watch now

Author Topic: Miss Universe 2016  (Read 5449 times)

young_maiden

  • Guest
Miss Universe 2016
« on: January 30, 2017, 12:23:34 pm »
Si Miss France ang nanalo. She deserves it. Ang ganda ng sagot niya.

Sayang si Maxine pero I understand. Bihira lang talaga magkaroon ng back-to-back victory sa mga beauty pageants. At least nasa Top 6 di ba,

Nagulat lang ako kay Miss Venezuela at Miss USA. Hindi man lang umabot sa Q and A portion. Si Miss Venezuela di man lang pasok sa top 13.

PS: Nakakatibo ganda ni Miss Colombia Andrea Tovar. Hahahaha. :D

Share your thoughts mga sis and bros! :D

mysterioza_me

  • Guest
Re: Miss Universe 2016
« Reply #1 on: January 30, 2017, 12:39:15 pm »
^Same sentiments sa di pagkakapasok ni Ms Venezuela. Pati si Ms Nicaragua di din nakapasok. Feeling ko inalis talaga ang ibang crowd favorites to give Maxine a chance to standout pero waley talaga ang si ate.

Si Miss Thailand talaga bet ko e hehe.

young_maiden

  • Guest
Re: Miss Universe 2016
« Reply #2 on: January 30, 2017, 12:53:09 pm »
Sinayang ni Maxine ang interpreter niya. Kaya nga kumuha ng interpreter para ma-increase ang chance niya manalo kasi weak siya sa English. Nag risk pa rin ang lola mo magsalita sa English pero proud pa rin ako sa kanya.

ataypool

  • Guest
Re: Miss Universe 2016
« Reply #3 on: January 30, 2017, 12:54:57 pm »
Hindi ko lahat nakita photos ng contestants pero kay Ms Brazil ako natitibo. Ngayon ko lang nakita photos ng top 3 and nakakatibo din sila.  :D :D :D

Maganda si Maxine but I just don't feel pang-pageant ang mukha niya. I prefer the likes of Ariella Arida, Venus Raj and Nina Ricci Alagao kasi may aura sila of strength and intelligence.

aranses

  • Guest
Re: Miss Universe 2016
« Reply #4 on: January 30, 2017, 01:20:48 pm »
nagulat ako sa selection ng top 13, puro latina! Habang ina announce ni Steve Harvey top 12 makikita mo sa likod si Ms Venezuela parang nakayuko, naawa ako sa kanya kasi ang ganda ng national costume niya, ang ganda ng dress niya altho hindi ko lang alam baka sa interview hindi siya impressive kaya hindi siya napili ng mga judge.

Kay Maxine sobra pressure sa kanya lahat at alam naman natin mahirap back to back lalo na at homecourt pa pero like ko beauty ni Maxine.

Deserving ni Ms France manalo, 53 years drought and almost 30yrs na wala nanalo Ms U sa EU at magaling mga sagot niya. Nakakagulat lang kasi hindi siya early faves saka si Haiti.

shawliin

  • Guest
Re: Miss Universe 2016
« Reply #5 on: January 30, 2017, 01:26:44 pm »
naglabasan na naman ang bashers ni Maxine. nung nakapasok sa top 13 mega support. nung nalaglag sa Q&A, ayan na mga perfect laitero at laitera.

kawawa din si maxine. hindi madali sumagot sa harap ng madaming tao. naunahan din siguro ng kaba. una ka ba namang tanungin.

ataypool

  • Guest
Re: Miss Universe 2016
« Reply #6 on: January 30, 2017, 01:32:40 pm »
Iyang mga bashers na iyan magpaganda muna sila then sali sila sa Binibini.

young_maiden

  • Guest
Re: Miss Universe 2016
« Reply #7 on: January 30, 2017, 01:49:12 pm »
Intindihin na lang sana ng mga bashers ang nangyari. Ang hirap naman talaga magkaroon ng back-to-back victory sa international pageant. Buti nga pasok pa sa top 6 eh. I could imagine mas masakit pinagdadaanan ni Ms. Venezuela ngayon kaysa kay Maxine. Ilang years ba naman pasok sa finals ang pambato ng bansa nila pero sa pageant na ito, hindi man lang naka-advance sa top 13 ang representative nila.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Miss Universe 2016
« Reply #8 on: January 30, 2017, 01:53:27 pm »
Malakas din ang dating ni Brazil and kahit papaano nakapasok siya sa Top12, akala ko aabot siya maski Top6 since crowd favorite siya and may dating sa rampahan but sadly di man lang nakapasok.

Maganda si Maxine pero kulang sa X-factor. Pag-itinabi siya sa ibang candidate nawawala na siya. RE her answer sa Q&A: I guess inunahan na din siya ng kaba sa mismong Q&A pero kasi sa preliminary pa lang naman na Q&A di na impressive mga sagot niya kaya (kaya din di ko siya masyadong bet) madami nagsuggest na gumamit siya ng interpreter para mas ma-express sarili niya. Ngayon naba-bash siya kasi may interpreter naman daw pero nagpush pa din mag-English kaya sabaw daw ang sagot.

