watch now

Author Topic: Make Up Gurus (Thread 3)  (Read 138583 times)

iceicebaby

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #200 on: February 03, 2017, 09:12:43 am »
^Conflicted din ako sis kasi I like Michelle Dy. Pero yung video with Lloyd Cadena, di ko feel. Parang nega vibe si Lloyd. Parang bully yung dating. Siguro hindi ko lang gets yung humor nila or maybe because I see myself in Anna Cay (yung pagiging introvert niya and yung "good girl" image).  Hay naku.. sana wala na lang issue.

Miss ko na rin si Isha! Nasira pala laptop nya kaya walang videos. And oo nga, ang ganya niya. Matangkad and makinis!

ficklemind

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #201 on: February 03, 2017, 12:54:55 pm »
Super like ko na din si CoffeeandSparkle, simple mga vids niya but clean & malinaw. Like ko din brands niyang ginagamit & mga faves niya. I love the way she talks din.
Tsaka sa mga vlogs niya maganda sa paningin mga lugar na pinupuntahan niya unlike dito sa metro manila LOL.
Yup, she's funny din.

einjhel

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #202 on: February 03, 2017, 09:46:43 pm »
mga sis, pinanood ko yung vid ni michelle dy at lloyd, saan banda ba dun yung parang nagpaparinig sila kay Anna? medyo slow kasi ako hindi ko nagets, ano sinabi nila mga sis?

iceicebaby

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #203 on: February 04, 2017, 01:04:17 am »
https://www.youtube.com/watch?v=xIBB6Gtbr9Q&t=611s
bandang mga 6:14 nagsisimula na silang chumika. Nabanggit kasi yung word na collab kaya it stirred curiosity.

swtgrl_bee

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #204 on: February 04, 2017, 01:51:09 am »
^OMG, oo nga ano?  :'( If si Anna Cay nga yan grabe naman sila. I feel for her, kasi nabully na din ako before ng mga taong "gusto sama sama" ay OT na.  :P Gets na gets ko yung point ni MD and ni DJ LC oh di'ba? Bagay na bagay yung timeslot niya sa radio.

einjhel

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #205 on: February 04, 2017, 09:22:53 pm »
ah oo sis, gets ko na

audiimars

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #206 on: February 08, 2017, 02:21:16 am »
Ang showbiz nila ha. Hindi talaga inedit out yung part na yun. Kung di man si Anna yung pinapatamaan nila, di pa rin tama. Ang liit lang naman kasi ng community nila. Tapos away-away pa. haha.

Miss ko na rin si Isha! Nasira pala laptop nya kaya walang videos. And oo nga, ang ganya niya. Matangkad and makinis!


Yes sis, super kinis.  ;D

swtgrl_bee

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #207 on: February 08, 2017, 07:53:54 am »
^Korek, kaya halatang halata mo.  ;D

hael2011

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #208 on: February 08, 2017, 08:34:53 am »
Medyo na feel ko na papansin si Anna Cay sa last vid niya with a super big bruise.

Sino ba naman ang di makakapansin kung meron kang mala talong na pasa sa braso tapos amputi mo tapos naka spag strap ka. Pinanood ko yung video niya para malaman ano nangyari ---di naman inexplain. I mean, kung ipapakita mo yun, iexplain niya na rin sana. Wala lang feeling ko lang pampadami ng comment--OMG what happened?!  ::) Hindi naman masyadong mababa yung pasa niya, sana nagTshirt na lang siya. I read her IG post about it, sabi niya mainit daw kasi kaya di siya naglong sleeves.

Kahit pagood girl effect siya --nanenegahan na ako sa kanya.  :-X

iceicebaby

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #209 on: February 08, 2017, 09:49:23 am »
^Di ko pinanood. I'm busy catching up with Isha's vlogs. Eto good vibes talaga through and through. Sana hind magbago.

ficklemind

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #210 on: February 08, 2017, 12:14:44 pm »
^hinde ko pa din napapanood ang video but nakita ko na post sa IG niya, mega explain si Anna about the bruise,  tama naman si ateng kaso todo explain pa kasi siya pati yung about sympathy pinansin niya eh kaya nagbasa tuloy ako mga comments sa YT, about sa PASA nga umikot ang comments sections! ngayon na nga lang siya ulit nakapag beauty reviews, napunta pa sa usapang Pasa  :D
may point din naman yung mga nagsabing pwede naman niyang takpan para hinde na mapansin kasi masyado ngang malaki, ganun ba kainit kahit t-shirt  ;D

ganun talaga kahit sa YT, parang showbiz daming bashers, but yung ibang comment naman minsan realtalk talaga. Nakakaaliw din magbasa  :D
Si Anne Clutz may consistent siyang basher lagi siyang sinasabihang burara/madumi etc, basta puro kanegahan buti dedma si ateng.
« Last Edit: February 08, 2017, 12:20:52 pm by ficklemind »

simang

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #211 on: February 08, 2017, 12:36:28 pm »
Nakita ko din yung post ni Anna sa IG about sa pasa. I'm not subscribed to her, ilang haul videos nya napanuod ko na pero hindi ako fan. Saktong pampalipas oras lang. Pero ang pangit nga ng dating nung kitang kita yung bruise nya. Kung ayaw mapag usapan, ang daling itago, ang daling angguluhan ng camera para hindi makita kahit naka sleeveless sya. Parang kinain na rin ng sistema si Anna ah, lol, publicity is still publicity, whether positive or not. Oh well, masyado na silang showbiz, all of them.

