watch now

Author Topic: Make Up Gurus (Thread 3)  (Read 138632 times)

Ireneeeeee

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #300 on: June 05, 2017, 10:58:04 am »
^siguro naspoil na kaya ayan feeling nila pati pag- uwi ibebeybi rin sila.. same observation tayo. not a hater po just stating my observation. I like Isha pa naman pero hindi ko rin nagustuhan yun attitude nya dyan. parang sanay kasi na sila na inaasikaso ng sponsors pero dapat nga naging independent rin sila kahit papaano. Hindi ko rin type yun outfit nya papunta na nakamidriff..uhm. so not her and sori hindi bagay. Sana kumilos at magbihis sya nang naaayon sa edad. Nagiging masyadong adventurous lately..parang si Say. Hindi ko nabebet ang mga hair color choices and outfits nyang pamidriff rin. haha! Hindi na kasi classy nagiging trashy na. in fairness kay michelle dy may K naman si ateng magpasexy bagay sa kanya magpakita ng pusod. Pero pinapanood ko pa rin sila guilty pleasure eh tsaka kahit papano nagkaka idea naman ako sa mga vlogs at videos nila :P

nauuso na rin mga artista na nagyouyoutube pero medyo ingat ako maniwala haha kasi syempre maintained ng mga derma at nila dra. belo kaya kahit naman walang makeup keri na ang beauty nila. puro sponsored mukaps rin lalo na benefit ang daming iniisponsoran na gurus.

guilty pleasure ko rin magbasa ng comments lalo na kapag nagaaway mga tards parang helooo sana chill lang. sobra naman mag idolo nagiging keyboard warriors na ang babaw naman ng pinagaawayan o gumagawa lang ng issue..

icegayle

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #301 on: June 06, 2017, 05:20:52 pm »
Off ang attitude ni Isha sa korea trip nya. Pabebe ang attitude, I like her pa naman pero this time fail ang attitude nya. And girls, why she has to expect 30kilos eh to think parang business trip ito iha.

krispygreen

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #302 on: June 08, 2017, 06:25:58 pm »
LOCAL:
Anna Cay - I love Anna! may search lang ako na product tapos lumabas sya and I got hooked. I super like her video style, she's not so loud like other youtubers na parang high energy lagi, very nice personality and very down to earth. Parang it's a breath of fresh air to see someone so rich pero sobrang bait pa din and mukang matalino.

Coffee and Sparkle / Mimi - Nagseach lang ako ng loreal infalliable and I came accross her review and just like Anna, nagustuhan ko sya ng sobra and nag binge watch talaga ako ng old videos nia. I like her personality din, mukang mabait and maganda mag salita. I also enjoy her vlogs and window shoppings. I find her more relatable than Anna, kasi mas abot kaya yung mga binibili nia may it be in fashion, makeup or furtnitures.

Anne Clutz - I used to like her pero naturn off ako nung nalaman ko nag vape sya (peace sa mga nag vape), na turn off din ako minsan  kasi parang wala syang common sense, parang mas may alam pa minsan si Jeya sa kanya and may pagka mababaw (sorry again sa fans). Pero in fairness gusto ko din sya mag review and gusto ko din yung iba niang tutorials.

Raiza Contawi - Great make up skills and entertaining din kasi iba iba yung looks nia and matalino.

Michelle Dy - I still watch her once in a while pero ma fefeel mo talaga minsan na may yabang factor sya. But she's still entertaining.

Say - I tried watching her din before nung nag haul sila ni Judy way way back but just like most of our sisters here, I just can't stand her. Parang she's trying too hard to be pasosyal and she talks so much pero wala din sense.

OT - Na curious lang ako sakanila before nung nagka Anna issue pero I can't stand the guy sobra. Parang sana wag na lang sya magpakita sa videos baka maging appealing pa yung channel nila.


INTERNATIONAL:

Judy Travis - I like her personality in general kaya kahit she focuses more on her vlogs that her beauty channel, sinusundan ko pa din sya. I follow all her channels actually. My husband and I used to watch her daily vlogs every breakfast pero napaliltan na ni Mikey Bustos because my husband like Mikey's channel better. Pagbigyan na hehe.

Ilikeweylie - I like her personality din parang sister/ friend mo lang yung nagsasalita.

