watch now

Author Topic: Make Up Gurus (Thread 3)  (Read 138264 times)

mysterioza_me

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #440 on: November 18, 2017, 10:55:46 pm »
mysterioza_me alam ko combination skin si Ana Cay.
Thanks sis. Naku siya pala ka-skin type ko, nabasa ko pa naman dito high-end kung high end siya baka di kaya ng budget ko lol.

^Hahanapin ko yan si Raiza Contawi.

2-3yrs ago ang napapanood ko yung korean make up artist na si PONY (Pony Effect). Nasan na kaya yun?!

foxyhauteur

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #441 on: November 18, 2017, 11:28:52 pm »
Nasa YT pa rin si Pony. PONY Syndrome.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #442 on: November 19, 2017, 05:21:04 am »
^Thanks sis. Dati kasi nasa TVN siya dun ko siya napapanood and collab sila ng Etude. Ngayon Get It Beauty na ang meron sa TVN. Ok din manood nun kung makeup tutorial lang since halos pangbeginners ang techniques nila and for everyday look kadalasan. Ok din sana yung mga reviews nila ng makeup and other products kasi tinitest talaga ng mga hosts kaso di naman pinapakita name ng products so parang useless din na nireview pa nila.

jakh

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #443 on: November 19, 2017, 12:13:05 pm »
Naloka ako sa bigla biglang pagbili ni An Cay ng high end bags like yung Gucci sa Korea.  :o At sa non stop nyang pagkain, yet di tumataba, parang malapit ko na sabihin ang "how to be you po?". Haha!

Hinahanap ko tong vlog niya na to sis di ko makita. Curious ako sa binili na bag ni Anna kasi favorite ko yung mga designer goods haul videos nya. 

Chikadora101

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #444 on: November 19, 2017, 01:28:22 pm »
Sinubaybayan ko din korea vlogs nya pero di ko naman nakita na may binili sya sis, alin bang video to pa link naman 😁😁😁

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #445 on: November 19, 2017, 01:56:58 pm »
Yung vlog na kasama na nya yung friend nya, nabanggit din nya na kapag daw bumili ka ng foreign brand, hinde mo makukuha agad, not sure kung sa airport pa, pero pag local brand maiuwe mo na right away sa hotel.

Magvideo naman sya ng haul nya, so abangan natin kung binili nya talaga yung Gucci, may Hermes pa nga sya tinry color green, tapos nakita ko sa IG stories nya yung ihaul nya hiniwalay hiwalay nya, meron ako nakita branded na box, parang Hermes diko marecall kung ano, let's see.   ;)

https://www.youtube.com/watch?v=2_F9RLEuyiI

« Last Edit: November 19, 2017, 02:04:53 pm by Rory_Lorelie_Gilmore »

jakh

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #446 on: November 19, 2017, 04:52:48 pm »
^ thanks for the link sis!😊

swtgrl_bee

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #447 on: November 20, 2017, 07:27:57 am »
Waiting din ako sa Korean haul ni Anna  ;D

foxyhauteur

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #448 on: November 20, 2017, 04:36:56 pm »
May Korea Haul na si Anna!  ;D

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #449 on: November 21, 2017, 02:20:00 pm »
Saw Ana's hauls, so hinde nya binili yung Gucci and Hermes, but she bought an LV, and totoo nga yung narinig ko, kapag foreign brand lalo high end, sa airport mo pa makukuha yung binili mo.

icegayle

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #450 on: November 21, 2017, 03:27:32 pm »
Say and Mark (Bf) broke up again. Wala talagang forever kahit may second chance...

swtgrl_bee

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #451 on: November 21, 2017, 03:39:14 pm »
^ay saan mo nasagap yan? Vlog ba sis? Or IG niya? Mukhang malabo na sila na maging maayos like 100% maayos. Kakabalikan lang nila break ulit. Magiging habit na kasi eh.

simang

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #452 on: November 21, 2017, 03:57:00 pm »
^di ko masyadong nasubaybayan story nila, on-off ba sila?

ficklemind

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #453 on: November 21, 2017, 04:44:05 pm »
^ nagbreak sila last year ata tapos nagkabalikan.
 hinde pa ako nakakapanood ng vlogs ni Say lately, chineck ko IG niya now mukhang nagbreak nga ulit.
Hinde ko subaybay lovestory nila pero mukhang ok naman yung bf niya, parang maalaga sa kanya.

simang

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #454 on: November 21, 2017, 05:02:31 pm »
^oh okay.. sayang ang tagal na nila diba. napacheck rin ako ng IG nya, may post pa sila together before Korea. pero sa recent post mukhang nagbreak nga.

gil12

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #455 on: November 21, 2017, 05:28:25 pm »
ang alam ko, last year after din niya pumunta ng Korea nagbreak sila. Tapos this year naman, pagbalik din niya after Korea saka niya sinabing break na sila. Naisip ko nga, kaya siguro mabilis siya magupload dun sa Korea trip? To keep herself busy dba? Napanood ko rin recent vlog ni Say, sabi niya babalik siya ulit sa Korea this December. Sabi rin ni Anna Cay sa haul vlog niya na babalik din siyang Korea this winter. Sponsored kaya ulit yung trip nila? Kasi nagkataon na same time sila babalik ng Korea.

Miss Taken

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #456 on: November 21, 2017, 05:30:03 pm »
Si Say nagpost sa twitter nung about sa break up nila ng bf niya. She posted "I can't believe I wasted 5 years of my life" then may nag tweet na fan na hopefully she's not talking about her lovelife then ang reply niya "I AM".

Gusto ko pa naman sila ni Mark, sabay pa silang nag-gain ng weight kaya totoo na kapag nasa relationship mas malaki ang chance na tumaba dahil puro kain which is ganun din nangyari samen ng bf ko lol

Anyway pansin ko ngayon sa mga filipina youtubers ang daming bagets like mga below 18 years old pa lang. Then halos pare-pareho lang ng mga ginagawa.

swtgrl_bee

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #457 on: November 21, 2017, 06:55:09 pm »
Napanood ko na, last break up nila after din ng trip niya. Mukhang hurt na hurt si Say. Ayaw ko naman isipin na baka niloloko siya ni Ex if wala siya. Anyway, kakalipat lang niya ng condo after magbalikan. Mukhang lilipat na naman siya ang laki nung condo niya ngayon eh. Actually kaya lumipat siya ng condo before after ng break up nila parang too many memories ganern. Tapos ngayon lumipat na siya after noong second niya kasi bawal din daw ang dog. And feeling ko may factor din na kaya mas malaki dahil kay Mark din.

Pero bet ko din si Say mag handle ng ganito, kasi hindi siya nag ba-bad mouth kay ex niya.

sima

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #458 on: November 21, 2017, 09:14:37 pm »
Nang mabasa ko nga yung title ng bagong vlog ni Say, nagulat ako. And to think mukhang ok pa sila ng boyfriend niya bago siya pumunta ng Korea.  Tapos nabasa ko nga sa kanyang twitter yung mga captions at sentiments niya kaya lalong naconfirm ko na wala na sila. Matamlay nga siya sa latest vlog niya. Hay! 😔

Chikadora101

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #459 on: November 21, 2017, 09:15:30 pm »
Yes.. super love say sa ganitong aspects.. watched her latest vlog and she said na this is the first and last time shes gonna talk about it, hindi sya katulad iba na puro pabitin na alam mo yung paclickbait lang 😂😂😂😂

 

Latest Stories

Load More Stories
Close