Author Topic: Nanggugulo ang kinakasama ng nakarelasyon ni misis  (Read 2866 times)

Mr.Jazcy

  • Guest
Nanggugulo ang kinakasama ng nakarelasyon ni misis
« on: December 15, 2016, 04:57:41 pm »
Hello,

Una po sa lahat, nais ko iparating na okay naman ang relasyon naming mag-asawa.
Ang problema lang ay patuloy na nanggugulo o gumagawa ng gulo ang kinakasama o dating-kinakasama ng nakarelasyon ni misis. Napatawad ko na misis ko at binigyan ko ng pagkakataon na makapagsimula ulit kami, alang-ala sa mga anak namin.

Magkasama sila sa trabaho (misis ko at ng nakarelasyon nya). Apektado na talaga ang trabaho ni misis sa kumpanya niya. Nanghihinayang din kami pareho ni misis kung magreresign siya. Ayaw din naman magresign ng nakarelasyon ni misis dahil pinaaaral din nito ang anak niya. Kasal pero hiwalay sa asawa yung lalaki. Alam ko na ang pinaka-mabisang paraan ay patigilin sa trabaho si misis, pero kung gagawin namin yun ay pinakita lang namin na nagtagumpay yung kinakasama ng lalaki.

Nangako ang misis ko na pinutol na niya ang lahat sa lalaki. Pero makulit din ang lalaki. Nagpupumilit daw na mag-usap sila. May agam-agam man ay gusto ko pa rin maniwala sa misis ko na talagang iniiwasan na niya ang lalaki.

Desperado na talaga yung babae na sirain ang buhay ng misis ko. Hindi ko na alam kung paano ko pa maprotektahan ang misis ko.  Kinausap ko na yung babae pero ayaw pa rin tumigil. Panay tawag and pagpapadala ng mensahe sa amin at pamilya namin. Hinihintay ko na nga lang na may lumabas na litrato o video ang misis ko at ng kinakasama niya kung meron, na itinanggi naman ng misis ko.

Alam ko nagkamali misis ko, at may pagkukulang din ako.
Ano pa ba dapat kong gawin para mapahinto ko ang panggugulo ng babae?


ficklemind

  • Guest
Re: Nanggugulo ang kinakasama ng nakarelasyon ni misis
« Reply #1 on: December 15, 2016, 05:34:08 pm »
^ well better na magresign na wife mo & look for another job. It doesn't matter who wins, IMO, walang talo/panalo dyan. Sa ikakakatahimik nyong lahat, misis mo na ang lumayo. Both yung lalaki at live-in partner niya ginugulo kayo.
 kung ikaw naniniwala ka sa wife mo, eh baka si live-in partner,  hinde. pwedeng may alam siya na hinde mo alam. Ok I don't wanna be sound nega sorry. Ako rin e if mangyari sakin to & my hubby asked for a 2nd chance eh  hinde ako makakapante sa promise lang,  hinde ako payag na magkasama pa rin sila work.
Also, magpalit kayo ng number, iblock nyo sa social media etc.
« Last Edit: December 15, 2016, 05:36:06 pm by ficklemind »

glamorosa_09

  • Guest
Re: Nanggugulo ang kinakasama ng nakarelasyon ni misis
« Reply #2 on: December 15, 2016, 10:37:26 pm »
You know what`s the best decision, that is, to ask your wife to resign. But then what`s stopping you is pride -- meaning, you don`t want the kinakasama to have her way.

So just choose: peace or pride. Is holding on to your pride worth your family`s peace?

In the end, it`s up to you. Lam mo naman ang tamang sagot eh.

shinies

  • Guest
Re: Nanggugulo ang kinakasama ng nakarelasyon ni misis
« Reply #3 on: December 15, 2016, 10:51:46 pm »
Pag mga kataksilan kasi, hindi talaga sapat ang sorry at paguusap lang. Kailangan may malaking pagbabago.

Dapat talaga maghanap na lang ng ibang trabaho ang misis mo. Mukhang wala naman mabigat na dahilan para hindi siya umalis s kumpaniya nila..

jay_pon85

  • Guest
Re: Nanggugulo ang kinakasama ng nakarelasyon ni misis
« Reply #4 on: December 16, 2016, 08:56:04 pm »
Tibay mo rin ts at napatawad mo siya tapos nagkakasama pa rin sila sa work? Di ka ba nagdududa? If I were yun pag-resign ko na si misis.

Pero kung ako ang pinagtaksilan ng ganyan? No explanations needed, hiwalay na agad. Napagdaanan ko na rin yan buti di ko pa pinakasalan yun walanyan babaeng yun.
Basta ang principle ko ngayon, if ever my partner cheats on me, hiwalayan ko na maski gaano ko pa kamahal.

kvandenhaak

  • Guest
Re: Nanggugulo ang kinakasama ng nakarelasyon ni misis
« Reply #5 on: December 19, 2016, 02:23:54 am »
My question is bakit hindi mo pa noon pa pinag-resign si Misis? Now na! You decided to give her another chance and that is good. Pero kapag me irritant, mauuwi lang sa wala ang effort nyo.

hisana

  • Guest
Re: Nanggugulo ang kinakasama ng nakarelasyon ni misis
« Reply #6 on: December 19, 2016, 09:39:43 am »
Alam ko na ang pinaka-mabisang paraan ay patigilin sa trabaho si misis, pero kung gagawin namin yun ay pinakita lang namin na nagtagumpay yung kinakasama ng lalaki.

Yun naman pala, alam nyo na na mas mabuting magresign na lang si misis, pero dahil lang sa ego na ayaw nyo magpatalo dun sa kinakasama ng lalaki, you will risk your wife's safety and peace of mind? You make it sound like yung asawa mo yung inaapi dito, when in fact it was your wife and the guy who started this mess.  Ano naman ine-expect natin di ba, of course magagalit yung babae. Affairs are not without consequences. Nagpakasarap sila, so now they have to deal with the aftereffects. Kung determined talaga yung babaeng yun na sirain yung buhay ng misis mo, swerte na nga kayo kung titigilan sya pagkatapos magresign. Who knows what else she's capable of.

swtgrl_bee

  • Guest
Re: Nanggugulo ang kinakasama ng nakarelasyon ni misis
« Reply #7 on: December 19, 2016, 05:55:29 pm »
Mag resign si Misis, at ang dami namang trabaho sa paligid.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close