Author Topic: Husband calls me "baboy"  (Read 10929 times)

redsh0es

  • Guest
Husband calls me "baboy"
« on: February 19, 2017, 09:33:55 pm »
Hindi ko alam kung depression na ito, sobrang lungkot ko at baba ng tingin ko sa sarili ko.

Everytime na kasama namin yung mga kaibigan namin lagi niya akong sinasabihan ng "mataba" or "baboy" or "malaki". Dedma lang ako pero deep inside parang napapahiya ako. Pag kaming dalawa lang iba naman sinasabi niya "matakaw" or "balyena". Mga sis 143lbs ako at 5'4", malaki ang tyan ko pero parang hindi ko naman matanggap yung ganung term at asawa ko pa yun nagsasabi.

I skip meals pag sobrang naoffend na ako sa asawa ko, yung matakaw na definition niya eh kapag naka 1 rice ako na dapat ay 1/2 lang or yung kapag nasa buffet kami with our friends or kapag napupuno yung plate ko. Siguro kung ibang tao yung nagsabi nun dedma lang ako, overweight ako according to my BMI but Im not that fat. Nasasaktan lang ako kapag sa asawa ko mismo nanggaling.

Shadow Angel

  • Guest
Re: Husband calls me "baboy"
« Reply #1 on: February 19, 2017, 10:26:35 pm »
^ang bastos ng asawa mo walang respeto sayo. Kahit pa joke pa yan. Dapat kinakausap mo hindi tatahimik lang. Atleast alam nya hindi ka pabor sa ganun attitude nya sayo.

redsh0es

  • Guest
Re: Husband calls me "baboy"
« Reply #2 on: February 19, 2017, 10:32:37 pm »
^ilang beses ko na yan sinasabi sa kanya na i feel offended sa ganung biro. Hindi ko alam kung may amensia ba siya o bastos lang talaga. Older couples na friends namin sinasabi na dapat iappreciate ang mga wives o say something na nakakaboost ng morale ng babae. I thought macocomprehend niya yun but no, tuloy parin siya.

Shadow Angel

  • Guest
Re: Husband calls me "baboy"
« Reply #3 on: February 20, 2017, 01:04:08 am »
^wala syang amesia bastos talaga. Kung ako yan ano na nasabi ko sa kanya. Vebal abuse na tawag dyan lalo na may effect sayo.

drag0nfly

  • Guest
Re: Husband calls me "baboy"
« Reply #4 on: February 20, 2017, 01:58:21 am »
Agree, verbal abuse yang ginagawa ng asawa mo. Please stand up to him and answer back. Please wag mong hayaang magpatuloy yang ganyang pagtrato sayo. Ang kapal ng mukha nya. Sinong matinong lalaki ang magbibitaw ng ganyang salita sa asawa nya and moreso sa harap ng ibang tao? Nakakainit ng dugo grrr. Also, sya ba fit at healthy ang eating habits? Kung concerned sya sa health mo kaya ganyan sya magsalita, pakisabi there's always a better way of saying things. Ako, I gained some weight since getting married and alam ko miss na din ng asawa ko dating figure ko. Pero ni minsan sa almost-decade naming pagsasama hindi nya ako sinabihan ng masasakit na words tungkol dyan. More encourage lang sya na maging consistent ako in working out. Sabihin mo sa asawa mo na lalong hindi nakakatulong ang ginagawa nya.

I hope you feel better, sis redsh0es! Also, please don't skip meals baka magkasakit ka pa nyan. Hugs!

chicafabulosa

  • Guest
Re: Husband calls me "baboy"
« Reply #5 on: February 20, 2017, 02:32:30 am »
Agree bastos yang asawa mo. Answer back. Dont let this *censored* make you feel less because of your weight. Hindi tama na ganyanin ka. You need to learn to stand up for yourself. If you let him do that to you, later on baka marealize mo wala na ng self confidence. And dont starve yourself. Hindi sya solution on how to lose weight. Di porke mag asawa kayo may right sya na bastusin ka. Kung ganyan sya ng ganyan aba sis mag isip ka. Love yourself first before you love other people. Show him how you want to be treated. If you dont speak up, you are just saying that its okay na ganyanin ka. Sorry nakakainis kasi mga ganyan na mga asawa. Instead na i support ka if worried sya sa health mo eh lalo ka lang pinipush na mawalan ng self esteem.

