watch now

Author Topic: Ladies,what is your thoughts when you found out na may nakatulad kayo na damit?  (Read 8470 times)

red_one

  • Guest
Please share your thought. Do you find it annoying? Funny? Or deadma lang? Kasi in my case parang napapadalas na yata na may katulad ako ng damit with my officemate. Pero hindi ko intention na gayahin sya, nagugulat na lang ako na meron din pala syang ganun damit. Kaso baka isipin naman nya na sya ang ginagaya ko...

RoadrunnerXCX

  • Guest
napakadalang ng instances na may nakapareho ako ng damit pero kapag may ganong instances hindi naman ako naiinis... naiisip ko lang hindi na ako bibili ng damit sa binilhan ko ng damit. siguro sa case mo nakaka annoy talaga lalo na kung sa office tapos palakad lakad kayong dalawa sa office pareho kayo ng damit. 

lonely_dad

  • Guest
nangyari sakin ito college days ko pa, nasalubong ko sa stairs paakyat ako papuntang class parehong pareho kami ng tshirt pati color and design  ;D

yannuh

  • Guest
sobrang rare pero if mangyari, dedma :) di ko ikamamatay kung meron akong kaparehang damit haha

Shadow Angel

  • Guest
One thing for sure pareho kayo ng taste sa damit. Never pa nangyari sa akin na may kapareho ako damit sa office or friends except na lang siempre sa company activities na kailangan naka uniform ang suot.

missreese

  • Guest
thrice to nangyari saken hahaha...
1st nakasalubong ko pauwi na ko siguro siya papasok pa lang ng office - okay lang ako dedma
2nd same kami damit, same event kaya nawalan talaga ako ng gana kasi dami nakapansin e.. kaya umuwi nga ako agad nun
3rd  sa EO shop, dedma kasi di ko naman kilala at nakalabas na din.

siguro dahil sa mahilig ako bumili sa tiangge kaya ganito haha.

young_maiden

  • Guest
Deadma lang. Hindi naman niya kasalanan kung nagkataon lang. Kung sinadya man ng tao gayahin ako, iisipin ko na lang idol niya ako. :-D

TysLolakins

  • Guest
no biggie.  the question should be,  'who wore it better?'  yan dapat.  just kidding.
anyway,  like it said, it's not a big deal.

tomatostellar

  • Guest
Hindi naman sa damit, but sa ibang gamit and ayos ~ bag, hair color, may nakaka tulad din ako sa office.I don't like din, pero ayun nga baka sadya same taste.
Kebs lang. Alangan naman di ko gamitin por que may katulad.




shinies

  • Guest
"Sasayaw" ;D

Pag mga ganyan natatawa ako at gusto magpapicture kami tapos yun lagi caption :D Pero sobrang dalang lang nito mangyari sa akin..

The Lioness

  • Guest
Happened to me back in college, wash day. cutiepie yung prof namin. sinadya ko magpa late for a grand entrance. tapos naupo ako sa likod. kaya pala mejo maingay yung mga nasa unahan, dahil may kapareho akong damit. awkward actually. so after class, umuwi agad ako at nagpalit ng damit.

one time din, naghihintay ako ng cab. i saw this girl staring at another girl who was walking away. apparently, pareho sila ng dress ng girl. no wonder she was looking at her from head to toe. funny actually, mej naka relate ako. but must have been worse for her.

twelvth_goddess

  • Guest
Very rare naman nangyari saken na may kapareho ako at the same time. During that one occasion, ok lang naman kase maganda si girl na kapareha ko haha. Minsan I see girls who have the same dress/blouse that I have pero hinde naman namin sabay suot. Ok lang naman, I couldn't care less. It's not like I my clothes are custom made for me.

D4thAngel

  • Guest
Medyo awkward when it happened to me. Mas nailang ata yung kapareho ko kaya nag blazer agad sya.

DeathToMondays

  • Guest
Nothing. I have bigger things to worry about.

stebsy

  • Guest
If friend ko yung kapareho ko ng damit keribels lang. Tatawanan. Kapag hindi ko knows si ateng, lalayo siguro ako ng konti HAHAHA. So far it hasn't happened to me yet but yeah, it must be awkward.

drag0nfly

  • Guest
Saken ok lang kasi depende naman yan how you style yourself even with the same pieces.  Kaya dapat laging with confidence ang arrive mo  ;D 

mimiku

  • Guest
I remember sa graduation ko ng college, as in parehas kami nung isang Psychology graduate. Huhuhu. Super not nice ang feeling ko noon siguro dahil immature pa. May halo ring hiya. Of all occasions, dun pa ako naranasan magkaparehas kami ng damit sa mismong graduation namin.

hushush

  • Guest
Nangyari to sakin nun Junior high pa. JS prom syempre pink ang motiff.. Ang masakit nito kapitbahay ko pa yun nakapareho kong damit. Prior to that, nag-usap pa kami. Mananahi kasi ang nanay nya. Then yun nanay ko ayaw patahi sa nanay nya kasi di daw magaling. Then nung nagkekwentuhan na kami, dinedescribe nya kung anong print nun tela na tinatahi ng nanay nya. Then isang store lang yun pinagbilihan ng nanay ko at mama nya. Then nakutuban na ako na baka nga magkapareho kami.. Hehe. Ang mali ko lang di ko kasi tinignan yun tela nya hehe. Kaya nun mismong prom. Kaboom talaga as in! Naging tampulan kami ng tukso nun para daw kami kambal kaya nilalayuan ko talaga sya.. Ang lamang ko lang mas maganda ang design at pagkakatahi ng dress ko at napili pa ako as one of contestants sa "Queen of the night". :D :D

ArfMeow0101

  • Guest
Dedma lang. Nasa pagdadala naman yan eh.

Ms. Undecided

  • Guest
nangyari na sakin, hahaha sa anak ng boss ko. Di naman parehong-pareho. Yung square pants, diba uso yun. Well, nauna naman talaga siya nagkaroon nun, since uso, bumili ako, bet ko kasi yung black and white na vertical. Ganun din sa kanya pero may pagka shiny yung kanya, basta can't explain, pero sa unang tingin, aakalain mong pareho. Bumili ako nun pero tinataon kong suotin kapag wala siya sa office which is Saturday para di kami magkapareha. Kaso one daya naubusan ako ng susuotin, so sinoot ko kahit weekday siya at ayun, ganun din soot niya. hahaha. Parang sa loob pa naman kulo nun, baka isipin ginagaya ko siya hehe

 

Latest Stories

Load More Stories
Close