Author Topic: Anong kwento ng LOVELIFE mo ngayon? Part 5 :)  (Read 32388 times)

kvandenhaak

  • Guest
Re: Anong kwento ng LOVELIFE mo ngayon? Part 5 :)
« Reply #20 on: September 19, 2017, 09:46:53 pm »
Not sure how to exactly describe it. But I am contented so far.

Miss Taken

  • Guest
Re: Anong kwento ng LOVELIFE mo ngayon? Part 5 :)
« Reply #21 on: September 20, 2017, 02:00:08 pm »
Everyday happy especially now that we're no longer in an LDR :)

I'm blessed to have someone who's also very much committed in our relationship.

Since1992

  • Guest
Re: Anong kwento ng LOVELIFE mo ngayon? Part 5 :)
« Reply #22 on: November 17, 2017, 05:05:54 pm »
Laging nag-aaway: oversensitive ako, insensitive siya.

Naka-isang taon na kami. Sa loob ng isang taon na yun ay ilang beses na rin kaming naghiwalay. Magkaklase kasi kami ngayon sa post-grad kaya kahit ilang beses na naming kinukumbinsi na hindi kami mabuti para sa isa't isa, kailangan namin magkita nang madalas.

Ayan, go with the flow pa rin.

drharleyquinnmd

  • Guest
Re: Anong kwento ng LOVELIFE mo ngayon? Part 5 :)
« Reply #23 on: December 04, 2017, 11:35:42 am »
I am not really sure if what i have is considered a Love life. I am in a no label kind of thing. We go out and all, but walang "i love you's."

It's complicated coz this guys has problems, I really care about him and get worried and want to help him out. I dont want to put more pressure on him if I am going to start asking about us. This thing has been going on since September. At first, friendly dates lang talaga. Although crush ko siya way back.

I just came from a heartbreak tas sakto, bigla siyang nagparamdam. Pinipigilan ko sarili ko mahulog loob ko sa kanya pero eto na nga, i think i'm falling na :( Lagi kami magkachat or text, almost everyday kme nagkikita, pag walang pasok, i stay at his place para magmovie marathon etc.

go with the flow nalang ako..

Ms. Undecided

  • Guest
Re: Anong kwento ng LOVELIFE mo ngayon? Part 5 :)
« Reply #24 on: December 04, 2017, 11:44:15 am »
Wala. Kakahiwalay lang a month ago. Enjoying single life

ButHonestly

  • Guest
Re: Anong kwento ng LOVELIFE mo ngayon? Part 5 :)
« Reply #25 on: December 14, 2017, 04:57:55 am »
Nasa ?point na to?.

Gusto ko siyang tanungin ng tanungin bakit kailangan talagang iwan ang lumang mundong dahan-dahan at unti-unti naming binuo sa wala.
Pero wag na lang. Magtitiwala na lang ako sa kanya at sa paniniwala niyang pangangailangan niyang gawin ito. Kagaya ng pagtitiwala ko sa bawat, poste, pako at kulay na ginamit niy sa pagbuo ng mundo namin.

Nagbabanta ang mga luhang papatak habang nilulunok ko na lang ang aking mga tanong. Di dahil masakit at mahirap; Kundi dahil masakit, mahirap at natutunan ko nang maging payapa na kailangan kong gawin ito para sa kanya. Siya, at ang pag-ibig niya, ang baso ng tubig ko.


So okay-lang-na-hindi-okay siguro iwanan niya ang mundong may kami. Nabuo namin yun sa wala. Walang gamit. Walang direksiyon.
Naniniwala akong kaya namin gumawa ng panibagong mundo.


Magsimulang muli "sa point na to".


Apple1230

  • Guest
Re: Anong kwento ng LOVELIFE mo ngayon? Part 5 :)
« Reply #26 on: December 18, 2017, 05:00:30 pm »
just became single recently. the first few days were the hardest but i am slowly accepting the situation. i am keeping myself busy so i don't think about him. pinapagod ko sarili ko during the day para sa gabi direcho tulog na at hindi ko na siya maisip.



cute_1022

  • Guest
Re: Anong kwento ng LOVELIFE mo ngayon? Part 5 :)
« Reply #27 on: December 25, 2017, 12:39:01 am »
We met through a popular dating app. I never thought he's serious kase prior to him dami ko nang nadate na walang kwenta  ;D Im based in Dubai, so to pass time, I would go out with some "decent" men na ibang lahi. Until I met him. He's a pilot and I wasn't expecting him to be serious until he introduced me to his friends, colleagues and family  ;)

Before him, I was single for a looooong time. My past relationships were hell kase the exes were not being faithful so I'm almost at the point of giving up on love, and then he came to my life.

