watch now

Author Topic: Latest Showbiz Update (Thread 45)  (Read 98037 times)

liana

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 45)
« Reply #480 on: February 14, 2017, 06:11:58 pm »
honestly no matter how bad their breakup, kung may pinagsamahan naman maganda, i don't think it is right na pati family ng kabila idadamay mo pa.  imo, that's so immature.

Dyan ako super curious. Why does it seem like walang pakialam si Erich kung nadadamay na family ni Daniel? Pinakitaan ba sya ng masama or may utang sa kanya yung family? A simple one line, clearing Daniel's family could've spared them from the issue. Which is I think what Vanessa was asking. Impossible naman na di alam ni Erich na ina-attack na ng fans nya yung Matsunaga family. Well sana nga mag tell-all interview sya.

lovemeagain30

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 45)
« Reply #481 on: February 14, 2017, 06:39:15 pm »
@HAYLEELOVE

Yung interpretation sakin ng posts ni Vanessa based sa pagkakaintindi ko, wala naman akong nakitang masama. sabi nga ni Erich, the issue was between her and daniel.  malay ba ng ate niya sa tunay nangyari sakanilang dalawa siyempre nagsasalita lang yun dahil nadadamay yung nanay nila. usually kung hindi clouded ang judgement ng tao, ganun lang niya yun iintindihin ang reaction nung kabila. 

besides ate ni daniel yun, nung time naging sila parang naging ate din niya yun (based sa mga interviews nila sa mga shows), ganun naman tayo magsalita sa tinuturing natin pamilya di ba lalo nat very vocal ang mga yan sa support nila dun sa dalawa dati. di naman siguro maghahamon si Vanessa iclear sila sa money issues kung may utang sila mismo kay erich.

actually mga 'meron' sa paligid ang nagpapagulo sa isip ni ateng.  emotional pa talaga siya. feeling ko hindi siya magpapa tell all interview kasi kung gusto niya talga gawin yun, ginawa na niya agad. spur of the moment lang kaya nasabi niya yun, sa tingin ko.   
« Last Edit: February 14, 2017, 06:48:54 pm by lovemeagain30 »

ficklemind

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 45)
« Reply #482 on: February 14, 2017, 06:50:58 pm »
^ ako din sis, feeling ko hinde din magte tell all si Erich, ngayon lang yan at emotional pa pero pag kumalma yan, tatahimik na lang din siya.

Hinde kaya may issue din si Erich sa family ni Daniel? money matters man or not kasi inunfollow niya talaga buong family ni Daniel? or ganun lang way niya to move on?
agree ako, ang talas magsalita both side: Erich at Vanesssa  ;D
Sorry hinde kasi ako familiar sa dynamics ngayon pagdating sa mga breakup since my own love life has been established already before pa sumikat ang social media lol
Isa sa mga bff ko kasi when she broke up with her ex who cheated on her at talagang iniwan siya para makipaglive-in sa iba, friends pa din niya sa FB sister at mom ng EX niya, mabait daw sa kanya eh (expected na sila magkakatuluyan) nahiya siyang iunfriend kahit nakikita niya pics ng ex niya tru them dedma niya na lang.  Ganun din yung friend kong isa, she remained FB friends sa sis at cousins ng EX niya even after a bad breakup.
Or grabe talaga ginawa ni Daniel para yung galit ni Erich abot hanggang sa family or OA lang si Erich?
oh well..
« Last Edit: February 14, 2017, 06:58:28 pm by ficklemind »

drag0nfly

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 45)
« Reply #483 on: February 14, 2017, 07:44:27 pm »
Sorry hinde kasi ako familiar sa dynamics ngayon pagdating sa mga breakup since my own love life has been established already before pa sumikat ang social media lol

LOL! Same tayo sis. Happily married na ako by the time naging norm ang social media kaya di ko na naranasan yang mga ganyang ganap tuwing breakup. Swerte natin. Ngayon kasi parang lahat ng tao may "right" na mag-comment sa buhay ng iba, edi lalo na sa mga artista. Sana magsalita na si Erich. Eto nga nakaabang ako ngayon sa TV Patrol sakaling may statement. Pinaluto ko na ang popcorn hahahaha.

