watch now

Author Topic: Latest Showbiz Update (Thread 46)  (Read 112839 times)


simang

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 46)
« Reply #301 on: April 06, 2017, 08:54:35 am »
^^^mababa daw ratings and scheduling conflict with Alden and Maine

shygirlme

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 46)
« Reply #302 on: April 06, 2017, 09:52:38 am »
Mas naniniwala ako sa mababa ratings  Dinahilan daw ng kampo nila busy daw yung 2?

keejac21

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 46)
« Reply #303 on: April 06, 2017, 10:03:49 am »
Mas maige pa na magka solo project si Maine Mendoza.

foxyhauteur

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 46)
« Reply #304 on: April 06, 2017, 10:08:17 am »
^ Ako din. Eat Bulaga lang naman ang regular show ng Aldub. They can take a break naman while doing teleserye tapos pag may free time balik EB. Ganun ginagawa ng Showtime hosts pag may teleserye di ba? Dinahilan pa yung sched. Haha.

Mali kasi yung timing ng teleserye nila. Sana after nila magkita sa PH Arena, hininto na yung kalyeserye tapos nagstart na ng teleserye or movie.

janachen

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 46)
« Reply #305 on: April 06, 2017, 10:29:16 am »
Nasa script, director na rin. Ang gusto ng mga tao ay 'yong mga storya na unexpected at may twist. Hindi yong unang nood mo palang, alam mo na ang mangyayari.

Hindi na rin uso 'yong masyadong focus sa love story, madaming nabobored sa kakornihan.  Kaya mabilis nawala ang kina Jadine kasi bagsaka ng rating, hindi maganda ang storya, focus ang storya sa kanila.

« Last Edit: April 06, 2017, 10:31:21 am by janachen »

chellecc

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 46)
« Reply #306 on: April 06, 2017, 11:21:27 am »
I tried watching DTBY, di exciting panuorin.  kulang pa sa acting workshop si Maine.  I like her, pero nothing new to offer sa acting department.  tsaka nabawasan na kilig factor, masyado nang pa-cute ang dating nila.


tomatostellar

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 46)
« Reply #307 on: April 06, 2017, 01:55:38 pm »
Nalulungkot ako na mababa ratings nila. Sana nga kahit few months after ng Tamang Panahon sila nag serye

scruffs

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 46)
« Reply #308 on: April 06, 2017, 03:04:57 pm »
Matagal na on the talks ng GMA management yung teleserye, I think sa kasagsagan pa ng Aldub fever, GMA wants to strike the iron while still hot sabi nga. Kaya lang Maine is not under GMA so they need to talk with Maine's talent management. May pagkanotorious kasi ang GMA na super imaximize ang artista kapag kasikatan, i.e., Angel Locsin (dati), pero baka ayaw nung management ni Maine na sobrang isalang si Maine.

Diba nagkaissue dati ang EB with Alden's management? Super padala si Alden sa mga mall shows to promote his album and GMA shows (?) to the point na nagkasakit na yung artista.

For sure, issue on ratings yan kaya matatapos na yung serye. Palusot lang yung sa schedule.

Just my thoughts though. Hehe

shygirlme

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 46)
« Reply #309 on: April 06, 2017, 03:13:44 pm »
^Yep for sure ratings. Ngayon oo super busy sila kasi sumabay yung Lenten Special ng EB. tapos may show pa sila sa US. Pero after non pagbalik nila focus na uli sa Teleserye nila.

ANJFinally

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 46)
« Reply #310 on: April 06, 2017, 05:11:48 pm »
Nakakaloka na yung saga between Jadine / Viva VS Producer nung isa nilang concert sa US. Laging trending kahit sa FP.

