watch now

Author Topic: Can I still get a job?  (Read 5969 times)

missreese

  • Guest
Can I still get a job?
« on: October 06, 2016, 06:42:47 am »
Hello mga sis

Question lang.. may pag-asa pa ba makahanap ng work kung college undergrad ka, 28 years tas wala ka pang working experience? Need your advice.  :(

YOLOgirl

  • Guest
Re: Can I still get a job?
« Reply #1 on: October 06, 2016, 06:51:11 am »
Hello missreese! Goodmorning! OO naman noh. Basta masipag lang mag apply ng mag apply for sure makakakita ka ng work. Cheerup girl! kaya mo yan  ;)

engr_neechee

  • Guest
Re: Can I still get a job?
« Reply #2 on: October 06, 2016, 07:51:08 am »
I believe BPOs can take you in.  Call centers require only at least two years of college. 

mynameisjuaiy

  • Guest
Re: Can I still get a job?
« Reply #3 on: October 06, 2016, 10:54:55 am »
Of course naman sis! Malaki ang role ng mga BPOs kasi kahit na overage na at vocational ang natapos mo, kahit highschool grad pa, tatanggapin ka nila. Although may ilan na nagrrequire ng college grad. Iilan lang naman un di naman sila marami. 😊

missreese

  • Guest
Re: Can I still get a job?
« Reply #4 on: October 06, 2016, 11:28:06 am »
^yes alam ko sa BPO ganun nga kaso parang ang hirap idefend na bakit ang tagal tagal na tambay.  :(

rasee16

  • Guest
Re: Can I still get a job?
« Reply #5 on: October 06, 2016, 11:54:49 am »
^Tingin ko sis wag mo na idefend. Sabihin mo lang yung totoong reason at gusto mo na kamo magwork agad since matagal ka nga nabakante

missreese

  • Guest
Re: Can I still get a job?
« Reply #6 on: October 06, 2016, 12:16:05 pm »
^kahit na ang reason is ginawa akong taong bahay, taga alaga ng may sakit? :-[ siguro try na lang sa bpo muna talaga. salamat mga sis. at least alam kong may pag asa pa.

shinies

  • Guest
Re: Can I still get a job?
« Reply #7 on: October 06, 2016, 06:34:52 pm »
Ok lang yan kahit ano pa rason. Basta pakita mo lang sa kanila kaya mo magtrabaho ng maayos :)


khaleesiCersei

  • Guest
Re: Can I still get a job?
« Reply #8 on: October 06, 2016, 10:41:23 pm »
Oo naman sis.. you cam also try homebased jobs. Madami din opportunities dun

shyla_c

  • Guest
Re: Can I still get a job?
« Reply #9 on: October 07, 2016, 05:58:58 am »
Yeah I believe so sis, you can still get hired. Minsan the way we present ourselves to our possible employers lang nadadala yan. Show them that you are enthusiastic and eager to learn and be a part of that company. You may not have the experience just yet but you're open to learn di ba.

odette711

  • Guest
Re: Can I still get a job?
« Reply #10 on: October 31, 2016, 04:59:40 pm »
ako naman 2yrs ago wala akong ginawa kundi mag apply ,, walang nag hire sakin sabi nila wala ako experience at 30++ na ako,, graduate ako ng 4yr course tapos may mga short courses pa akong tinake ngayon naghahanap ulit ako pero parang natatakot na ako baka ma reject nanaman

yn061515

  • Guest
Re: Can I still get a job?
« Reply #11 on: October 31, 2016, 07:38:08 pm »
I personally know someone na hindi nakatapos ng college but is now working for a government entity in Abu Dhabi. Bongga ng sweldo at benefits. She now drives a Dodge and can travel anytime she wants. :) Wag ka panghinaan ng loob sis, walang impossible sa taong determined at may goal sa buhay.

missreese

  • Guest
Re: Can I still get a job?
« Reply #12 on: November 08, 2016, 09:23:20 am »
ako naman 2yrs ago wala akong ginawa kundi mag apply ,, walang nag hire sakin sabi nila wala ako experience at 30++ na ako,, graduate ako ng 4yr course tapos may mga short courses pa akong tinake ngayon naghahanap ulit ako pero parang natatakot na ako baka ma reject nanaman

Sa ngayon sis anong ginagawa mo? nagwowork ka ba? natry mo na ba yung homebased job?

