watch now

Author Topic: PARK BO GUM  (Read 13147 times)

rmi

  • Guest
Re: PARK BO GUM
« Reply #80 on: October 21, 2016, 11:37:39 pm »
Hi mga sis! Ang na watch ko pa lang na drama niya is yung Moonlight drawn by the clouds. Super like ko siya dahil sa role din niya doon. Wala pa akong chance mapanood yung ibang dramas niya but i watched the 1n2d episodes na andun siya. Grabe lang yung pagaasikaso niya sa mga ka trabaho niya. Ang bait bait. Parang inosenteng bata na tuwang tuwa doon sa mga activities ang sarap panoorin :)

shopaholic_in_rehab

  • Guest
Re: PARK BO GUM
« Reply #81 on: October 22, 2016, 07:59:36 am »
^sis watch mo yung reply 1988 cute din diya don. Or yung youth over flowers in africa  na reality show nila, dun totoong tao siya  makikita mo yung totoong personality niya.


Hindi ako masyadong nakapag work kahapon ha kasehodang andyan yung boss ko care! Update update sa social media ng mga happenings.

Hagardo verzosa na lolo mo pagdating sa airport ang fresh fresh niya ng umalis ng korea. Tapos dinumog pa sa airport. Ako ang nahihiya para sa kanya, hindi ba pwedeng tingnan na lang ng tingnan si bogum wag ng hablutin? Baka matrauma si bogum dito.

Favorite niya yung 3/4 white shirt na may black sleeves pansin ko lang, gamit na gamit yun sa africa trip nila ha.

Will he stay din kaya dito up to the 25th? And the whole time nasa resort lang sila? Hindi ba nila ieexplore ang cebu?

Grabe lang bromance nila ni dong yeon ha, kapit sa braso and holding hands talaga


Yoon jung is on her way now to cebu, sana si jinyoung din sumunod and si soobin para kumpleto na mga younsters

rmi

  • Guest
Re: PARK BO GUM
« Reply #82 on: October 22, 2016, 01:56:06 pm »
sige panonoorin ko yung reply 1988 and yung youth over flowers in africa :) saan pala pwedeng panoorin yun na hindi ko na kailangan i download sa torrent. :D
kakainggit yung mga nakakita sa kanya sa airport in person! nyaaaah! pero sana nga kumalma sila at wag nang magfollow sa destinations ng cast hanggat maaari.. para naman ma enjoy ng mdbc cast and crew yung vacay nila sa cebu.

Party Sparklers

  • Guest
Re: PARK BO GUM
« Reply #83 on: October 22, 2016, 04:08:10 pm »
its nice to see pics na nag-eenjoy naman si baby bogum sa vacation nila.

yung bromance nila ni Do Yeon, mukhang in real life totoo talaga. saw some pics na magka-holding hands pa sila ni Bo Gum, i think pabalik sila ng room. actually a lot of the staff are guarding Bogummy lalo na if nasa labas sila ng hotel rooms. pano ang fans once na makita ang lolo mo, sugod agad.

its ok to take pics pero at a distance na lang. yung iba kasi, as in halos idikit na sa face. sana the other fans are also aware na skinships with Koreans are a no-no except na lang if they permit you to do it to them. yung isang pic na nakita ko, halos itapon na yung sarili niya kay Bogummy, makapag-selfie lang. nakakaloka. ang dami tuloy harsh reactions from international fans about Pinoys.

based from my experience, mas surreal yung feeling while looking at your idol kahit sandali lang, yung ninanamnam mo yung moment kaysa sa taking pictures/videos.

sa JPark usually sila tumutuloy (kahit ibang kdramas) kasi Koreans ang may-ari nung hotel. siyempre mas comfortable sila if ganon kahit wala sila sa SKorea.

just read na his agency is planning to do a fanmeet in Asia. sana ABS will rush na maipalabas agad yung Love in the Moonlight dito para mas makilala si baby boy at makasama ang Pinas sa FM niya.

Iori girl

  • Guest
Re: PARK BO GUM
« Reply #84 on: October 24, 2016, 08:30:06 am »

yung isang pic na nakita ko, halos itapon na yung sarili niya kay Bogummy, makapag-selfie lang. nakakaloka. ang dami tuloy harsh reactions from international fans about Pinoys.

^talaga sis? sad naman.. penge naman link pls..

drag0nfly

  • Guest
Re: PARK BO GUM
« Reply #85 on: October 24, 2016, 11:20:54 am »
Nakita ko din yan either sa PBG Phils FB account or Twitter yata. Siguro bragging rights sa kanila na may pic with him, which I don't get kasi I'd rather stare at him real time kesa magpa-pic. Kanya-kanyang trip lang siguro. Pero sana wag naman to the point na nai-inconvenience na yung tao.

Parang yung video taken ng isang girl sa loob mismo ng resort. Nakaka-off lang kasi obvious na may pinag-uusapan si Bogummy and staff nila tapos si ate more record sa phone. So disrespectful. Tapos nung bumaba na ng stairs sila Bo Gum, triny pa nya sumunod. Buti yung security binawalan sya.

Party Sparklers

  • Guest
Re: PARK BO GUM
« Reply #86 on: October 24, 2016, 03:30:00 pm »
^talaga sis? sad naman.. penge naman link pls..

sis sa IG ko lang nakita pero di ko matandaan sino nagpost sa dami ng tinignan ko =D

Iori girl

  • Guest
Re: PARK BO GUM
« Reply #87 on: October 24, 2016, 04:31:31 pm »

rmi

  • Guest
Re: PARK BO GUM
« Reply #88 on: November 06, 2016, 02:34:49 pm »
hindi kasama phl sa fanmeet nila :(

drag0nfly

  • Guest
Re: PARK BO GUM
« Reply #89 on: November 07, 2016, 12:01:24 am »
Minsan nakaka-frustrate talga maging Pinoy pagdating sa ganyan.  Kelangan pa natin umeffort pumunta sa ibang bansa kasi laging di tayo kasama sa fanmeets.  Jakarta kasama pero tayo hindi eh nakita naman nila na andaming fans sa Cebu pa lang.

witch_goddess

  • Guest
Re: PARK BO GUM
« Reply #90 on: November 22, 2016, 02:06:36 am »
Buhay pa ba ang thread na ito? HAHAHAHA My fellow Bogummies kumusta na kayo? Kin cha na yo?

drag0nfly

  • Guest
Re: PARK BO GUM
« Reply #91 on: November 22, 2016, 03:42:14 am »
Annyeong, sis!  Nakaka-guilty nga kasi ako yung nag-start ng thread na 'to hahaha.  Mejo tumamlay na kasi ang fangirling ko kay Bogummy at napunta na lahat ng energy ko kay Lee Joon Gi  ;D  Ano na bang latest kay Bogum?

 

Latest Stories

Load More Stories
Close