watch now

Author Topic: Latest Showbiz Update (Thread 45)  (Read 97823 times)

mysterioza_me

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 45)
« Reply #500 on: February 16, 2017, 12:08:09 am »
Re Daniel and Erich issue na may 4M na utang. Nabasa ko sa ig ni Kat de Castro may nagcomment and asked if true na may 2M worth of utang si Daniel kay Erich and Kat replied na its not true. So its not true pala kasi 4M pala ang utang! Charot! But seriously, may babae ba na magpapautang ng ganun kalaki sa bf? Parang nakakaduda naman, mas paniniwalaan ko pa yung freeloader issue ni Daniel.

grace.kelly

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 45)
« Reply #501 on: February 16, 2017, 01:16:42 am »
Siguro sis ang ere nga ng dating pero siguro dahil napuno na din sya sa pambabash ng mga tao and walang ginawa si Erich para iclear yung names nila.

Gets ko rin naman si Vanessa, sino ba naman ang gusto mabash ang family? I just don't get how it is Erich's fault na nadamay ang family niya, bashers lang naman ang nandamay sa kanila. Yes, vague ang sagot ni Erich sa money issue pero bashers lang ang nandamay sa kanila (unless may namiss ako na ibang interviews) so my point is she should have addressed the bashers and not make this issue with Erich more complicated. Erich just broke up and still probably hurting, so maybe (maybe lang naman) she's still too focused on her feelings, never thought of other things pa (like clearing their names) parang ang bilis lang din kasi ng atake ni Vanessa. I just think that something happened between Erich and Daniel that she doesn't know. Again, I'm not siding with anyone here. Just here for the chismis. Baka nga kaya rin sila magkasundo ni Erich dati dahil pareho silang maanghang magsalita.

Anyway, siguro wala rin tell all si Erich. I didn't know marami rin palang inis sa kanya pero parang tingin ko sa kanya private naman siyang tao, o baka wala lang ako masyadong naririnig na chismis about her kasi di siya masyadong sikat?  ;D


yannuh

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 45)
« Reply #502 on: February 16, 2017, 10:07:26 am »
^exactly sis :) partly fault ni Erich na binabash ang family ni Vanessa kasi hindi sya sumagot ng maayos sa interview. and yes gets naman na she's hurting too pero if hindi man yun ang reason, sana nilinaw na lang nya and kinlarify sa media.

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 45)
« Reply #503 on: February 16, 2017, 10:33:46 am »
The way that Erich answered the question was telling and malicious. Whether she intended it or not, she is still partly to be blamed for the Matsunagas getting bashed. Alam naman natin how rude and disrespectful netizens can be, she knows that and yet she left that question hanging with a tone that said it all.

gil12

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 45)
« Reply #504 on: February 16, 2017, 05:27:18 pm »
Nakita ko sa IG cover ng Mega Magazine ni Angel and Mariane. Nanghihinayang ako kay Angel, parang ang haggard niya ngayon. Mas bagay sa kanya long hair. Parang biglang tanda na itsura niya ngayon.

yannuh

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 45)
« Reply #505 on: February 16, 2017, 05:44:26 pm »
^di ko gusto hair ni angel ngayon. Di bagay sa baby face nya:(

Regarding Mega cover, parang wala silang connect ni Marian. Parang may kanya-kanyang business dun sa cover:(

shygirlme

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 45)
« Reply #506 on: February 16, 2017, 05:46:19 pm »
^^feeling ko na stress sya sa nangyari sa hair nya :-( grabe naman kasi ang ganda pa naman ng hair nya. dapat talaga may managot

pinkmoscato

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 45)
« Reply #507 on: February 16, 2017, 05:52:11 pm »
^endorser pa man din sya ng shampoo.

mgccortez

  • Guest

lesters_gal

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 45)
« Reply #509 on: February 16, 2017, 07:11:19 pm »
^True. Hopia ang mga chismosa waiting for Erich tell all interview. Lol  I'm sure hindi na yan magsasalita both camp dahil pinag usap na ng management. Oh well. Next issue na. Lol

lovemeagain30

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 45)
« Reply #510 on: February 16, 2017, 07:30:44 pm »
^^ eh yun naman pala eh! at least pinag usap na sila. sabi na eh di yan magte tell all interview si erich. haha  ;)

imo, i found erich too immature pa  when handling conflicts. sanay kasi sila sa panay tawa at ang saya saya palaging momentum tuwing naiinterview kaya nung nagka problem di nila alam pano i handle. mukha pa naman genuinely happy sila and both supported ng families nuon. mag mellow down lang inis ni erich feeling ko magkakabalikan pa sila! haha..


mysterioza_me

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 45)
« Reply #511 on: February 16, 2017, 10:16:21 pm »
Mag-uusap din naman pala sila nagpakontrobersyal pa sila LOL. Sana nag-usap na lang sila agad para di na lumaki gulo yan e kung hindi publicity ang habol ni Erich and Daniel.

