watch now

Author Topic: Miss Universe 2016  (Read 5419 times)

shawliin

  • Guest
Re: Miss Universe 2016
« Reply #20 on: January 31, 2017, 08:08:51 am »
si ms colombia nung inannounce na 2nd runner up siya halatang nadismaya.  ineexpect siguro niya na maipaghihiganti na niya si ariadna gutierrez

mysterioza_me

  • Guest
Re: Miss Universe 2016
« Reply #21 on: January 31, 2017, 08:28:36 am »
^Oo nga no hawig din niya.

Akala ko din maghihiganti si Ms Colombia.

Ang cute ni Steve Harvey haha, nag-enjoy ako sa mga eksena niya.

amethyst028

  • Guest
Re: Miss Universe 2016
« Reply #22 on: January 31, 2017, 08:42:37 am »
all over social media pa rin ang Miss U fever.

i agree sana sa mga susunod na miss philippines pageant taasan naman nila ang criteria pagdating sa Q&A. beauty and brains. fast thinker dapat and yung hindi mababaw alam mong well rounded person.  i am not bashing Maxine but her answer is super babaw. and daming pwedeng isagot dahil ang daming nangyari in the last 10years. kahit yung mga sabi niyang "i look like fat" tsaka yung si imelda marcos invented the terno. makes you wonder why she won and is she really the best we've got?

well anyway nanalo na tayo last year hindi naman pwedeng every year sa atin ang korona. i am happy for Miss France. unang kita ko pa lang sa kanya naisip ko siya ang mananalo. there is something about her kasi. she has the making of a queen.

 


hisana

  • Guest
Re: Miss Universe 2016
« Reply #23 on: January 31, 2017, 08:56:24 am »
^
Me, too. Dun pa lang sa pic ni Miss France na nasa airport sya kasama nung mga bagahe nya, I felt she stood out. Happy to know she won. Pero nung crowning mas nagagandahan ako kay Pia, and to think hindi ko naman masyado bet si Pia kahit nung nanalo pa sya. Gumanda pa lalo sya ngayon.

scruffs

  • Guest
Re: Miss Universe 2016
« Reply #24 on: January 31, 2017, 09:08:25 am »
Same here mga sis. Akala ko ako lang may bet kay Ms. Venezuela. Isa ako sa super shock na hindi man lang siya nakapasok ng Top 13. I also saw several times yung tuwing may tatawagin, nakayuko siya na as if muttering, 'please ako, ako..." kaya lang hayst. Sa kanya ako pinakanalungkot. Isa talaga siya sa mga nagstand-out dun sa preliminaries, for me. Pero baka nga dun sa interview portion.

Super ganda din Colombia. Akala ko talaga siya magiging Miss U. Hindi kasi maganda yung sagot niya dun sa final question. Actually si Haiti ang ineexpect ko manalo. Pero super unexpected si Haiti ha? Hindi ko siya napansin nung preliminaries.


mysterioza_me

  • Guest
Re: Miss Universe 2016
« Reply #25 on: January 31, 2017, 09:12:17 am »
Hanggang huli kabogera si Pia. Lutang pa din ang ganda niya kahit napapaligiran ng magaganda ding kandidata.

Ako naman si Ms Thailand talaga ang bet ko. I also like Ms Brazil and Nicaragua. Napansin ko si France nung makita ko pic niya sa National Costume category, ang liit ng waistline, parang leeg lang.

Shadow Angel

  • Guest
Re: Miss Universe 2016
« Reply #26 on: January 31, 2017, 09:28:23 am »
Kahit tagalog ang gawin sagot ni Maxine ganun pa rin sagot kya. Sabaw lang talaga. Nakakapagtaka pa nga napasama sya sa top 6 mas maraming mas deserving considering na kahit sa preliminary hindi rin naman ganun kaganda mga sagot nya compared sa iba. Hindi nya pedeng sabihin na tayo ang lumaban ng malaman natin. Kaya nga dami nilang training na dinadaanan bukod pa sa competition sa BB. P. Ang labanan hindi lang beauty, sexy or confidence kasama lagi ang brain kaya ang may Q & A.

drag0nfly

  • Guest
Re: Miss Universe 2016
« Reply #27 on: January 31, 2017, 10:20:31 am »
Makidagdag lang ako na ang ganda ganda nga ni Pia kahapon! As in pak ang gowns nya! Yung una palang na pink number wow. Lalo yung signature royal blue. Lakas maka-Cinderella with that teeny tiny waist. Kay Pia ako natitibo eh hehe. Lalong gumanda si ate.

shawliin

  • Guest
Re: Miss Universe 2016
« Reply #28 on: January 31, 2017, 10:27:53 am »
pwede na magpakasal si pia! cheret!

i agree ang ganda ganda nya! at ang collar bones! naghuhumiyaw!

anyway, sobrang below the belt ang mga bashers kay maxine. may nabasa pa ako na "ibalik ang death penalty! unahin si maxine!" sobrang below the belt..

mysterioza_me

  • Guest
Re: Miss Universe 2016
« Reply #29 on: January 31, 2017, 12:07:23 pm »
^^^I somehow agree with you sis, wala naman pumilit sa kanila na sumali dun and they know what to expect kaya dapat ready sila. Kung may stage fright, nerbyos or madaling mataranta wag na sumali. Masakit man aminin pero sabaw talaga ang sagot niya e. Ang layo talaga.  Pero wag na lang siguro below the belt ang tira kababayan pa din natin yun.

