watch now

Author Topic: Make Up Gurus (Thread 3)  (Read 138578 times)

hann-hann

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #280 on: May 09, 2017, 08:56:12 pm »
Ako naman madalas yung mga recos ni Mimi ang binibili ko kahit magkaiba naman kami ng skin type. Basta pag sinabi nyang okay din sa combination skin napapabili ako. Hehe. Right now silang dalawa ni Anna Cay ang madalas ko panuorin. Then Peevee Dela Rosa din.

swtgrl_bee

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #281 on: May 11, 2017, 12:22:11 pm »
Grabe si Anna Cay, ang bait niya sa dogs at willing siyang gumastos. Kabait talaga saka "able" talaga siya.  ;)

gwacie

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #282 on: May 11, 2017, 10:44:59 pm »
^ I loved her post where she bought medicines for her neighbor's dog! I follow her and Coffee and Sparkles. Also Anne Clutz for her reviews because I have oily skin.

Ireneeeeee

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #283 on: May 12, 2017, 11:18:46 am »
i may have a different opinion here though but that's the beauty of forums naman so please no hate sa mga fans ni anna..

so i tried watching anna cay's dubai haul and there were times i felt off whenever she says "konti lang pera ko.. konti lang binili ko.. wala naman ako masyado pambili..blah blah" uhm ok sya na wala pambili lol. and i know we are all aware marami syang pambili kahit sya naman i think?! lol. or i don't know baka may pinaparinggan syang ibang guru na nangbubully sa kanya lol. so because of that  im 50 50 now on liking her. mabait sya yes and magaling sya magreview. detailed and informative pero for me may times hindi na sya relateable lalo na sa hauls.. parang masarap lang panoorin pero kung kinocompute  ko hindi na practical. syempre mayaman sya no arguing on that lol! she can do whatever she wants with her money naman hindi ba? sya na pinagpala hehe.

anyway,  gusto ko si isha because as what i have observed, parang low profile pa rin sya and is easy to please simple lang minsan lang bakya. si Mimi fave ko rin kahit nasa abroad na sya. I even like when she shares non- makeup stuff recently enjoy ko rin vids ni nicole anderson isa pang sosyal na hindi pabebe.. while yun iba like Michelle Dy nagiiba na kasi sya parang yumabang nakain ng pagyouyoutube like the others lol. she even calls for sponsorships sa ig nya. parang kailangan ba talaga gawin yun? but she's getting better on her tuts naman. not much on reviews kasi puro sponsored na lately. and funny kapag kasama nya gay friends nya. hindi lang ako kinikilig sa kanila ni vandorpe kasi malakas gayvibes ko kay koya sayang gwapo pa naman hehe. pero why not?! gender is fluid!

sa local youtubers in general, mahirap na rin magtiwala sa mga sponsored vids. been burned soo many times now i know better. Sobra lang sila maghype minsan  ng products syempre macurious naman ako kaya bili bili lol. Kaya better try testers muna or research on my own na lang mas nagtitiwala pa ako sa reviews ng makeupalley at dito sa gt.
« Last Edit: May 12, 2017, 11:25:04 am by Ireneeeeee »

swtgrl_bee

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #284 on: May 12, 2017, 12:18:23 pm »
^Super agree ako, kapag may gusto akong basahin na review derecho ako dito sa GT.  ;D I trust my GT sisters more than any other youtubers in the world. lol. Kasi naman ganito ang sistema ng ibang youtubers, kakapost mo lang na nakahanap ka na ng HG mascara/toner or kung ano pa man yan 1 week ago. Tapos this week may bago ka na namang HG?  :P

airish_2

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #285 on: May 12, 2017, 12:43:43 pm »
Like ko naman yung mga Haul ni RealAsianBeauty o Kristine Roces, not much on make up more on skincare kasi nga may acne sya dati. I love her personality din.

foxyhauteur

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #286 on: May 12, 2017, 01:36:48 pm »
Recently ko lang napanood si Isha. I like her too. Mukha syang mabait and genuine. Hindi feelingerang artista o subtle magparinig na gusto ko nito o ng ganyan para may magpadala..  ;) I tried watching Kris Lumagui pero hindi ko gusto. For some reason naiirita ako sa kanya, sa boses nya, at biglang pag zoom in nya.  Haha

keejac21

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #287 on: May 12, 2017, 03:51:35 pm »
Nakakaubos ng budget ang kakapanood ko ng mga videos nitong mga beauty vloggers. I ended up having too many concealers.. and the one Im using right now isnt even mentioned ng kahit sino sa kanila.

Kaya mas bilib ako sa mga GT sisters e.  8)

ennaira021

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #288 on: May 13, 2017, 12:08:06 pm »
Sorry sa mga subbies/fans ni Kris Lumagui. Pero ang off ng mga vlogs niya lately i  :-\ :-\ :-\ :-\
Girls, sorry for the term pero, parang ang dugyot lang ng dating? Lalo na dun sa vlog niyang pinopop niya yung pimple sa nose niya.
And girl, laging zoom in??? Me mapost lang?