^thanks sis.. gusto nya mag apply sa CC kaso natatakot siya kasi wala nga siyang experience.

smua2014

  • Guest
Re: Can I still get a job?
« Reply #13 on: December 18, 2016, 06:35:20 pm »
I'm working my way towards getting myself a Bachelor's Degree. I'm 24 at the moment and I'm guessing around 27 pa ako gagraduate. They say age is just a number pero I'd like to hear some opinions din from other people. TIA!  ;)

napolespaloma

  • Guest
Re: Can I still get a job?
« Reply #14 on: January 27, 2017, 04:21:56 pm »
Hello mga sis

Question lang.. may pag-asa pa ba makahanap ng work kung college undergrad ka, 28 years tas wala ka pang working experience? Need your advice.  :(

yup! :) try BPOs. and when you're staring to earn na and ipon, I suggest you take short courses para lalo mahasa mga skills mo and may bala ka if makita nilang pwede kang i-promote. Nux! Kaya mo yan! Perserverance and determination is key! Try mo din mga online jobs baka palarin din. :)

missreese

  • Guest
Re: Can I still get a job?
« Reply #15 on: March 07, 2017, 09:09:35 am »
salamat.. sa ngayon nagno notes na kami anong dapat isagot sa mga possible interviews... Sa "tell me about yourself " pa lang nahihirapan na kami. Never pa nagkawork ito.. nung nag aaral siya nahinto hinto gawa ng tinamad siguro nawili kakalaro sa online games. ngayon nung nag aaral na siya dun naman nagkasakit yung 2 family member so wala siya choice kundi alagaan hanggang sa namatay yung lola. Tas di nya din maiwan yung mother niya dahil nagkasakit ng leukemia so monday to friday siya nag aalaga. So in short, wala siyang accomplishments. Ang hirap pano sasabahin yun pag natanong na yung "tell me about yourselft".

simang

  • Guest
Re: Can I still get a job?
« Reply #16 on: March 07, 2017, 09:27:18 am »
^focus on the good qualities sis, di naman kelangan idetalye yung mga ganyan basta focus ka lang on why the company should hire you. Kung call center may training naman yan so wag mong alalahanin yung experience.

Eto sample, tell me about yourself: optimistic, very much willing to learn, organized, open to ideas, etc etc.

Di mo naman sasabihin na, tell me about yourself: i don't have any work experience because i took care of my sick relative.

Makes sense ba? Since wala ka pa ngang experience, best is to focus on your potential.

Jade_D

  • Guest
Re: Can I still get a job?
« Reply #17 on: March 24, 2017, 11:23:03 am »
Hello sis missreese,

I agree sa mga suggestions ng mga sis natin dito. Tama yang ginagawa niyo, after ako mareject sa inapplyan kong call center dati nagresearch ako ng possible interview questions and answers pero syempre pagdating sa actual eh i-momodify mo din sagot mo depende sa tanong. At napakahelpful ng mga iyon. Before ako magapply ay 1 year akong jobless.

Try niyo din muna  jobs na nag-phophone interview. Makakakuha kayo ng idea kung ano yung mga pwede itanong sa mas nakakakabang face-to-face interview.

Tapos sis since mahilig din pala sya maglaro online games, pwede nya rin sabihin yun na mabilis sya magtype kasi nahasa na sya sa paglalaro.

I also suggest na simulan nyo muna pagaapply sa call centers na di niyo type, para yung interviews dun ay practice niyo. Pag nareject sa 1 company, at least medyo may idea na kung ano mga tinatanong, isulat ang mga naalalang tanong, ayusin ang script ng mga sagot, tapos apply ulit. Wag pagsabay sabayin sa 1 araw ang pagaapply pag bumagsak ka sa mga nauna. Bukod sa nakakababa confidence eh dapat aralin mo muna kung saan ka nagkamali.

Ganun din kasi experience ko dati. Sana nakatulong ako. :)
Goodluck and God bless.
« Last Edit: March 24, 2017, 11:25:21 am by Jade_D »

Guada_FN

  • Guest
Re: Can I still get a job?
« Reply #18 on: April 07, 2017, 06:48:59 pm »
Of course you can! Here are some ideas on how to make it work in the meantime - http://www.femalenetwork.com/work-money/earn-extra-cash-no-sideline-a00189-20170405?ref=aside_popular

pandalicious

  • Guest
Re: Can I still get a job?
« Reply #19 on: April 07, 2017, 08:57:40 pm »
Agree with other sis here, apply ka call centers kahit wala kang planong magwork sa kanila. Ganun kasi ginagawa ko :P magandang practice kasi yung interviews nila, hindi ka man matanggap, at least nagkaka-idea ka kung ano usually ang mga tinatanong sa interview at napapractice mo yung mga sagot mo, kung matanggap ka mas maganda :D

Dun naman sa 'tell me about yourself' naku trial and error ang ginagawa ko dyan, sa dami ng inapplayan ko, iba iba na naisagot ko. In my experience, mas honest yung sagot mo mas maganda yung magiging flow ng interview mo, hindi mo naman kailangan sobrang i-detail yung reasons mo, basta mas mag focus ka na maiparating yung willingness mo na magtrabaho na.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close