watch now

Author Topic: ASIAN KOREAN DRAMA *THREAD 20*  (Read 77860 times)

zen1820

  • Guest
Re: ASIAN KOREAN DRAMA *THREAD 20*
« Reply #60 on: April 04, 2017, 08:58:36 am »
Ayoko man aminin ito sis kasi gusto ko si Park Seo Joon at Hyungsik pero hindi sya ganun kaganda...sorry to say... pero kaya pagtiyagaan panoorin kasi ang galing ng acting ni hyungsik dito. Ang panira pa sa Hwarang bukod sa storyline ay yung acting ni Go Ara pero in fairness bumawi naman sila sa last 2 episode don lang ako naaliw hehe

px17

  • Guest
Re: ASIAN KOREAN DRAMA *THREAD 20*
« Reply #61 on: April 04, 2017, 09:17:43 am »
^same feeling pala tayo.

Sino nanonood defendant? sabi ng senior ko dito sa office ang ganda daw.

caterpillar-girl

  • Guest
Re: ASIAN KOREAN DRAMA *THREAD 20*
« Reply #62 on: April 04, 2017, 09:29:06 am »
Ep9 palang ako ng SWDBS. Grabe ang kilig!!! Favorite ko yun nagtitigan lang sila sa hospital room habang nakahiga. Huhu!!!

loidyloids

  • Guest
Re: ASIAN KOREAN DRAMA *THREAD 20*
« Reply #63 on: April 04, 2017, 09:55:47 am »
Hi px17, natapos ko na panoorin yung Defendant. Maganda yung story, hindi rin predictable kaya every episode aabangan talaga. As for me hindi ako na-bored, thrilling din siya. :)

px17

  • Guest
Re: ASIAN KOREAN DRAMA *THREAD 20*
« Reply #64 on: April 04, 2017, 11:31:07 am »
^thank you sis loidyliods. Panoorin ko na siya mamaya.

kachich

  • Guest
Re: ASIAN KOREAN DRAMA *THREAD 20*
« Reply #65 on: April 04, 2017, 11:34:59 am »
@zen if you like noona dramas, suggest ko yung witch's romance ni park seo joon. Ang galing lang niya dito.

Wala na ako actually ibang pinapanood aside from Do Bong Soon, gusto ko na mag ulit ng reply series.

Re: Hwarang, akala ko din maganda to, hindi man lang ako umabot sa half. Kakainis si Go Ara, same lang yung acting niya dito and sa Reply 1994. Same pa ng scenario, between 'Brother' and some famous ultimate hearthrob guy (hello King Hyungsik and Chill Bong). Sayang si Hyung Sik and Chill Bong 😢😢😢

caterpillar-girl

  • Guest
Re: ASIAN KOREAN DRAMA *THREAD 20*
« Reply #66 on: April 04, 2017, 09:49:12 pm »
Finished na ko sa ep12 ng SWDBS. Sobrang gwapo ni Park Hyungsik, jusko.  As in jusko lang lord. Ke naka suit or leather jacket or sweater o hospital gown. Hay. At pag tinitingnan nya si Bong Soon, swooon! 

Di ko masyado bet yung ibang side plots ng kdrama na ito kaya fast forward ako parati sa scenes nila ni CEO and Bong Soon. I cant wait for the next episodes!

mozilla

  • Guest
Re: ASIAN KOREAN DRAMA *THREAD 20*
« Reply #67 on: April 04, 2017, 11:26:10 pm »
@ sis px17 re: Defendant - maganda sya, galing ng acting ng cast, saka gusto ko yung story, siguro gusto ko lang talaga mga ganyang crime drama. Deserve nila yung mataas na ratings :)

@ sis zen1820 re: park Hyngsik, agree ang gwapo nya, bagay sa knya CEO...sa Heirs di pa masyado pero nakakatawa character nya dun. Kahit waley yung story sa High society pinanood ko pa rin sya dun. gwapo kasi hahaha! Hindi ko sya pinanood sa Hwarang, hindi ko talaga gusto mga sageuk eh.

Lee Joon Gi is dating Jeon Hyebi...saklap sa mga fans ni IU at Joon Gi..hehe!


« Last Edit: April 04, 2017, 11:30:46 pm by mozilla »

zen1820

  • Guest
Re: ASIAN KOREAN DRAMA *THREAD 20*
« Reply #68 on: April 05, 2017, 12:41:14 am »
Thanks sis kachich noon ko pa nga balak panoorin ang Witch Romance kaso hindi matuloy tuloy. Nagustuhan ko si Park Seo Joon dahil sa Kill Me Heal Me at She was Pretty.

