Author Topic: Yaya or helper?  (Read 2619 times)

ficklemind

  • Free as a Bird
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1280
Yaya or helper?
« on: January 04, 2017, 02:53:52 pm »
need lang mga input mga sis,  hinde ko alam kung may point ba ako or mas tama talaga si MIL ko.

I'm giving birth on April (first time mom), after my maternity leave balik work na ako. Need ko ng magaalaga kay baby.
My plan is to get a yaya, nagstart na ako maghanap kung pwede magstart bago pa ako manganak mas ok para mas makiklala ko na. Of course hinde naman pwede iiwan si baby with yaya lang diba. So ang balak ko iiwan ko si baby at yaya sa bahay ni MIL (same street lang ng house namen) kapag nasa work ako. Dun lang sila maghapon, si yaya bahala kay baby,  if may time pa linis siya bottles, laba ng damit ni baby. I will be out of the house from 8am to 8pm.
Basta primary job niya is to take care of the baby, my in laws will just be there to monitor.

My MIL knows na magwowork pa din ako, she is willing to take care of the baby pero gusto niya MAID/helper daw ang hanapin namin, wag daw namin sabihin na yaya kasi hinde daw nauutusan kapag ganun. Gusto niya kasi mauutus-utosan niya, pwedeng runner din. so si MIL mag-aalaga sa baby then maghire ako ng utusan niya.

Ang concerns ko sa gustong setup ni MIL:
1. Kakayanin ba talaga ng MIL mag-alaga ng newborn, 5days a week, 12 hours a day? The past few years may back problem siya then nagkaron ng time hirap siya makalakad. She's in her mid 50s.
2. Hinde kaya malito yung yaya/maid sino talaga amo niya, ako or MIL ko? kasi if yung mga housechores na papagawa sa kanya dun sa bahay ni MIL tapos lahat ng utos galing kay MIL.
If sa house lang namin, hinde ko need ng helper. I can cook, laundry is easy (pagsampay at pagtupi lang), linis ng bahay kayang kaya na ni hubby yun.
3. Mahilig gumala si MIL, active ang social life niya, baka mamiss niya yun pag fulltime na siya nagaalaga,  maging bugnutin siya lol.
4. Baka naman kapag ginabi ako ng uwi eh magalit MIL kasi nga siya nagaalaga, or baka wala na kaming couple time ni hubby,  taasan kami ng kilay incase magpaalam kami na lalabas.
Siyempre kung si yaya ang caregiver ni baby ok lang sa kanya to dahil trabaho niya yun.

Hubby ko nung una on board na sa plano ko tapos nung nagusap sila ng nanay niya nagbago ihip ng hangin, kinonsensiya pa ako na ibang tao pa daw gusto ko pag-alagain sa anak namin. Hinde ko naman iiwan totally sa yaya si baby eh andun naman sila sa bahay ng inlaws ko, laging may tao dun.

madali ba makahanap ng papayag sa setup na 50% yaya + 50% helper? Tingin ko kasi sa ngayon, either yaya or helper, 1 primary role lang. baka naman hinde pumayag sa pasweldo ko kung both gagawin nya.

Friend ni hubby meron alam na makukuhanan namin ng yaya, madami daw, mga taga dun din sa lugar ng mga naging yaya ng anak niya. But she said 'yaya' lang daw kapag ganun as in alaga lang ng bata. When we asked if pwede helper din, wala daw ganun dun, gusto alaga lang ng bata.
Puro stay out nga lang.

thanks mga sis.

simang

  • Acts like a lady, thinks like a man.
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 5783
Re: Yaya or helper?
« Reply #1 on: January 04, 2017, 05:56:32 pm »
Sis ako i'm leaning towards getting a yaya. Valid lahat ng points mo. Kung sa pag aalaga ng baby siguro kakayanin ng MIL mo, since around 2 months naman na si baby pagbalik mo ng work, and quite easier to handle na. Pero tama ka, the helper might be confused kung sinong amo. Siguro when you get a yaya explain mo na lang sa MIL mo ano pwede iutos at yung hindi. I think, most yayas naman ay willing to do other things, except lang talaga yung mga laba/luto/plantsa/linis. Pero kung yung tipong papabilhin ng suka sa tindahan, siguro okay lang yun? Maybe you can try to compromise on that.

Sa totoo lang sis medyo kinakabahan ako sa setup nyo, haha, ang dami kasing horror stories ng mga MIL pag lumabas na ang baby.
...all adventurous women do.

shinies

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 717
Re: Yaya or helper?
« Reply #2 on: January 04, 2017, 07:08:29 pm »
Sa pamilya namin lagi 50-50 para kung ano yung kailangan, yun gagawin nung kasambahay. Bago naman pumasok ay pinaguusapan ano yung mga responsibilidad, ano yung mga kailangan gawin, ano yung mga baka gawin, sino ang amo, ano ang mga house rules, etc.

Tanungin mo na lang ano ang starting salary ng hybrid kasambahay. Tapos sabihin mo pwede naman pagusapan kung tataasan sweldo depende sa hirap ng trabaho sa bahay niyo.

gwyne21

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 481
Re: Yaya or helper?
« Reply #3 on: January 24, 2017, 03:14:45 pm »
Based on the points you raised, If I were you, I'll hire a yaya. Then sa umpisa pa lang iklaro with the yaya her responsibilities at kung ano yung additional work load na pwede niya gawin. Normally naman okay sa yaya ang gumawa ng ibang chores as long as klaro sa umpisa pa lang kung ano yung mga iyon. Your MIL will be there to supervise the yaya.
For our case, we have yaya of our baby... aside from being yaya, she also mops and cleans the floor and washes the dishes after kumain. Yun yung additional work niya na ginagawa nya kapag nag-nap si baby or nasa bahay kami. Once gising si baby, kay baby focus niya.
Before we started, we discuss yung set-up namin and willing naman yung yaya namin to do the additional load.

