watch now

Author Topic: PARK BO GUM  (Read 13170 times)

witch_goddess

  • Guest
Re: PARK BO GUM
« Reply #60 on: October 10, 2016, 09:58:22 pm »
^may nagcomment kasi doon sis eh na patanong yung pagkasabi niya na false alarm ba daw yung chikka about Bo Gum visiting Cebu.  Naku magtiteam airport pa naman ako kung sakaling totoo yun.  Hahaha
Hay naku kahit na malayo ang bahay ko sa airport, pupunta talaga ako doon! Hahaha

Party Sparklers

  • Guest
Re: PARK BO GUM
« Reply #61 on: October 11, 2016, 11:23:17 am »
talaga chismis lang yung sa Cebu nila? pero yung link ni sis patchiislove about sa news, sa Naver naman. Naver is like Google ng SK.  hmmm?

if madaling araw or early morning ng Oct 21 eh makikita sa Seoul airport sila Bogum, alam na tuloy ang vacation nila dito =D

^ naku sis, worth it ang malayong travel & mahabang paghihintay, once na masilayan mo sila. yung kahit ilang seconds mo lang makita pero ngitian or kawayan ka, heaven ang feeling, makakalimutan mo lahat ng pagod. experienced it kasi with LMH.  ;)

patchiislove

  • Guest
Re: PARK BO GUM
« Reply #62 on: October 11, 2016, 12:22:37 pm »
naku mga sissy, magka-alaman na lang talaga sa oct.21 hehe, pero its been all over the news na din kasi.

http://www.dkpopnews.net/2016/10/love-in-moonlight-cast-to-spend-their.html

http://onehallyu.com/topic/408916-the-cast-and-staff-of-moonlight-drawn-by-clouds-rewarded-with-a-5d4n-vacation-to-cebu-in-philippines/

http://www.[textspeak!].com/moonlight-drawn-by-the-clouds-cast-and-staff-to-go-to-cebu-to-celebrate-dramas-success/

http://www.dramabeans.com/2016/10/news-bites-october-8-2016/







« Last Edit: October 11, 2016, 12:26:39 pm by patchiislove »

drag0nfly

  • Guest
Re: PARK BO GUM
« Reply #63 on: October 11, 2016, 08:09:07 pm »
Sana matuloy sila and sana mga Cebuana sisters makita nyo si Bogummy natin!  Share pics  :)

Narinig nyo na full song nya?  Gandaaaa.  Lamig lamig ng boses.

witch_goddess

  • Guest
Re: PARK BO GUM
« Reply #64 on: October 11, 2016, 09:11:14 pm »
@ patchiislove: Yes sis sana nga matuloy sila.  Grabe ang higpit ng info.  Kahit yung mga fan groups na sinalihan ko wala pa din silang details kung when ang arrival nila sa airport.  Dyusko sana ma approve ang leave ko para doon na ako matutulog sa airport.  Hahaha

@ drag0nfly: Nadinig ko na yung kanta niya sa OST sis, sana magrelease siya ng album kasi kaya naman niyang kumanta.  Yung emotions niya when he conveyed the song dyusko nakapasakit!

@Party Sparklers: Naku baka pinakalap lang nila na chismis yun para hindi madisturb ang vacation ng staff.  Ngayon ko lang nalaman nakapunta na pala dito before si Bo Gum nung nagshooting sila ng Wonderful Mama.  Baka sa JPark sila magsistay since nakapunta na doon si Bo Gum.  Wahahaha



drag0nfly

  • Guest
Re: PARK BO GUM
« Reply #65 on: October 11, 2016, 09:20:59 pm »
Ooooh nakarating na pala sya dito.  Si Joong Ki lang ang alam kong nagpunta na ng Cebu dati for a photo shoot.  Sana talaga Manila na ang next nyang target.  I swear kahit magkano ang ticket sa fanmeet bibili ako at aabsent kung kinakailangan  ;D  Best bet nyo nga sis ang mag-abang sa airport kasi kung sa resort mismo malamang tight ang security.

shopaholic_in_rehab

  • Guest
Re: PARK BO GUM
« Reply #66 on: October 11, 2016, 11:16:06 pm »
Totoo ba talaga yang cebu? Hindi nako mapakali ha. Wala bang insider info?  Parang gusto ko din mag team airport hehe or kahit gumastos ako ng overnight sa resort ok lang makita lang si bogum.

Ganda nung ost ni bogum. Plinay na kanina sa episode 15 right?  Paulit ulit ko pinakikinggan. Ganda ng voice. Ano bang hindi mo kaya bogum? Lalo akong naiinlove sayo 😊 Lapit na matapos drama pataba sana siya ng konti parang namamayat siya sa tingin ko.

witch_goddess

  • Guest
Re: PARK BO GUM
« Reply #67 on: October 12, 2016, 12:24:27 am »
drag0nfly: Hay naku sis marami na palang artista ang nakapunta dito sa Cebu at sa iba pang lugar sa Pinas habang nagbakakasyon sila.  Yung bias ko nga naku ilang beses na palang nagbabakasyon sa Pinas ng hindi ko alam.  Hahaha

shopaholic_in_rehab: sis baka totoo kasi nakapanood ako ng showbiz news sa KBS at nagmention sila na may reward daw ang staff at casts ng Moonlight ng isang bakasyon pero hindi namention kung saan at kelan.

