Author Topic: Anong kwento ng LOVELIFE mo ngayon? Part 5 :)  (Read 32537 times)

mysterioza_me

  • Guest
Re: Anong kwento ng LOVELIFE mo ngayon? Part 5 :)
« Reply #160 on: August 21, 2019, 06:44:34 am »
Okay sa bati na kami. May tampo pala siya dahil di ko siya gaano nabibigyan ng time. Sobrang busy ko kasi talaga kaya aminado ako na nabawasan time ko sa kanya and may instances na lutang ako kapag tumatawag siya or need ko i-end agad ang usapan dahil madami ako ginagawa.

three8one

  • Guest
Re: Anong kwento ng LOVELIFE mo ngayon? Part 5 :)
« Reply #161 on: August 21, 2019, 12:27:14 pm »
Hahaha! May point ka naman!

Hindi ko lang talaga ma-figure out bakit ilang chances na yung binigay ko sa kanya. 3 chances?! My gosh! May pinakain ata sya sa akin na gayuma to keep on forgiving him.
Gwapo ba sya? Ok lang naman. I had better BFs before.
Mayaman ba sya? Hindi! Mas malaki ang sweldo ko.
Mabait ba sya? Hindi din!  In fact, yung yung dahilan ng last away namin. Hindi talaga siya mabait sa akin.
Siguro panget ako? Send ako ng pic! Char! Ganito na lang, pag magkasama kami, lagi na lang ako inaasar ng mga friends ko.

either mahal mo pa kasi or nanghihinayang ka sa oras at panahon na nainvest na. kaya di mo mabitawbitawan.

gwapo yan ma'am at least sa paningin mo. physical attraction ang unang una natin nakikita aminin man natin sa hindi.. baka natatabunan lang yung kaitsurahan kasi nga naiinis ka at this moment. hehe!

pag hindi mabait sayo ibig sabihin lang nyan iwan mo na yan. kailangan mas mabait sya sayo kesa kung gaano ka kabait sa sarili mo. para alam mo maiingatan ka talaga at mamahalin ka. hehe!

baka nga panget ka?!  ::) hahaha! sobrang biro lang ma'am, wag mo seryosohin. tingin ko naman hindi ganun yun.. naks!  ;)

Madness

  • Guest
Re: Anong kwento ng LOVELIFE mo ngayon? Part 5 :)
« Reply #162 on: August 21, 2019, 03:48:05 pm »
HAHAHHAA  ;D

Salamat sa payo @three8one  You got me at "kailangan mas mabait sya sayo kesa kung gaano ka kabait sa sarili mo" Huhu Sapul na sapul  :'(

Gumawa ka na ng sarili mo column sa sunod

three8one

  • Guest
Re: Anong kwento ng LOVELIFE mo ngayon? Part 5 :)
« Reply #163 on: August 21, 2019, 07:10:01 pm »
^ nangungulit lang ma'am.. walang mai post na sariling kwento ng lovelife. ibig ko sabihin walang kakaiba kasi eh. kaya nakiki gulo sa kwento ng may kwento hehe!

pero seryoso, siempre kung may pagkakataon din lang naman tayo makapamili ng magmamahal at mag aalaga sa atin siempre ang gusto natin yung "mas" diba? sa sarili natin walang problema, willing tayo tumbasan o suklian yung ibibigay nila sa natin.  ;D

na curious naman ako sa picture na ipopost mo ma'am. post mo na. haha! naglakas loob na ko magsabi sanay naman ako napapagalitan? pero sigurado ko madami ang nacurious din sa sinabi mo, nag aabang lang.  ::) ;D

Madness

  • Guest
Re: Anong kwento ng LOVELIFE mo ngayon? Part 5 :)
« Reply #164 on: August 22, 2019, 05:17:22 pm »

HAHAHA Joke lang yun  ;D

Meron ako napakinggan kanina sa podcast -- sabi every relationship daw may "Price of admission" na tinatawag. Yun yung price that you pay for being in a relationship. Lahat naman ata tayo may binabarayan na ganun when in a relationship. Example, hindi sya magaling sa bahay. So ikaw na lang maga-adjust. O kaya topakin, ikaw na lang yung umintindi. O kaya pulubi, kaw na lang gumastos?!

