watch now

Author Topic: Everything k-Pop Korean Pop Culture  (Read 17959 times)

swtgrl_bee

  • Guest
Re: Everything k-Pop Korean Pop Culture
« Reply #80 on: February 04, 2019, 12:47:39 am »
Grabe super galing pala talaga nila. Kaya idol sila ng anak ko.  ;D Syempre I need to keep up. lol! Gusto ko nga sana bilhan anak ko ng light stick kaso for sure hindi ka naman makakapasok kung wala kang ticket sa MOA just like Disney on Ice. Bago ka makarating sa Merch area need mo pa ipakita ang tickets mo.

Sis thatkdramaeonni, dito ako bumili ito mismo yung item >>> https://shopee.ph/%F0%9F%94%A5HOT-SELLER%F0%9F%94%A5Sweatshirt-group-Korean-black-A-ears-grey-Pink-i.77272380.1447486859

Sobrang ganda ng quality hindi ko expected na ganun. Super tuwa ang anak ko talaga. Sa school nila siya palang meron nitong hoodie.  ;D

thatkdramaeonni

  • Guest
Re: Everything k-Pop Korean Pop Culture
« Reply #81 on: March 05, 2019, 09:46:43 am »
Huhuhu... May Hi Touch privilege lahat ng tickets sa fan meeting ni Park Bogum!!!!!! Sulit na ang VIP ticket kung sakali.
Sayang di ako makakapunta. Maybe next time, kahit sa ibang fanmeeting nya nalang.

drag0nfly

  • Guest
Re: Everything k-Pop Korean Pop Culture
« Reply #82 on: March 06, 2019, 05:55:41 am »
^I hope PH fans behave though.  Sana wag maulit yung sa Mactan airport dati na natakot si Bogummy.  Tempted din ako umattend pero parang sakto lang naman ang pag-fangirl ko sa kanya.  Pag si Ji Chang Wook na ang dumating kahit magkano bibili talaga ako ng tix hehe.

thatkdramaeonni

  • Guest
Re: Everything k-Pop Korean Pop Culture
« Reply #83 on: March 06, 2019, 09:24:23 am »
hehe. True sis, sasaeng levels naman kasi minsan yung iba, lalo yung mga nakaabang sa airport. Kahit sa Blackpink, may ganun ding issue... Preggers kasi ako and medj maselan kaya pass muna ko this year. I think nasa 7k - 10k yung tix and hindi naman daw pupunuin ang MOA Arena... hehe. Konting hintay nalang kay Ji Chang Wook sis, malapit na discharge date! Hwaiting!

drag0nfly

  • Guest
Re: Everything k-Pop Korean Pop Culture
« Reply #84 on: March 07, 2019, 05:54:14 am »
^Ohhh tama yan, sis, wag ka na sumabak sa fanmeet ni Bogummy since preggers ka pala baka mapagod ka lang.  Or pwede din gamitin mo reason na preggy ka para makalapit sa kanya  ;D 

Onga malapit na lumabas si Wookie!  Sana ma-achieve ni Ben Chan na makuha syang endorser para gora na dito.  I'm sure mangunguna si Jinkee Pacquiao sa pila LOL.

thatkdramaeonni

  • Guest
Re: Everything k-Pop Korean Pop Culture
« Reply #85 on: March 07, 2019, 10:13:40 am »
Hahahahaha. Baka bilhin ni Jinkee yung buong VIP section! Charot. Haha.

Naku, ayoko irisk. Baby over Bogum shempre. Hahaha. Di rin kasi natin masabi kahit priority seat ka or what. Dun nga sa fanpage ng PBG Philippines, dami nagtatanong kung pwede magsama ng infant. Kaloka sa priorities yung iba. Haha.

baby_ni_jaybee

  • Guest
Re: Everything k-Pop Korean Pop Culture
« Reply #86 on: March 14, 2019, 10:13:02 pm »
Sobrang gulo ng kpop world ngayon grabe. Connected pa sa Politics and Police nila. Parang Pilipinas lang din pala kalakaran dun, money is power talaga haay. Since March 11 pa lang, 3 na nag retire na kpop idol. Sobrang gusto ko pa naman Bigbang. As in jan ako nagstart sa kpop more than 10 years ago eh. Nakakaloka lang mga nangyayari sa korea ngayon.