We're almost 2 years now and although we rarely see each other cos of his work, I'm just happy to have him. I thank God every single day for having him in my life :)

itslawvely

  • Guest
Re: Anong kwento ng LOVELIFE mo ngayon? Part 5 :)
« Reply #28 on: December 29, 2017, 10:43:44 pm »
I'm a girl, dresses like one, acts like one, but I think I'm falling for my female colleague. :(

Shadow Angel

  • Guest
Re: Anong kwento ng LOVELIFE mo ngayon? Part 5 :)
« Reply #29 on: December 30, 2017, 01:01:49 am »
Happy and contented until now hindi ko akalain makakatagpo ako ng lalaki mamahalin ako ng ganito.

Ms. Undecided

  • Guest
Re: Anong kwento ng LOVELIFE mo ngayon? Part 5 :)
« Reply #30 on: January 03, 2018, 10:37:45 am »
Kwento ng lovelif ko ngayon, MAGULO. HAHAHA
Si ex, recently lang kami nag break 2 months ago, parang kami parin ngayon pero walang label. Nagsasabi ng I love you sa isa?t-isa pero hindi clear na kami. Tapos ito namang crush ko since high school ako, nagpaparamdam sakin, matagal na daw ako inaantay, di lang maka-move kasi may bf ako. Honestly, gusto ko na tapusin lahat kay ex, though tapos naman na kami, gusto ko na lumayo na. Pero bakit ganun, ayokong saktan yung taong yun kahit na ilang beses na niya akong sinaktan :( hayyy buhay

Apple1230

  • Guest
Re: Anong kwento ng LOVELIFE mo ngayon? Part 5 :)
« Reply #31 on: January 03, 2018, 04:35:24 pm »
^is it better this time around or same lang as before? Did you both changed for the better after the break up? Nag stay ka ba kasi takot ka mag isa or nag stay ka kasi u believe na siya na ang gusto mo makasama habang buhay?

been single for 2 weeks pa lang. My ex contacted me gusto pumunta sa house ko. Di ako nag reply. If we will get back together tapos yung dati pa rin ayoko na wag na lang. I went on a date with someone lawyer siya, he seems ok but i'm taking it slow siya naman inlove na daw sakin. Another guy is asking me out, we went out before several years ago na he belongs to a super wealthy chinese family. Sabi ko pag may time ako i will let him know.

In short, pag may nawala may darating. Minsan mas higit pa. i used to be so afraid after a break up na baka wala na ko mahanap or wala na magka gusto sakin. I overcame that fear. In fact i could care less kung may dumating or wala. Pag meron entertain ko pag wala ok lang i'll be happy just the same. Life is too short. I want to LIVE not just survive.

kvandenhaak

  • Guest
Re: Anong kwento ng LOVELIFE mo ngayon? Part 5 :)
« Reply #32 on: January 04, 2018, 05:17:55 am »
^And then we realize it's sooo not true na wala ng darating ulit...lol! Maganda talaga yung you're still in your happy place whether you are with someone or not. I am in that point in life. I am still with someone but if he's gone, merong darating na iba for sure. Last year nga di ko sya kilala but I was fine so, I will be fine after him.

Ms. Undecided

  • Guest
Re: Anong kwento ng LOVELIFE mo ngayon? Part 5 :)
« Reply #33 on: January 04, 2018, 10:35:40 am »

@Apple1230  Parang mas lumamig nga siya eh. Sabi niya nung new year mag-uusap daw kami, hindi naman kami nakapag usap. Medyo di narin active ang communication namin (Nasa province kasi siya) We barely text each other. Pero tinatawag parin niya ako sa endearment namin. Alam mo yung feeling ko na, anjan nalang siya kasi wala siyang choice. Nag-stay ako kasi I?m hoping na kami na, kahit na hirap na ako sa kakakapit na parang ako nalang naman lumalaban. Tapos nung nalaman niya na may na-meet akong isang guy parang disappointed siya. I told him na, ?Magulo ka, hindi ko alam kung ano tayo. Wala tayong label, tapos kapag nag entertain ako ng iba parang kasalanan ko pa?? ganun, tapos ang sagot lang niya, ?hayaan mo na?. Nakakapikon. Pero kapag iniisip ko na putulin na komunikasyon ko sa kanya parang natatakot parin akong mawala siya. Yung feeling na ayaw mong saktan yung taong walang ibang ginawa kundi saktan ka. Napaka-weird.

@kvandenhaak True ka jan sis. Ito ngang crush ko since highschool, nalaman ko na matagal na daw ako gusto ligawan kaso nung mga panahon na yun di pa ako pwede mag bf (4yrs age gap) tapos nung pwede na ako mag bf, di parin siya naka-move kasi nag-bf naman ako ng iba hehe. Nakwento lang ng tita niya sa mama ko hahaha

Apple1230

  • Guest
Re: Anong kwento ng LOVELIFE mo ngayon? Part 5 :)
« Reply #34 on: January 04, 2018, 03:20:18 pm »
^anong meron sa kanya bakit gusto Mo kayo ulit? Masaya ka ba nung kayo pa? Kasi kung mas lamang yung mga times na masaya kayo then maybe it's worth it, pero kung mas madami pa yung umiyak ka kesa tumawa then why do you want him back?

