In fairness mga sissies ang positive ng thread na ito!
So here are my 5 things I appreciate about my finace/soon-to-be-hubby:
1. He is so loyal with me. As in. I know for sure di sya mambababae. Hindi sya flirt. Ever since magkaklase pa lang kami sa isang subject nung college, yun na yung napo-project nya. At yun din ang sinasabi nya, hindi sya flirt at wala sa personality nya ang mangchix. Napakatahimik nya din kasing tao and isa lang talaga naging friend nya sa school namin at syempre ako nung naging gf nya na ako. Also pag nasa mall kami or nasa labasan,tinitignan ko sya ng patago e, kung napapalingon ba sya sa mga babae, pero wala talaga. Poker face ang mukha. Hahahaha, baliw din ang peg ko. Minsan nga pag nakikita ko kunwari sa Arci Munoz na naka-2 piece, sya pa tinatawag ko an tignan, tapos pag nakita na nya, without a second umaalis na sya agad. So ayun, I prayed for it kasi, dahil para sakin yun ang pinakamahalagang quality ng partner ko. So ayun.

Hindi pa ako nakaramdam ng selos sa mga kaklase nya at mga katrabaho nya kasi he has my full trust.
2. He is a spiritual man. Given na din kasi na magkapareho kami ng religion, so I know na spiritually makakapagprovide sya sakin. And he will be a worthy head.
3. He gives his all. Pansin ko yan sa family nya. Sya kasi ang breadwinner, sobrang generous nya to the point na wala na natitira sa kanya. Also ako kunwari, may gusto ako, though sinasabi ko indirectly (like kunwari pupunta kami sa mall, titingin kami ng bags, at sasabihin ko gusto ko ng bag hahahaha), ibibigay nya sakin yun. He notices. So sakin ang saya ko kasi sensitive naman sya sa gusto ko.
4. My mother likes him. Well syempre nagustuhan na din sya ng nanay ko for who he is. Magalang sya sa family ko and conscious sya sa gusto nila. To the point na pag di ako nagrereply sa nanay ko, sya na yung itetext kung asan na kami. She finds him trustworthy.
5. He works very hard and he is smart. Cum Laude sya when he finishes his degree, at nung nagtrabaho sya, talagang super hardwork ang nakita ko sa kanya.
Eto yung mga qualities nya, pero may mga kinakainisan din naman ako. Hahahaha.