I like Isha too, masaya lang.

det060403

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #212 on: February 08, 2017, 12:49:05 pm »
^dami ko din backlogs sa vlogs ni isha and anne! Lol! Waiting ako sa review on la girl pro hd foundation, meron kaya sa pinas non? Napanood ko kay mimi.

runbarbierun

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #213 on: February 08, 2017, 01:13:40 pm »
TBH medyo OA naman yung iba kung maka-comment, kung maka-dictate kala mo kung sino lol. IIRC, palagi naman naka-sleeveless si Anna kapag naghhaul so baka sa kanya wala lang yun.

det060403

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #214 on: February 08, 2017, 01:16:46 pm »
^agree. Lol kung naiinis, nabbother... edi wag panoorin. Sabi nga nila, dapat gv lang. iignore na lang.
« Last Edit: February 08, 2017, 01:18:41 pm by det060403 »

tiffany24

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #215 on: February 08, 2017, 01:34:39 pm »
I'm a big fan of Anna pero medyo nakakapagod na yung mga issue. Napapansin ko tuloy na she always react on every single thing na nangyayari example may comment siya about dun sa issue ni Bianca Umali though positive din naman yung comment niya tapos ngayon yung bruise naman. Parang si Kris Lumagui sa vlog niya she gives her comment about issues eh hindi ko bet yung ganun. I always look forward for her video pero mahina din ako sa mga pasa na ganun so hindi ko na lang pinanood. I hope matapos na tong mga issue na to.

BTW, anyone here who follows Thatsheart? Kinasal na pala siya. Madami din constructive criticism sa last Vlog niya kasi pabitin siya sa mga details.

On a positive note, love ko yung vlog ni Aisha and syempre si coffee and sparkle by mimi  ;D

swtgrl_bee

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #216 on: February 08, 2017, 02:33:45 pm »
^follower ako, at oo kasal na sila ni Arnold. I am so happy for them.  ;)

gil12

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #217 on: February 08, 2017, 03:13:59 pm »
TBH medyo OA naman yung iba kung maka-comment, kung maka-dictate kala mo kung sino lol. IIRC, palagi naman naka-sleeveless si Anna kapag naghhaul so baka sa kanya wala lang yun.

totoo, madalas viewers, fans or followers ang nagpapalaki na wala naman talagang issue. sa tingin ko kaya siya todo explain sa IG post niya kasi para tapos na issue. malamang madami nagmemessage sa kanya kakatanong.

Anna Cay - kung mahilig kayo manood ng hauls siya panoorin niyo. Kapag nag-haul kasi siya haul talaga. minsan nga sobrang boring na siya panoorin pero siguro ganun talaga personality niya? feeling ko siya kasi yung typical or average Pinay, laging safe side kaya tignan niyo make up niya halos pare-pareho dating.

Raiza Contawi - kung tutorials siya maganda panoorin. make up artist yata talaga siya bago siya nagstart with youtube? feeling ko rin siya pinaka-creative and resourceful sa pag make up. gusto ko rin sa kanya, siya yung tipong from high end to drugstore make up kaya niya pagandahin kasi may skills naman talaga siya.

Say Tioco - puro events and vlogs. minsan nga puro pagkain na rin  ;D  pero sana nung nagbreak sila ng bf niya hindi na binanggit sa vlog, magkakabalikan rin pala.

Michelle Dy - nakakatawa siya and creative pero minsan nakikita ko siya na parang may ere. Sorry sa followers or fans niya, opinion ko lang naman.

Noe / Color is my Weapon - galing mag make up kaso hindi ko ma-enjoy videos niya ngayon kasi pag nagsasalita siya parang sobrang slang na.

Anne Clutz - so-so sa make up. I enjoy watching her daily vlogs, mommy na rin kasi ako kaya medyo relate sa kanya.

Mimi / coffeeandsparkle - sarap niya panoorin, ganda ng voice and maayos magsalita. I enjoy watching her videos ngayong nasa US na siya and madami siya ma-try na make up dun hindi locally available. Pinaka-gusto ko rin sa kanya she shares what she learns in Church without being preachy.


foxyhauteur

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #218 on: February 08, 2017, 05:01:25 pm »
Parang merong "hater" si Anna Cay dito na pinapanood pa rin sya kahit boring daw. Haha.

Anyway, I agree na sana inexplain na lang nya sa recent haul video nya kung bakit sya may pasa tutal very obvious naman e saka para na rin for someone like me na hindi naman nakafollow sa IG account nya.
« Last Edit: February 08, 2017, 05:08:30 pm by foxyhauteur »

hann-hann

  • Guest
Re: Make Up Gurus (Thread 3)
« Reply #219 on: February 08, 2017, 05:28:24 pm »
^napansin mo din yan sis? haha. ilang beses nya ng pinupuna si anna cay dito sa thread na to eh pero pinapanood nya pa rin naman yung mga videos. para siguro updated sa chismis si ate. ;D

anyway, hindi ko din gusto itong recent issue kay anna. mostly dun sa mga comments na nabasa ko e sinasabi na nahihirapan silang tingnan yung pasa na yun, which is totoo naman kasi malaki yung pasa and kitang-kita sya at may mga tao talaga na mahina sa ganun, ako nga nanlalambot ako sa ganun e. hindi ko naman nabasa yung ibang mga comments na hindi magaganda pero sana nagrespond na lang si anna in a nice way. parang ang dating kasi dun sa post nya ay parang mabilis sya nainis. pwede nya naman sana iexplain ng maayos yung reason bakit sya nagkapasa at dineadma nya na lang yung mga nega comments.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close