Ayaw ko maging team nganga kasi abot kamay ko ng makita sila.  Haha Dyusko! At yung autograph signing pala nila kung saan magsusuot sila ng hanbok ay na move on a later date due to security reasons.  Baka ito din ang dahilan kung bakit ang limited ng info tungkol sa pagbisita nila dito sa Cebu.   :-\

drag0nfly

  • Guest
Re: PARK BO GUM
« Reply #68 on: October 12, 2016, 09:53:03 am »
^Nakuu sis, sana talaga makita mo sya.  Kung pwede lang lumipad jan para lang makita sya kahit sa airport kaso sabi ng asawa ko kahibangan na daw yun LOL.  Next year na lang ako sa kanila.  Claim ko na now pa lang.  Matinding pag-so-soco ang magaganap para malaman ko nasan sya sa kanila next year haha.

Kung may makita kayong video ng recording nya ng My Person, pa-paste naman po dito.  Wala pa din akong makita.

witch_goddess

  • Guest
Re: PARK BO GUM
« Reply #69 on: October 20, 2016, 09:57:50 pm »
Annyeong Bogummiessss!  ;D :D

Wahhhhh bukas na sila darating at 8:00 in the morning daw yung flight.  So baka mga around 12 noon or past noon na siguro sila makakarating sa Cebu.  Dyusko, hindi ako pinayagan na magleave kasi maraming projects.  Huhu Ang saklap! At tama nga yung hinala ko na sa JPark sila magstay. 

Yung IG ng isang staff ng MDBC may post siya na salapi natin so tuloy na tuloy na silaaaaaaaaa.  Perooooo may nabasa ako na mag-aattend pa daw si Bo Gum ng isang awards night something at mostly matatapos daw yun gabi na.  So baka susunod nalang siya? Hay ewan.  Hahahaha

drag0nfly

  • Guest
Re: PARK BO GUM
« Reply #70 on: October 20, 2016, 10:41:13 pm »
^Aww sayang naman sis.  Takas ka na lang hehe.  Check ko nga mga ganap sa IG re Bo Gum.  Naging busy ako kay Lee Joon Gi lately eh dahil sa Moon Lovers.  Yung JPark hotel for Koreans?

shopaholic_in_rehab

  • Guest
Re: PARK BO GUM
« Reply #71 on: October 21, 2016, 06:57:32 am »
On the way na siya sisses! Saw it sa IG nasa airport na si bogummy!!!  Haay so near yet so far...

Party Sparklers

  • Guest
Re: PARK BO GUM
« Reply #72 on: October 21, 2016, 02:02:08 pm »
baby Bogummy has landed in Cebu!

yung tipong ang dami ko dapat gawin pero wala pa ako nasisimulan kakabantay sa IG & Twitter.

sa dami ng team airport, sa ibang exit sila dumaan pero still pinagkaguluhan pa rin si Bo Gum. na-shocked yata ang lolo mo sa naranasan niya sa airport. makikita sa pics na he was a little bit scared. yung manager niya stressed na stressed. =D

pero naiintindihan ko rin naman yung fans. nakakawala talaga sa sarili pag nakita mo in person ang idol mo. pero sana the fans there gave him a litlle bit of space para makahinga naman siya ng maayos.

sana mag-update siya mamaya with pics in Cebu

drag0nfly

  • Guest
Re: PARK BO GUM
« Reply #73 on: October 21, 2016, 06:23:04 pm »
Hindi ko lang nagustuhan yung isang nag-post sa Twitter na parang nakaharang sya sa van nila Bo Gum, tas sigaw ng sigaw si ate. Nahirapan tuloy yata si Bo Gum makapasok. Tsk nakakahiya. Ang caption pa nya, "the struggle is real." Pano pa kaya Bo Gum and crew lalong nahirapan dba . Pwede naman kasi mag-admire from a safe distance. Respeto sana kasi the staff worked hard and eto na nga lang chance nila mag-relax. Actually yung girl ang lapit na nya kay Bo Gum sana nag-hello na lang sya and took pics discreetly. Kung ako yun bubusugin ko na lang sarili ko sa kakatitig sa kagwapuhan ni koya instead of trying to catch his attention hehe.

