watch now

Author Topic: Make Up Gurus (Thread 3)  (Read 138346 times)

hann-hann

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #420 on: November 16, 2017, 06:03:12 pm »
di ko din talaga bet si isha, ang OA nya for me. parang pilit na nagpapakakwela minsan. kung yung iba natutuwa dun sa ginagawa nya sa pamangkin nya, honestly ako hindi. kung ako yung parents nun baka napagalitan ko yan si isha dahil hindi ako papayag na ganunin yung anak ko sa socmed. dati ko pa napapanood yun, ewan ko na lang kung hanggang ngayon binubully nya pa rin yung pamangkin nya. haha

Chikadora101

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #421 on: November 16, 2017, 07:04:45 pm »
Yes i agree with you sis, Say stood out for mean in terms of travel vlog, raiza for overall hahaha on point lang sa pag travel ekek, ms congeniality and sa upload, anna cay yung part na kasama nya na si rach yung pansin ko pinaka comfortable sya na parang mas nakakapag salita sya.

Hahaha mejo natawa na din nga ako kay isha na pati upuan ng car e labender ba yun, may say pa ba asawa nya sa mga ganit nila?😂😂😂😂

airish_2

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #422 on: November 16, 2017, 07:37:11 pm »
Hindi na nga siya masyado sa tutorial si Isha puro vlogs na lang.

hann-hann

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #423 on: November 16, 2017, 07:44:25 pm »
^haha! Okay lang naman sana kung accent color lang yung lavender, yung tipong minimal lang. kaso tinadtad na nya ng lavender yung bahay nila e. Yun sa car ang di ko talaga kineri. To think na husband nya ang nagddrive nun. Tapos lavender pa din ang seat cover. Haha!

swtgrl_bee

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #424 on: November 17, 2017, 02:47:22 am »
Yan lang ang mahirap kung si wife lang ang kumikita, tameme nalang si husband. Sabi nga nila "The person who has the gold makes the rules." Sa amin nga yung kotse namin gusto ko lagyan ng stuff toy kahit isa lang ayaw ng asawa ko.  :P

Ako din travel vlogs lang ni Say pinapanood ko, kapag review na skip na. Alam na alam mo kasing sponsored eh. Nagtatapon lang ako ng pera if bibili ako nun.  :P

I so so love Mimi, sayang lang dry skin si Ate at oily skin ako.

Pansin ko kay Anna Cay, medyo or sadyang introvert siya? BFF sila ni Raych kaya masaya talaga sila. Pinapanood ko din si Raych.

fifi_girl

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #425 on: November 17, 2017, 08:28:50 am »
di ko din talaga bet si isha, ang OA nya for me. parang pilit na nagpapakakwela minsan. kung yung iba natutuwa dun sa ginagawa nya sa pamangkin nya, honestly ako hindi. kung ako yung parents nun baka napagalitan ko yan si isha dahil hindi ako papayag na ganunin yung anak ko sa socmed. dati ko pa napapanood yun, ewan ko na lang kung hanggang ngayon binubully nya pa rin yung pamangkin nya. haha

Di ko din bet si Isha, parang trying hard sya sa mga vlogs nya. Di ko makalimutan yung episode nya na nagtitingin ng bahay, akala ko bibili na sya. Yun pala apartment pa din ang lilipatan. OA nga yung car nila. Lavender talaga yun seat cover hahaha.

ficklemind

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #426 on: November 17, 2017, 09:14:49 am »
grabe din tawa ko sa purple car seat niya, pinakita ko kay hubby jusko baduy na baduy. Sorry po sa fans ng purple. Hehe. Agree, maganda ang purple pang accentuate/highlight lang, hinde pang base color, lalo na pag nasobrahan. Eversince hinde ko bet si Isha, pero paminsan minsan pinapanood ko vlogs niya like yung paghahanap ng bahay (tapos nauwi sa apartment) then yung bumili sila kotse. Pag mga makeup related vids hinde ko watch.

si Anna tahimik lang talaga pag kasama other Ytubers, lahat ng events na magkakasama sila ganun siya. Pero pag mga kaclose niya talaga madaldal naman siya. Ganun lang siguro talaga personality niya.

keejac21

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #427 on: November 17, 2017, 09:51:35 am »
Si Anna Cay mahilig mag disclaimer to the point na ang dating minsan false humility.
Pero in terms of attitude mukhang okay naman si Ate girl.

ficklemind

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #428 on: November 17, 2017, 10:41:11 am »
^ ok naman attitude ni ate girl in general pero yes meron din siyang mga sablay din minsan konti lang naman (unlike yung iba ehem Kris L, Isha)
Natalakay na din dito yung iba. ex:  yung video niya na may malaking pasa niya  ::)  hahaha tapos yung medyo boring siya.
Hinde ko na lang talaga bet makeup niya ngayon kaya hinde ko na nafofollow.
 tska yun nga bawas bawasan mga disclaimer niya na hinde naman true, iembrace niya na pagkamayaman niya, walang masama dun  :D
« Last Edit: November 17, 2017, 10:51:10 am by ficklemind »

sofiameredith

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #429 on: November 17, 2017, 01:06:27 pm »
i love purple and lilac pero kaya kong pumili ng ibang color para sa bahay at mga gamit ko...my gahd naumay ako kay isha kulang na lang pinturahan nya buong katawan nila ng pamilya niya ng purple ;D

airish_2

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #430 on: November 17, 2017, 01:32:28 pm »
Sana mabasa ni Isha ang mga comments dito haha! Oo, nga no parang walang say yung partner niya.

