watch now

Author Topic: President Digong Administration 2016-2022 Thread 3  (Read 68696 times)

springblossom

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 3
« Reply #100 on: August 08, 2017, 02:26:04 pm »
^sis, thank you for sharing the links. indeed, bumaha ng good news nung weekend hahahaha! akala ko talaga yung free tuition hinde mapipirmahan. ilang taon na yang naipasa di ba pero laging nasi-set aside.


argento

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 3
« Reply #101 on: August 14, 2017, 02:56:29 pm »
akala ko talaga yung free tuition hinde mapipirmahan.

kahit hindi pirmahan ni du30 yun magiging batas yun wag lang iveto.

ang tahimik ni du30 sa customs issue dapat nagmumura na siya dahil drugs ang involve

tischarmedlife

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 3
« Reply #102 on: August 15, 2017, 03:07:05 am »
^ Digong could be up to something kase hindi yan normally tatahimik. For sure, inaalam na nya ano ang puno't dulo ng 6B drug shipment na yan. Baka lumapit na sya sa China to get a copy of the statement nung mga apprehended na Chinese. Abangers lang muna ako.  ;D

mistletoe0604

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 3
« Reply #103 on: August 16, 2017, 05:11:06 pm »
I saw this thread while browsing through the site. Nakakatuwa naman that a lot of you are supporting the President. I was born and raised in Davao kasi but I had to move to different cities for work. Growing up, I've been really in awe of our Mayor. He has done so much for our city and I know that he will do his best to fix this country. He could have chosen to retire and spend his time with his family but he rose to the challenge of the Presidency. Kaya nakakapanginig ng buto yung ibang politicians (Hello Trillanes & his ilk) who are stirring up trouble and doing their best to derail the President's plans and visions for the country. Hay.
And it's so sad that Sec Judy Taguiwalo was rejected by the CA. I hope they publish a list of the politicians who voted NO so we can get our revenge come election time.

izabelle

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 3
« Reply #104 on: August 19, 2017, 03:29:56 am »
I voted for him and I support most of what he wants for the country but there are some things na hindi ko mapigilan sarili ko to be sad.

I know this is not his fault but sometimes yung pag encourage nya sa mga pulis, hindi nagiging maganda ang effect sa iba.

Like what happened to the 17yr old boy sa Caloocan http://www.ibtimes.co.uk/philippines-demands-justice-kian-17-year-old-boy-shot-dead-dutertes-war-drugs-1635581 Kesyo nanlaban daw at nauna magpaputok ng baril pero iba sinasabi ng witnesses at iba ang nasa CCTV.

Imagine if this boy is your child or kung sa anak natin mangyari, sobrang sakit nito. Life is so precious para lang mawala ng ganito.

I know na bloody talaga ang war on drugs and kasama ang mga ganitong bagay pero still, every time nakakabasa at nakakapanood ako ng mga ganito lalo na yung mas younger pa dito na nadadamay or naabuso ng mga pulis, my heart breaks into pieces.

Ang hirap ijustify palagi or maghanap ng dahilan sa mga patayan. I mean, so easy to say, "kasama yan sa war on drugs" etc etc. simply because hindi tayo ang namatayan ng pamilya or anak.

argento

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 3
« Reply #105 on: August 19, 2017, 02:18:22 pm »
duterte is responsible for Kian's death. justice must be serve. napakasakit nito sa parents niya lalo na sa mother. puro patayan na lang

tischarmedlife

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 3
« Reply #106 on: August 21, 2017, 12:11:33 am »
I beg to disagree. Hindi naman lahat dapat isisi kay Pres. Duterte. Kung yung mga nakaraang administrasyon lang sana, hindi pinabayaan na lumala ang problema sa droga, edi sana di ganto karami ang drug addicts, hindi rin ganun kalakas ng demand para sa shabu edi walang magtutulak. Sana same yung outrage sa bawat isang tao na napapatay din ng mga addicts: yung pamilyang minasaccre sa Bulacan, yung mga bata at babaeng nire-rape at pinapatay, yung buntis na kabuwanan na na pinatay din ng addict, pati yung mga pulis na napapatay sa operation nila.

