Update after using the Cosrx line for almost a week.
Though trial and error pa din and mukang dapat ata nakinig ako sa tips dito na wag sabay sabayin since sinabay sabay ko sila talaga haha! Wala ako severe breakout prior to using these products, pero nag age skin ko, nagrashes and extremely dry lalo na sa weather and sa drying products na ginagamit ko lately plus lifestyle so I decided to try out Cosrx.
In general mga first 3 days super ok and kita agad result, but then I experimented sa moisturizer and sheet mask, ginamit ko mga freebies nung OL shop (LOL) dahil nga wala pa yung Cosrx moisturizer na inorder ko, at first ok naman lahat, I loves Missha's Aqua Water Cream ata yun and Tony Moly's Green Tea Moisturizer, but when I used the Snail Mask (forgot the brand) and Nature Republic's Emulsion, nag break out ako and nagrashes uli, parang bungang araw, dry patches, peeling etc.
So I stopped experimenting, Im back to using aloe gel also and stick muna sa snail mucin as mu moisturizer. Though baka naman din Im purging na so sana nga, para maubos na impurities ng skin ko.
1. Low pH Good Morning Gel Cleanser
Nice to, though wala naman outstanding since it's a simple cleanser, pero Im sure in the long run it will help my skin para hinde na maging dry, since I guess ang culprit talaga ng skin issues ko is super dry and manipis barrier kaya sensitive, I think kung di lang gaano kahirap bumili since Im here in Qatar I'll repurchase and maintain it, bale ginagawa ko Body Shop Tea Tree Wash (first - inuubos ko muna sayang eh since hiyang naman ako) and then this low ph cleanser in the morning.
2.) Salicylic Acid Exfoliating Cleanser
I use this at night at gabi-gabi, so Im not sure kung dahil dito kaya nag micro peel ako ngayon, I use the body shop tea tree wash muna and then this, same with the ph, light lang and di sya drying, madali din i lather. I hope after magpeel ng skin ko, maging maganda result after that I'll decide if I'll repurchase since I need chemical exfoliant ayaw ng skin ko may mga friction like thos of St. Ives.
3.) Aloe Soothing Sun Cream SPF50+ PA+++
First ever sunscreen na walang white cast, di nagcause ng oiliness and walang unusual texture, ambilis maabsorb, ok sya under make up so far. Will repurchase lalo na kung may scheduled na beach trips.
4.) AHA / BHA Clarifying Treatment Toner
Tried both spraying directly and sa cotton pad muna, parang for me mas ok sa cotton muna. Parang mas nakakatulong na sumama mga dirt and impurities kesa kung pat pat lang.
5.) Advanced Snail 96 Mucin Power Essence
I LOVE IT!!! No words, the rumors and reviews are true. It calms my skins, works well with my aloe gel, I will repurchase it for sure! I put 2-3 pumps at night and 1 pump in the morning.
6.) Cosrx Pimple Patch
A bit disappointed tama nga na it works well kapag medyo nakalabas na yung pus ng pimples pero kung bump palang or comedones di gaano. I tried with my breakouts, I guess lumiit konti, pero hinde totally na heal, so parang sayang lang kung nag break out ka talaga, like me I used mga 7 pcs a night, because Im trying to avoid na nga mahinog pa. Subukan ko sya sa active na pimple next time.
7.) Oil Free Ultra Moisturizing Lotion (with Birch Sap)
Too early to tell, tried it twice palang, ambango pala, and yes light lang sya pero ramdam mong you're moisturized, tho nung yun ang last ko ginamit last night, hinde kasing bright ng skin ko kanina pagkagising compared to the snail mucin, pag yun ang last ko ginamit. And ngayon sa morning under make up I feel that I am hydrated and moisturized talaga maski 1 pump lang at konti lang nilagay ko. I used it after toner and snail essence before Missha cushion, ganda ng dexy effect since naka ac naman ako lagi dito, very apt for me, ewan ko lang paguwe ko ng Pinas haha!
I'll try to mix and match nalang sa susunod, I guess not necessary icomplete Cosrx line kung di naman mag work well personally sa skin ko, lalo na I order it OL at medyo may kamahalan halos doble sa price sa Pinas.