lilu

  • Guest
Re: Everything k-Pop Korean Pop Culture
« Reply #87 on: March 15, 2019, 01:25:21 am »
May teaser sa YT si Park Bom ft. Dara.. come back na nya.. i hope si CL din at si Minzy..

drag0nfly

  • Guest
Re: Everything k-Pop Korean Pop Culture
« Reply #88 on: March 15, 2019, 03:02:27 am »
^^True.  Pero maganda din na na-reveal na yung mga ganyang galawan ng celebs nila.  Aliw pa naman ako kay Jung Joon Young sa 2D1N.  Tsk. 

thatkdramaeonni

  • Guest
Re: Everything k-Pop Korean Pop Culture
« Reply #89 on: March 15, 2019, 09:16:52 am »
Sobrang gulo ng kpop world ngayon grabe. Connected pa sa Politics and Police nila. Parang Pilipinas lang din pala kalakaran dun, money is power talaga haay. Since March 11 pa lang, 3 na nag retire na kpop idol. Sobrang gusto ko pa naman Bigbang. As in jan ako nagstart sa kpop more than 10 years ago eh. Nakakaloka lang mga nangyayari sa korea ngayon.

True sis. Ang lala! Kakaloka. Sobrang gusto ko din ang BigBang, pero parang gusto ko nang maniwalang magdidisband na rin sila soon. Dami issues ng members lately, si Taeyang lang ata ang maayos. Si Jung Joon young... ugh... naaalala ko pa yung episode ng 2D1N na nangako syang he'll be better. hay nako. The best thing to do talaga for him is to retire, wala na syang babalikang career, knowing how Knetz are.

May teaser sa YT si Park Bom ft. Dara.. come back na nya.. i hope si CL din at si Minzy..

Narelease na yung full vid sis. Nakakamiss boses ni Park Bom. Best decision for her and Minzy to leave YG. Lalo si Minzy kasi tagal nya sa dungeon when Bom was in hiatus and Dara & CL had their indiv projects din. Sya wala.

liana

  • Guest
Re: Everything k-Pop Korean Pop Culture
« Reply #90 on: March 15, 2019, 09:35:59 am »
^ So happy for Park Bom and ang ganda nung songs nya. Super nire-replay ko yung music video ang ganda nila ni Dara. Ang ganda ng song, ng music video. Everything is perfect! Still makes me wonder why YG never took advantage of making them a sub-unit, ang ganda ng combination ng voice and visuals. So happy that D-Nation signed-up Bom and even gave us this cool collab. Sana 2NE1 reunion naman soon.

thatkdramaeonni

  • Guest
Re: Everything k-Pop Korean Pop Culture
« Reply #91 on: March 15, 2019, 09:47:36 am »
^I think it's because of Bom's hiatus following the drug scandal back in 2014 sis. During that time, binubuo naman ang BlackPink so I think that's why hindi sila naasikaso ng YG (My opinion only.) Gusto ko din ang BlackPink, pero iba talaga ang 2NE1 eh. OG kpop group ko sila ng BigBang.

But very happy for Bommie. She found an agency na minamaximize yung talent nya. Sobrang tagal ko nagrereplay sa Youtube nung Goodbye mv nila huhu.
« Last Edit: March 15, 2019, 09:52:57 am by thatkdramaeonni »

tomatostellar

  • Guest
Re: Everything k-Pop Korean Pop Culture
« Reply #92 on: March 15, 2019, 06:48:02 pm »
Ang ganda nga ni Dara and Bom! Kakatuwa din na may rap part si Dara kahit maiksi lang line nya. And Spring is a really good song talaga.


Jiyongah

  • Guest
Re: Everything k-Pop Korean Pop Culture
« Reply #93 on: March 25, 2019, 03:09:54 pm »
Ang ganda nga ni Dara and Bom! Kakatuwa din na may rap part si Dara kahit maiksi lang line nya. And Spring is a really good song talaga.

Just sad that this song is for 2NE1 sana. I hope we can see more CL this year.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close