watch now

Author Topic: Make Up Gurus (Thread 3)  (Read 138461 times)

Miss Taken

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #380 on: October 29, 2017, 01:04:56 pm »
Some fans of these beauty gurus are really protective na parang celebrity level na. Tipong konting feedback lang na tingin nila hindi maganda eh grabe na kung makareply. Especially sa twitter since I'm following them like Michelle Dy and Rei, may times na nakikipagsagutan talaga yung mga supporters nila.

May leverage kasi talaga yung mga celebrities na nagventure na rin sa vlogging kasi marami na silang fans. Sayang din siguro yung income na makukuha nila sa youtube kaya ginawa na din nila lol. Sa dami ng makeup gurus ngayon, kapag hindi mo bet yung isa then hanap na lang ng ibang channel.

gil12

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #381 on: October 29, 2017, 01:40:36 pm »
^ napansin ko nga madaming celebrities na na-freezer or walang projects sa TV pumapasok na ng youtube. medyo swapang lang sila, haha, mamili lang sila kung TV o youtube.  ;D

icegayle

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #382 on: October 29, 2017, 04:08:43 pm »
These are my own honest thoughts to some Pinoy beauty influencers, let me speak my mind:

Toni Sia is so genuine. She embraces being maarte and sensitive so well. Sisikat pa ito lalo with her right attitude. Mimi from CoffeeandSparkles is super ganda pag may makeup! Kahit hindi ako dry-skinned napapapapnood ako. Nakakainggit yung pagka-classy ni Anna Cay pero mahirap siyang i-hate kasi napakahumble at simple niya. Dare I say it, but Anna's the queen of Pinoy beauty reviews today.

Lately medyo off yung looks ni Raiza. Ewan ko kung tumataba siya lalo or kasi nagtan siya kaya mismatched foundation colors niya ngayong bumabalik na kulay niya. Love ko ang rebranding ng whatevertrends to Nina Rayos kasi parang mas nakakaconnect na and she can show a realer side, sa totoo lang naeexcite ako sa mga future videos niya.

Si Anne Clutz mukhang mabait kaso lang talaga ang hirap niya itrust sa pagiging sponsorada niya. As much as I could relate to her having oily skin, nakakatawa na lang kapag nagrarave siya ng mga hindi pang-oily dahil lang sponsored.

Michelle is now more of a Youtube comedienne than a beauty influencer. I cringe hard sa sobrang pagiging maere niya. Si Isha (Purpleheiress) naman parang nahanap na niya na Vlogs and lifestyle ang forte niya.
Rei Germar is so basic and typical pa-cool kid. Naloka ako sa isang video niyang may 28 ads!

Sobrang active ni Kris Lumagui para lang may ma-AdSense at kumita ng pera. Me ang my workmates had to unsubscribe kasi kung ano ano na lang at ang toxic pa niya.

Sa guys wala akong magustuhan so far. AboutRAF has very subpar looks/reviews but I appreciate he speaks his mind and doesn't care. Yung Sir Paul Maynard halatang social climber at nakikiuso na lang kasi famous ang friends, he doesn't even know how to use lipstick. May isang guy pa akong napanood kaso forgot his name, at least he is very talented pa naman. Paul rin ata name or something.

PS - Panira ng YouTube beauty community ang mga "artista" na wala namang alam sabihin kundi "ewan ko kung ano ito e pero maganda siya". Naaagawan lang tuloy ng audience ang mga tunay (at may actual talent/knowledge) na content creators at nababagalan ng growth dahil sa mga tulad nila kasi sikat na sila agad. Sana wag na sila garapal sa Youtube at sa TV na lang sila. (*coughs* Elisse)

Yes sis its Paul Unating. Ang husay nya magmake-up. Tsaka nagvvlog din sya.

swtgrl_bee

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #383 on: October 30, 2017, 11:32:41 am »
Sis spilledtea, super duper like your feedback.  ;)

Madami talagang starlets ang nag youyoutube na, kasi sayang nga naman ang income eh.

Grabe yung Say VS Ana noon ano? As in nakakaloka factor, naisip ko nga sana lang talaga beforehand palang inamin na ni Ana na may daughter siya, kasi okay lang naman. Ang off pa noong comeback niya biglang asking for alam niyo na.

Chikadora101

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #384 on: October 30, 2017, 05:01:06 pm »
Haha kalkka pwede na pala pang reality show sila nuon, pero i guess all is good now between the two of them, few months back nag kasama na sila sa youtube/google space ba yun? And nag batian naman sila. Good for them! ☺️

iwannabeasupermodel

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #385 on: November 06, 2017, 05:16:08 pm »
di ko alam kung papaniwalaan ko si mae layug sa review niya sa fit me matte and poreless liquid foundation, bet daw niya eh nahulas nga makeup niya sa unang update palang niya.  :o :o

Ireneeeeee

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #386 on: November 08, 2017, 02:43:33 pm »
marami youtubers ok sa simula pero kapag nakain na sila ng pagyouyoutube at sponsorships, hindi na ako naniniwala. Lalo na kapag puro sponsored vids na.. kaya ngayon mas naniniwala na ako sa mga forums and i research myself. i still take youtubers recom with a grain of salt. lalo na if heavily sponsored yun nagrereview..

i also super hate clickbaits! at marami na gumaganyan sa local ytubers. Pati si raiza contawi lately. I must admit magaling talaga sya sa skills pero naturn off ako sa clickbait post nya yun bye na daw chuchu pero hindi pala talaga. Akala ko bye youtube na sya. Lagi rin yan ginagawa ni Kris Lumagui with their misleading titles sa thumbnails.

