Author Topic: Girltalkers from UAE 5  (Read 17653 times)

estelle4111

  • Certified KIKAY!!! Dreamer ... Believer ... Addicted to Girltalk
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 379
  • K-I-K-A-Y!!!!!
Re: Girltalkers from UAE 5
« Reply #80 on: April 22, 2018, 11:23:55 pm »
hello! Merry Christmas :)

baka may masuggest kayo banquet hall na affordable ang package for a kid's birthday party.
Naka pencil book ako sa Landmark Grand Hotel pero medyo pricey pa din for 70AED/head tapos ang konti lang ng food and walang ibang kasama amenities.

also looking for photo/video na affordable din,heheh

tight kc ang budget tapos may vat pa next year :'(, gusto ko lang mairaos kahit papano ang 7th bday ng anak ko :)

thank you

Hi sis saan ka nakahanap ng affordable venue? Thanks
When we LOVE, we always strive to become better than we are.  When we strive to become better than we are, everything around us becomes better too ; )

tripleloop

  • Probationary
  • Posts: 4
Re: Girltalkers from UAE 5
« Reply #81 on: May 14, 2018, 06:12:58 pm »
Try mo mag inquire sa Auris Inn, Tecom (Barsha Heights). I heard mura lang doon.

jakh

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 210
  • lil miss hugs and kisses. Fashionphile.
Re: Girltalkers from UAE 5
« Reply #82 on: May 18, 2018, 08:18:08 pm »
Helping a friend: mga sis baka Meron kayong kilalang wedding coordinator na pinoy dito.  Let me know pls :)

jillai

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 43
Re: Girltalkers from UAE 5
« Reply #83 on: September 16, 2018, 03:21:20 pm »
Hello sisses!

Any recommended salon good for rebond and haircut along Al Rigga?
Madami salon kaya lang wala pa akong experience - mahirap kasi magtry na lang basta.... :P

Thanks much!

gracita13

  • happywife.vintage. loveshabby.kawaii and a
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 536
Re: Girltalkers from UAE 5
« Reply #84 on: October 08, 2018, 02:30:24 pm »
Hello mga sis! Baka may interested sa inyo mga Korean products, kunti pa lang prod ko kasi kaka start ko pa lang  ;D meron akong cushion, ampoule, liptint, sunblock at foam cleanser.
Abudhabi based pala ako. Eto yung link ng fb page ko.
https://www.facebook.com/beautywithgracey/?modal=admin_todo_tour

Salamat mga sis!  :-*
You may ask me for anything in my name, and I will do it. John 14:14

insta: gracita04

superjuzh

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 150
Re: Girltalkers from UAE 5
« Reply #85 on: July 10, 2019, 02:13:00 pm »
Hello girls! Totoo bang mahina ang ekonomiya ng UAE ngayon?

jillai

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 43
Re: Girltalkers from UAE 5
« Reply #86 on: June 29, 2020, 11:02:28 pm »
Hello mga sis! Up ko lang tong thread na to. Kamusta na kayo? Back to normal na ba ulit, like work at pasyal? Kami work from home pa din, hindi pa alam till when at hindi pa din lumalabas unless mag-grocery. Kayo ba?

simplykristine08

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 3365
  • Loving mommy and Faithful wifey
Re: Girltalkers from UAE 5
« Reply #87 on: June 30, 2020, 06:42:01 pm »
^ hi sis, okay naman kame. husband ko at bro in law, balik office na. Ako nalang ang work from home. tapos na din school ng bagets. And tanong nalang eh pano next school year. Hindi pa namin alam kelan kame babalik sa office, baka matagal tagal pa.

Anyway, kame lumalabas labas, last 3 weekends nagdidistribute kame ng relief para sa mga kababyaan natin na nawalan ng work at mga no work no pay. Pero yun nga, super ingat lang talaga.

Lovin' my LIFE =)

jillai

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 43
Re: Girltalkers from UAE 5
« Reply #88 on: June 30, 2020, 10:56:05 pm »
^wow sis, ang bait nyo naman, I salute you for sharing your blessings  :)

Kami sa Thursday pa ang last day sa school ng anak ko. Halong tuwa at lungkot - looking forward ago kasi bawas pressure pero malungkot din kasi guilty ako na hindi ko sya natutukan sa online learning nya. Parang mas xahirap para sa akin ang work from home - ang ok lang, at least alam ko na safe sya kasama ko.
May survey sa amin kung and ba preference - online learning or back to school or combination - hindi ko pa alam ano isasagot ko.

simplykristine08

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 3365
  • Loving mommy and Faithful wifey
Re: Girltalkers from UAE 5
« Reply #89 on: July 01, 2020, 08:00:32 pm »
^ anong school sis ng baby mo? kame tapos na din mag survey. Prefer namin distance learning, di ko kaya irisk na mag face to face sis. nakakatakot eh, hindi pa to makakasunod ng social distancing. Jusko mga bata pa.

