watch now

Author Topic: President Digong Administration 2016-2022 Thread 3  (Read 68648 times)

janachen

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 3
« Reply #180 on: September 11, 2017, 09:58:21 pm »
^^^ Madaming pasaway na pulis. Naku sana unahin na lang muna ang mga pulis

springblossom

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 3
« Reply #181 on: September 12, 2017, 07:32:30 pm »
i support the war on drugs but it doesnt mean, ok lang yung mga abuses ng mga police. last time i checked, kinakasuhan naman yung mga pulis na abusado. wala nga lang media coverage kasi mas gusto ng media ipalabas interview nina trillanes, risa, pangilinan LOL.

and when you declare war against druglords, expect a bloody battle. sa tingin nyo, susuko na lang yang mga yan na ganyan lang. hello, wala tayo sa probinsyano the teleserye. when parojinogs were raided, my initial reaction was, fake news ba to? because these people were untouchables for years. nagtataka nga ako how come these people bakit hinde nakukulong kahit common knowledge naman sa buong lugar nila na mga druglords sila. kawawa lang yung mga mahihirap kasi sila ginagawang runners at frontliners kaya sila laging nauunang mahuli or mapatay.

i was in the philippines for a month and in one of the Masses i had attended, the priest read a letter from the CBCP regarding the death of kian. i felt sorry for kian and i strongly agree that those policemen should get punished (the PAO is working on it, i think). but to say that we are now in culture where we are tolerating death and violence towards the poor, parang OA naman masyado and a distorted picture of what is really happening in our country  and again, an exploitation of the "poor" mentality. i would have wanted to ask the priest, if indeed the Catholic Church is for the poor, bakit andaming poor sa pilipinas? hinde naman yan sila naging poor lang noong 2016.

yung mga vocal na critics kasi ng gobyerno ngayon, ramdam ko kaplastikan nila eh. now pa sila naging active. sana kung noon pa sila naging pro-poor and anti-violence, hinde na sana namayagpag ang droga sa pilipinas at hinde na sana natin kelangan war on drugs. kaso sila mismo, mga political leaders and government officials ang mismong nagpalaganap nito. ngayon pa lang sila maingay eh hinde naman siguro lumala ang drugs and crimes sa bansa natin kung sa simula pa lang, ginawa na nila ng maayos trabaho nila. akala naman ng iba, madaling kalabanin ang drug syndicate at terorista at kahirapan sa pilipinas.

three8one

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 3
« Reply #182 on: September 12, 2017, 07:49:37 pm »
^ +1 sa taas ko..

dagdag ko lang, ngayon lang ako nakakita ng gobyernong sobrang bumatikos sa nakaupong pangulo at pamamahala nito. sa mga previous presidents  mga comedienne impersonators lang ang may lakas ng loob na bumatikos at mag pahaging sa kanila..

springblossom

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 3
« Reply #183 on: September 12, 2017, 08:08:14 pm »
i backread some of the posts, andami ko kasing na-miss na posts.

EJK. geez, before natin gamitin ang word na EJK, we should understand what this word is, paki research nalang kasi ilang beses na din yan naexplain ng mga bloggers. even before duterte's presidency, may EJK na but without the exaggerated media mileage. drug-related deaths/violence have increased because the operations against illegal drugs have increased. domino effect. consequence ng isang action. tapos bakit puro mahihirap lang ang napapatay. eh kasi po, yung mga big-time druglords, pinaglalako nila ng mga drugs nila yung mga mahihirap. yun din ang ginagawa nilang adik. i seldom see druglord's sons/daughters whose addicted to drugs. most of them live a pampered and protected life.   what an unfair world.

our PNP did not have the authority to just kill anyone. ilang beses na yan sinabi. ang sinabi sa kanila is kung nanlaban at endanger ang buhay nila, they should protect themselves first. for those people na hinde naniniwala what these drug personalities are capable of, sumama po kayo minsan sa isang police operations. baka gusto nyo rin maexperience yung totoong nanlaban na kriminal. problema kasi, nagri-rely lang tayo sa mainstream media. may mga police din na napapatay during legitimate operations pero hinde masyadong ginagawan ng drama. mas gusto nila gawing drama yung isolated cases na ginagawa ng mga abusadong pulis kaya tuloy misinformed ang mga pinoy. akala nila yun na yung norm.

and please, the number of drug addicts/pushers who surrendered and are alive are much, much greater than those who died. and i agree, our PNP and even AFP need to be overhauled. andami pa ding ninja cops.

stormy

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 3
« Reply #184 on: September 29, 2017, 08:28:44 am »
Nakakairita kasi si Trillanes atbp personalities na nagsasabi ng mga dapat naman talaga sabihin against sa administrasyon.