Deserving naman alin man sa Top3 ang nanalo. JLO ang peg ni Ms Haiti and Jessica Alba naman si Ms Colombia.

shawliin

  • Guest
Re: Miss Universe 2016
« Reply #9 on: January 30, 2017, 01:56:34 pm »
i agree kawawa si venezuela. wala malang sa top 13.

i was rooting for kenya din kaso ang hirap ng tanong sa kanya sa top 6.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Miss Universe 2016
« Reply #10 on: January 30, 2017, 02:03:34 pm »
^nagtaka din ako na wala si Venezuela e pasabog siya sa rampahan

Naawa ako kay Ms Kenya bakit walang kinalaman sa country niya ang sagot? Paki naman niya sa pagkapanalo ni Donald Trump.

khaleesiCersei

  • Guest
Re: Miss Universe 2016
« Reply #11 on: January 30, 2017, 02:42:57 pm »
Re maxine, I don't think it's her english that's the problem. Pag sa mga casual na tanungan naman eh nakakasagot siya ng maayos. Sorry for the term pero may pagka sabaw si ate girl hehe. Sa top 6 q&a eh madali yung tanong sa kanya kumpara sa iba pero mukhang wala siyang alam sa current events para makasagot man lang na generic na sagot na so much has happened etc.. pero for me malakas ang dating niya sa rampahan. May x factor siya imo kulang lang sa substance hehe.. siguro nag expect lang ng mataas ang karamihan kasi pia was intelligent and articulate pero grabe naman yung mga bashers, pambato pa rin natin si maxine hindi nila naiisip na satin din lahi  nagrereflect yung mga pambabash nila..tsk tsk

shawliin

  • Guest
Re: Miss Universe 2016
« Reply #12 on: January 30, 2017, 03:33:34 pm »
naisip ko lang, sana sumali sa BB. Pilipinas si Klea Pineda (si Muyak sa Enca) hehe. sorry offtopic.

pak na pak si maxine talaga sa rampahan. may laban si ategurl maxine. si USA nagulat din ako hindi nakapasok sa top 6

fleurdelys

  • Guest
Re: Miss Universe 2016
« Reply #13 on: January 30, 2017, 04:01:01 pm »
Iin fairness, wala rin akong naisip agad na magandang sagot sa tanong kay Maxine... past 10 years... paglaganap ng social media? Arab Spring?

lesters_gal

  • Guest
Re: Miss Universe 2016
« Reply #14 on: January 31, 2017, 12:32:29 am »
^technology sis ang magandang sagot sana. Sayang talaga si Maxine. Napaka lapit niya na sa crown kasi maganda sha at magaling naman sha sa rampahan, pero talagang  sablay si bessy sa Q& A. Kasi kahit my interpreter na siya, kahit sinasabi ng iba na mali yung word na ginamit ng interpreter, na "ano yung malaking naganap na pangyayari" instead of "ano yung malaking pagbabagong naganap" kahit ano pa diyan sa dalawa kung my substance si ate gurl Maxine masasagot niya yun ng tama. Pero ganun talaga. Hindi lang talaga para sa kanya yung Crown. Sana wag nalang sha i-bash ng todo. She did her best though. Kawawa naman. Atleast naka top 6 sha. Si MJ Lastimosa nga hindi nakapasok sa top di ba

tischarmedlife

  • Guest
Re: Miss Universe 2016
« Reply #15 on: January 31, 2017, 12:48:14 am »
^ yun din naisip ko sis. Yung technology na grabeng improvement in the past ten years. I agree too na di na dapat i-bash kase she did her best. Kung tayo, gusto natin manalo ang PH, lalo siguro si Maxine diba?

drag0nfly

  • Guest
Re: Miss Universe 2016
« Reply #16 on: January 31, 2017, 04:30:46 am »
Ang takeaway ng Binibining Pilipinas dyan is to work on honing the girls' skills pagdating sa Q&A, lalo na yung tulad ni Maxine who seemingly cannot think fast on her feet.  Kasi kahit anong sabihin, hindi naman solely ganda at rampa lang ang kelangan para manalo.  Inaaway ako ng mga beki friends na sobrang faney ni Maxine kasi sabi ko bat ganun parang wala syang substance masyado haha. She did her best, yes, but unfortunately, it wasn't good enough.  Siguro prinactice din naman nila si Maxine ng bongga sa Q&A, yun nga lang kung talgang she isn't that smart, waley din.  Napaisip tuloy ako gano kalaking percentage kaya yung votes kaya sya nakapasok hanggang Top 6. 

iceicebaby

  • Guest
Re: Miss Universe 2016
« Reply #17 on: January 31, 2017, 05:44:20 am »
Love ko si Ms. Colombia, super pretty ng face! Pero very deserving si France!

mysterioza_me

  • Guest
Re: Miss Universe 2016
« Reply #18 on: January 31, 2017, 07:04:44 am »
^^^one of the easiest question na nga daw napunta sa kanya di pa nasagot maayos.

^^Agree sis na na-train siya ng maayos. Si Jonas Gaffud ang mentor niya kaya alam ko na extreme training din pinagdaanan niya like Pia. Napanood ko ang interview ni Pia sa Bottomline with Boy Abunda before siya umalis to compete for Ms U and pinakilala ang team na naghandle ng training ni Pia. Sa Q&A portion mga lawyers pala ang nagtrain/coach sa kanya, i guess ganun din kay Maxine.

^kamukha ni Jessica Alba si Ms Colombia, akala ko siya ang mananalo kasi during the final walk ng Top3 (with BoyZ II Men) may awrahan siya na tulad ng kay Pia last year. Anyway kahit sino sa Top3 talaga deserving maging winner.

yannuh

  • Guest
Re: Miss Universe 2016
« Reply #19 on: January 31, 2017, 07:56:28 am »
^gandang ganda din ako kay Ms.Colombia. Si Paula Patton naman naisip kong kamuka nya.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close