Ang point is, at the end of the day, ikaw lang din makakapagsabi kung worth it ba yung "price of admission" na binabayaran mo.

What a nice thought to have. Sabi nga sa isa sa nag post dito -- Thank you, next!

three8one

  • Guest
Re: Anong kwento ng LOVELIFE mo ngayon? Part 5 :)
« Reply #165 on: August 22, 2019, 07:14:43 pm »
^ hindi ma'am, walang joke joke dito.. seryosohan yun, may umasa na eh?  ::) hahaha! pero may biro lang.  :D

siguro ang tinutukoy mong sample sa isang relationship eh yung live in or married couple? kasi pag sinabi mong bahay at expenses unang papasok sa isip ng makakabasa eh yun nga. katangahan naman yon kung bf/gf lang kayo tapos okay given na magkasama kayo sa bahay, wala siyang alam (batugan yun eh) ikaw pa mag aadjust? wala siyang source of in come ikaw ang gagastos? hehe! medyo off..

about your pov, wala naman talaga ibang makakapagsabi kung worth it nga ba kundi sarili mo lang. wala ng iba pa..

kool yung nagsabi nun thank you next na yun. sino ba yun ma'am? hahaha!

mynameisjuaiy

  • Guest
Re: Anong kwento ng LOVELIFE mo ngayon? Part 5 :)
« Reply #166 on: August 31, 2019, 12:58:52 am »
I was NBSB for 33 years. Last May 2019 lang ako nagkaron ng bf. Hindi pa rin nags-sink in na may bf na ako. Siguro dahil, LDR kami. Nasa Qatar sya ako nandito sa Pinas. Sana mag work out ang ganitong set up.

three8one

  • Guest
Re: Anong kwento ng LOVELIFE mo ngayon? Part 5 :)
« Reply #167 on: August 31, 2019, 01:49:00 am »
^ kaya naman i work out yun ma'am..  Ilan sa basic ingridients, constant communication, sobrang understanding ng bawat isa, enjky the feelings na may bf ka na (hehe) trust at faith na mag work yung ldr nyo, kayang kaya.. Good luck! 😀

mynameisjuaiy

  • Guest
Re: Anong kwento ng LOVELIFE mo ngayon? Part 5 :)
« Reply #168 on: August 31, 2019, 05:42:01 pm »
^ kaya naman i work out yun ma'am..  Ilan sa basic ingridients, constant communication, sobrang understanding ng bawat isa, enjky the feelings na may bf ka na (hehe) trust at faith na mag work yung ldr nyo, kayang kaya.. Good luck! 😀

Naku salamat. Buti nga mas accessible na video call ngayon compared before. I appreciate your advice sis, lalo na newbie pa lang ako sa ganito..

three8one

  • Guest
Re: Anong kwento ng LOVELIFE mo ngayon? Part 5 :)
« Reply #169 on: September 01, 2019, 12:33:55 pm »
^ lalake po ako ma'am... Oo, salamat sa technology at marami ng way to communicate. Kaya, kayang kaya yan!

mynameisjuaiy

  • Guest
Re: Anong kwento ng LOVELIFE mo ngayon? Part 5 :)
« Reply #170 on: September 02, 2019, 09:55:29 pm »
^ lalake po ako ma'am... Oo, salamat sa technology at marami ng way to communicate. Kaya, kayang kaya yan!

Ay sorry, sir!  ;D

mysterioza_me

  • Guest
Re: Anong kwento ng LOVELIFE mo ngayon? Part 5 :)
« Reply #171 on: September 02, 2019, 11:36:30 pm »
I was NBSB for 33 years. Last May 2019 lang ako nagkaron ng bf. Hindi pa rin nags-sink in na may bf na ako. Siguro dahil, LDR kami. Nasa Qatar sya ako nandito sa Pinas. Sana mag work out ang ganitong set up.
LDR din kami for almost 4yrs. Naging kami nasa malayo siya. Nagmeet kami ng personal (as a couple)  mahigit 1yr na kami into relationship. Matagal ko na siya kakilala dito sa Pinas pero never kami nagkaroon ng chance na mag-usap. Nagka-chance nalang kami makapag-usap nung nasa abroad na siya, nagkalakas siya ng loob magmessage sa akin. Everyday videocall, chat, nakikipadala ng gifts thru friends, yung mga surprises pinakikiusap din sa friends, ganyan buhay namin. Yearly uwi niya sa Pinas kaya pag nandito siya nagtatravel kami and madalas lumabas to make up for the time na di kami magkasama.

