watch now

Author Topic: Make Up Gurus (Thread 3)  (Read 138130 times)

fifi_girl

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #580 on: February 12, 2018, 02:27:01 pm »
sablay talaga yan si isha pagdating sa fashion. sorry sa mga fans pero parang nagiging trying hard kasi sya manamit. parang gusto nya yung tipo ng mga get up ni say. e magkaiba naman sila ng body type. hour glass si say tapos si isha pear shaped dba? sana magresearch sya kung anong mga damit ang babagay sa kanya. nito lang may vlog sya, namili ng mga damit, sa forever 21, h&m, cotton on.. sablay din yung mga binili nya. sablay na nga mga damit tapos obsession nya pa sa purple, jusko ano na tehhh

Pinanuod ko [textspeak!] vlog niya about sa nabili niya sa sale. True enough, yung mga nabili niya is hindi bagay sa kanya. Pang-teenager yung style nung mga damit. Jusme, ibang klase talaga obsession niya sa purple. Overrated na masyado. Sorry sa mga fans, pero naging bakya and jologs na talaga siya. Isa pang pansin ko dun sa vlog na yun, 12 midnight, nasa mall pa sila kasama yung anak niya.. wala bang pasok yun at hating gabi nasa mall pa??

LABYU

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #581 on: February 12, 2018, 05:36:42 pm »
Silent reader ako ng thread na ito, kaya lang di ko na napigilan magpakasilent hahaha  ;D Dati nung nasa 5K subscribers pa lang si Anne Clutz, sobrang like na like ko siya pero naturn-off ako sa kanya nung medyo lumaki laki na yung subscribers niya tapos naging mukhang pera sya as in literal na para siyang hayok sa pera tapos lalo pa ako na TO sa kanya nung naging ala itsjudytime siya lahat ng content niya pati pangongopya nya magcreate ng another channel. Sobrang laking turn off sa akin yung pagka mukha niyang pera. Hindi ko naman ikakailang kailangan ko din ng pera pero yung kanya sobrang matindi. Yung sa sigarilyo issue nya, halata naman sa bibig niya kahit hindi niya sabihin, obvious yun. Dun din ako na turn off kasi kung maka exercise akala ng iba real eh sigarilyo din naman yun kinukuha para lang pumayat. She's fake, excuse po sa mga super fanatic ni Clutz. Ang dami dami na din pa lang mga bagong so-called Pinay Beauty gurus, minsan naaaliw ako sa mga makeup nila, pa espasolan, as in ang puti puti bakit ganun? Si Simply Rhaze ang pinaka gusto ko, maarte pero totoong totoo, walang paki kung pangit mukha niya pag wala makeup at si Say gusto ko lang siya pag travel, Nanghihinayang din ako kay Ana Victorino, talented talaga sya, sayang talaga. Sorry ang haba na. Pasensya na sa fans ni cluts.

Itsmai.Shop

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #582 on: February 12, 2018, 05:44:07 pm »
Yung brush set ni anne clutz, Narelease na ni ms bella a few months yung marble brush set nila, then nirebrand lang, pero pumatok pa rin. nagtaka ako kasi same lang pero may claim siya na siya mismo yung pumili etc.

foxyhauteur

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #583 on: February 12, 2018, 06:48:43 pm »
Age shaming ba pag sinabi ko na si Anne Clutz at Isha hindi age at married status appropriate manamit o pumili ng gamit? Hehe parang ganun kasi sila. Pag pinapanood ko sila naalala ko lagi yung sinabi ng grandma ko before. Mga babaeng hindi daw na enjoy ang pagkadalaga ng husto kaya ang pag aasawa hindi daw dapat minamadali.

liana

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #584 on: February 12, 2018, 09:06:54 pm »
About Anne Clutz, I don't see it naman na "hayok" sya sa pera. Siguro she's taking advantage lang of the opportunities. It looks like "bread and butter" talaga ng family nila ang youtube, nagresign pa nga husband nya di ba. Pansin ko sa mga veteran youtubers like Anne and Say, nawawala yung creativity in making new videos. More on reviews, sponsored stuff na lang maybe because yun ang may bayad and may followers na sila so meron talaga laging manonood ng videos nila.