Gaysha

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 45)
« Reply #484 on: February 14, 2017, 07:53:27 pm »
Baka money nga, kasi nagpagawa ng bahay si Daniel late last year na malapit lang daw sa bahay ni Erich kaya akala ng press na nagli-live-in na sila. Pwede deng sexual. Either a. wala pa ding nangyayari or madami na :) then nagsawa na ang guy, b. nabuntis at nagpalaglag dahil ipinapalaglag at ayaw pakasalan, c. may third-party na rich gay benefactor, d. tapos na ang teleserye nila, so tapos na din ang relationship??Sana nga mag tell all na lang ng matapos na ang speculations. Pero syempre magiging he said, she said din to, so magulo lang din.

cattleya_simone

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 45)
« Reply #485 on: February 14, 2017, 08:24:07 pm »
Nasa Davao pa ata si Erich kaya di pa makapag tell all. Yung statement nya pinadala lang siguro thru text. Abangers din ako sa interview. Super curious na din. Lol

lovemeagain30

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 45)
« Reply #486 on: February 14, 2017, 09:11:25 pm »
hindi kasi ako fan ng dalawang eto kaya now ko lang napanuod yung ibang interviews nila dati sa mga shows (youtube) and they seemed to be genuinely happy noh?? tama nga yung ibang sis dito parang relationship goals nga sila! haha if its too good to be true then its not true. :)  sayang kung mauuwi sa siraan baka kasi maayos pa. chismosa lang ako!  ;D

gil12

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 45)
« Reply #487 on: February 14, 2017, 09:28:48 pm »
Sa tingin ko bitter talaga si Erich.. makita mo ba naman ex-bf mo abot tenga ngiti sa Ms. Universe nasa after party din yata. Hindi naman yata naghost dun or nagperform. Nung time na yun sobrang recent pa lang yata ng break up nila. Kung may pinagsamahan talaga sila sana hindi muna nagparty ng ganun si Daniel dba.. nabasa ko nga panay un-tag siya ng pics niya

shygirlme

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 45)
« Reply #488 on: February 14, 2017, 11:04:29 pm »
Maxene Magalona is Engaged!

simang

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 45)
« Reply #489 on: February 14, 2017, 11:47:56 pm »
^wow good for her! :)

pinkmoscato

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 45)
« Reply #490 on: February 15, 2017, 04:11:13 am »
Terrence Romeo is engaged na rin yata? Nakita ko lang sa IG post nya. Curious ako kung sino yung "babe" na tinutukoy nya. Sana nakamove-on na si Vice sa kanya.

patzzz_09

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 45)
« Reply #491 on: February 15, 2017, 04:38:32 am »
Dami na ngayong engaged☺️ Ano kaya reaction ni Vice Ganda na enggaged na din ex Papa nya.

SnowBall

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 45)
« Reply #492 on: February 15, 2017, 06:08:59 am »
Akala ko hindi seryoso si Robbi Mananquil kay Max M.

Well.. I was wrong. Congrats!



yannuh

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 45)
« Reply #493 on: February 15, 2017, 06:22:38 am »
nandun pa siguro sa stage si Erich na galit sa guy dahil fresh pa ang breakup. ano kaya reason nila? hmmm

oo nga kita ko sa IG engaged na din si Maxene. Good for her. sana lang hindi nakikiuso dahil uso engagement sa showbiz ngayon.

miyam210

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 45)
« Reply #494 on: February 15, 2017, 06:53:56 am »
Buti naman at inalis na lahat ng comments sa IG ni Daniel. Panay ang bash kay Erich dun eh.

lilyofthevalley

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 45)
« Reply #495 on: February 15, 2017, 08:45:12 am »
^^^  " I got tired of paying " yan daw ang answer ni erich nun me magtanong na tsismosang exec ng channel 2 kung ano reason ng breakup nila;  nabasa ko lang yan  sa tabloid  ;)   isa pang tsismis diyan more than 4M ang utang daw  kay erich
« Last Edit: February 15, 2017, 08:48:12 am by lilyofthevalley »

hisana

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 45)
« Reply #496 on: February 15, 2017, 12:30:31 pm »
I follow Maxene on IG (the only local celeb I consistently follow), at naisip ko lang dati, sobrang malulungkot sya if ever she and Robby break up because they really seem to enjoy being with each other and mukhang bagay/compatible sila, IMO. I like Robby, medyo kamukha sya ng ex ko, hahaha. It's nice that they're getting married. Wish them all the best.

bollin_pop

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 45)
« Reply #497 on: February 15, 2017, 01:12:21 pm »
Wow congrats kay Max! :)

badcoverversion

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 45)
« Reply #498 on: February 15, 2017, 02:51:22 pm »
Congrats kay Maxine. Mukhang mahal na mahal naman sya nung guy.
Re: erich. Eh kung matatandaan nyo dati nung sila pa ni Heart and Daniel, nagparinig si Heart na sawa na syang maging sugar mommy.  Eh, baka nga may katotohanan yang bintang kay Daniel. Ewan. Pero kadiri talaga pagawayan ang pera sa public.

MotherCat

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 45)
« Reply #499 on: February 15, 2017, 07:21:50 pm »
Si FP ayaw tigilan ang issue between erich and the matsunagas. Pati ig post ng asawa ni Vanessa 5 days ago, pinost pa niya ngayon..

 

Latest Stories

Load More Stories
Close