watch now

Author Topic: #ContractorSerye  (Read 1170 times)

e-girl

  • Guest
#ContractorSerye
« on: October 05, 2016, 04:56:33 pm »
#Commuter #Contractor Aba akong ako ito ah...

"Paparating na po sa Ayala Station"

Ito ay isa sa mga usual na lintanya na aking naririnig sa aking pang-araw araw na byahe patungong opisina. Habang nakikibaka sa mga kapwa ko kababaihan patungo sa labasang pinto. Syempre di ito dama ng mga elitista kong ka-opisina na walang bakas ni isang butil ng pawis sa isang oras nilang byahe patungong opisina. Sapagkat kung di sila nag order ng masasakyan gamit ang Uber or Grab sa high-tech nilang telepono, malamang hinatid sila ni Manong Driver nila gamit ang magara nilang auto.

Medyo talamak din kasi ang diskriminasyon dito sa pinapasukan kong kumpanya. Sabi nila hangad nila ang kaligayahan ng bawat empleyado at di naman ako tutol dun pero damang dama mo talaga ang estado mo na di ka nila ka level at ikaw ay isang "contractor" lang. Abay dahan dahan naman sana sila dahil tao din naman kami at may pakiramdam. At pare-pareho naman tayong empleyado lang at binabayaran ng kumpanya ang kaibahan nga lang ay direkta kayong namamasukan sa kumpanya. Alalahanin nyo pag labas sa gusali ng ating pinapasukan tayo ay pantay pantay lang. Kaya wag nyo kaming ituring na parang aliping sagigilid nyo at kakain ng tira nyo pagkain pagtapos nyong mag party sa pantry. Sana'y kasi sila dito na ang mga "contractors" di kasama sa mga events na pang regular lang at tatawagin ang mga "contractors" kapag may tirang pagkain. Kaya naman namin bumili ng kinakain nyo at mag order ng masasakyan gamit rin and Uber sa di namin kamahalang telepono. Kung di nyo kami kayang igalang bilang parte nitong organisasyon nyo aba'y igalang nyo kami bilang tao.

#HugotPaMoreMgaKapwaContractor


 

Latest Stories

Load More Stories
Close