Author Topic: Verbal to physical abuse  (Read 3101 times)

Roserose13

  • Guest
Verbal to physical abuse
« on: April 19, 2017, 04:13:50 pm »
Hi ladies! Gusto ko lang humingi ng advice at ito ang story ko.

Last night, nagaway kami ng husband ko. Nagstart noong pinakelaman niya yung cellphone ko and found out na madaming outgoing calls made to a certain coworker. The truth is yung coworker ko kasi nakikitawag sa phone ko para tawagan yung wife niya sa bahay during ofc hours. So tinanong ako ng husband ko, at sinabi ko yung totoo. Pero knowing him, I know di siya naniwala kasi may call made ng gabi and ang explanation ko is baka nadial lang which is totoo naman kasi di naman nagproceed yung call.

Then nagstart na yung irrational jealousy niya at sinabihan niya ko na baka raw kung saan saan kami nagtitirahan and then he walked out. Sanay na ko sa ganun pero I decided to confront him pa rin for my peace of mind. As usual di siya naniniwala and sinampal ko siya. Gumanti siya. Sinapok niya ko sinakal niya ko. At pinabayaan ko lang. At sabi niya sakin na kung gusto ko raw ay patayin niya ko ngayon. I told him na kumuha siya ng kutsilyo pero nagwalk out na naman siya. At sinabihan niya ko na simula daw ngayon pwede na ko magpaano sa kahit kanino using yung napakabastos na tagalog word, dahil tapos na daw kami.

Gusto ko na siyang iwanan. Pero iniisip ko ang anak ko 1 yr old. Ayoko siya lumaki sa broken family. At hindi ko alam kung pano magstart over na hindi na siya part ng buhay ko. Another problem is kapag umalis ako at bumalik sa mom ko, wala magaalaga sa baby ko kasi sister niya nagaalaga at nasa bahay namin ang mga anak niya so hindi sasama sa akin yun. Pero gustong gusto ko na siya iwanan.

Need advice ladies. Thank you!

-------
Update:
Girls, bakit di ako makareply or makapagadd ng post? Paano ba? Sorry newbie.

Shadow Angel: 2 yrs palang kami kasal. Alam ko seloso siya kahit dati pa. Nagiingat ako at hindi ako nagloko kahit kelan. Lahat ng lakad ko alam niya or kasama siya. Sobrang praning lang po talaga niya. About dun sa nakikigamit ng phone, bawal kasi sa kanila ang cellphone eh kaya nakikitawag siya sa akin since nakaline naman ako. Pero baka nga mali ako na palagi ako pumapayag na gamitin niya yung phone ko. Pero parang nakakasawa na e na palagi akong walking on eggshells kasi sobrang seloso nga niya. Diba dapat pagkatiwalaan niya kp at kapag nasagot ko tanong niya e paniwalaan niya ko?

Shinies: Bawal kasi sila magpasok ng phone kaya nakikitawag siya. Thanks sis.

Yn061515: Sis, wala ako maisip na rason kung bakit siya napapraning dahil never ako nagloko. 3rd time niya na ko sinaktan physically. Yung first time buntis ako nun, sabi niya gusto ko raw bang tanggalin niya yung baby sa tiyan ko or something to that effect. And ang problem kasi di siya nakikipagusap. So puro unresolved issues lang.

Kaythrielle: Hindi talaga siya mahilig makipagusap sis. Binabaon lang niya. After the incident, I plan nga na iwanan siya kaso hindi ko alam kung paano. Hindi pa kami naguusap at hindi siya nagsorry. Sobrang mali sis no?

Sisses, 3rd time na niya ginawa sa akin to. Before sabi ko sa sarili ko, magpakamartyr kasi I read somewhere na kaya tumatagal ang marriage, may isang martyr. I know its unhealthy. Honestly, one major thing pa na nagpapahirap sa decision ko is yung shame na failed ang marriage mo.
« Last Edit: April 19, 2017, 11:53:07 pm by Roserose13 »

Shadow Angel

  • Guest
Re: Verbal to physical abuse
« Reply #1 on: April 19, 2017, 08:14:45 pm »
Any kind of abuse is a big no for me. Ilang years na kayo kasal? Alam mo ba seloso sya? Sa akin lang kapag may asawa ka na dapat lang alam paano maging maingat sa kilos mo. Mga usual natin ginagawa nun single tayo hindi pwede. Like siempre gimik. About cp bakit habitual ang paggamit ng friend mo sa cp mo? Kung alam mo seloso partner mo dapat alam mo rin kung ano dapat mo iwasan. Mahirap pakisamahan ang asawa na dahil lang sa anak. Ang ending nyan hiwalayan din kapag hindi mo na tagalan ang situation nyo so why prolong the agony?

shinies

  • Guest
Re: Verbal to physical abuse
« Reply #2 on: April 19, 2017, 08:57:43 pm »
Aba'y bakit kailangan makigamit ng telepono??

Dapat maghiwalay na kung may pananakit na nangyayari. Wala kayong kahihinatnan kung magsasama lang kayo ng ganyan dahil sa anak niyo.