Ayun nga lang, kahit mali nagiging tama dahil mas nakakarelate mas nakakaraming pinoy sa istilo ng mga propagandista ni PRRD.

Uso na talaga "davao group" sa mga ahensya ng gobyerno. Mga siga e. Akala komo friend sila ng friend ng friend ng presidente e pwede ng mankorup.

Realidad na nangyayari yan, may nagrereport rin kaso sopla kasi nga ang susumbungan e friend naman ng friend nun friend ng presidente.

Yaan ang mahirap kapag puros friends. Ganito na nangyari sa panahon ni noynoy ganun pa rin ngayon, iba lang ang players.

Kaya puros patayan, para nandun ang focus at para maingay may distraction.

Tindi na ng double standard dati sa panahon ni pnoy e naku mas lalo ngayon. Pati SALN e iinvoke ang data privacy law.

Sana dyan gamitin ni PRRD galit nya, kutusan nya mga tao nyang mahilig bumoka pero ayan SALN lang daming arte. At syempre pa, may "magandang" depensa na naman na ang logic e mala-mocha uson.


springblossom

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 3
« Reply #185 on: October 01, 2017, 01:48:29 pm »
^sis, no offense ha, but can you please make me understand your post better? saang banda nagiging tama ang maling accusations ni trillanes? or you're not referring to trillanes' accusations here, right?

and last time i checked, kahit mga appointees ni duterte, natatanggal or nagri-resign pag na-involve sa corruption.

i really suggest we research more about all our facts. wag agad maniwala sa mga mainstream media or bloggers. we have to double check the news and their posts. we have to check what's really happening on the ground. kung may time, mag check kung ano nga procedures or nangyayari sa iba't ibang ahensya ng gobyerno. i happened to process may father's death certificate when i was on vacation. naki tsismis ako sa mga taga city hall and really, good change is happening. bawal na kutong, bawal na hinde ka asikasuhin. or baka sa city hall lang namin din noh? last january, i also went to POEA and OWWA and i was telling the clerk, ambilis nyo ngayon ah. sabi nila, duterte na daw kasi. when a friend renewed her driver's license recently, sabi nya, wala pang one hour nakuha na nya. and yeah, hinde ko na kelangan kumuha ng OEC.

very recently, during my vacation too, wala akong nabalitaang na-salvage or nanakaw na motor. unlike with my previous stays in our place. i have a batchmate in our city police and he claimed that there is really a significant decrease in petty crimes at nagtatago ng mga pushers and drug users, unlike before na lantaran, na ikaw pa iiwas. or maybe its only in my city too because we have martial law?

nakakalito kasi mga balita sa tv. puro mga namatay sa drug operations but walang balita sa mga DOH and DSWD programs for those who are alive and surrendered voluntarily. I know for a fact meron mga ganung programa ang gobyerno. our government is not perfect as in sobrang laki pa din ng kakulangan but i want to believe they're getting there. I have friends and relatives working in the government. sa PNP, AFP, DOH, city hall. ang common reklamo lang nila is, bakit ang sa sundalo at pulis lang ang may taas sa sahod? what about the public school teachers? which is true. what about our public school teachers? i understand the need to strengthen our police and military force, pero sana mabigyan pansin din ang ating mga guro. pero maybe because of the free tution fee, mahihirapan na din silang magtaas ng sweldo?
« Last Edit: October 01, 2017, 01:55:52 pm by springblossom »

yelle

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 3
« Reply #186 on: October 02, 2017, 09:58:39 am »

^kaya ako I don't listen/watch mainstream media news anymore halata ang bias eh. Maraming magagandang balita o mga nangyayari sa gobyerno ngayon pero hindi nilalabas sa mainstream media, instead mas binibigyan nila ng importansya yung mga allegations ni Trillanes et al na wala man lang evidence. Yung ibang kritiko kasi gusto agad agad parang magic, naku naman, isang taon palang pero may mga reforms na nangyayari sa ibang ahensya ng gobyerno.  Dumadaan tayo sa cleansing process ngayon kaya talagang masalimuot yan.