Let us all be fair. Hindi yung pulis lang ang dapat na mamamatay? Okay lang na may napatay na inosente basta buhay ang addict, ganun ba yun?  :-\

EDIT: There are now evidence na hindi kasing;inosente yung namatay kagaya ng pino-portray ng media. Hindi ko sinasabing OK lang na may namatay, pero wag isisi agad sa mga pulis or kay Duterte. Tingnan natin lahat ng ebidensya., bago tayo manghusga.
« Last Edit: August 21, 2017, 12:13:08 am by tischarmedlife »

argento

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 3
« Reply #107 on: August 21, 2017, 03:40:58 pm »
^ano ba sinabi ni duterte "pag walang baril bigyan ng baril"

kahit drug courier siya patayin ba dapat agad? may mga witness pa.
 samantala dun sa customs nagpalusot ng sankaterbang shabu eh hindi siya galit at ayaw pang sibakin si faeldon.

yelle

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 3
« Reply #108 on: August 21, 2017, 05:32:04 pm »
@argento si faeldon mismo hinihingi na ma relive siya sa customs kaso ayaw ni Duterte. Mukhang may alam siya na di mo alam. Lol

Magkaiba naman yung mga sinasabi ng witnesses so sino sa kanila yung tama?

Teka lang wag nating kalimutan yung kay Angry Bird ha at mukhang nakatikom ang bibig ng mga nagiingay ngayon. Lol
« Last Edit: August 21, 2017, 06:22:38 pm by yelle »

janachen

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 3
« Reply #109 on: August 21, 2017, 10:46:59 pm »
Nanood ako ng TV patrol kanina, halos 'yong buong airtime kay Kian lang nakafocus LOL napaghahalata. Tapos ang iingay ng mga CHR, Hontiveros, mga taga simbahan at mga Human Rights ek ek sa nangyari kay Kian samantalang tikom ang bibig nila sa Parojinog na ang daming nakabaon na tao. Selective  ang peg.


tischarmedlife

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 3
« Reply #110 on: August 22, 2017, 12:36:40 am »
I agree. Medyo nakakahinga na si Angry Bird kase wala sa kanya ang limelight. At may Senate hearing agad yung kay Kian pero yung kay Andres, waley nga-ngey.

Nakakainis kase pag magagamit nila sa mga political agenda nila, sige sige pagtatanggol. Pero pag yung mga inosente ang namamatay, tahimik yang mga yan. Tama nga sinabi ni Duterte sa SONA nya.  :( Kanya-kanyang gamitan para sa pansariling interes. Tsk tsk.

argento

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 3
« Reply #111 on: August 22, 2017, 08:49:54 am »
hugas kamay agad si duterte  ;D palibhasa pati kakampi niya galit sa nangyari kay kian.

izabelle

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 3
« Reply #112 on: August 22, 2017, 10:10:38 am »
Hindi na issue dito kung may kinalaman si Kian sa drugs, ang dapat malaman dito nanlaban ba talaga or inabuso ng pulis ang power nila na pumatay ng tao?

Kapag ba nag drugs, pusher, adik, patayin dapat agad? Tama si Atty Panelo e, dapat ang alamin dito, nanlaban ba talaga.Huwag na yung witnesses na paiba iba statement ang gawin basis, ano ba ang sinasabi ng CCTV?

And once and for all, pwede na siguro tayo mag move on sa mga kalokohan at pagiging iresponsable ng mga nakaaraan administration at mag focus sa current. Hindi majujustify ng pagkakamali ng mga past presidents ang mga mali na nangyayari ngayon. Hindi ko sinasabi na puro mali ang nangyayari pero hindi perfect ang admin na to at kailangan maging fair din tayo hindi porke binoto natin si Duterte.

Granted na tama lahat na may kinalaman sa drugs itong si Kian and granted na nagagamit ng opposition ang situation na 'to pero still hindi majujustify ng lahat ng yan na tama pumatay ng tao ng ganon ganon nalang.

Under the constitution lahat ay dapat dumaan sa due process kahit kriminal pa.

Hindi ako kampi sa mga adik pero nakakatakot isipin na maraming umaabuso na pulis. Kung nangyayari yan sa mga inosente, anong assurance natin hindi mangyayari sa mga mahal natin sa buhay?  Matagal ng may abusado na mga pulis pero again not a justification na dahil lang dati pang meron, e wala na tayong pakielam ngayon.

yelle

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 3
« Reply #113 on: August 22, 2017, 11:41:26 am »
Yan naman talaga ang sabi ni PDigong kung may pagkakamali ang pulis kasuhan. Iyan naman ang tamang gawin dapat lang imbestigahan kung may pang aabuso.