Kung di mo kaya umalis ngayon, magplano ka sis tapos maghanda ka hanggang sa dumating ang panahon na kaya mo na.

yn061515

  • Guest
Re: Verbal to physical abuse
« Reply #3 on: April 19, 2017, 09:33:23 pm »
Sa ngayon, simpleng telepono issue pero sakal agad. Anong sunod?
Takot ako sa mga lalaking nanakit and I would always choose safety more than anything.
May anak ka, paano kung pati bata later on masaktan na nya? Better be safe than sorry sis.
I am not 100% sure pero yung mga taong may ganyang tendencies, hindi yan nagbabago, nagpapahinga, babalik, lalala lang.

We don't know your history, baka naman may nagawa ka in the past kaya ganyan sya kaparanoid? Pero kahit anong rason pa yan, wala dapat sakitan. Hindi healthy ang kahit anong relationship na may verbal and/or physical abuse.

Talk it out, or leave. It'll always be best to leave while you still can.

kaythrielle

  • Guest
Re: Verbal to physical abuse
« Reply #4 on: April 19, 2017, 10:01:56 pm »
That escalated real quickly like from 0-1000 in 2 seconds.

First, may issue kayo on how you two communicate. Mali in so many ways.
Pero since hindi na yun ang problema ngayon then try to focus on a possible solution.


What do you plan to do after this incident?
Do you think the two of you can still be together after that?
Have you talked to each other na ba? At least sana one of you should say sorry (meaning, HIM! Lol)

Good luck sis... the two of you should really talk about what happened and anong gagawin about it.


kvandenhaak

  • Guest
Re: Verbal to physical abuse
« Reply #5 on: April 19, 2017, 11:09:37 pm »
Physical abuse is definitely not something to be tolerated. However, you gotta make some adjustments to yourself as well. But I can sense there's something more to the story. There's always two sides.

Loully

  • Guest
Re: Verbal to physical abuse
« Reply #6 on: April 20, 2017, 01:29:20 am »

Para sa akin kapag umabot na sa sakitan at threats hiwalay na dapat. Natatakot ka na lumaki anak mo sa broken family, pero I think mas matakot ka na lumaki anak mo sa takot. I experienced the same thing growing up at mas gugustohin ko pang hiwalay na ang parents ko than to see them violently fight all the time.
Plan carefully kung paano ka makakalabas sa relationship na yan, I pray that hindi masyadong psycho ang asawa mo baka saktan ka niyan kapag umalis ka sa bahay niyo.

kaiz

  • Guest
Re: Verbal to physical abuse
« Reply #7 on: April 20, 2017, 09:38:13 am »
Napagdaanan ko na din to sis. Im glad I kicked him out of the house and out of our lives. We have two kids, 1 girl and 1 boy. Everytime naiiyak ako noon and napapaisip, binabasa ko replies and PMs ni aquacharly. She also encouraged me to see Ms Rose Yengko.

5 years na ata kami hiwalay and never did I regret kicking him out of our lives.

Hope you find the courage to decide what's best for you and for your kid.

Roserose13

  • Guest
Re: Verbal to physical abuse
« Reply #8 on: April 20, 2017, 09:52:04 pm »
Update ko lang kayo. Actually, just a while ago, I moved out kasama ko anak ko. Nasa bahay yung husband ko, di man lang nagpaalam.

I texted him na rin and explained yung details ng pinagseselosan niya, di daw siya naniniwala sa akin at wag na daw ako umasa na magkakaayos kami. Sabi ko wala na ko magagawa dun at hindi ako nakikipagayos. Di lang kasi ako mapakali, parang feeling ko kelangan ko iclear yung pangalan ko na hindi ako nanglalalaki.

Honestly, umaasa pa rin ako. Gusto ko subukan niya magbago kahit ipangako man lang niya para atleast may pinanghahawakan ako. Naawa ako at naguguilty sa anak ko. Kanina tinatawag niya isa isa yung mga tao sa bahay namin at yung tatay niya.

kvandenhaak

  • Guest
Re: Verbal to physical abuse
« Reply #9 on: April 20, 2017, 10:25:59 pm »
^In my case, I explained to my son why we needed to move out of our house. They will understand your situation. They are smarter than we think. But you have to assure your child that both of you love him/her. Make them feel secure, that everything will be fine. Feeling kasi nila the world is falling apart and if something happens to you, they will be left alone. They will eventually get over it. Pero yung sa una ang medyo tricky.

Roserose13

  • Guest
Re: Verbal to physical abuse
« Reply #10 on: April 21, 2017, 06:15:09 am »
My child kasi is 1 1/2 yr old palang. Sinasabi ko sa kanya but I don't know kung naiintindihan niya. Nahirapan nga siya matulog siguro because sa change of environment and nasesense niya siguro na may problem. Anyways, thanks sis.

Roserose13

  • Guest
Re: Verbal to physical abuse
« Reply #11 on: April 22, 2017, 08:09:33 am »
Girls, I think we really are breaking up. Last night, I already told my mom our problems which signifies the finality. Di kasi ako nagsasabi dun because ayoko maging masama ang tingin nila kay husband.

