Author Topic: Manic-depressive illness  (Read 1196 times)

jonae85lin

  • Probationary
  • Posts: 1
Manic-depressive illness
« on: May 05, 2017, 01:50:35 pm »
Hello everyone, I take several exams on bipolar test. All the outcome of the test I tried are bipolar - manic-depressive illness. Hindi pa ako nakakapagconsult sa doctor dahil natatakot ako dahil baka lumabas na baliw ako o retard.

Ayaw ko mang aminin pero noong bata pa ako ay may nahahalata na ang ibang kamag-anak at kaibigan ko sa akin, minsan nahuhuli nila akong nagsasalita mag-isa o kaya nahahalata nila akong madaldal minsan tapos biglang tatahimik at mas gustong mag-isa. Akala ko normal lang sa akin yun hanggang sa paglaki ko.

Hindi ko alam kung saan nagsimula ang pagiging ganito ko. Ang alam ko lang medio magulo ang nanggalingan kong pamilya noong bata ako (ayos naman na ngayon), at muntik na rin akong ma-rape noon. Ang outlet ko lang ay makinig ng mga rock songs mag-isa at inom doon inom dito.

Aminado akong hindi ako open sa mga problema ko noong bata ako, dahil wala akong mapagsabihan kaya kinimkim ko na lang, pero ngayong nagkaedad na ay nasasabi ko na sa mga kaibigan ko. Ang problema ko lang minsan ay hindi ko ma-iexpress yung nararamdamamn ko kaya iniinom ko nalang o kaya nagpipinta ako. Kung tutuusin wala na akong ipag alala dahil buo naman ang pamilya ko at may mga mangilan-ilan akong friends na andyan.

Mangilan ngilan akong magdasal dahil naguiguilty ako at nahihiya kay God,  wala akong peace of mind, parang kung baga ako ang nagcreacreate ng sarili kung problema. Aminado akong may problema ako sa sarili ko. Minsan dumating sa puntong naka stare ako sading ding ng ilang oras at hindi namamalayang naiiyak na.

Pasensya na sa magulong letter...salamat.


NeilRudecat

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 155
  • The Truth on Informed Choice & Women Empowerment!
Re: Manic-depressive illness
« Reply #1 on: May 05, 2017, 02:10:07 pm »
Hmn, mukhang okay ka lang naman. 

Siguro mas okay kung aalisin mo o babawasan ang rock songs at inom.  hehe. 

Huwag kang mahiya kay God dahil iba ang level ng love Niya sa iyo...sa ating lahat.  Bet ko mas trip Niyang makinig sa mga nagi-guilty kesa sa mga makakapal ang mukha na mga feeling banal na nagse-serve sa simbahan.

Alam mo, ang isang therapy ay ang pagkanta.  Yung mga kanta na positive ha.  Yung mga tipong ♪♫Baby you're a fiirework ♪♫

Wala na lang inom.  Para fresh lagi ang breath habang kumakanta.  Pwede ka pang maka-duet sa love song...yung naglalapit na mga faces ninyo, ♫♪This could be the start of something new ♪♫
It feels so right to be here with you, oh ♫♪

Ang booring kung puro stare lang sa dingding ha.  Sing and dance tayo...para maka-burn pa ng calories :-)

Well, kung need mo talaga ng counselling, just let me know, may ire-recommend ako na affordable.  Baka, ang advice din sa iyo, matapos mo magbayad...eh mag-singing therapy ka...gumastos ka pa...parehas din pala ng sinabi ko sa iyo ng free.

:-)
(http://)

NonSane04

  • Probationary
  • Posts: 3
Re: Manic-depressive illness
« Reply #2 on: November 21, 2017, 10:19:45 pm »
Hi sis jonae85lin,

I am a diagnosed Manic-depressive bipolar. Ok first, hindi ka baliw or retard. It's a disorder just like OCD. Madaming nagkeclaim na OC sila pero never nila na-connect yon sa pagiging baliw or retard. And just like with any other disorder, it can be managed with proper medication and therapy.

Our symptoms are the same.
? sobrang hyper or daldal, life of the party and then biglang tatahimik na parang naubos yung energy ko. And then friends or family would think na something upsets me kaya bigla nagbago ang mood ko.
? mabilis magalit,  maiksi pasensya.
? I paint too! I write peoms and all artsy stuff. Apparently bipolars are artistic people. So wear it with pride.
? melancholic most of the time for no reason. Minsan paranoid lang na 'wait sobrang happy ko, something bad is gonna happen'
? insomnia, so this happens pala kase our brain won't shut up. Recalling things of what happened for the day, obsessing on what to do tomorrow. Or just whatever.

BUT these all changed when I consulted a Psychiatrist. Actually, hindi lang ako sa isa nagconsult, syempre like any other illness, I needed a second opinion. But results were the same.

Ang pinaka na-appreciate ko because of my diagnosis is yung sleeping habit ko. Before, I average 5 hrs a day lang. Kahit gaano ka-exhausted,  kahit gaano kaaga humiga, hindi ko mapilit makatulog. Dapat daw in 15 mins nakatulog ka na, ako ata before medication more than an hour bago makatulog.

So please, consult a Psychiatrist. Do not be ashamed, do not fear. Magaan sa pakiramdam kapag hindi ka na depressed, kapag di ka na paranoid, kapag hindi ka na palaging galit. Masarap ang may peace of mind.

Tell me once you're decided, I can refer you to a good doctor.

Good luck and God bless.

 


Latest Stories

Load More Stories
Close