^sis dun about sa increase ng sweldo ng mga teachers minsan na mention ni prrd yan sabi niya hindi pa kayang pagsabayin lahat, kasi kahit sa health sector like nurses humihingi din ng increase.   

janachen

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 3
« Reply #187 on: October 02, 2017, 12:14:24 pm »
^^Gusto kasi ng mga iba ora mismo.. Pati pagtaas ng sweldo ng manggagawa gusto isabay.

Mali lang kay PDuterte nagpromise, Tsaka kaso ang apektado kasi kompanya. So kung gusto ng mga tao dagdag  sweldo, bawas emplyado ang gagawin na nila which is naiintindihan ko ang point ng mga may-ari ng mga companies.

Eh mukhang kailangan ng mga oposisyon na presidente eh superman.

springblossom

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 3
« Reply #188 on: October 02, 2017, 12:45:54 pm »
yeah, same with contractualization. it's not easy for private companies to comply with this, seriously. tapos, mas strikto pa taxation ngayon. mahihirapan talaga mga private companies pero i guess, sa haba din ng panahon na inabuso nila yung law parang masasabi mo din sa kanila na they deserve it.

gusto ko din sana na wag na nyang patulan si trillanes. we all know this guy is one big liar. ang problema kasi ni trillanes, iniinterview ng media. kung hinde mo sasagutin thru media, parang assumption ng public tama sya LOL. like the total amount of transactions hahahaha! pero mas maigi ng wag na nyang patulan talaga kasi most of the time, yung words nya ginagamit ng media against sa kanya. ambilis pang kumalat! parang nagpi-fiesta ang rappler at inquirer LOL.

three8one

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 3
« Reply #189 on: October 02, 2017, 03:20:56 pm »
tataka lang talaga ako sa mga critics ni PDU30, kakasuhan na sya ng kakasuhan at gusto madaliin yung ikakaso sa kanya. eh pano naman yung mga pending cases ng mga nakaraan nakaraan nakaraan pang mga administrations? wala na lang yun? at kung hearsay lang naman, bat pag ang LP ang may mga hearsay cases walang pumuputakting agresibong politiko at media?

yung ginawang pagpatay ng pagpatay daw kuno ni PDU30 ang gusto ikaso pero may napaunod akong post sa social media about hacienda luicita massacre grabe ang nangyari, kahit yung videos sa mamasapano pero hindi naman ata lumabas sa main stream o kung lumabas man edited na at hindi man ata tumagal ng 1 week sa news feed.

nagtataka lang.....  ;)

yelle

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 3
« Reply #190 on: October 26, 2017, 12:27:26 pm »

dismembered

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 3
« Reply #191 on: December 20, 2017, 01:32:37 pm »
Naipasa na ang TRAIN. Finally, nagkaroon din ng balls ang government natin para galawin ang income taxation. Sobrang bitter ko kung bakit maliit na nga pasweldo sa pinas, ang taas pa ng tax compared sa neighboring countries given na hindi rin naman ganun karamdam ang pinagkakagastusan ng tax.

stormy

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 3
« Reply #192 on: January 10, 2018, 09:50:15 am »
Yaan problema pag propaganda malakas, sinasamantala.

Dami pa rin corruption ngayon ah, kung nakikipagtransact kayo sa government offices or may negosyo kayo mararamdaman nyo nyan.


Kahit kaibigan? Kahit kamag anak?

Paisa isa lang yan natatanggal lalo na if ang nagsumbong e mas kaibigan at mas malapit na kamag anak.

Sana talaga mas mapagtuunan ni PRRD mga nabigyan nyan ng posisyon dahil nangampanya sa kanya at kaprobinsya nya. Yaan ang dapat nyang tutukan dahil sila ang simpleng corrupt.


Daming consultants ngayon sa ibat ibang ahensya ng gobyerno balik sa dating gawi at para-paraan lang. 15-30 lang. Kumukubra ng pera sa ahensya ng gobyerno kahit wala naman silbi.

