Author Topic: Anong kwento ng LOVELIFE mo ngayon? Part 5 :)  (Read 32390 times)

Evolet027

  • Guest
Re: Anong kwento ng LOVELIFE mo ngayon? Part 5 :)
« Reply #200 on: August 03, 2020, 11:02:51 am »
Di pa ako makapag start ng topic kaya dito ko nalang post

Gaano ktagal yung di niyo pagpapansinan ng bf/gf/asawa niyo because of argument?

Hello po, 1st time ko po magpopost dito. So bale ganito po, may bf po ako, mag 2 years na kami next month. 5 years ahead siya sakin. Minsan lang kami magkaroon ng argument na hindi nagpapansinan, siguro pang apat ?to. The rest naaayos naman agad. Yung una ako nag-initiate na makipagbati kasi kasalanan ko yun. 2nd siya naman kasi it?s his fault. Yung 3rd time ako nag sorry hindi ko natiisn nung nag-away kami sabi ko, ?Di mo talaga ko papansinin?? sabi niya, ?paabutin ko isang buwan?  then itong pang apat hindi ko na alam. Hindi siya yung taong ma-sorry, hindi masyadong sweet ganun.

Pinag-awayan namin ngayon is sa bisyo niya. Okay lang naman sakin yun, nakilala ko siyang ganun so okay lang. Pero pag napapadalas o sunod-sunod eh nagagalit na ako. Though mag 2 years palang kami, nagpaplan na kami to have a baby which is unfortunately nahihirapan kami  ako personally, I wanted to have a baby na, I?m not getting any younger at alam naman natin na kapag sa babae eh kumbaga may expiration. Siya rin naman gusto na. So we?re trying, nagdadiet ako at vitamins muna sa ngayon. Ang hinihiling ko lang naman sa kanya na medyo bawasan niya yung pag-iinom at paninigarilyo para rin naman sa kanya o samin yun. Tas dun nagsimula away namin. Sabi niya sakin, bakit daw ba ganun ako kahigpit like gusto ko lang naman bawasan niya hindi tigilan  gf lang naman daw niya ako di daw niya ako magulang which is dun na ako nasaktan. Nasabi ko na, ?ah oo gf mo lang pala ako. Wala ka pala atang plano satin dalawa. Sa umpisa ka lang pala may plano, tapos sa huli wala na?, FYI pala sa text kami nagsagutan ng ganun, di kasi yun mahilig sa mga ganung confrontation. So hindi na siya nagreply sakin. Hindi na kami nagpansininan simula nun. 3 days na. Meron sa sarili ko na gusto ko makipagbati at mag sorry pero kapag naiisip ko yung sinabi niya, nasasaktan parin ako. And I know na kaya niya akong tiisin, ganun siya katigas.
Ambigat bigat ng loob ko. Feeling ko hindi niya talaga ko mahal. Hindi ko alam kung anong hihingin kong payo, nagpost lang ako kasi gusto ko ilabas yung sama ng loob ko. Ambigat ng pakiramdam ko

hindi ka nya mahal, tama ka. di ka ganun ka importante para mag initiate sya ng sorry or magbago man lang sa mga hina hanash mo sa kanya. sorry suuper late reply.

Jamese5567

  • Guest
Re: Anong kwento ng LOVELIFE mo ngayon? Part 5 :)
« Reply #201 on: April 14, 2023, 02:27:14 pm »
Ang kwento ng lovelife ay nagmumula sa pagkakakilala ng dalawang tao na may mutual na atraksiyon sa isa't isa. Maaaring ito ay nagsimula sa isang random na pagkakataon, isang common interest, sa pagtatrabaho, o sa pamamagitan ng online dating apps.MyBalanceNow


Sa paglipas ng panahon, ang dalawang tao ay maaaring magkaibigan, magdebelop ng mas malalim na ugnayan, at maaari ding magpasyang maging romantiko. Ang mga taong ito ay maaaring magpakatotoo sa kanilang nararamdaman at magpasya kung magpapatuloy sila sa kanilang relasyon o hindi.
« Last Edit: April 17, 2023, 12:08:22 pm by Jamese5567 »

megansmomma

  • Guest
Re: Anong kwento ng LOVELIFE mo ngayon? Part 5 :)
« Reply #202 on: April 28, 2023, 05:18:11 pm »
torn between 2 lovers --- at mapapakanta ka nalang char

malungkot, malas ata ako sa pag-ibg, san ba makikita ang true lab?

well, someday who knows.. but my heart is happy, for whatever its worth.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close