Sis Mozilla nagulat ako nagbloom si Park Hyungsik ang gwapo nya sobra sa Hwarang bagay sa kanya maging Flower Boy King pero iba rin ang kagwapuhan nya sa Strong Woman Do Bong Soon sobrang bumagay naman sa kanya ang pagiging CEO. Isa na sya sa mga versatile actor. Actually tumaas ang ranking nya sa akin. pang 3rd ko na sya. Si Ji chang wook ang 2nd at First ko si Lee Joon Gi

pero nagluluksa ako ngayon sa pag amin ni Junki na girlfriend na nya yung co star nya sa Joseon Gunman kung kelan nainlove ako sa kanilang dalawa ni Park Minyoung ng Healer sa reality show na Sweetheart in Your Ear 2. Pinakilig nila ako. Nagkaroon talaga sila ng sparks, nakita ko ang chemistry at sincerity nila sa isat isa lalo na matagal na silang magkakila. 2 days after ko mapanood ang episode 7 last saturday nangarap ako na posibleng maging sila. Hindi ko nga naramdaman ito sa kanilang dalawa ni IU pero kahi nadisappoint ako love ko pa rin si Lee Joon Gi

drag0nfly

  • Guest
Re: ASIAN KOREAN DRAMA *THREAD 20*
« Reply #69 on: April 05, 2017, 06:29:26 am »
@caterpillar - Same tayo, mej nabo-bore na ako sa side plots ng Strong Woman kaya fina-fast forward ko din sa scenes lang nung dalawa.

@zen - Ok ka na, sis?  ;D  Malapit na nga yatang magpakasal si Oppa kaya umamin na.  To think na dati may mga rumors na bading sha no.. ang galing lang palang magtago LOL.  Basahin nyo yung thread nila ni IU sa Soompi mga sis, nakakatawa, gumuho ang mundo ng shippers nila.  Kakaiba talga ang mga K-netz grabe.  Minsan ang me-mean na ng mga comments nila na kesyo maghihiwalay din daw agad juskolord.  Gusto ko din sana si Park Min Young for him kahit na alam ko namang mostly scripted ang My Ear's Candy, kasi may mga moments na parang totoo naman yung emotions na pinakita nila.  But then again, I have to remember na actors nga pala sila so...  ;D  Anyways, he's still my number one K-actor.  Sana lang wag ma-affect ang career nya with this "scandal" lalo he's supposed to be doing Criminal Minds daw.


shygirlme

  • Guest
Re: ASIAN KOREAN DRAMA *THREAD 20*
« Reply #70 on: April 05, 2017, 06:47:33 am »
^i hate the gangsters scene. Nakakairita na! Haha!

mas boto ko kay Park Min Young at Ji Chang Wook!

_shayness_

  • Guest
Re: ASIAN KOREAN DRAMA *THREAD 20*
« Reply #71 on: April 05, 2017, 10:00:43 am »
^actually OA n nga minsan yung gangster scenes plus the HS boys. hehe.. Pero sobrang tawang tawa ko kasi sa kanila. Pati kay Mr.Oh. Sorry babaw ko lang din. :D
Gwapo talaga ni Park Hyung Sik. Pinanood ko din siya sa High Society and Hwarang - di ko nga lang natapos to kasi nairita na din ako dun sa girl.

Yung Gf ni Lee Joon Gi, yung nasa Oh Hae Young? pakipulot ang broken heart ko. :(

shygirlme

  • Guest
Re: ASIAN KOREAN DRAMA *THREAD 20*
« Reply #72 on: April 05, 2017, 11:17:18 am »
^ayoko din nung hs gangsters haha!!!!