hushush

  • Guest
Re: Husband calls me "baboy"
« Reply #6 on: February 20, 2017, 04:34:18 am »
I experienced the same body shaming before nung bago pa lang kami mag-asawa ng husband ko.6mos pa lang ang panganay namin at napansin ko na yun.
Like kapag nasa office kami at may kausap sya at asa tabi ako he would make parinig "uy bigla ka pumayat ah.ano ginawa mo? Turuan mo nga asawa ko kung pano.."
Then madalas ganun sya.hindi lang ako nagsasalita.hindi naman nya ako sinasabihan ng "baboy" kasi edukadong tao naman ang asawa ako..pero napuno ako nung 1day puyat ako sa pag-aalaga at pagpapadede sa baby namin...tinanghali ako ng gising then sabi ko sa kanya while nakahiga pa ako sa bed na sya muna magpadede sa bata..then sabi nya while holding the baby "bumangon ka na dyan para mabawasan ang taba mo". Nag-alboroto talaga ako at naglayas kinahapunan.. iniwan ko muna yung anak ko sa nanay ko at sinabi ko sa asawa ko na maghiwalay na lang kami kung wala syang respeto sakin...nagkabati din kami at wala na sya sinabi about my body...after 2 years, ako na mismo ang nagkusang magpapayat..pumayat naman ako kasi sinuportahan nya ako..

after 3 years tumaba na naman ako kasi nagpabaya ako..wala naman syang sinabi about it..pero nung makita ko yun last picture ko na mukha na akong baboy (2 weeks ago) while dining in a resto at nagpapic kami sa waitress..dun ako nagising na need ko na ulit magpapayat.ako na mismo ang nagsabi ng "daddy tignan mo tong pic ko o! Mukha na kong baboy! Need ko nang magdiet pala!". Sabi nya lang "ganun talaga, lumakas na ang kain mo"...suportado naman nya ako kasi sabi nya mag-juicing diet ako tapos fruit diet..at sinunod ko naman. binilhan nya ako ng equipment like exercise bike..after 2 weeks i lost 2kg already..and im happy with the result at tingin ko masaya din sya.kasi mukhang yun ang kaligayahan nya. Na makita akong hindi mataba.. :)

yannuh

  • Guest
Re: Husband calls me "baboy"
« Reply #7 on: February 20, 2017, 06:06:11 am »
naku TS verbally abuse na yan if paulit ulit nya ginagawa. sobrang offensive :( kinausap mo na ba sya ulit at tinanong kung anong purpose nya sa pinagggawa nya sayo? anong mapapala nya pag ganun?

khaleesiCersei

  • Guest
Re: Husband calls me "baboy"
« Reply #8 on: February 20, 2017, 11:55:59 am »
Ibalik mo kaya sa kanya ang pang iinsulto so he can have a taste of his own meds. Makatikim man lang ng konti sis. Yung alam mong kina iinsecure-an niya, yun din ang gawin mong biro at ulit ulitin mo din hangang magpantig ang tenga niya. Let's see how he reacts then ask him, anong pakiramdam? Sorry kung stooping low na yung suggestion ko pero according to your post eh mukhang hindi makuha sa matinong usapan yang asawa mo. Patulan mo na sis isang beses lang

o9kristin

  • Guest
Re: Husband calls me "baboy"
« Reply #9 on: February 22, 2017, 01:17:58 am »
Please don't let your husband continue with that. Does he have a good body/perfect body to call you that? I bet he's not even perfect!

Why does his friends allow him to call you that?

Sorry ha, pero bakit ka nagpakasal sa ganyang klase ng tao?

I've gained 10 kgs since I gave birth to our son. Minsan pag nagbibiruan kami mag asawa, sinasabihan nya ko ng mataba sabay pisil sa braso ko. Binibiro ko rin naman sya sa lumalaki nyang tyan! hahaha! But never nya kong ginanyan sa harap ng iba. That's a big NO NO. He also compliments me paminsan minsan.

yannuh

  • Guest
Re: Husband calls me "baboy"
« Reply #10 on: February 22, 2017, 06:15:06 am »
^same here sis. nagbibiruan din kami ng mataba ni hubby pero not to that extent na sasabihan ka nyang baboy. OMG talaga

kittypaw

  • Guest
Re: Husband calls me "baboy"
« Reply #11 on: February 22, 2017, 07:31:57 am »
Mag pa sexy kana sis.. gantihan mo ng pag papaganda mo kaya mag exercise na dali, then pahirapan mo makascore .. ganti gantihan lang.

lonely_dad

  • Guest
Re: Husband calls me "baboy"
« Reply #12 on: February 22, 2017, 07:55:54 am »
kahit hindi na kasing payat ng dati wife ko i never call her names
sa mata ko maganda pa rin siya. ganun din naman kasi katawan ko tumaba din

izabelle

  • Guest
Re: Husband calls me "baboy"
« Reply #13 on: February 22, 2017, 10:21:51 am »
Below the belt ang ginagawa ng asawa mo sa yo. Where's the respect?

We have the same height, 5'4.  Based lang sa information na nasabi sa akin, 125 pounds ang ideal for 5'4 na height. Currently, I'm 130 pounds pero sis galing ako sa 136 pounds 2 months ago.

I decided to exercise and diet.  Not because of my husband but for myself. Never naging issue sa amin ng husband ko yung na gained ko na weight, he never called me fat or anything.

If I were you, tell him straight na nakaka offend sya and he better shut up. Then mag exercise ka and diet sis NOT for him but for YOURSELF. Lose weight for the right reasons. Wag ka din papagutom, the more na nagpapagutom, the more lang mag crave.