janachen

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 46)
« Reply #311 on: April 06, 2017, 05:32:44 pm »
flop? sorry hindi ako updated. hehe

khaleesiCersei

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 46)
« Reply #312 on: April 06, 2017, 05:40:54 pm »
^Onga. Kawawa ang mga fans na nasayang ang pera. Sa fp naman laging trending talaga yang jadine, laging nega articles and bi and nag uumapaw ang nega comments, sabi ng ibang sis dito ganyan yan si fp pag may gustong makuha sa prey niya, ginawa na  niya yan sa kathniel noon. Ngayon kapansin pansin na wala ng bi, nega articles at mabibilang na sa daliri ang anti kathniel comments. Tinantanan na din niya si karla estrada at mom ni kathryn. I wonder ano kayang kapalit non haha

ANJFinally

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 46)
« Reply #313 on: April 06, 2017, 05:53:09 pm »
^Oo nga sis eh. One time i watched his IG Live sakto yung about kay pokwang yung hot topic nun, he mentioned na mayaman daw sya. Pero if true na kaya nya yan ginagawa para pagkakitaan ang artista, bakit kaya kung talagang mayaman na talaga sya?

Anyway back to Jadine, nabasa ko yung mga post and merong isang side na nagsasabi ng totoo. Pero we can't say nga lang kung sino talaga sakanila. Lumala nanaman kasi nag tweet pa si Nadine ng pasaring kahapon, so sumagot nanaman si producer. Siguro sadyang hihintayin nalang ng Viva mamatay ang issue.

khaleesiCersei

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 46)
« Reply #314 on: April 06, 2017, 06:08:25 pm »
Eto kasing si nadine eh hindi na lang manahimik. Patola din eh hehe.

Si fp kung mayaman siya eh di wow lol! Mas gusto ko yung blog niya non, walang hidden agenda at hindi biased ang mga comments. Tsaka mas juicy ang mga bi, hindi paulit ulit at tungkol sa kung sino lang pede niya pagkakitaan.

izabelle

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 46)
« Reply #315 on: April 06, 2017, 10:32:07 pm »
Yan kasi problema sa GMA (and minsan pati ABS CBN), kapag sobrang patok ang artista, sunod sunod na projects ang ibibigay so tendency pagsasawaan ng tao.

Dati gustong gusto ko itong Aldub lalo na nung hindi pa sila nagkikita pero after non, nawala na yung magic. Nakakasawa din yung masyadong patweetums.

Si Maine din wala naman something new to offer. Kailangan pa ng workshop nito. Hindi marunong umarte.  Parang pilit na pilit lang kasi. IMO lang po. :)

khaleesiCersei

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 46)
« Reply #316 on: April 06, 2017, 11:00:19 pm »
Imo, yan talaga problema ng gma, hindi marunong mag handle ng mga artista nila. Pag may sumikat, grabe naman nilang ipagdukdukan sa mga tao, maya't maya ang updates, kaliwat kanan na exposure na para bang wala na silang ibang artista. Kaya ang ending nauumay ang mga tao, hindi na naeexcite manood ng movie ng artista nila or tv show.

izabelle

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 46)
« Reply #317 on: April 06, 2017, 11:33:04 pm »
^ True kaya ang ending din minsan pagod ang artista. Nagkakasakit na nga si Alden e.

chinkywinky

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 46)
« Reply #318 on: April 07, 2017, 12:47:32 am »
Ang bilis naman kasi ng mga pangyayari sa buhay ni Maine. Napasabak tuloy sa pag arte kahit hilaw pa.

Maple19

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 46)
« Reply #319 on: April 07, 2017, 07:09:21 am »
Rgdg the aldub serye, kung totoo man magtatapos na soon, feeling ko dahil hindi nga nagrerate at dahil hindi maganda ang story (malakalyeserye daw na naglalagay ng ad within the story). Isa pa, selfish tong tape pagdating sa time ni Maine and Alden at di na sila nakamove on sa concept ng kalyeserye. I used to be a fan of aldub din, but I do think Maine needs more acting workshops lalo sa drama para may something new naman.

About jadine naman, nakakaloka na mga ganap. Ano ba naman tong si nadine, sana di na lang nagcomment, nagmukha tuloy syang bitchy at mukhang pera. Andaming nega stories recently kay nadine and especially how she treats her fans. Imo, parang nag-iba si nadine nung naging sila na ni james, yumabang ng slight. (I might be wrong though)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close