Yes! Yung magandang Oh Hae Young

px17

  • Guest
Re: ASIAN KOREAN DRAMA *THREAD 20*
« Reply #73 on: April 05, 2017, 11:40:26 am »
oa nga yung mga gangsters sa SWDBS parang maisama lang sa scenes. Pero kahit oa sila kakilig pa rin naman pag bong bong at ceo ahn scenes na. Si Ji Soo talagang laging second lead lang noh? Sa scarlet di rin siya nagustuhan ni IU tapos ngayon may gusto na siya kay Bong Soon pero may iba ng gusto.

zen1820

  • Guest
Re: ASIAN KOREAN DRAMA *THREAD 20*
« Reply #74 on: April 05, 2017, 08:04:15 pm »
Sis dragonfly actually Im ok na unlike kahapon na nagrarant talaga ako ng sobra. Nabuhayan lang ako ng konti ng malaman ko today na mag start na sina Lee Joon Gi sa first script reading ng Criminal MInds. Im really looking forward to it. Well...hindi ko naman pwede idictate sa kanya kung sino ang dapat nyang mahalin (ang drama ko pwede ako nalang hahaha ) As long as she's happy with the girl, happy na ako for him.

Sa SWDBS, ako rin Sis _shayness_ kahit OA yung mga gangster sobrang natawa ako don sa bus scene. Ang funny ng mga hs gangster habang tinatatawagan yung leader. Ang shunga nila at sobrang kulit ng scene na yon  ;D

kaythrielle

  • Guest
Re: ASIAN KOREAN DRAMA *THREAD 20*
« Reply #75 on: April 05, 2017, 09:42:12 pm »
Etong tatlo napansin ko sa last 2-3 episodes
-Yung tugtog tuwing nakikita ni Bong Soon si Gook Doo dati, nalipat na kay Min Hyuk. 😄 ❤
-Tapos yung doppelganger at si Mr.Gong ang kulit... lagi napapagkamalan sila ng mga tao todo-deny si Mr.Gong...hahaha
-Nakakakilig mga scenes nila Bong Bong at Min Min. Kung makatitig naman eh nakakatunaw. 😄

I'm also watching Rebel: Thief Who Stole the People. Maganda din story. Naaaliw ako manood ng mga ganun.
Yung Defendant I used to watch it pero natigil naiinis kasi ako dun sa villain hehe ang galing talaga. Anyway ituloy ko nga yun.

Yung Weightlifting Fairy dami kong nababasang magandang review. Try ko nga din panoorin.



drag0nfly

  • Guest
Re: ASIAN KOREAN DRAMA *THREAD 20*
« Reply #76 on: April 06, 2017, 08:28:33 am »
@zen - Tama sis, kahit may mga asawa na tayo eh nangangarap pa ding maging jowa ni Junki LOL!

@kachich - Thanks for recommending Witch's Romance!  Naka-6 episodes na ako since yesterday  ;D  Ang gwapo naman ni Park Seo Joon and kinikilig ako sa kanilang dalawa.  Although mejo bothered ako sa mukap ni Uhm Jung Hwa.  Di ko magets kung naka-bronzer lang ba sha ng bongga kaya ganun or tanned talga sha.  She's supposed to be older, pero parang mas matanda pa ang itsura nya dahil sa makeup nya.  Though she reminds me of Queen Yoo from Scarlet Heart, who I find beautiful.  Nanibago din ako kay Ra Mi Ran kasi sobrang sweet ng character nya dito, coming from last seeing her as Mrs. Cheetah in Reply 1988 haha.   

zen1820

  • Guest
Re: ASIAN KOREAN DRAMA *THREAD 20*
« Reply #77 on: April 06, 2017, 08:32:09 am »
Sis dragonfly ang bilis mo naman naka episode 6 ka na ng Witch Romance...need to catch up hehe

drag0nfly

  • Guest
Re: ASIAN KOREAN DRAMA *THREAD 20*
« Reply #78 on: April 06, 2017, 08:50:22 am »
^Oo sis, puyatan levels na naman kahapon.  Kelangan ng pampawi ng sakit kay Junki lels.  Natuwa ako sa story and mabilis yung pacing.  Nagulat nga ako na tvN pala yung drama kasi dba usually ang tvN ang hahaba ng kwento per episode.  Eto di ko namalayan naka-6 na pala ako haha.  Watch mo sis nakakatuwa.  Only in k-dramaland lang talgang nakakakilig ang mga ganyang stories.  Ka-age group pa natin si Witch  ;D

zen1820

  • Guest
Re: ASIAN KOREAN DRAMA *THREAD 20*
« Reply #79 on: April 06, 2017, 09:41:19 am »
Omg!!! sis dragonfly dahil sa sinabi mo yan simulan ko ng panoorin ngayon araw na ito hahahaha lalo na ka age pa natin type ko yan  :o bukod sa gusto ko si Park Seo Joon kaya kikiligin talaga ako  ;D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close