Ang malaki effect sa akin is hindi ako nag rice every lunch and dinner. I only eat oatmeal/wheatbread or fruits. Then sabayan mo ng exercise.

Not easy, sometimes mag fluctuate pa weight mo pero just have patience and unti unti babalik yung dati. :)

Do it for yourself sis. NOT for anyone else.


kirsten10

  • Guest
Re: Husband calls me "baboy"
« Reply #14 on: February 23, 2017, 05:45:29 pm »
That's too much, verbal abuse na yan ha, specially may nakakarinig pa na iba. pagsabihan mo yan sis. Dapat consistent ang pag call out sa kanya, para mawala un habit. Kase mamaya akala nya ok syo minsan, tapos pag nagalit ka dahil na offend ka, ikaw pa mali.

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
Re: Husband calls me "baboy"
« Reply #15 on: February 23, 2017, 06:59:17 pm »
As much as possible ang hirap makipag away and makipagtalo lalo na pag di kayo level ng kalaban mo. Worse, asawa mo pa or close sayo, sometimes ang ginagawa ko pag super offended or hurt ako over something, ke petty or not, and I know eh non sense na diretsuhin or kausapin, or ayaw ko gawing big deal ginagawa ko din sa taong yun yung ginagawa nya sakin, intentionally. I know it's bad, pero minsan ang sarap na gumanti. Para he/she knows what it feels, like minsan pag may taong naiinis ako dahil taklesa or mahilig magbigay ng unsolicited advice, ginagaya ko sya, and see kung maoffend din sya, if not, eh nako I try to avoid that person na at all costs.

Sis, that's verbal abuse, I hope you will take this seriously. Talk to him ng seryoso at maayos, kapag di pa din nagbago, I guess you should do something about it, and you know what I mean.
« Last Edit: February 25, 2017, 03:10:09 pm by Rory_Lorelie_Gilmore »

andy2014

  • Guest
Re: Husband calls me "baboy"
« Reply #16 on: February 24, 2017, 06:30:02 pm »
tell him that it offends you, it's never right to call someone baboy or to comment on anyone's physical appearance - in a bad way. minsan ang mga lalake hindi nila alam nakaka offend na sila haha

iwannabeasupermodel

  • Guest
Re: Husband calls me "baboy"
« Reply #17 on: February 24, 2017, 10:12:26 pm »
Hindi ko alam kung depression na ito, sobrang lungkot ko at baba ng tingin ko sa sarili ko.

Everytime na kasama namin yung mga kaibigan namin lagi niya akong sinasabihan ng "mataba" or "baboy" or "malaki". Dedma lang ako pero deep inside parang napapahiya ako. Pag kaming dalawa lang iba naman sinasabi niya "matakaw" or "balyena". Mga sis 143lbs ako at 5'4", malaki ang tyan ko pero parang hindi ko naman matanggap yung ganung term at asawa ko pa yun nagsasabi.

I skip meals pag sobrang naoffend na ako sa asawa ko, yung matakaw na definition niya eh kapag naka 1 rice ako na dapat ay 1/2 lang or yung kapag nasa buffet kami with our friends or kapag napupuno yung plate ko. Siguro kung ibang tao yung nagsabi nun dedma lang ako, overweight ako according to my BMI but Im not that fat. Nasasaktan lang ako kapag sa asawa ko mismo nanggaling.

why dont you call him out for it. let him know how it made you feel. bakit macho ba siya and fit to judge you?

lovemeagain30

  • Guest
Re: Husband calls me "baboy"
« Reply #18 on: February 27, 2017, 10:05:34 pm »
naku verbally abusive pala ako sa asawa ko!  ::)

kami ng hubby ko lambingan namin yun, ang salitang "baboy".  he will chat me "hi gorgeous", ang reply ko "hi (pig emoticon)". sabay i looovee youu. :) ewan ko parang inside joke namin yun.  hindi sia naooffend, ako din kapag binibiro niya ko about my weight and eating habits.. sarap kumain eh! haha my husband gained a lot of weight when we got married.  dati seryoso pa kami nag uusap na magpapayat na siya pero siyempre stubborn, tuloy ang ligaya! dati nag aaway na kami sa kapapa alala ko sakanya pero now mula nung tinanggap ko na buong buo na ganyan na siya, hindi na kami nag aaway pa. as matter of fact naging part ng lambingan namin! tinatanong ko nga siya if nahuhurt siya sa biro ko, sabi niya hindi naman. mataba nga ko pero masaya naman ako eh.  ;D kaya minsan i will call him 'come here my chubby pig', he will reply hehe, whatever". :) ang samin naman, we don't joke around like that when there are other people listening.

« Last Edit: February 27, 2017, 10:08:17 pm by lovemeagain30 »

izabelle

  • Guest
Re: Husband calls me "baboy"
« Reply #19 on: February 28, 2017, 02:59:01 am »
^ i think it really depends on papano sinasabi kesa sa content ng sinasabi.

Iba kasi yung pabiro at nagkakaintindhan ang mag asawa na biruan lang yun.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close