Hello! I'm new here and I just want to share my experiences.
Ever since, mahilig na ako magpahula. Marami rami na rin akong natry and I've been a silent reader here since 2015.
First online FT ko is Tata Adlaw, sya kasi unang lumalabas sa google. Isang buwan hinintay ko noon just to get his reading
Eventually, nagparitual ako sa kanya para maboost yung love ng bf ko, pero hindi umepekto kahit sinunod ko lahat ng payo nya like maligo daw with rose petals for ilang days, wala talagang mintis pero hindi talaga umepekto and end up, nag break din kami ng bf ko that time. Nawalan na ko ng gana mag consult sa kanya after that.
Second online FT ko is Sindak Kidlat thru FB, I'm not satisfied with his reading. Kung ano ano na lang sinasabi like dinedwende ako etc. 350 lang binabayad ko.
Third online FT ko is Madam Excelen which is Lenlen pala ang tawag nyo dito, We conversed thru viber chat. Maigsi lang reading. In less than 10mins tapos agad yung reading. Parang wala akong napala since yes and no lang minsan sagot nya. Pakiramdam ko nga, nakunan lang ako ng 1300. Hindi pa sya makapag advice ng maayos.
Fourth online FT ko is Madam Chantal from Instagram, sya talaga binalik balikan ko because eye opener ang mga advices nya and reading and eventually nag paritual ako to bring back an ex. Well alam nyo na nangyari, hindi umeffect ang ritual and got scammed for almost 50k. Inunti unti ako ng baklang yun tapos nalaman ko na scammer pala sya.
Fifth online FT ko is Madam Dalia a.k.a psychicdalia, I can say na magaling sya mag advice. 10 questions lang ang pwede pero after reading, nag tanong tanong pa ko and sinagot nya naman without additional payment. The readings, true naman for me lalo na sa relationship part. Hindi rin ako inofferan ng ritual. I think she is being safe sa mga hula nya kasi hindi sya sumasagot pag about dates sabi nya kasi walang timeline ang baraha. Isa pang gusto ko sa kanya, may pa outreach sya. Niyayaya nya ako sumama sa outreach program since taga Iba, Zambales ako and sya somewhere in Zambales din. Tama nga sabi nila, sulit bayad sa kanya.
Sixth online FT ko is Apong Solis thru email, gusto ko sa kanya, nagbibigay sya ng month/year kung kelan mangyayari. Magaling din syang mag advice and true yung mga hula nya sakin like niloko ako ng ex ko and buntis ako ngayon. Kaya nabilib ako. She's offering me ritual pero lesson learned na diba?
