi maganda dun dahil sa ilaw sa mga buildings. Medyo foggy nung magpunta kami. For me lang mas maganda view and instagrammable sa Old Peak Rd.

Mongkok
Parang divisoria siya. Nakakaenjoy sanang mag-ikot ikot kaso lang maulan nung magpunta kami. Nagmamadali kami kaya di nakatawad maigi. Baka lagnatin anak ko kapag tumagal pa kami. Nakakain din kami sa Jollibee dito.

Overall naenjoy ko naman. Wala naman perfect na adventure. Babalik pa din ako kung mabibiyayaan ng chance uli. Di ako nakapagfoodtrip since ayaw ng anak ko kumain sa iba except sa mcdo at jollibee. Streetfood lang natry ko: siu mai, shark fin soup, sugarcane juice.

Sorry ang haba
« Last Edit: March 15, 2018, 11:10:14 pm by mysterioza_me »

nataliaesperon2000

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 42)
« Reply #509 on: March 16, 2018, 05:47:54 am »
meron na ba fireworks sa disney

mysterioza_me

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 42)
« Reply #510 on: March 16, 2018, 06:02:57 am »
^Walang fireworks display since under construction pa din ang castle. After 5yrs pa daw uli.

hushush

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 42)
« Reply #511 on: March 16, 2018, 07:50:09 am »
^nyaaks! Totoo ba yun sis? Naku gusto pa naman ng mga bulilit na magDL ulit sa summer.. Gaano ba ang damage sa castle sis, makapagpicture pa ba nang maayos as background or may parts na tinakpan nila? iniisip ko punta na lang ng shanghai DL kung talagang gusto nila.. Para maiba din. 😬

Nakakadisappoint ang mga ganyang construction tapos hindi nilalagay sa website nila para di bumaba ang revenue nila... Like sa Universal studios nuon sa SG, yung main ride closed pala kasi under construction.. Laking disappointment ko hehe..

evokezion

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 42)
« Reply #512 on: March 16, 2018, 08:18:20 am »
Hi sis gtalkers. Ask ko lang upon payment to Golden Crown, do they issue receipt? Thanks much sa sasagot

mysterioza_me

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 42)
« Reply #513 on: March 16, 2018, 10:04:33 am »
^^Di makakapagpa-pic sa Sleeping Beauty Castle sis kasi may takip siya. Ang sabi matatapos daw by 2019 pero walang exact date. 5yr improvement plan daw kasi ang gagawin kaya baka after ng castle my ibang areas pa sila na aayusin. Kaya baka by 2023 na uli ang fireworks pero sana naman pagnatapos ang castle meron na uli.

Sana nga may discount na ang entrance fee kasi wala ng fireworks display lol.

oolong1

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 42)
« Reply #514 on: March 16, 2018, 11:54:01 am »
Yes, nakaka disappoint sa HK DL dahil walang fireworks, pinalit ba ang Nigh Parade? I was expecting bongga ang night parade kasi nga walang fireworks pero so so lang and wala din The Lion King nung pumunta kami kaya double disappointment. Pero [textspeak!] hindi din kami hihintay sa fireworks if ever meron kasi may phobia nephew ko sa fireworks. At mas gusto ko parin ang Golden Mickey and Waterworks parade noon vs sa mga pinalit ngayon.

for me, okay na di pumunta sa mongkok if di ka mahilig sa sneakers sobrang mahal don and mga stores meron din sa TST plus more. so I would rather stroll and shop sa TST. Pati mga ibang lahi nagreklamo din sa mahal ng night market sa mongkok.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 42)
« Reply #515 on: March 16, 2018, 01:09:55 pm »
^Ang alam ko sis dati pang may night parade bukod pa sa fireworks. Natuwa naman kami sa night parade lalo na anak ko. Tuwang-tuwa siya kay Lightning Mcqueen and dun sa truck. Pero nanghinayang ako talaga kasi wala ng fireworks. Wala din Lion King Show nung magpunta kami.

hushush

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 42)
« Reply #516 on: March 16, 2018, 02:19:40 pm »
^waaah!anubeyang DL na yan 5yrs pa matatapos ang repair/construction nun castle??yun na nga closest at cheapest DL satin dito sa asia eh.. Mas mahal ang ticket to japan or shanghai.. Unless naka-piso fare hehe.. Pero meron naman ata nyan sa Sokor sis. Bawi na lang kayo ni bagets sis.. Hay buti na lang nabasa ko mga gantong concern. Sayang mag-hk kung DL lang sadya hehe...

mysterioza_me

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 42)
« Reply #517 on: March 16, 2018, 06:12:24 pm »
^Yung castle daw sis by 2019 daw matatapos pero walang exact date. 5yr improvement plan daw kasi may i-aadd na mga attractions pa. Di din nila alam kelan uli ibabalik ang fireworks display.

mommy1st

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 42)
« Reply #518 on: March 17, 2018, 06:57:36 am »
Hi! Ask ko lang, will there be any problem if i use the credit card of my mom in booking and paying for hotels in HK and Macau? How's the weather by May 22-25? Thank u!

nataliaesperon2000

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 42)
« Reply #519 on: March 17, 2018, 07:13:56 pm »
mga sis can i bring my own bottle of water sa hk disneyland.. sa airport ba pwede din magdala kahit lalagyan lang ng water balita ko kasi mahal ng tubig sa hk lol

 

Latest Stories

Load More Stories
Close