watch now

Author Topic: Hong Kong Guide (Thread 42)  (Read 84696 times)

mysterioza_me

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 42)
« Reply #460 on: February 20, 2018, 10:48:41 pm »
^Thanks sis.

Meron ba nag-avail na ng admission+meal sa Ocean park via Klook? Sulit ba kumuha ng may meal voucher? Or may pwede ba kainan outside the themepark?

sixteen_16

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 42)
« Reply #461 on: February 21, 2018, 01:00:29 pm »
^ kumuha kami sis pero sana pala di muna namin inavail yung sa kids na meal kasi ang laki ng serving kaya di din naubos ng daughter ko food niya. Sa panda restaurant kami kumain at lunch na kami dumating. madami naman kainan sa kabilang side kung saan yung big rides..may mcdo pa nga ata dun kaso di na namin napuntahan

mysterioza_me

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 42)
« Reply #462 on: February 21, 2018, 06:01:41 pm »
^Ok sis. Thanks.

oolong1

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 42)
« Reply #463 on: February 24, 2018, 10:21:27 pm »
Kumusta na ang weather sa HK ngayon?  Will be flying in 2 weeks. Pwede na kaya cardigans o light jackets?

mysterioza_me

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 42)
« Reply #464 on: February 25, 2018, 12:34:31 am »
^Same tayo sis we will be in HK in 2 weeks. I asked my cousin if pwede na light cardigan or jacket since 17-24deg
na nakikita ko sa accuweather sa travel date namin. She told me to bring bubble jackets, neck warmer and bonnet pa din. Sabi niya iba daw ang lamig sa HK, hindi na single digit ang temperature by March pero grabe daw ang hangin, masakit sa ulo. And also kunwari 17deg ang temp pero ang real feel daw is around 13-14deg and sasabayan pa ng malakas na hangin. Advised niya is to layer our outfit para madali magbawas kung tataas ang temperature and madaling mag-add kung bababa naman.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 42)
« Reply #465 on: February 26, 2018, 11:42:30 am »
Sa Golden Crown kami magstay. Patulong paano puntahan via A21 bus from HKIA

Miss Taken

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 42)
« Reply #466 on: February 26, 2018, 12:42:23 pm »
^ Punta ka sa may Level 5 Arrivals sis. May mga customer service naman dun kaya ask mo na lang para hindi kayo mapunta sa ibang side ng aiport. Paglabas nandun na yung bus station nasa harap lang din mismo then makikita mo yung sign na A21 :)

Travel time that time from airport to Golden Crown is 45 minutes. Baba kayo sa bus stop no. 13 TST Station.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 42)
« Reply #467 on: February 26, 2018, 07:14:56 pm »
^Thank sis. Sana di kami maligaw, bata pa naman kasama ko.

oolong1

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 42)
« Reply #468 on: February 26, 2018, 11:24:14 pm »
Salamat sis at mag eempake na ako this week. Kaka excite lang ma experience ulit ang winter maiba naman dito sa pinas.  :)

mysterioza_me

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 42)
« Reply #469 on: February 26, 2018, 11:41:54 pm »
^Ako din sis itong week ko plan magstart mag-empake. Di pa kumpleto mga dadalhin namin, may mga need pa bilhin. Excited na kami. Tagal din namin hinintay at pinlano itong trip na to.

nataliaesperon2000

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 42)
« Reply #470 on: March 02, 2018, 06:58:09 am »
guys newbie po by june ba sa hk ok na ang weather i mean pwede ba nakashorts tee hee! and me kasama kasi kami nakawheel chair ok lang kaya yun i mean accesibble ba para sa kanila ang hk.. ok din po ba windland 800 hotel accesible po din ba sya sa public transpo salamat. nagcity tour po kami magkno po tip ang binibigay dun salamat ng madami ..

runbarbierun

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 42)
« Reply #471 on: March 02, 2018, 07:28:06 am »
^ June is mainit or maulan :P

Windland 800, I searched, is in Tsing Yi? Medyo malayo siya sa mga TST, Mongkok.. Mas malapit siya sa Disneyland/Airport. Personally, I wouldn't stay in the area.

amethyst028

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 42)
« Reply #472 on: March 02, 2018, 08:44:00 am »
^^june is mainit meaning maaraw siya pero hindi humid na gaya dito sa atin na malagkit ka na after mo gumala gala. Weird weather kasi maaraw tapos maya maya uulan tapos maaraw na ulit. So bring an umbrella to be sure pero huwag ka magpayong pag maaraw hindi uso doon yun. Hehe!