Shaaanxo - I used to watch her pero lately hindi na masyado. Her makeup skills are awesome pero most of the time not wearable. I like the way she talk, very relaxing yung accent nia and no fail, nakakatulog ako lagi sa accent nia. hehe

Michelle Dulak -  Pinay in the US din and morena so wearable yung mga makeup nia.

Lisa Eldridge - Classy and sophisticated  yung videos and breath of fresh air din makakita ng tutorials without using heavy makeup.

airish_2

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #303 on: June 08, 2017, 10:07:35 pm »
RE: Isha- Kaya siguro nagexpect ng mataas na baggage allowance kasi ang dami binigay na product . Pero napansin ko din kasi sobrang dami ng damit na dala nila 😱 ako kasi pag nagtravel as long as possible kaunti lang tapos 2 pair of shoes yung sa kanila grabe may pang porma yung ganoon kalaking luggage malaki na para sa akin yun 4 days ata sila doon. Yun nga lang din in regards sa naiwan sila ng eroplano. Language barrier daw ganoon. Pero yun nga sana nagtanong sila o hinanap na nila yung boarding gate. Ang warm pa naman ng pag welcome ng lohacell sa kanila.

britzm

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #304 on: June 13, 2017, 07:18:44 pm »
Luh. Hinanap ko yung upload ni isha. Pass na ako sa naiwan ng plane. Marami naman nakaka experience non. Kaso yung nagcocompute siya sa cost ng taxi pati excess baggage niya tapos sabi niya hindi daw siya natutuwa (bakit dahil abonado siya)?? Hala si ate. Sarap kalbuhin. Fave ko pa naman siya dati.

liana

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #305 on: June 13, 2017, 11:13:42 pm »
Nakakaloka naman si Isha, naaaliw pa naman sana ako sa kanya. I think it's her second time na to go to South Korea na sponsored so baka akala nya katulad nung first time na meron sigurong shuttle, baggage allowance etc..but as a professional she shouldn't have expected anything extra. Before traveling she should've researched etc. Hindi yung aasa ka na lang lahat sa sponsors. 

o9kristin

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #306 on: June 19, 2017, 10:43:41 am »
Have you watched Kris Lumagui's latest vid? May binanggit sya na may youtuber na may ginawa sa kanyang di maganda. Parang sinisiraan daw sya or something. Clue is kasabayan daw nya. Sino kaya? LOL

reivee

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #307 on: June 19, 2017, 12:51:59 pm »
ako din major turn off kay isha dahil dun sa rant nya sa korea trip nya.  i felt it was really uncalled for yung magreklamo sya na walang transpo from the hotel to the airport.  gusto ko nga magcomment nun sa video nya kaya lang baka makuyog ako ng mga fans nya.  ;D

reivee

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #308 on: June 19, 2017, 12:52:50 pm »
Have you watched Kris Lumagui's latest vid? May binanggit sya na may youtuber na may ginawa sa kanyang di maganda. Parang sinisiraan daw sya or something. Clue is kasabayan daw nya. Sino kaya? LOL

onga! kakapanood ko lang.  i'm intrigued too! sino kaya yun?

Ms. Undecided

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #309 on: June 19, 2017, 03:25:13 pm »
Love Love ko sila:

Michelle Dy - Andaming nega comment sa kanya dito, in fairness hehe. Pero gustong gusto ko talaga siya eh, gandang ganda ako sa kanya hahahah. Tawang-tawa ako lalo kapag kasama niya ang mga momshies. Naaalala ko, tawang tawa ako sa video nila ng POLVORON CHALLENGE saka AMINAN WITH THE MOMSHIES, mautot-utot ako kakatawa eh. HAHAHAH. Bet ko pag nag-iilocano sila, angkukyut hehe. Pero minsan nga parang ako yung naa-awkward-an kay Misyel eh. Re sa IG post niya. dunno pero ako like na like ko. hahaha bet ko kasing motivation sa pagpapasexy LOL hahaha

Anne Klutz - I just like her personality. Saka nanonood ako nito kasi oily ang fes ko, same kami hehe

Purple Heiress - Naeenjoy ko lang manood ng mga vids niya hehe yun lang ;)

odettepm

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #310 on: June 19, 2017, 06:15:00 pm »
ako naman...