@sis tischarmedlife True. Ang hirap kasi dito ginagamit ng ibang politicians ang case nitong si Kian. Halata naman eh biglang nakahanap ng pagkakataon na umepal. Paano naman yung ibang biktima tulad nung buntis na pinatay ng adik? O yung Pulis na tinambangan ng bala ang sasakyan damay pati batang anak?

Ang sa akin lang maaga pa para sabihing ipinagutos ito ng presidente because as far as I know wala siyang sinabing patayin ang hindi nanlaban lalo na mga inosente.



« Last Edit: August 22, 2017, 12:04:46 pm by yelle »

argento

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 3
« Reply #114 on: August 22, 2017, 01:26:41 pm »
Yan naman talaga ang sabi ni PDigong kung may pagkakamali ang pulis kasuhan.  I know wala siyang sinabing patayin ang hindi nanlaban lalo na mga inosente.

Ipapardon lang niya yan. sagot nga niya mga pulis di ba. Palalabasin lang ng pulis na nanlaban at mag plant ng evidence tapos na

yelle

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 3
« Reply #115 on: August 22, 2017, 06:01:17 pm »
^There's no point in arguing with you argento. Kung ganyan ka na talaga mag isip.  ::)


« Last Edit: August 22, 2017, 06:03:57 pm by yelle »

kvandenhaak

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 3
« Reply #116 on: August 22, 2017, 10:02:29 pm »
I am just saying it will be fair if there's equal media coverage between victims of drug addiction and those cases like Kian's.

tischarmedlife

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 3
« Reply #117 on: August 23, 2017, 01:21:28 am »
May mga taong masyadong literal ang interpretation sa mga sinasabi ni Pres. Duterte. Diba sinabi na noon pa ni Pres. Duterte na he'll back up his armed forces so long as they do their mandate which is to serve and protect. DI naman ibig sabihin na kasama dun yung mga erring policemen. Sinong g*g* ang magtatanggol sa mga masasamang pulis, sige nga? Diba nga at galit din si Duterte sa mga ganun.

Ako, continuous pa rin ang support kay Presidente. Same pa rin ang buong family ko kase based on our own experience, ang dami namin kakilala ang nagbago, buhay pa sila ngayon. Yung mga matitigas lang talagang ulo na hindi tumigil sa pagbebenta ng drugs ang nakalibing na.

izabelle

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 3
« Reply #118 on: August 23, 2017, 03:45:25 am »
In Payatas, cops do house-to-house drug testing http://verafiles.org/articles/payatas-cops-do-house-house-drug-testing

This is illegal. "Republic Act 9165 or the Dangerous Drugs Acts also specifies that drug tests must be done by government forensic laboratories or by any of the drug testing laboratories accredited and monitored by the DOH to safeguard the quality of test results.

Ano to DIY drug tests and sa Payatas talaga. Subukan nilang gawin yan sa mga subdivision lalo na sa Posh villages sa Makati.  ::)

Granted bakit matatakot kung hindi naman adik pero hindi talaga yun ang issue, bakit nila ginagawa yan e labag yan sa batas?

Ang hirap kapag ang nagpapatupad ng batas ang mismong lumalabag dito. Kahit gaano kaganda intention ng Presidente kung ang mga nagpapatupad ay may mga bulok at latak, walang mangyayari.

littlekinselle

  • Guest
Re: President Digong Administration 2016-2022 Thread 3
« Reply #119 on: August 23, 2017, 09:21:56 am »
Maganda ang  War on drugs ni D30 kaso ang dumami ang mga abusadong pulis dahil sa bonus nila pag tuwing may napapatay or nahuhuli sila drug addict user/pusher.  Mahihirap ang lagi dehado, kahit sino pwede maging adik or pusher kahit di nag ddroga.
Walang mayaman na biglang pinatay dahil nanlaban kind of thing.  Apo ni Gloria Arroyo  nahulihan ng kilong kilo shabu bakit di na news??  Di nag thrending?  Madami pang iba..

Kami mismo close friend namin na EJK maka D30 supporters pa siya ha dahil sa inggit ng pulis nilang kapitbahay nag tataka bakit madami pera. Un mga pulis naka pangbahay lang nung pumasok sa bahay tapos un mga testigi pinatalikod at ang ginawa sa friend namin  binaril agad 3 tama sa dibdib. Walang kalaban laban..  di naman siya user or pusher..  ang masama pa nito ninakawan pa sila ng gamit nila nasa 200k nawala.
 



 

Latest Stories

Load More Stories
Close