If he is going cold and andiyan ka pa rin nakaka kapit hindi ka ba naawa sa sarili mo? Do you really believe that this is the kind of treatment you deserve?

Well anyway goodluck na lang sis. kanya kanyang trip siguro yan sa buhay. Kung feel mo mag penitensiya not just during holy week but 365 days a year then go ahead. Wala namang love na nasasayang kasi we learn lesson from it after. Happy new year!

Shadow Angel

  • Guest
Re: Anong kwento ng LOVELIFE mo ngayon? Part 5 :)
« Reply #35 on: January 04, 2018, 05:11:40 pm »
^^sayo na rin galing wala ng ginawa kundi saktan ka bakit hindi mo pa maiwan para sa akin ang love may happiness pero kung puro sakit lang nasaan ang love dun? Pwera na lang kung masaya ka nasasaktan or hindi na love ang hanap mo masabi lang na in relationship ka? Wala naman weird dun pinili mo lang talaga na umaasa kahit nasa harap mo na ang katotohanan.

Ms. Undecided

  • Guest
Re: Anong kwento ng LOVELIFE mo ngayon? Part 5 :)
« Reply #36 on: January 05, 2018, 09:20:42 am »
Kapag magkasama naman kami okay kami pero kapag magkahiwalay na kami, ayun parang hindi na okay.
Kagabi nag-pray nalang ako kay God, sabi ko na ile-let go ko na. Alam ko naman sa buong journey ko since naghiwalay kami, kasama ko si God kasi kahit na nsasaktan ako, may gaan parin sa loob ko every time na nagdadasal ako. Tatapusin ko lang birthday niya (bukas) Saka ko na siya kakausapin. Salamat mga sis :)

fizzifinfun

  • Guest
Re: Anong kwento ng LOVELIFE mo ngayon? Part 5 :)
« Reply #37 on: February 10, 2018, 02:07:05 pm »
mga sis, tama ba to?
nag travel kami ng bf ko pa romblon, nun andun na kami lage ko syang tinatanong kung mahal nya ako siguro naka 50x na tanong ako pero hindi nya ako sinasagot, natawa lang sya.
tas nun pauwi na kami, sabi nya malapit na ang valentines day sino kaya nag maka date, sinabi ko yun na lilink sa kanyang babae.
tas tinanong ko uli kung mahal nya ako hindi sya sumagot.
tas kahapon nag kita kami, nun asa park na kami, nag register sya sa run rio, so tutok sya sa cellphone nya, so ako ang tingin ko after nya mag register okay na mag kwentuhan na kami, pero ang nangyari na tutuk na sya sa Facebook nya, nanuod ng video, parang na isang tabi ako, sabi nya nagugutom sya, sabi ko kain kami, sabi nya wag na sa bahay na lang daw nila sya kakain. tas nag cellphone uli sya. ako naman natahimik na lang, kasi di ko alam paano mag start ng conversation naming.
tas mga 8pm sabi nya kain tayo, sabi ko late na, uwi na tayo, tas sya tumahimik na lang sya hindi na sya nagsalita , nun pauwi na kami naglalakad hindi nya hinawakan ang kamay ko, pagdating sa tricycle nag lean lang sya sa shoulder ko.
I was expecting na pag uwi nya eh mag sorry sya  pero hindi.
ang sama sama ng loob ko.
at gusto nya din secret lang ang relationship naming kahit isang family member nya hindi alam na may gf na sya. 1st gf pa ako nyan.


btw 26 years old sya and im 33 years old.
« Last Edit: February 10, 2018, 02:16:12 pm by fizzifinfun »

hushush

  • Guest
Re: Anong kwento ng LOVELIFE mo ngayon? Part 5 :)
« Reply #38 on: February 10, 2018, 03:40:11 pm »
^hindi ka mahal nyan sis kaya kalasan mo na. Hindi nobya ang turing nyan sayo.. :)

Miss Taken

  • Guest
Re: Anong kwento ng LOVELIFE mo ngayon? Part 5 :)
« Reply #39 on: February 10, 2018, 04:04:31 pm »
^^ I agree with sis hushhush. Nagbago na yung feelings niya sayo. Ilang weeks/days mo na ba napansin na medyo nagiba yung attitude niya? May problem ba kayo na hindi napagusapan ng maayos?

Parang hinihintay na lang niya na mapagod ka. He's giving you reasons para ikaw yung bumitaw.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close