LABYU

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #585 on: February 12, 2018, 11:18:03 pm »
Siguro ako lang yun. Wala naman masama kung kailangan kailangan ng isang tao ng pera kasi mahirap naman talaga mabuhay kung walang pera. Yung kanya kasi may pinagbasehan ako sa pagiging ganun niya, nung sobrang bago pa lang siya as in kaka boom pa lang nung sumikat niyang sabon na placenta ata yun, tapos naramdaman kong nung naramdaman o napansin niyang sumikat siya agad agad nagcreate siya nung vlog channel niya agad agad yun tapos sobrang sipag mag upload, so ayun nag start ng ganun tingin ko sa kanya tapos bihirang bihira na siya magreview ng mga murang makeups panay mamahalin na nungg nagsa start pa lang very simple lang siya at yun yung nagustuhan ko sa kanya, medyo nasundundan ko yung journey niya nung bago pa lang siya sumikat kaya ko nasabi lang yun, then lately pala nagresign nga si husband niya para magyoutube na din ata so 3 channels na din pala, not bad. Happy to see her growing sa pagyou youtube. Saka sa reviews talaga siya magaling pero yun impression ko sa kanya after that sabon niya, natakot nga siya nung nagbura si YouTube ng mga videos at baka daw nasama yung sabon video niya kung saan mismo nagpasikat sa kanya. Medyo hindi na din ako nakaka balita tungkol sa kanya after her 5k subs, dito ko na lang nababasa mga latest sa kanya. Siguro mali lang ako ng impression.
« Last Edit: February 12, 2018, 11:25:37 pm by LABYU »

imaginativelad

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #586 on: February 13, 2018, 01:33:40 am »

Napansin ko rin yung sa photoshoot na kasama si Anna C. And Isha, ang instruction smile na labas teeth, lahat sila smile labas teeth except for Anna C. May nagcomment na nun pero nasa thread yata ni Anna C. May nakita akong old pic ni Anna, bago pa yata siya magstart magyoutube, shorter and colored hair din siya, malaman siya dun, hindi payat tulad nung long black hair pa siya. Feeling ko may time na nanaba siya kaya ayaw niya mag gain ulit.

Yes napansin ko rin un, hindi siya nagsmile na kita teeth. Sayang lang ang invisalign niya. Wala namang change sa teeth niya and hindi siya consistent. Money problems. Haha bili lang kasi may money, pero afford naman niya kaya okay. Haha

Maybe marami nagsabi na tumaba si Ana Cay kaya todo na siya sa pag papayat. Honestly, desparada na siya. itlog itlog nalang siya which is not healthy. Mas okay pa kung mag meals siya na strict ang calories kasi parang di na talaga siya kumakain or baka nag aantay lang siya ng sponsor? haha hindi siya makapag upload kasi may sakit siya, understandable pero mag wowork out ka pa ng hindi ka feeling well? At hindi ka kakain ng maayos pano ka gagaling girl? Haha how can you say you?re not feeling well when you?re out and about? Wala lang. hindi ko makita yung reasoning ni Ana. Minsan feeling ko tamad lang siya. Haha knowing na mayaman na siya and continue lang ang pag views kaya okay lang na mag lag siya.

Mas bet ko humanap ng fresh face ngayon, pero tulad ni Rei di ko bet. Masyadong millenial. Puro arte, rant, party, makeup, bf, gala, and repeat ang ginagawa.

Sablay talaga fashion sense ni Isha, pero makikita mo na nag effort yung tao na mamili and tumingin ng damit. Unlike yung iba like Ana Cay, Michelle Dy, etc may mga sponsors sila. Okay lang for me fashion sense ni Say, kahit malaman siya hindi pang loshang ang mga damit. Pasok padin sa banga. Hahaha

I think ginawa na talagang trabaho ni Anne Clutz ang pag youtube. Pero mas like ko siya before nung simple pa lang siya at puro reveiws lang siya ng mga products.

Yes napansin ko rin same yung brushes ni anneclutz sa Miss bella. Pero yung sa Miss bella mas mahal ata, nasa 800 while yung kay Anneclutz nasa 500 lang. pero napansin ko maganda yung lalagyan ng sa miss bella. Hindi ako masyado impressed kasi kaparehas ng Miss bella kahit collaboration siya, sana iniba yung design or color para hindi halatang parehas. Nagiba lang ata kasi yung kay Anneclutz may pangalan na Anne Clutz and yung measurement or hibla ng mga brushes kung gano kakapal or kahaba.
« Last Edit: February 13, 2018, 01:45:10 am by imaginativelad »

swtgrl_bee

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #587 on: February 13, 2018, 02:30:24 am »
Kaya talaga masarap mag-post dito sa GT eh. Walang mga fantards.  ;D The best forum ever!