SAY- dati favorite ko kasi simple girl lang... pero ngayon sikat na sya parang ang arte na... medyo pashoshal na mag english... parang di bagay

Anna cay- recently ko lang sya napanood, mas madami syang reviews kesa tutorials... mukang mabait syang tao... pero di sila bagay ng bf nya... hehe peace! ganda nya kasi...  ;D

Isha- oo naturn off din ako sa kanya during latest korean trip... ang bait na nga sa kanya ng lohacell ba un- (sponsor) kasi all the time pampered sila. pero may side comment pa si ate... siguro nag eexpect lang sila ng pampered treatment since invited sila ng sponsor.

i wonder lang, sa lahat ng YT gurus if saan napupunta mga make ups/ products na binibigay sa kanila... kasi ang dami... kakaingit! buti pa sila dont need to buy... hehe samantala ako mega ipon bago makabili ng mga un... hehe bitter lang  ;D


swtgrl_bee

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #311 on: June 19, 2017, 10:13:59 pm »
^sis yung iba sa kanila binebenta nila  ;D

budzwhiz

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #312 on: June 21, 2017, 01:10:39 pm »
Ewan ko ba why lumabas sa suggestions ko yung vid ni Raiza Contawi Korean School Girl Makeup, anyway mukang nice naman so I watched it... Bakit yung kilay nya very warm brown, not even dark, e ang itim ng buhok nya? LOL, mejo napa-wtf ako. 😂 Pero okay naman yung look, and the transformation is amazing ha.  Also, I don't like the way she talks. Okay naman ang diction pero there's something about it that's stiff, can't put my finger on it. Basta, para syang naglelecture. Haha.

nettiebelle

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #313 on: June 22, 2017, 10:58:49 am »
I like Say. I found her very pretty and I admire her passion with her craft. Also I followed her blog way back 2011/2012. Siya din ang unang makeup guru na pinanood ko sa Youtube kahit hindi talaga ako mahilig manood ng videos. I think I stopped watching her channel around 2013, hindi ko narin maalala bakit I stopped watching her videos and unsub, siguro nagsawa nalang ako plus lets be real, wala naman siyang ina-upload na make up tutorials.  :-\

I also follow Ana Victorino. Very pretty. Kaso she rarely uploads video na. Straight to the point tutorials (under 5 minutes videos na tamang tama sa katulad ko na walang tyaga manood ng sobrang tagal na videos).

Discovered Anna Cay dito. Now following her IG/FB and also subscribed sa YT na. She's my favorite right now.
« Last Edit: June 22, 2017, 11:07:51 am by nettiebelle »

swtgrl_bee

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #314 on: June 24, 2017, 11:42:54 pm »
Si Say ah? Nasa Poptalk kanina.  ;D

dloquinario

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #315 on: June 27, 2017, 03:46:48 am »
Quote

Anne Clutz - I used to like her pero naturn off ako nung nalaman ko nag vape sya (peace sa mga nag vape), na turn off din ako minsan  kasi parang wala syang common sense, parang mas may alam pa minsan si Jeya sa kanya and may pagka mababaw (sorry again sa fans). Pero in fairness gusto ko din sya mag review and gusto ko din yung iba niang tutorials.


---- this, there are times minsan i dont know if hindi ba talaga alam or ewan. minsan ganito din si Jeya, i forgot the word pero inask niya si anne about it, pero napakaobvious ng meaning nung term para hindi niya alam.
« Last Edit: June 27, 2017, 03:48:46 am by dloquinario »

sarsingkit

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #316 on: June 27, 2017, 09:50:14 am »
What is wrong with vape? I do not vape and I do not know anyone close to me na nagvavape so hindi ko alam. Ano bang meron sa vaping?

hann-hann

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #317 on: June 27, 2017, 08:44:28 pm »
^para din daw yosi sis. napanood ko yang video ni anne clutz na yan. hindi daw sya proud na nagve vape sya tsaka wag daw sya tularan. pero ni-plug nya pa kung saan nya nabibili yung ginagamit nya pang vape. hahaha kaloka.

sarsingkit

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #318 on: June 27, 2017, 11:47:17 pm »
But vape is safer that cigarettes right? I used to smoke but I never really tried vaping. I just quit on my own. But it is their lifestyle choice naman diba? I don't watch Anne Clutz but coming from someone who smokes like myself, ganun talaga. You do the vice pero you discourage others from doing the same thing. However, for my smoker friends, I also share reviews of cigarettes and lighters and what not.

simang

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #319 on: June 28, 2017, 01:11:59 am »
^i think vape is 'safer' kasi there are variants na walang nicotine yata?

Grabe ang backlash ng vlog na yun kay Anne Clutz, ang haharsh ng mga comments dun.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close