liana

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #289 on: May 13, 2017, 04:09:21 pm »
^ That's one of the reasons why I unsubscribed to her channel na. Ang hilig nya na naka zoom-in masyado and mahilig sya mag rant. Di ko din like mga tutorials nya 
« Last Edit: May 15, 2017, 10:18:47 am by liana »

hael2011

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #290 on: May 15, 2017, 09:35:56 am »
Nagtataka ako bakit below 100k subs pa rin si Raiza. Ang galing galing naman niya magreview. And talagang magaling siya magmake up. I mean she does it professionally. Tapos talagang kita mo yung make over effect sa sarili niya kasi she has super bad skin (sorry :D)

I like her. very down to earth and ganda ng content ng mga vids niya.

gil12

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #291 on: May 15, 2017, 02:20:36 pm »
^ sa tingin ko lang, kaya hindi pa umaabot ng 100k subscribers ni Raiza kasi hindi siya ganun kadalas mag upload ng videos? kasi sa youtube yata dapat lagi kang visible, more uploads, mas visible ka mas malaki chance dadami subscribers. naka subscribe ako kay Raiza minsan ang tagal na wala siyang videos.

tealover

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #292 on: May 24, 2017, 06:19:32 pm »
For a time I watched these you tubers but i stopped kasi it's becoming more of a business to them.  They get lucky and popular, and we are the one spending for everything they get for free you know  :D

niru_iiv

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #293 on: May 25, 2017, 02:37:32 am »
Sa local,

Top Youtuber ko talaga si Janina Vela - good vibes parati tong batang to. Never siyang nagpost ng negative at kahit may isang vlog post siya na puro nega nangyari sa araw niya she still put a smile. Very talented and ang dami na rin niyang naachieve.

Ang aking runners up hahaha:

Ms. Anne Clutz and Ms. PurpleHeiress nakakahawa personality nila, simple lang and happy na sila sa simpleng bagay.

Kasama sa finalists ko:

Ms. Ana Cay - winner ang mga hauls niya.

Ms. Nina of Ouvretrends - ang galing ng makeover vids niya. Mukhang magaling na MUA talaga.

Ms. Kris Lumagui - napakanatural, what you see is what you get ang peg ni ate. Parang love me or hate me ganern.

Michelle Dy - same din kay Ms. Kris Lumagui

RealAsianBeauty - nakakarelate ako kasi struggle ko rin yung acne. Ok naman siya kaso parang (sorry sa term) trying hard. Pero kahit ganun, pinapanood ko videos niya paminsan minsan pag nag aappear sa recommendations ko.

New Discovery lol:

Ms. Peevee Dela Rosa -6k pa lang subscribers niya i think kakastart lang niya last year if i'm not mistaken. Nagagandahan ako sa kanya, kikay pero di maarte. Momshie rin siya mga sis hehe.

keejac21

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #294 on: May 25, 2017, 07:58:12 am »
^^on point ka sis tealover! Binawasan ko ang panonood ko sa mga videos nila kasi napapagastos ako ng extra sa makeup.

Dati favorite ko si Anna Cay.. pero lately naiinis ako na parang lagi siyang apologetic sa videos niya..and parang everything she does or chooses to buy/do, kelangan niya I-justify ne kesyo ganito siya or hindi siya kasi ganito. Just be yourself girl!

foxyhauteur

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #295 on: May 25, 2017, 10:59:49 am »
Bakit nga kaya ganun yung mga brands no? Sobra-sobra na nga kung magpadala sa YouTubers, doble-doble pa kung minsan. Nauubusan tuloy stock sa counters nila. Tapos ibibenta lang din ng local YouTubers sa subscribers nila na dahilan kung bakit sila napapadalhan in the first place. Ipa-giveaway na lang sana.

forumera

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #296 on: May 27, 2017, 07:20:17 am »
kung i-save offline kikita pa rin ba yung content creator? I save offline kasi sa office ako nanonood at ayaw ko gamitin yung data ko, lakas sa data e. curious lang hehe

iwannabeasupermodel

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #297 on: May 28, 2017, 02:39:14 pm »
i subscribed kay raiza contawi. magaling siyang magmakeup and pretty. gusto ko rin yung pagsasalita niya and parang naturarl lang.

liana

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #298 on: June 04, 2017, 04:16:30 pm »
I just watched Anna Cay's latest video and natawa ko nung nakita ko suot nila ni Geloy kasi I remembered this thread. Anna Cay was wearing her Uniqlo sando again and si Geloy for the nth time na yung blue pepe jeans tshirt nya lol

hael2011

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #299 on: June 05, 2017, 09:59:14 am »
Medyo na off ako sa vlog ni purple heiress regarding korea ba yun.  Nung pinanood ko hindi ko pa alam na sponsored yung trip niya (nabasa ko lang sa mga comments). Naenganyo lang ako panoorin kasi dun sa preview na "naiiyak na daw sila sa airport at parang kinawawa daw sila dun". Eh we are planning to go to korea kaya tinignan ko kung ano meron.

Si ate naman, alam naman na 15kg lang ang limit tapos 29kg na pala bagahe niya. Tapos nagrereklamo na nagbayad sila ng extra. Tapos naiwan sila ng plane dahil daw hindi nila alam na magttrain pa papunta dun sa loading area, na iba pa pala sa check in area un. Naku as a traveler dapat responsibility mong alamin yung mga ganyang bagay. Lalo kung first time mo pumunta sa ibang bansa. Hindi pare parehas ang setup ng mga airport.

Tapos nadisappoint daw siya na hindi nagarrange ng transpo from hotel to airport yung sponsor nila. Wow lang...

 

Latest Stories

Load More Stories
Close