HELP ME GUYS

((
I'm in a relationship for more than 3 years, pangatlong BF ko siya. Sp, here's the story.
Okay naman kami though lagi kaming nag aaway at aminado ako na dahil sa ugali ko yun. Alam ko naman pangit ugali ko (HUHU

) Parang selfish ako ganun, saka gusto ko lahat nasusunod. Naging okay naman kami dun sa 3 years na yun (By the way, nung October 2016 kami nag 3 years)
Nagwowork siya bilang stock clerk sa isang kilalang apparel store sa isang sikat na mall dito sa Binondo. (Oh well who cares LOL) So, super busy siya pero he still manage to have time for us together. Before kapag Saturday samin siya matutulog kasi Sunday wala akong pasok pero kasi siya meron, so dun siya natutulog samin para lang ,eron kaming time together. Pag off niya sinusundo niya ko also kapag maaga siya nag-a-out sa work ako naman sumusundo sa kanya.
So, last year, I guess August yun, meron siyang ka-work na maganda tas ewan na-insecure ako kasi may mga picture sila together pero kapag sakin parang ayaw niyang mag pic kami

Though sabi niya wala akong dapat pagselosan kasi Tomboy yun which is totoo naman kasi nga may karelasyon na babae yun. Nung October last year, sabay kami umuwi, around 8 or 9pm hinatid niya na ko sa amin, everythingh was soooo fine until I opened his FB. Magkatxt pa kami that time then antagal niya magreply, syempre alam niyo na girl's instinct, I opened his FB and may group chat sila ng mga ka work niya, may pupuntahan pala silakasi birthday ni pretty girl (Yung tomboy). Grabe uminit dugo ko, nanginig buong katawan ko tas tinetext at tinatawagan ko siya hindi niya sinasagot. Nung gabing yun inabot kami ng madaling araw,pumunta siya samin sa labas lang ha, nag sorry siya. From that day, naging OA na ko. I know,parang naparanoid ako na kada di ko siya kasama, feeling ko may lakad siya, ganun. Simula noon, nasakal ko na siya. Kapag may lakad siya with friends hindi ako papayag pag di ako kasama

Iknow that's too much

Simula nun super na-attached na ko sa kanya. Gusto ko lagi ko siya nakikita, laging kasama which is wrong but I can't help it

So, nagpatuloy parin kami hanggang dumating yung March 1, 2017. Umuwi siya sa province nila, then nung March 4, may nahuli ako sa phone niya na katxt niya 'insan bobsie' pa yung name at alam kong di niya pinsan yun. I confront him also the girl, at first ayaw niya ibigay number ni girl dahil daw baka murahin ko jusko di naman ako ganun. Then morning nalaman ko na classmate daw pala niya yun nung highschool, they're close at nung umuwi daw siya dun nung March 1, dun daw sila nagkita. After nun, sobrang gumulo na. Sabi ko sa kanya ayaw kong makatxt niya si girl, bunira ko lahaaaaat ng pwedeng maging way para macontact niya si girl but then si girl ang nagtxt, nagalit ako pati kay girl, nasabihan ko siyang di magagandang salita. Nung una ok pa eh, sabi pa niya ayaw daw niya makasira ng relasyon, sabi ko wag na muna sila magtxt ng bf ko, pero tuloy parin siya. Kung ayaw mong makasira ng relasyon dapat mag.stop ka na diba? kung si bf man ang magtxt sayo de wag mo replyan as simple as that. Kaya nagalit ako pati kay girl, nasabihan ko siya ng di magagandang salita. nagtuloy ang convo nila kahit sinabi kong ayaw ko. Naging magulo kaming dalawa. Last March 12, nanghingi siya ng space, binigay ko kahit alam kong di ko kakayanin. pero nung March 15, nagtxt ako, sabi ko miss ko na siya, sabi niya wag daw ako makulit, Friday daw (March 18) , mag uusap daw kami. But I can't wait

may susi ako ng inuupahan niya sabi ko puntahan ko siya, sabi niya wag kasi nasa QC siya. So, nagtiis ako. kinaumagahan, tumawag si girl, galing daw sa kanila bf ko

ansakit

sinabi niya nasa QC siya pero yung totoo rest day niya that day at umuwi siya sa province (3hrs away from manila) then pinuntahan niya si girl, nag sorry at hiningi ulit ang number nung babae. Sobrang galit ako. Tiniis kong di siya itext at makita tas malaman laman ko na ganun yung ginawa niya.
My bad, pinost ko sa FB lahaaaat. Kasi wala akong malapitan. Wala naakong social life dahil sa kanya na umikot mundo ko, sobrang depress at devastated ako

(( We tried to work things out until March 25, tinanong ko siya kung anong gusto niya. space parin, for the 2nd time pumayag ako. Sunday morning, kahit alamkong cool off kami naging magaan loob ko kasi nakapag usap kami last night. Sunday night, kinutuban na naman ako, (Pinalitan nga pala niya pword sa FB niya kasi privacy daw niya yun pero alam ko daw pword nun,pero di ko mahulaan talaga), nagtatry akong i-open FB niya, nag sign in ako ng mobile number niya ang gamit ko plus yung old password niya and BOOM! another FB account faced me! Grabe! gumawa siya ng bagong account to ask the girl kung nagpalit na daw ba ng number. For the nth time sinabi ko sa kanya na AYAW KO NA. I'm so tired listening to his lies

sobrang martir na ko

Umiyak siya sakin, he begged me to stay at dahil martir nga ako, pumayag ako

Puro everytime na maiisip ko yun, bumabalik yung sakit

na nagiging simula ng away namin. Sa buong buwan ng March walang araw na di kami nag away

((
Hindi ko na alam, sa ngayon okay kami pero andito parin sakin yung feeling na baka magkatxt na naman sila na baka may bago na naman siyang FB

(( sobrang hiraaaap

walang araw at gabi na di ako umiyak

(
Gusto ko magpamiss para naman malaman niya worth ko pero hindi ko kaya

sobrang attached na talaga ko to him. Please enlighten me

(
Sorry if mahaba

PS. Naloko ko siya before, bago pa kami mag 1 year, nagka fling ako for about 8 months ata but after that siya parin pinili ko

at sa kanya ko na tinuon lahaaat ng atensyon ko.
Please any comments