Actually hindi ko pinanood yung vlog ni Isha noong nag-photoshoot siya. Kasi parang naaawa ako na ewan. Ganun din ako sa TV shows  kapag parang sablay nililipat ko bigla. Ewan ko.  ;D Sana nag-chikka sila ni Nam (kasama nila sa shoot na model ng Apartment 8) baka matulungan siya makahanap ng stylist.


keejac21

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #588 on: February 13, 2018, 06:35:30 am »
Or maisip din ni Isha na maglose ng konti ng timbang.

Konti na lang din talaga sa kanila ang gumagawa ng maayos na makeup tutorials. Like Raiza and Mimi. Sige pati si MD na din.

hann-hann

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #589 on: February 13, 2018, 07:30:36 am »
^sis 1st or 2nd week of january nag enroll na yan si isha sa gym kase gusto nya na daw pumayat dahil madami ng nagsasabi na tumataba na sya. Pero til now wala pa din syang vlog na nasa gym sya and based dun sa isang comment nya sa subbie nya hindi pa din sya nagsstart. I think hindi naman sponsored yun. So nagsasayang ng pera si ate. Or tinatamad lang talaga. Haha. Inaabangan ko kase talaga yung post nya sa gym kaya nanonotice ko yang mga bagay na yan. Hihi

foxyhauteur

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #590 on: February 13, 2018, 08:27:50 am »
I like watching Richard Yap's daughter, Ashley Sandrine, lately.

ficklemind

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #591 on: February 13, 2018, 09:26:35 am »
oh valentines na, sino na nagupload ng valentines makeup tutorial? kay Michelle Dy pa lang nakita ko hinde ko bet para sakin hehe.
UPDATE: Meron na din si Raiza, hinde ko din bet para sakin  ;D

Puro intl ytuber na din pinapanood ko, wala kasi masyado sa mga local ng about makeups (new makeups, tutorials etc) puro ata sila vlogs lately. Kaya si Mimi talaga pinkalike ko kasi consistent siya sa pag didiscover ng mga makeup, as in bumibili lagi ! yung iba kasi puro sponsored at mga padala na lang ang finifeature.

Abt Anne Clutz, well pinapanood ko pa din siya even si hubby nanonood ng vlogs niya. Though hinde ako fan ng makeup niya and yeah mostly sponsored/mga padala yung ginagawan niya ng reviews and first impressions.



keejac21

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #592 on: February 13, 2018, 09:46:48 am »
^Di ko din bet yung Valentine?s makeup tutorial ni Michelle Dy. Feeling ko pang night out yung look na yon.

Like ko yung latest Half and Half video ni Mimi sa Loreal and Armani foundie.

o9kristin

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #593 on: February 13, 2018, 06:24:45 pm »
Anne Clitz - I like h brush set more than Miss Bella. Aside from mas mura yung kay Anne, mas customized. I know same manufacturer lang pero bakit ang mahal nung kay Miss Bella? 950 yung may kasamang pouch! That?s 450 php difference!

Anna Cay - di na sya masyadong nagfifilm. Last na naging active sya is nung nag Korea pa sya. I feel like hindi ganun ka lalim yung passion nya sa pagyu- youtube. Why stop kung talagang masaya ka sa ginagawa mo diba? Baka like other youtubers lang din na nakahanap ng bagong ?hobby? kaya ang sipag sa simula pero pag tumagal parang tinatamad na.. Naalala ko lang din, may mga IG story si Anna na hindi daw sya makapag upload dahil ang bagal ng internet. Sa isip isip ko, ?Girl, sa yaman nyo wala kayong matinong internet??. Pwede naman sya kumuha ng pocket wifi kung talagang may problem internet nila. If there?s a will, there?s a way!

airish_2

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #594 on: February 13, 2018, 06:57:41 pm »
^and meron naman PLDT Fiber haha!

swtgrl_bee

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #595 on: February 13, 2018, 07:42:20 pm »
Hindi talaga papayat yung mga Youtubers na kahit exercise ng exercise eh pero kung makita mo ang daming kinakain kapag nag eat out.  ;D


ilovejapan

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #596 on: February 18, 2018, 11:16:52 am »
Finifilm lang ni Anna Cay now - puro sponsored videos.

chicken4ever

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #597 on: February 22, 2018, 02:30:18 am »
Hi guys! new member here :)

Re Anna Cay, parang not all naman. at kung sponsored man, minemention naman niya. At saka, sila naman lahat at one time or another, may sponsored videos talaga. But true na minsan nakaka off talaga yung sponsored lahat. Gaya ni Anne Clutz. Ewan ko ba.. ako lang ba naiirita sa kanya? haha

itsmeheiress

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #598 on: February 22, 2018, 10:43:55 am »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close