Sabi ni PRRD hindi siya mag aappoint ng may kaso, wala rin hindi rin natupad.

Lawakan naman ang isip. Sabagay may pag asa pa ba ang bansa natin? Kung mag isip napaka regionalistic. Taga davao, bisaya, tagalog, o d kaya kulay ng politika, dilawan ka pag may masabi ka na kritisismo sa administrasyon ngayon, makakakaliwa etc.  lagi na lang na na gusto patalsikin ang presidente? Ito na lang ba lagi ang rason kapag sobrang bastos na ang sagutan?

Ngayon e pag siga sumagot e sasabihin nagpapakatotoo. Walang kinakatakutan kasi basta nasa tama raw, basta hindi nagnanakaw. Kanino bang definition yun tama? Yun hindi magnanakaw? Dun sa taong siga?

Hindi como hindi milyon milyon ang involved na pera, hindi bilyon ang kinukurakot e ibig sabihin na hindi na corrupt, na hindi na magnanakaw.

Siguro naman may nagmomonitor mga ganitong fora na tao ng presidente. Tingnan nyo rin mga cash advances at liquidation, reimbursements, mga projects, mga consultants. ibang opisyales ngayon nakakapagtaka hindi pa inaatake sa puso sa dami ng pagkain na kinain sa ibat ibang restaurants. Yaan usual ngayon pang liquidate, resibo sa pagkain.

Akala ko ba susunod kayo sa yapak ni PRRD na maruya lang merienda at sa karenderya lang kumakain ng meals?

Ang iingay at sisiga nyo pa pag nasa mga mamahalin restaurants kayo, sabay sa resibo ipapalagay nyo pangalan ng ahensya nyo.


Edited to add: btw, laging facts checked bago ako magpost. Hindi ako mahilig sa fake. At obviously hindi ako dilawan.

Point ko? Andyan na nga si PRRD pero ang lalakas ng loob pa rin magnakaw ng tao. Kasi baka tao nya. Alam ugali at style nya kaya nakakalusot kasi alam paano sya hilutin at hindi nya madetect.

Kaya mas pagtuunan nya ng pansin. Mas ilabas ang tapang sa mga ganyang mapagsamantala.




« Last Edit: January 10, 2018, 10:35:04 am by stormy »

dismembered

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 3
« Reply #193 on: January 11, 2018, 06:35:11 pm »
Quote
Andyan na nga si PRRD pero ang lalakas ng loob pa rin magnakaw ng tao. Kasi baka tao nya. Alam ugali at style nya kaya nakakalusot kasi alam paano sya hilutin at hindi nya madetect.

Sumbong natin. Mabuting maging vigilant tayo sa mga ganyang bagay. Alam ng lahat kung gaano kalaking kalokohan ang gobyerno ng bansa natin kahit dati pa. Pero sana ganun din sana kalawak ang pangunawa natin para malaman na hindi lahat maaayos lahat ng reklamo ng tao ng isang bagsakan lang. Hindi mo maicocompare ng black and white lahat ng bagay, but then makikita mo ang mga pangyayari ng pagbabago kung titignan mo ang difference from time to time. Kung nakapagtyaga nga tayo sa mga nakaraan, bakit hindi natin mapagtyagaan at mapagbigyan ng pagkakataon ang meron ngayon? Besides, kahit sino i-appoint ng presidente, hindi rin naman sya ang may control ng lahat. Marami rami na syang inappoint na denied naman sa COA. So mahirap ipasok ang 180 degree na pagbabago unless gibain mo ang current system ng government.

Quote
Kaya mas pagtuunan nya ng pansin. Mas ilabas ang tapang sa mga ganyang mapagsamantala.

Baka maubos na ang tao sa gobyerno pag nangyari yan. Then pag naubos tao sa gobyerno, babagsak ang economy. Sino ang masisisi sa huli? Oh well. Yana ng pinaglalaban ng REV GOV. Start from scratch sana, pero wala... Mahirap mangyari yan at in the end, baka mas mapasama pa.


kvandenhaak

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 3
« Reply #194 on: January 11, 2018, 11:06:30 pm »
Ang hirap maglinis. He can't do it alone. He needs everyone's help.

tischarmedlife

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 3
« Reply #195 on: January 11, 2018, 11:41:40 pm »
^ I agree. Kahit anong linis ang gawin ni PDuts, kung kurakot ang mga tauhan at may nangungunsinti sa mga under the table, wala talagang magbabago. We all should contribute. Wag iasa sa pangulo lang.