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #387 on: November 08, 2017, 02:44:28 pm »
Na-happy ako na fave ni Ana Cay yung L'oreal Pro Matte and Pro Glow mix sa mga drugstore nya, as well as international yt-ers, wala lang ambabaw, pero kung super happy ka sa affordable na foundation, bakit pa bibili ng mahal, like me, yung Mac ko tengga lang, ang dilaw ng NC20 ko, NW ako ata dapat. Sorry OT.
« Last Edit: November 11, 2017, 05:59:40 pm by Rory_Lorelie_Gilmore »

iwannabeasupermodel

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #388 on: November 09, 2017, 07:00:36 pm »
in fairness kay anna cay, naniniwala pa ako sa kanya. at wala siyang click baits so far. haha.
pero yun nga, high end kung high end talaga siya.

gil12

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #389 on: November 11, 2017, 04:58:23 pm »
kainggit mga make up vloggers/youtubers ang dami nila pinadala sa Korea, sponsored by Charis.

airish_2

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #390 on: November 11, 2017, 07:02:48 pm »
Last year ata o nung May? Yung madaming bitbit din si Isha pang 3rd na pala ng Charis at ang galante! Sa Pinas walang ganun noh? Yung magiinvite ng Bloggers/Vloggers sa ibang bansa. Pang-attract din ng tourism wish ko lang na mas dumami yung Philippine made sa make-up yun naman yung i-review bihira ako makakita like Human Nature, yung sa Echo Store, Ellana.

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #391 on: November 11, 2017, 09:05:40 pm »
Minsan di ko mawari gano kayaman si Ana Cay, haha yung sa Dubai, wagas yung shopping nya parang sa tancha ko naka 300k sya or more?

swtgrl_bee

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #392 on: November 11, 2017, 10:46:07 pm »
^Sis owner sila ng isang high end resort sa Batangas. Plus ang dami pa nilang businesses on the side. Magaling din talaga pagpapalaki ng parents nila kasi business minded silang magkapatid.

foxyhauteur

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #393 on: November 11, 2017, 10:56:00 pm »
Ang generous nung Charis!

Hindi ko pala gusto pag nagsama-sama yung local youtubers. I don't know them personally pero naiirita ako na halos lahat sila bubbly personality. Parang hindi natural.. Gusto ko chill lang. Haha

Sana matapos na yung vlogs ni Anna Cay about the event. Looking forward ako sa vlogs nya about her SoKo trip with her friend Raych Ramos.

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #394 on: November 13, 2017, 08:56:37 pm »
^^ah talaga anong beach resort yun? Bukod pa sa jewelry shop may iba pa pala businesses sila Ana Cay, I admire them maski recent palang ako nanunuod sakanya, lalo na sya ha wala ka maramdamang ere, maski high end mga gamit, or can afford, astang normal na mamayaman pa din haha!

hann-hann

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #395 on: November 13, 2017, 09:12:33 pm »
sa tita yata nila anna yung resort na yun, yung jewelry shop ang business talaga ng family nila anna.

nakakatuwa yung ibang beauty vloggers, habang nasa korea nageedit at upload sila, nitake advantage na daw nila kasi mabilis ang internet speed doon. ang sisipag nila mag-edit. si purpleheiress nag-extend na nga ng ilang araw pero ni isa walang naiupload. sa bagay, baka bakasyon din talaga hanap nya.

swtgrl_bee

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #396 on: November 13, 2017, 10:20:09 pm »
^ah sa Tita pala nila yun. Akala ko may share mismo yung family nila. Yes, sis hindi nga consistent si Isha sa pag upload baka sa iba siya busy. Kay Say ako nabibilib sipag niya talaga.

^^Yung sister naman  niya online seller ng mga make ups din.  ;) Masipag talaga sila.

airish_2

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #397 on: November 14, 2017, 01:43:09 pm »
Iyan nga issue kay Isha, nay nagsasabi na hindi man lang niya magawang mag-upload nagdahilan daw siya na si Say mababawi pa tulog sa Pilipinas siya daw aasikasuhin pa yung bata may ganern tapos may sumagot na bakit naman si Anne Clutz dalawang anak nagawang mag edit at mag upload, haha! Katawa lang kasi si Charis naman naginvite sa kanila doon.

Si Say Tioco updated as well as Kris Lumagui, Anna Cay, Anne Clutz on time sila hindi man agad agad. Sinulit yung net sa SoKor

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #398 on: November 14, 2017, 02:16:28 pm »
Admire those na nakapag edit and post right away, pero won't shun those na hinde makapag upload and edit agad, di din biro magtravel, nakakapagod, andaming galaw at hanash lalo na sa ganon na by group, fixed ang schedule, and paminsan minsan may buhay din naman sila haha.  ;D

airish_2

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #399 on: November 14, 2017, 06:06:06 pm »
I think namimiss lang nila yung dating Isha yung unang punta niya kasi sa Korea nun update agad siya ng vlog Charis event din iyon so, parang yun [textspeak!] hinihintay ng subbies and I agree na trabaho din nila yung Youtube sana nag-update siya kahit isang vlog and then pahinga. Haha! Well and like the usual issue mawawala din iyun haha!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close