three8one

  • Guest
Re: Anong kwento ng LOVELIFE mo ngayon? Part 5 :)
« Reply #172 on: September 03, 2019, 03:25:11 am »
^ Yun oh! Nice naman sis...

mysterioza_me

  • Guest
Re: Anong kwento ng LOVELIFE mo ngayon? Part 5 :)
« Reply #173 on: September 03, 2019, 05:19:51 am »
^ Yun oh! Nice naman sis...
Oo nga e sana di magbago 😊

megansmomma

  • Guest
Re: Anong kwento ng LOVELIFE mo ngayon? Part 5 :)
« Reply #174 on: September 03, 2019, 12:39:01 pm »
Parang RAINBOW today  ;D

mynameisjuaiy

  • Guest
Re: Anong kwento ng LOVELIFE mo ngayon? Part 5 :)
« Reply #175 on: September 03, 2019, 09:45:31 pm »
LDR din kami for almost 4yrs. Naging kami nasa malayo siya. Nagmeet kami ng personal (as a couple)  mahigit 1yr na kami into relationship. Matagal ko na siya kakilala dito sa Pinas pero never kami nagkaroon ng chance na mag-usap. Nagka-chance nalang kami makapag-usap nung nasa abroad na siya, nagkalakas siya ng loob magmessage sa akin. Everyday videocall, chat, nakikipadala ng gifts thru friends, yung mga surprises pinakikiusap din sa friends, ganyan buhay namin. Yearly uwi niya sa Pinas kaya pag nandito siya nagtatravel kami and madalas lumabas to make up for the time na di kami magkasama.

WOW!!! talaga? So NBSB ka po ilang years bago naging kayo ni bf?

Ang dami pala natin pagkakapareho sis. Di din kami nakakapag-usap ng personal noon nandito pa siya Pinas, sa YM lang. Nung nagabroad sya, nagmmessage sya sa akin thru Messenger. Tas naging kami officially nung umuwi sya last May 2019. Yearly din ang uwi nya sa Pinas. Saan bansa sya?

mysterioza_me

  • Guest
Re: Anong kwento ng LOVELIFE mo ngayon? Part 5 :)
« Reply #176 on: September 04, 2019, 08:53:33 am »
^Haha hindi ako NBSB. Nasa Middle East siya.

three8one

  • Guest
Re: Anong kwento ng LOVELIFE mo ngayon? Part 5 :)
« Reply #177 on: September 04, 2019, 01:11:43 pm »
Oo nga e sana di magbago 😊

Mas maganda kung magbabago.. Boring naman kung hindi. Pero dapat for the better yung pagbabago diba. Hehe!.. Good luck sis mysterioza!

mynameisjuaiy

  • Guest
Re: Anong kwento ng LOVELIFE mo ngayon? Part 5 :)
« Reply #178 on: September 04, 2019, 06:03:43 pm »
^Haha hindi ako NBSB. Nasa Middle East siya.

Sa Middle East din si bf ko..sa Qatar...

mysterioza_me

  • Guest
Re: Anong kwento ng LOVELIFE mo ngayon? Part 5 :)
« Reply #179 on: September 05, 2019, 07:38:39 am »
^^Naku bro ewan ko ba pero ako mas gusto ko ang boring na relationship haha. Yung super chill lang. Exciting at extreme na sa amin yung magtravel kami sa lugar na 1st time namin mapuntahan pareho. Siguro kung own place lang kami kapag nakabakasyon siya for sure nasa bahay lang kami at nagmo-movie marathon haha.




 

Latest Stories

Load More Stories
Close