This morning, he texted me and we compromised regarding out set up with our daughter and money. Okay naman ang pauusap namin. For the longest time, I felt respected.

And as the desperada that I am, I asked him if ayaw na ba talaga niya na magwork out ang marriage namin. Because if he is willing to make an effort, the only condition that I am giving him is we undergo marriage counselling. Di raw siya interesado and already made up his mind. At least, for my part, I had no regrets. Last bargain ko na yun eh.

Honestly, I have mixed emotions. I felt sad syempre but relieved. Its like I've reached the end point. And all I can do now is to start again. Wala na ko other choice eh, diba?

Thank you sisses for all your advices.

Obachan

  • Guest
Re: Verbal to physical abuse
« Reply #12 on: April 26, 2017, 03:35:52 pm »
^ been through this.
at first tamang hinala si ex , but the tone and feeling na hindi na maganda iniisip nya sayo is andun na.
yun hinala naging harsh words, salitang kalye na akala mo hindi edukadang tao un pinagsasalitaan nya, hanggang mapunta na sa pananakal , pananakit.

Nun pumagitna anak ko to stop us fighting, i told to myself hindi ko palalakihin anak ko sa ganitong environment, that moment umalis na ako tangay anak ko.
imagine 2 years old kid nakikita na nya ang pag-aaway ng parents nya.

Good thing i have a good job. nakapag start ako from the scratch.
Now happy na kami ng baby ko. Wala na sya nakikita at naririnig na away or sumisigaw.

nylaner

  • Guest
Re: Verbal to physical abuse
« Reply #13 on: June 03, 2017, 10:45:02 am »
hi sissies.. nasa gantong sitwasyon ako. actually mula nung kinasal kami. naranasan ko na maverbal and emotional abuse. he always mention his ex gf. mas matagal nya naning gf yun. naranasan ko narin na murahin nya ako sa harap ng parents nya. sinasaktan nya ako kahit nung pregnant pa lang ako until now.

Ngayon nagtext ako sa parents nya na makikipaghiwalay na ako.

PS> ako ang nagwowork saming dalawa. wala sya work kasi inencouraged ko sya mag aral kaya nag aaral sya ngayon ng colege.

Alam ng parents ko nasinasaktan nya ako dahil nagsumbong din ako

ultimatehousewife

  • Guest
Re: Verbal to physical abuse
« Reply #14 on: June 03, 2017, 11:24:00 pm »
Sis sorry ha.pero iwan mo. Baka next time e mapatay ka na ng asawa mo at worse, pati anak mo. Lumayo na kayo sa kanya pls sis.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Verbal to physical abuse
« Reply #15 on: June 04, 2017, 08:17:39 am »
TS medyo kahina-hinala attitude ng hubby mo. Bakit napakaseloso niya? According to you di ka naman nagloko so maybe siya ang may ginawa or ginagawang kalokohan kaya praning siya. Nakakaloko lang din na agad-agad hiwalayan ang resolution dun sa issue na parang ewan lang yung naging basis niya. Bakit pala si coworker bawal magdala ng phone pero ikaw pwede? I don't understand that part, baka naman nasa locker lang ang phone niya, ayaw lang niya gamitin kasi sayang ang load lol.

naranasan ko na maverbal and emotional abuse. he always mention his ex gf. mas matagal nya naning gf yun. naranasan ko narin na murahin nya ako sa harap ng parents nya. sinasaktan nya ako kahit nung pregnant pa lang ako until now.

Ngayon nagtext ako sa parents nya na makikipaghiwalay na ako.

PS> ako ang nagwowork saming dalawa. wala sya work kasi inencouraged ko sya mag aral kaya nag aaral sya ngayon ng colege.

Alam ng parents ko nasinasaktan nya ako dahil nagsumbong din ako
Napaka-foul for me kapag nababanggit yang mga ex lalo na kung kino-compare dun. Kung sinasabi niya na sobrang ok ex niya bakit sila naghiwalay? So probably may issue ang partner mo kaya sila naghiwalay ng ex niya. Iwan mo na yan. Ikaw na nga ang nagwowork para sa inyo mananakit pa siya. Swerte naman niya, may nagpapalamon na sa kanya, may free sex at punching bag pa siya.

nylaner

  • Guest
Re: Verbal to physical abuse
« Reply #16 on: June 05, 2017, 10:29:06 am »
korek kayo mga sissies. actually dahil dun nawala na yung pagmamahal ko sa kanya. kahit he tried to na maging sweed sakin ay wala na akong feelings..

tayong mga girls ay may pagkamaldita alam nyo ya. hindi ako palamura or what. may times lang na sinasabihan ko na tumulong naman kahit sa gawaing bahay.

sinisiraan nya pa ako sa family nya pati sa mga relatives nya abroad. sa isip isip ko kung alam lang nila lahat ng naranasan ko baka sila pa magalit sa pamangkin nila

 

Latest Stories

Load More Stories
Close