Chili1113

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2220
Re: Yaya or helper?
« Reply #4 on: January 24, 2017, 04:28:39 pm »
ficklemind: I think you can have a dual purpose yaya/maid. But her skills should be more towards yaya. The most CRUCIAL part is her orientation and training once she is hired

It is really crucial that your hire your yaya/maid mga at least 1 month before you give birth. Para masanay sya na mautusan sya and gumawa ng household chores. Then pag dating ng baby, shift sya ng concentration sa baby. By then, sanay na sya sa systema  sa bahay nyo before the baby is born.

Remember though, that even if kaya ng maid gawin LAHAT ng house chores, di rin hygienic. Can you imagine na yung magaalaga ng baby mo, tatapon ng basura, linis ng toilet, or handle raw food like fish and poultry? Tapos after sabay hawak sa baby? Hindi talaga advisable na mautusan rin sya to do a lot of the heavy cleaning/cooking. What's important is pwede mautusan ni MIL, and willing pa din sya tumulong around the house for minor things.
« Last Edit: January 24, 2017, 04:42:30 pm by Chili1113 »

ficklemind

  • Free as a Bird
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1280
Re: Yaya or helper?
« Reply #5 on: January 25, 2017, 02:54:53 pm »
thanks mga sis sa mga inputs nyo. hinde pa ulit namin nadiscuss ni hubby but I hope everything will turn out fine naman.
Sana maintindihan ni MIL concerns ko tska sana yung mahihire din namin yaya eh open for additional tasks at sa konting (I hope) utos ni MIL.

Tama kayo, proper orientation na lang & expectations.

For now need ko lang iexplain kay MIL (actuall si hubby mageexplain haha) why 'yaya' & magiging responsibilities ni yaya, As I've said before, MIL keep saying never to use the term 'YAYA' sa ihihire namin, maarte na daw kasi yaya ngayon, hirap utusan  ;D

Need din idiscuss sa friend ni hubby (yung magrerefer samin ng yaya) yung preferences namin . Eto kasi din si friend eh when we asked before, straight ang sagot samin "Alaga lang ng bata" yung mga irerefer niya, naalarma tuloy ako  ;D

Hirap lang din ng setup na to, hinde lang ako yung dapat makasundo ni yaya, importante ok din sila ni MIL or else baka kami pa ni MIL ang magkaron ng mga issue.

@simang sis ako din kinakabahan haha baka magbago relationship namin ni MIL once involve na anak ko, sa ngayon ok kami, naku baka matulad din kami sa mga usual MIL horror stories wag naman sana. Kahit magkaibang bahay kami pero sa kanya ko naman iiwan maghapon ang anak ko. Kaya naman pinagpromise ko asawa ko na ngayon lang tong setup na to, pag magschool na anak namin dun na kami sa malayong lugar sa in laws ko  :)

« Last Edit: January 25, 2017, 03:05:26 pm by ficklemind »

win_foe

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 42
Re: Yaya or helper?
« Reply #6 on: January 25, 2017, 03:07:03 pm »
i too am about to give birth in april. un nga lang, wala akong MIL or mama ko na malapit sa house. kami lang talaga ni hubby and also thinking of looking for helper or yaya. I'm currently on leave from work kasi mejo difficult ang pregnancy pero planning to go back to work after managanak. so i'm learning a lot from your input sisses kung pano magkahanap at handle ang kukuning help. napaisip na nga kami na wag na lang ako mag work pero ewan ko ba. option ba un? thanks! :)

izabelle

  • Extremely Happy Wife and Mom
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2233
Re: Yaya or helper?
« Reply #7 on: February 23, 2017, 03:47:16 am »
Hi sis,

The easiest way to do this is get both. 1 yaya and 1 helper. Yun ang ginawa namin when I gave birth to my daughter, 5 yrs ago.

The difference though nung time na yun, parehas kaming work from home ni hubby so parehas kami nakabantay sa baby namin. Si helper naka all around sa bahay (cleaning, cooking, laundry, etc).

Si Yaya naka assist sa amin ni hubby.

We feel kasi na hindi makaka focus 100% ang isang tao kung hati ang ginagawa nya or responsibilities.

The reason why we did this din is hubby and I have an idea kung gaano kahirap meron newborn tapos wala pa both our parents that time. We know mahihirapan kami mag adjust and we need all the help we can get from other people.

2 months lang ganito set up namin. After namin maka adjust na lalo na sa tulog namin, yung Yaya nalang ang niretain namin then we got a helper na umuuwi after her work.

Naging mas madali for us talaga.
The less you respond to rude, critical, argumentative people, the more peaceful your life will become. :)

fashtag

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 243
Re: Yaya or helper?
« Reply #8 on: July 09, 2017, 09:36:50 pm »
Mahirap maghanap ng yaya even with budget  :)   Having said that, I believe it would be best to keep your options open and get a yaya (willing to work household chores) or an all around (willing to care for your child).  The rate is higher for yaya of course.

In my years as a mom, I haven't really encountered a professional yaya per se.  Talagang all around or mom na so she can more or less care for my baby.  Walang perfect way to care for your child believe, been there done that.  Go with what works best.  Just lay out your rules and expectations sa future helper mo.

 


Latest Stories

Load More Stories
Close