keejac21

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #431 on: November 17, 2017, 01:42:38 pm »
^diba GTalker din si isha.. purpleheiress ang username niya if Im not mistaken.  ;)

airish_2

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #432 on: November 17, 2017, 02:49:10 pm »
^Haha! Good pero I bet kung nagbabasa pa rin siya ngayon kasi nga busy 'daw' siya celebrity lang 😂

swim_fatale

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #433 on: November 17, 2017, 04:44:20 pm »
Bakit ganun, nawala yung post ko about Anna Cay. I'm actually a fan of hers, subbie na nya ako less than 50k pa lang subbies nya nun. But I also feel off pag may disclaimer siya na "di naman kami mayaman" or "wala naman akong pera" sabay bili ng high-end bags, shoes, clothes and make up at ang bahay mansyon. Eh ano na lang ako? Taong grasa? Haha. Sana wag na niya ikahiya/ika-ilang ang pagiging mayaman nya. Di naman nya fault yun eh. :D

swtgrl_bee

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #434 on: November 18, 2017, 01:27:05 am »
^Sis grabe lakas ng tawa ko, hating gabi pa naman na. Sama ako sa pagiging taong grasa mo.  ;D


sarsingkit

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #435 on: November 18, 2017, 11:39:26 am »
I really don't think na Anna is showing fake humility. I just wish she shows more confidence in her status and her choices in life. After all, there are people who look up to her and makes her their peg diba. I became friends with someone filthy rich when I was in college. Akala ko din tipong fake humility lang sya pero ganun pala talaga yung level ng pagkamayaman nya. Sasabihin nya na wala syang pera kaya sa yellow cab na LANG sya kakain. Samantalang luxury na sakin yung Jollibe nung mga panahon na yun. Haha. Sana embrace na nga lang nya yung pagkamayaman nya.

Lately ko lang napanood si RAiza Contawi and I have to say na ang galing nya nga magmakeup. Ang layo ng difference sa before and after. Haha. Maganda naman na sya sa before pero sobrang ganda ng after photos.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #436 on: November 18, 2017, 02:37:53 pm »
Hello mga sis nagstart na din ako manood ng makeup blogs pero si Anne Klutz pa lang napanood ko sa yt. 2-3 videos pa lang niya napanood ko. Nagulat ako na may nagsabi dito na sponsorada siya kasi yung videos na napanood ko siya mismo bumili ng items na nirereview niya. Di pa naman ako naniniwala kapag sponsored yung products. Hay. Windang ako nung sinabi niya na mas ok ang fake Real Technique complexion miracle sponge compared sa orig. May mga miniso hauls din siya (na siya din ang bumili) at nireview per item. Siguro pipili nalang ako ng vlogs na hindi sponsored ang item na irereview.

May idea ba kayo sis sino sa kanila ang may combination skin (dry and oily)

foxyhauteur

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #437 on: November 18, 2017, 07:37:14 pm »
^yung earlier videos nya hindi pa masyado sponsored. Pero ngayon halos lahat sponsored na. Bigay mostly ng online shops. Konti na lang binibili nya. Last year sunud-sunod yung sponsored videos nya kaya nag unsubscribe ako sa kanya. Sana nga yung unboxing nya ng binibigay sa kanya ng online shops gawin nya lagi sa beauty channel nya at hindi sa vlogging channel para alam ng lahat ng viewers nya. Minsan nga nalilito ako pag sinasabi nya "(product name) from (online shop name)" napapaisip pa ko kung may collab yung brand na hindi ko alam. Yun pala online shop ang pinopromote nya.

And I don't trust her reviews kasi madalas ang review nya nasa bahay lang siya. Mas gusto ko pag lumalabas yung nagrereview ng product kasi kasama yung external factors na pwede maka affect sa makeup.

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #438 on: November 18, 2017, 08:28:03 pm »
mysterioza_me alam ko combination skin si Ana Cay.

Maski may quirks si Ana, (like namahalan sa strawberry mochi sabay bili ng Gucci na bag LOL) so far type ko pa din sya, lakas nya maka Shaanxo minsan. Sa quality ng videos, sa vlogs, honest reviews, make up tutorials lang medyo bitin ako kay Ana. Gusto ko makahanap ng Chloe Morello counterpart, na Dyosa levels tapos funny, yet sexy hehe.

simang

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #439 on: November 18, 2017, 08:37:16 pm »
Gusto ko din si Raiza Contawi, galing nya mag makeup. And mukha talaga syang kpop star pag glammed up sya. Hehe.

Sa international YT naman, I'm currently watching Brad Mondo, hairstylist sya, he does hair makeovers sa mga Barbie dolls, kakatuwa panuorin. :) Nakakamiss tuloy maglaro ng Barbie haha. Tapos meron sya segment sa videos na pwede ka magsend ng picture mo sa kanya, tapos magkocomment sya kung anong hair and bagay sayo, or anong makeover ang maganda.  I also recently discovered Edward Avila, okay rin sya magreview ng mga products.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close