^^I like the barong tagalog/filipiniana inspired long dress ni Pia. Paulit-ulit ko ng nasabi ito at uulitin ko uli, mas magaganda ang sinuot na gowns ni Pia. Reynang-reyna talaga.

^Nabasa ko yan sis. Tawang-tawa ako. Naawa ako kay Maxine pero nung una ko talaga mabasa di ko napigilan pagtawa ko.

yannuh

  • Guest
Re: Miss Universe 2016
« Reply #30 on: January 31, 2017, 12:18:40 pm »
gandang ganda din ako kay Pia kahapon. Kween talaga si madam e. at gandang ganda din ako dun sa filipiniana/barong/etc na suot nya. sabi ko din dapat yun na lang sinuot ni Maxine Medina. Kaya lang baka kay Pia lang bagay.

princess20

  • Guest
Re: Miss Universe 2016
« Reply #31 on: January 31, 2017, 03:49:22 pm »
For me, Maxine did her best... Pero nanghihinayang ako sana si Kylie Versoza nalang pinanlaban sa Ms U at si Maxine sa Ms World.  ;D

ataypool

  • Guest
Re: Miss Universe 2016
« Reply #32 on: January 31, 2017, 06:55:26 pm »
Mas may aura na pang-Ms Universe contestant si Maxine Medina than Kylie Versoza.

simang

  • Guest
Re: Miss Universe 2016
« Reply #33 on: January 31, 2017, 07:27:29 pm »
Ang ganda ganda ng aura ni Maxine during the prelims and coronation. I honestly think she sya ang pinaka pleasing tingnan sa stage.

My personal bets were Miss Thailand and Haiti.

KVsWahmmy

  • Guest
Re: Miss Universe 2016
« Reply #34 on: February 04, 2017, 12:24:53 am »
Personally, I found Maxine super stunning nung preliminaries and the pageant day. I like her smile. I like her aura.

Kaya lang may something 'missing'. Ewan ko ba, siguro because in my mind I was comparing her to Pia. Pia kasi had this aura of someone who came there to win. Parang kung anung itsurahan ni Colombia this year, may gigil to win the crown. Yung you can see she was pushing herself talaga to be the BEST out there.

Kay Maxine I saw effort, sure. But I didn't see 'hunger'. Yung gigil to win the crown. She is amazing pagdating sa rampahan, kitang-kita mong experienced model talaga si Atey. Effortless for her eh. Pero she didn't quite 'connect'. And of course the Q & A. I doubt it would have been any better if she answered in Tagalog.  Sa tingin ko kasi, hindi naman yung ability nya to speak English yung problema eh. She looks like a 'rich kid' - yayamanin ika nga. So most likely, komportable siyang mag-English. Tingin ko, it's her thought process na may problema eh. Kumbaga kung kay Pia, maririnig mo, may sinusunod siyang linear process - organized. Si Maxine waley, kalat-kalat. Kaya hindi lumalalalim. :(

Totally agree na sana sa next Miss U, they look more into the contestant's ability to shine sa Q&A. Kasi yung pag-aura, maiituro in months. Pero yung lalim ng pag-iisip, it's not easy to learn.

I don't think Kylie's looks is pang-Miss U. Although her  comm skills and her smarts are so on point for Ms. U Q&A, yung face niya pang-Ms. International talaga, much like Precious Lara Quigaman's.

Yung kapatid ni Bianca Manalo, I remember her, may potential eh (her looks, very Pinay). Pero last year, very raw pa sya for Ms. U. Kailangan pang pahinugin. :)

mimiku

  • Guest
Re: Miss Universe 2016
« Reply #35 on: February 11, 2017, 09:03:19 pm »
Maxine did her best. She actually is a strong candidate. I like her better than Miss Thailand nga eh. Kasi without makeup maganda pa rin. Si Thailand, medyo palingkera ang dating niya (I don't know hindi ko siya magustuha, may aura kasi siyang hindi classy) and she's not even that gorgeous without makeup. I've seen her Instagram. Mukhang may inayos pa sa mukha niya or nakuha sa contour. She made it to the finals because of the votes she got. She was the 13th. Probably she didn't do well with the long-week interviews pero dahil mataas ang votes sinama siya. In fairness to her, magaling kasing rumampa and super sexy. Miss Columbia she is beautiful pero I read kasi a negative article about her criticizing yung freebies ng Conrad Hotel. Turn off ako. Miss France, she deserves the crown. She's beautiful, classy and intelligent.

HAYLEELOVE

  • Guest
Re: Miss Universe 2016
« Reply #36 on: February 11, 2017, 09:26:10 pm »
I agree, kaya I don't get the hype kay Miss Thailand. Maganda siya pag nakamake-up. Contour queen nga sabi ng nabasa kong comments nung pinagcompare sila ni Lisa Soberano sa Cosmo. Maganda siya kapag nakamake-up pero kapag wala common na lang face niya. Pero sexylicious talaga and super duper galing rumampa. Nabasa ko sa INQ7, na one of the surprises nga daw eh ika13th siya at napasali lang siya dahil sa votes, when in fact isa siya sa mga crowd fave. They were expecting na makukuha siya with or without votes kasi since it appeared that she was one of the crowd fave. Malamang mababa siya sa Q&As like Venezuela na super popular and one of the forerunners of the pageant, pero di rin nakasali sa top 13. Miss Kenya, she might had a chance pero unfair naman kasi ang tanong sa kanya. Napakahirap at walang relevance kung saan siya nanggaling. Anyway, ok na ok si Miss France. Maganda at may class. 

 

Latest Stories

Load More Stories
Close