Re Angel, ako naman nababagayan ako sa short hair ni Angel ngayon. Though mas malakas talaga appeal sa babae kapag mahaba ang hair.

drag0nfly

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 45)
« Reply #512 on: February 16, 2017, 10:31:15 pm »
Ang OA na may pic pa yung usap ng DanRich haha.  Halatang publicity stunt.  Although based sa body language nila sa pic na yun eh mukhang si Erich nga ang galit.  Naka-shades pa  ::)

Type ko din short hair ni Angel.  Para maiba naman.  Di lahat ng babae kayang i-pull off yun ganung look.

grace.kelly

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 45)
« Reply #513 on: February 16, 2017, 10:46:18 pm »
Nag-usap na ang dalawa, wala nang tell all. Si vanessa na lang at ang asawa niya ang maingay.  ;D Ang weird lang na pati pala ganitong issue may say pa ang management nila, di naman sikat na lt.

Sayang yung Mega cover, ang chaka. Sobrang dull. Parehong nawala ang ganda nung dalawa, pati set ang cheap at boring. Pero this is not the first time na magkasama sa shoot sila Angel and Marian, may rogue na sila.

simang

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 45)
« Reply #514 on: February 16, 2017, 11:27:23 pm »
I like Angel's pixie, although di maganda pagka style sa kanya sa mega cover nila. Tsaka yung length ng hair ni Angel ngayon, ganun yung awkward stage ng pixie eh. Mas better siguro if shorter pa. :)

pinkmallowpie

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 45)
« Reply #515 on: February 16, 2017, 11:47:14 pm »
May mga nakita akong pics sa ig na magkasama sina erich at daniel sa airport, sabay pa kumakain at nag selfie pa si daniel na parang wala lang nangyari mga nakaraang araw. Isang malaking gimik lang ba ang lahat???

khaleesiCersei

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 45)
« Reply #516 on: February 17, 2017, 12:30:19 am »
Mukhang nagoyo tayo mga sis hahaha! May us show pala kaya kelangan ng gimik. My gas! Hahaha

byutijunkie

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 45)
« Reply #517 on: February 17, 2017, 01:11:37 am »
Personally, I think it's not a gimmick.  Pinagalitan siguro sila ng management kasi nga may shows sila sa US.  Diyan magaling ang ABS, mag-ayos ng mga gusot for the sake of business kaya ang mga stars nila sikat.

As for the Matsunagas being bashed, hindi kasalanan ni Erich yun and unfair na siya ang oobligahin ng family ni Daniel to stop it.  Clearly there is something wrong with their family hehe.  Bakit hindi si Daniel ang magsalita at mag-ayos for the sake of his family and Erich, his hurting ex-gf?  Kung ako rin naman yung girl na kaka-break lang, keber ko sa feeling ng family ng ex ko eh break na nga kami.  Dun mo makikita ng ugali nila lalo na sa mga sinabi ng sis niya about Erich's financial status.  Super uncalled for.  Hindi ako fan nila, na-curious lang ako kasi same ng issue nung breakuo with Heart.  Ngayon parang gusto ko na si Erich kasi palaban.  I like what she said about the man not being as rich as the man Vanessa married.  Haha.

izabelle

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 45)
« Reply #518 on: February 17, 2017, 01:13:44 am »
Re: Daniel and Erich - baka naman nagkabalikan na? LOL or in good terms na ulit? Sayang, isa pa naman ako sa chismosa na nag abang ng Tell all interview kuno ni Erich.  ;D

Re: Angel Locsin - I like her hair, para sa akin bagay sa kanya. Pero mas bet ko yung dati nyang hair.  My sister saw her in person last weekend lang sa isang resto sa BGC and sobrang ganda daw. Bagay na bagay daw ang hair.


SnowBall

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 45)
« Reply #519 on: February 17, 2017, 06:26:03 am »
Nasa FP may mga photos si Erich with Dandan and Charo Santos.

Look at her eyes. Namamaga so malamang sa pag iyak sa mga nakaraang araw. Tapos very sad. Ngiting hindi umaabot sa mata.

Ang nakakainis lang sa star magic, pinilit talagang magka bati dahil may US tour pala.

Oh well. Mahirap talaga kumita ng pera lol.


 

Latest Stories

Load More Stories
Close