You can wear yung shorts naman huwag lang super ikli and don?t wear flipflops. I remember nagbaon ako ng flipflops kasi naka boots ako when i went to a conference there. After the conference gumala pa kame, i wore the flipflops and pinag ti-tinginan ako ng mga tao doon. They are all looking at my feet. I looked around walang naka ganon pati homeless naka rubber shoes sa kanila lol.   

mysterioza_me

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 42)
« Reply #473 on: March 02, 2018, 08:45:19 am »
Mainit ang June. Pwedeng-pwede shorts and sando (naka-shorts, sando and rubber shoes lang friends ko nung magpunta sila ng ganyang month). And true na tirik ang araw pero maya-maya uulan. .

foxlady

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 42)
« Reply #474 on: March 02, 2018, 10:30:38 am »
malapit na ang travel namin... :)  first time kong mag out of the country na may kasamang mga bagets... kaya may question is... ano ano kayang pwedeng over the counter meds for the kids?  My baby is 2 yrs and my nephew is 10 na.

1. lagnat - paracetamol (i have calpol na)
2. ubo - solmux syrup
3. sipon - oks ba neozep syrup?  hindi ko pa to natry sa baby ko e
4. diarrhea - just in case lang, i don't have any idea kung anong pwedeng ipainom.

I wanted to visit a pedia sana just to ask for this kaya lang.. ang hassle lang.. ang haba lagi ng pila sa mga clinis pag weekend :(


amethyst028

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 42)
« Reply #475 on: March 02, 2018, 04:51:58 pm »
^Gaano ba kayo katagal dun sis? I brought my son there 7yrs. Old siya that time. 5 days kame wala naman ako dinalang meds, multivitamins niya lang and celine. Pero nung andun kame lagi siya nadadapa kung saan saan kasi nakatingin ako naman busy sa pag check ng google maps kasi baka maligaw kame.

Mabilis naman makabili ng band aid pero yung gamot para sa sugat mahirap kasi puro chinese drugtore doon. Maybe just bring the basics pero malinis naman doon so no need to to worry about cough and colds pati diarrhea. Kung naka survive sila sa hangin at water dito makaka survive sila lalo doon. Hehe!

mysterioza_me

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 42)
« Reply #476 on: March 02, 2018, 05:44:30 pm »
Im planning to bring paracetamol, vit C, Katinko/Vicks vaporub and Salonpas

nataliaesperon2000

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 42)
« Reply #477 on: March 02, 2018, 06:56:45 pm »
thanks po sa mga sagot ang layo pala namin sa sibilisasyon lol ... naku pano kaya yun hand carry lang kami bawal ang payong dun di ba pag hand carry. atleast pwede shorts hindi bulky sa backpack hehe

swtgrl_bee

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 42)
« Reply #478 on: March 02, 2018, 10:24:12 pm »
Sis foxlady, lahat yan pwede. Nag-travel kami last year with my 7-year-old daughter. First OOC din namin yun. At madami akong dala dala kasi baka mahirapan kami maghanap ng OTC medicine doon. Pati vitamins niya dala dala ko Ceelin with Zinc, Cherifer Immunomax at kung anik anik pa mga medicine. Walang kaso yan. Pero naka check-in yung mga liquid namin kasi big bottles talaga.  ;D May dala din kaming Yakult.

1. lagnat - paracetamol (i have calpol na) - Yes
2. ubo - solmux syrup - Yes
3. sipon - oks ba neozep syrup?  hindi ko pa to natry sa baby ko e - Allerkid ang dala ko, pero dito kasi hiyang ang anak ko
4. diarrhea - just in case lang, i don't have any idea kung anong pwedeng ipainom. - wala ako nito  ;D

Sis nataliaesperon2000, pack light ang peg mo niyan kasi mainit yan.

det060403

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 42)
« Reply #479 on: March 02, 2018, 11:58:28 pm »
@foxlady - kami nung nagtravel ng matagal at malayo (local lang naman lol)  aside sa pinost mo i make sure may dala din ako na nasal spray, nasal aspirator, kool fever, thermometer. Regarding sa list mo, sa lagnat, Calpol din kami or tempra. Ubo/sipon, Allerkid (Cetirizine) lang for allergies or pagviral. For diarrhea, my emergency go to is GI Pro Tec or Erceflora and Oresol. Ask your pedia nalang about it para alam mo din ang dosage and pano painom sa age ni baby.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close