watch now

Author Topic: Free Childbirth  (Read 1638 times)

deannathalie

  • Guest
Free Childbirth
« on: February 07, 2017, 02:07:59 am »
Hi momsies! First pregnancy ko to and medyo unwanted pa nung una so ayun, medyo hindi nakapaghanda.

May mga nababasa ako sa previous topics na free daw yung panganganak nila plus screening and so on. How is it possible po ba? wala kasi talaga akong ipon and iniwan ako ng tatay ng anak ko.. I'm not working din po.. Thanks po. Hoping God can sent me an angel today para malaman ko kung ano na gagawin.. :(

raiza0022

  • Guest
Re: Free Childbirth
« Reply #1 on: February 07, 2017, 04:56:38 am »
You can have your prenatal check ups sa health center in you area, alam ko it's free, not sure lang sa mga tests na kailangan gawin, if may bayad man, maybe they wil refer you sa mga murang clinic lang, alam ko din they give away free prenatal vitamins (not sure). and sa panganganak naman, you can try din sa mga district hospital sa area nyo.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Free Childbirth
« Reply #2 on: February 07, 2017, 09:48:26 am »
^Free po prenatal checkup sa healthcenter. Kung may fee man di tataas ng 50pesos. May mga lying-in din na nagco-conduct ng free checkup once a week. Tingin ka ng malapit na lying-in sa inyo. Regarding free panganganak baka po sa mga public hospital meron pero di ako sure. Sa lying 3k-5k ang bayad kapag panganay ang baby, 1500k ata kapag hindi panganay.

tiggerlily

  • Guest
Re: Free Childbirth
« Reply #3 on: July 07, 2017, 09:50:01 pm »
Sis, tignan mo sa mga lying inn na malapit sa inyo. Merong may mga lying inns na may charity cases. P500 at most lang ang babayaran mo. Pwede ring malibre kung may philhealth ka. At least have 3 months na hulog before ang due date. Basta normal delivery - kaya alagaan mo ang health mo ngayon. Mahal kasi ang gamit kapag CS.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close