wahhhh! thread 20 na pala ngaun hahaha! ngaun lag ulet ako nakavisit sa thread na to.
last year dami magagandang korean dramas, so eto mga natapos ko na kdrama last year at recently lang..hehe!
Squad 38 - oh my, I love this, gusto ko un mga twists, nakakaloka un mga twists sa bawat episode. bawat episode ata ilang twists. Feeling ko si writernim eh isang con man/scammer din. Ang galing ni Seo In Guk magportray ng ibang characters kasi nga isa syang con man/scammer and eventually nagamit nyang mang scam sa mga delinquent tax payers. hahaha!
Signal - I just love crime investigative drama. Investigating crime tapos may time travel. ang galing ng story lang, saka mga casts.
(actually Squad 38 at Signal was the best kdrama for me last year 2016)
Wanted - heartbreaking un pagkikita ng anak at nun celeb mother afte makidnap un bata. galing din ng mga cast. underrated tong korean drama na to 7% lang ratings sa korea eh ganda ng story din. it's a story of popular celeb who want to retire soon sa industry tapos nakidnap yung anak nya tapos para marelease ng kidnapper yung anak nya she needs to fulfill all the demands of the kidnapper via national tv.
Something 1% - hayyy, nakakakilig, light lang sya pero galing ng chemistry ng lead. Nakakadelusyon sila, na feeling ko minsan eh sila talaga in reality. grabe mga kissing scene, grabe si kuya humalik hahaha!
K2 - ok lang un story, about politics, pero ang galing pala ni JCW umarte at ang guwapo nya, Yoona improved too in acting (accdg sa mga nabasa ko..hehe), galing ni Madam K2 hehe!
Cinderella and 4 Knights - pinanood ko to kasi fan ako ni Lee Jungshin ng CNBLUE, nevermind yung acting ni Naeun of Apink (Hyeji). Light lang story, naenjoy ko naman...hehe!
Let's Fight Ghost - ang gwapo ni Taecyeon hahaha! nung una hindi ko maramdaman chemistry ni Taecyeon at ni Kim So Hyun, pero eventyually ok na may chemistyr na sila. rom com /horror to.
Goblin - hindi ko type story pero ang unique lang, kaya yata natapos ko ito. hahaha! Yung lead girl, minsan nakakainis acting kasi parang bata (well kasi nga HS student sya dito). Ang gusto ko lang dito un bromance (Gong Yoo x Lee Dong Wook), yung tandem ni LDW at Yoo In Na at yung acting ni Sungjae. (nga pala break na si Kim Go Eun at un boyfriend nya, ang tsismis eh si Kim Go eun daw at Gong Yoo..., pero syempre dineny ng both agencies hahaha!)
Pinanood ko rin
Shopping King Louie at
Drinking Solo.
2017 Kdrama that I've watched:
Voice - crime investigative drama, ang creepy nito at ang brutal ng way kung pano patayin mga biktima. Nakakastress yung tumanggap ng call if you are from a Emergency Call Center. ang galing ng casts pati mga supporting casts.
Defendant - ang galing ni Jisung umarte...pati nun villain, actually lahat sila, pati si Yuri (snsd).
(
Voice and
Defendant are my 2 faves for this year)
Missing Nine - nun una maganda, parang movie ang cinematography, tapos sa gitna na ng mga episodes naging killing spree na. hahahaha! Nadissappoint ako na pinatay nila si Chanyeol
tapos hindi man lang nadiscover un katawan nya...hahaha! ang ikli ng exposure nya dito. Ok din acting ng mga casts. Nadisappoint ako dito, taas kasi ng expectation ko dito tapos yung plot eh umikot lang sa namatay na another talent ng agency.
Introverted Boss - hay isa pa ito, taas din ng expectations ko sa drama na ito. Pinanood ko lang to dahil kay Yeon Woo Jin at Gong Seung Yeon. Hindi ko gusto ang story. I feel that the lead girl (Park Hye Soo) is not yet ready for the this role. Hindi bagay sa knya yung role, siguro ilang years pa pwede na sya mag lead role. Ang konti ng exposure ni Seungyeon sa drama na to hahaha! Bias ako pero ok acting nya dito bilang isa sa mga rookie actress sa korea.
Tomorrow With You - sumakit ulo ko sa story, nahihilo ako sa pagpapalit ng past at future. Hindi ko gusto yung ganitong story. yung mga landian scenes lang ni Lee Ji Hoon at Shi Min ah pinapanood ko. May chemistry sila hahaha!
Currently Watching:
Strong Woman Do Bong Soon - I like this! ang comedy hahaha! I like Park Bo Young, ang cute cute nya dito. Ang natural nya umarte. hahaha! Bakit ang gwapo ni Park Hyung sik? Hahaha! parang hindi naman sya ganun kagwapo sa Heirs. at nakakatawa yung mga nabugbog ni Bong Soon na goons lalo yung bungal, super laughtrip hahahaha! at may doppelganger yung bugnal na goons working sa company ni CEO Ahn (Hyungshik), ayun binubully si Bong Soon, eh yung doppelganger tuloy nabully hahahaha!
Radiant Office - ok lang naman hehe!
Hindi ko tinapos ang
Doctors - na bore ako, mga unang episode ok pero after nun mamatay lola ni PSH, nabore na ako haha!
(Yun palang Signal, Phantom, 3 Days and Sign, isang writer lang sumulat - si Kim Eun Hee, lahat yan pinanood ko, ang galing ni writer lahat bet ko story. si writernim, mahilig patayin mga witness sa story. hahaha!)
Ako lang ata hindi nakanood ng Moonlovers at Scarlet Ryeo, hindi ko kasi talaga gusto ang Sageuk eh, saka LOTBS - hindi ako napawow sa teaser, so pass. hahaha!

sorry ang haba ng post ko. haha!