Shadow Angel

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 3
« Reply #196 on: January 11, 2018, 11:49:33 pm »
I'm so disappointed kay Digong isa pa naman ako sa nagsabi sa family no na iboto sya. Hindi ko alam kung sobrang taas ng expectations ko sa kanya o talaga wala naman syang nagawa puro pasiga effect at palaban. Makikita ko pa sa mga news feeds and comments ng mga tards nya over ipagtanggol hindi nakikita kung anong kulang sa presdente. Wala na bang pag asa ang Pinas? Wala siguro makakapagbago sa pinas kundi mga mamayan mismo majority kasi walang disiplina, corrupt minded pag nasa pulitika kulang sa edukasyon sa maraming bagay. Lalo na mga kabataan ngayon karamiham mga comments sa internet mga bastos. Ano bang significant na nagawa ng president mula umpisa puro patayan lang nakikita ko sa news. O talaga negative lang nakikita ko? Napapaisip pa ako pamilya nya nga magulo hindi nya madisiplina mga kamag anak nya mga mamayan pa kaya? Dinadaan nya sa takot pero mga anak nya din nya magawa disiplinahin or matakot sa kanya. Bastos mula sa lolo hanggang apo may ugaling magaspang na palaban sa magulang.

marge070407

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 3
« Reply #197 on: January 12, 2018, 12:20:17 am »
okay naman sa akin si Digong ang ayaw ko lang yung mga tauhan niya na tumulong sa eleksyon binigyan niya ng posisyon kahit mukhang mas may qualified pa sana. Nakakaloka! Cesar montano, mocha uson, alvarez, farinas, dino, aguirre, etc.  Yung iba mas feeling entitled at  powerful
pa sa kanya tulad na lang ni Rudy Farinas na bagay sa pangalan niya ang rude hehe.  Ayaw magpahuli sa MMDA. Kung ano ang ikina-humble ni Digong ganun naman kayabang ang mga alipores niya.

stormy

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 3
« Reply #198 on: January 12, 2018, 07:41:32 am »
Naisumbong na mga yan, namamayagpag pa rin.

May kaso na nga iba dyan bago naappoint kaso kasama sa kampnya kaya ayan.

Dapat talaga marealize ni presidente na hindi lang sya dapat matapang sa mga negosyante na inayawan nya campaign contribution dahil ayaw nya magka utang ng loob.

Gamitin rin nya same principle sa mga nangampanya sa kanya kahit kaibigan pa nya.

Kaya sipsip kasi nakikinabang sa presidente.

Yaang patravel travel hindi rin sa sobrang dami ng travel dapat magreact lang, Check rin yun opisyales na wala na ngang silbi sa ahensya, tipong ni hindi alam function ng opisina, e kahilig pa magtravel. Ginawang staff mga kamag anak gaya ng asawa, kapatid, pamangkin, kabit atbp. Tapos yaan ang kasama sa travel.


Paano nga ba magsusumbong if ang susumbungan kagrupo rin nun isusumbong kasi sila yun magkakasama nun kampanya? Sila rin magkakasama sa mtg nila sa malacanang?

Simpleng krimen hindi sinusumbong kasi andyan ang takot na bubweltahan lalo na siguro pag ang siga ng isusumbong. Lalo na kung lulusot lang gaya ng ginawa ni cesar montano, may pera na raw dati pa so hindi na magnanakaw pa. Ano bang logic yan?

Ayan, sinumbong wala rin nangyari. Sana inimbestigahan muna bago magsabi na walang mali na nangyari.

Wala e.

Sana naman hindi na maulit yang mga nangyari sa panahon ni Pnoy nang dahil dyan sa mga inappoint nya. Matinik pa naman din si PRRD.

marge070407

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 3
« Reply #199 on: January 12, 2018, 08:22:25 am »
korek sana wag namab gumaya sa previous administrations kasi kahit gaano kapa kagaling at katino na presidente kung walang kwenta mga alipores e wala rin mangyayari. Yung mga alipores niya lang ang magpapabagsak sa kanya.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close