Naku, nag share share kameng magkakaibigan kaya naka 3 batch din kame ng relief. Sobrang sarap sa pakiramdam kasi kahit papano, nakapagbigay kame ngiti sa mga kababayan natin na grabe ang pinagdadaanan ngayon. Kung mas madami lang kameng funds, gagawin naming weekly. pero syempre, di naman ganun din ang sitwasyon. Husband ko nga, bawas sahod, 25% :( Nakakalungkot.
Lovin' my LIFE =)

jillai

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 43
Re: Girltalkers from UAE 5
« Reply #90 on: July 15, 2020, 09:10:26 pm »
^sa airline ba hubby mo sis? Kasi kami meron din, unpaid leave naman. Taking it positively na lang - promise ko na gagamitin yung time na yun para mag-review kami ng anak ko. Bawi sa kanya dahil pag may work ako, hindi ko kaya isabay ang online learning nya.

simplykristine08

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 3365
  • Loving mommy and Faithful wifey
Re: Girltalkers from UAE 5
« Reply #91 on: July 16, 2020, 03:29:37 pm »
^ sis, hindi po sya sa airline. Logistics sya. Nag memo na nga ulit na ang deduction nila is until end of 2020 na. pero from 25% naging 10% nalang. Kame din, positive nalang. naisip ko nalang na mabuti kahit papano eh may work pa rin. Anong level na ng anak mo sis?
Lovin' my LIFE =)

jillai

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 43
Re: Girltalkers from UAE 5
« Reply #92 on: July 16, 2020, 06:43:22 pm »
^incoming year 1 pa lang sis. Kaso lang hindi mahilig mag-aral :(

barcode

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 52
Re: Girltalkers from UAE 5
« Reply #93 on: October 11, 2020, 11:05:03 am »
Kamusta kayo. Just wanted to connect lang para may makakausap.

My husband just lost his job, buti nalang at hindi pa ika-cancel ang visa. Now I?m worried kasi may 8 month old baby kame dito, hindi pa nga nabibinyagan at hindi ko alam paano icecelbrate ang 1st birthday kung ganito ang sitwasyon. Nakakalungkot.

jillai

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 43
Re: Girltalkers from UAE 5
« Reply #94 on: October 15, 2020, 03:07:16 am »
^Hello sis! Hugs syo.
Send me a PM if you need someone to talk to. I know the feeling. Mahirap talaga buhay expat natin dito. Our company too, malapit na magrestructure din. I pray it works out for you and your family.

barcode

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 52
Re: Girltalkers from UAE 5
« Reply #95 on: October 24, 2020, 02:33:33 pm »
Thank you sis! Eto may ipon pa naman at kaya pa. Ang mahirap sa ganutong sitwasyon kailangan mag tipid talaga dahil hindi mo alam kung hanggang kelan to diba?

simplykristine08

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 3365
  • Loving mommy and Faithful wifey
Re: Girltalkers from UAE 5
« Reply #96 on: October 25, 2020, 10:49:56 pm »
Same here sis. Message nyo lang ako pag need nyo ng kausap, kelangan natin to sa panahon ngayon. Ako nga minsan inaatake ng anxiety at super stressed :(
Lovin' my LIFE =)

jillai

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 43
Re: Girltalkers from UAE 5
« Reply #97 on: November 07, 2020, 03:07:08 pm »
Hello mga sis! I am hoping pwede nyo akong tulungan na sagutan ang survey questionnaire ko para sa MBA thesis ko. Ito na lang kulang para makatapos na, kaya desperate na talaga ko (second attempt ko na kasi ito at after 11 years, eto na). Eto yung link mga sis, https://forms.gle/y2uwTduTxmhNfHyEA

Academic research ito at hindi for marketing purposes. Maraming salamat in advance.

At sa ating lahat, kapit lang and pray lang tayo malalagpasan natin ito. Katatapos lang ng restructure sa amin, safe ako..pero since hindi pa nga ok ang takbo ng company, kaya hindi pa din tapos ang anxiety. Pero just hoping for the best. Literal na taking one day at a time. Hugs sisses!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close