watch now

Author Topic: Burping problem for my baby  (Read 49054 times)

premiemommy

  • Guest
Burping problem for my baby
« on: September 30, 2016, 10:59:10 am »
Hi mommies i need help po. My 1month old baby kase ang hirap ipa burp. Kahit naka 1hr na kame naka burping position ,hindi pa din siya nag burp kaya ginagawa ko hinihiga ko na lang siya ng mataas ang ulo.
Advice naman po mga mommies na stress na ako kase hindi ko mapa burp agad si baby. Paano ba madaling mapa burp si baby.?

adventurousfeet

  • Guest
Re: Burping problem for my baby
« Reply #1 on: September 30, 2016, 08:05:01 pm »
Anong position nyo mommy? Nahirapan din ako magpaburp noon. Pero ang pinakaeffective sakin is yung naka upright position sya habang buhat mo siya, tummy to tummy kayo, parang magbburp kasi sya kapag naiipit yung tyan niya. Mga uncle ko ginagawa padapa naman, try nyo din padapain alalay lang sa ulo. Try nyo din magsearch ng videos madami kasi position, hiyangan lang din. Goodluck mommy

simang

  • Guest
Re: Burping problem for my baby
« Reply #2 on: September 30, 2016, 08:41:34 pm »
Nung first few weeks ng baby ko madalas din sya walang burp kahit ang tagal namin naka burping position. Minsan meron, minsan wala. Hinayaan ko lang basta I made sure na naka upright sya for at least 15mins after feeding. Di naman kami nagkaron ng problem.

Try mo din mommy iposition sya higher than normal, as in yung tummy nya parang nasa balikat mo, tapos yung pag-tap sa likod is upward.

premiemommy

  • Guest
Re: Burping problem for my baby
« Reply #3 on: October 04, 2016, 12:13:04 pm »
Upright din sis adventurousfeet. Minsan effective minsan hindi kaya sobrang nakaka frustrate.

Hi sis simang pag ba naka 15mins kahit dipa nag burp ok na ihiga? Premature kase si baby and my scenario na kame na bigla nalang sya hindi makahinga at un laway nya grabe na bula pulang pula din sya at may lumabas na konteng milk sa nose ni baby. Kala ko nung araw na yun kukunin na naman ang baby ko kaya takbo agad kame sa clinic ng pedia nya sabe saken kailangan ko daw talaga mapa burp c baby bawat dede,dahil malaki chance na maulit at maulit pa dahil nga premature pa si baby at dipa masyado develop ang pag swallow nya.

coco_cola

  • Guest
Re: Burping problem for my baby
« Reply #4 on: October 13, 2016, 05:23:53 pm »
Sis me naman, if di maka burp si baby I kept him upright for 30 mins.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close