Kita nga din na parang nagulat sya sa dami ng tao sa airport. Certified star na talaga si Bogummy. Di nya siguro inakala ganun na sya kasikat dito. Eh this time last year di pa naman sya ganun kasikat. Kudos to him for always smiling though. Nakakatawa yung mga pulis na escort nya parang kinikilig din sila manong 😄


witch_goddess

  • Guest
Re: PARK BO GUM
« Reply #74 on: October 21, 2016, 09:07:31 pm »
Buti nalang hindi ako umabsent at nag team airport HAHAHAHA Kasi sa ibang exit sila dinaan.  HAHAHA
With all the recent happenings sa airport, sana hindi matrauma si Bogum sa pagbisita sa Pinas especially sa Cebu.  May isang pic si Bogum na may halong takot siya kung bakit ang raming fans gusto makaskinship siya.  Pero kahit takot ang cute niya pa rin.  Hahaha

Bogummmyyyy sikat ka na talaga! Hindi mo yun inakala no na kahit dito sa Cebu may fans ka.  HAHA

May nakita akong isang pic ni ate kasama niya si Kwak Dong-yeon, kwento pa niya nakachikka niya si Dong-Yeon at tsaka sobrang bait daw.  Nanghingi siya ng permiso na magpapicture sa kanya at pinagbiyan siya.  Nakakatunaw ang smile ni kuya at ang gwapooooooooooooo!

witch_goddess

  • Guest
Re: PARK BO GUM
« Reply #75 on: October 21, 2016, 09:39:46 pm »
Pahabol: Sana hindi nalang sila sa JPark nagbook ng hotel.  Ang daming tao kasi doon eh at for sure may makakilala talaga kay Bo Gum.  Sana nagbook nalang sila sa hotel na located within the island of Lapulapu.  Mas maganda pa doon at for sure walang makakasunod sa kanila.  Hmp!

drag0nfly

  • Guest
Re: PARK BO GUM
« Reply #76 on: October 21, 2016, 09:59:58 pm »
^Sis, anong pakiramdam na same hangin at langit kayo ngayon ni Bogummy?  Hahahahha!

True, sana di ma-trauma si baby boy.  Wawa naman.  At ang pogi nga din ni Dong-yeon ha.  Akala ko gwapo lang pag naka-costume with his sexy hair, pero gwapo din pala sa normal na anyo.  Ang nice naman nya sa fan.  I'm sure si Bo Gum din super nice wag lang siguro lunurin ng fangirls hehe.

May ilang pics nang na-post nag-swimming sya.  Ay ayaw pa din maghubad ni koya!  Naka-rashguard haha.

witch_goddess

  • Guest
Re: PARK BO GUM
« Reply #77 on: October 21, 2016, 10:06:09 pm »
Alam mo yung halos ikamatay ko na within reach ko lang si koya pero part of me wants to respect his privacy.  Kasi ang daming fan girls na nag-iistalk na sa kanila ayaw ko ng makidagdag.  Magwait nalang ako ng tamang panahon na makita ko siya ng personal.  Kawawa talaga yung airport pics niya.  Huhu

Yes sis sana hindi matrauma si Kuya at bumisita ulit siya ng Cebu without announcement para naman maappreciate niya na maganda ang lugar namin.  Gusto ko iblame kung sino man ang organizers ng vacation na ito.  Kasi bakit hindi nila naforesee ang mga ganitong pangyayari at wala man lang tight security divahhh?? Don't tell me hindi nila alam na sikat na si Bo Gum? Haha Nakakafrustrate lang kasi baka isipin ng ibang international fans na wala tayong manners. Lol

Gwapo nga talaga ni Dong Yeon sis, at first hindi ako nagwagwapuhan sa kanya during their filming.  Napansin ko nalang siya nung nagsuot na siya ng costume at yes ang gwapo niya nung nag-anyong tao na siya.  Haha At based sa mga nasagap kung tsismis, chummy2 na sila ni Bo Gum.  Gusto ko yung bromance nilang dalawa based on the BTS and other clips that I've seen.

Hay naku sis nafrustrate din ako sa hindi paghubad ni kuya.  Hahaha Rashguard kung rashguard eh.

« Last Edit: October 21, 2016, 10:08:07 pm by witch_goddess »

patchiislove

  • Guest
Re: PARK BO GUM
« Reply #78 on: October 21, 2016, 10:15:50 pm »
omg ... busy mode me today , nakalimutan ko ngayon nga pala dating ni bogummy waaaahhh ... late na ako nakapag open ng GT. napa search tuloy ako bigla ... ka swerte naman ng mga nakasilay kay bogummy ingget ako .... halatang nagulat siya hahaha cute sobra. hays! 

drag0nfly

  • Guest
Re: PARK BO GUM
« Reply #79 on: October 21, 2016, 11:31:58 pm »
Ayy true dat sis.  Sana nga hindi na lang in-announce san sila bakasyon.  Tipong gulat factor na lang kung san man.  Sila din kasi nahirapan.  Ilang Koreans daw nag-react online na disrespectful daw yung magkagulo Pinoy fans sa van nila.  Sad. 

 

Latest Stories

Load More Stories
Close