watch now

Author Topic: PARK BO GUM  (Read 13125 times)

drag0nfly

  • Guest
PARK BO GUM
« on: September 19, 2016, 08:35:18 pm »
Dito tayo mga Bogummy fans!  :-*

Naisip ko gumawa ng thread for him since dumadami na yata tayong fans nya dito and para di din ma-OT sa K-drama thread  :)

As I shared sa other thread, unang nagustuhan ko talaga si Song Joong Ki, pero now mukhang mas matindi pa ang fangirling ko over Park Bo Gum  ;D 

First noticed him in Reply 1988 and admittedly hindi ko sya masyadong gusto dun nung una kasi Team Jung Hwan ako, pero towards the end of the series, na-gets ko na bakit sya yung fated husband and now I super love him and Duk Seon na! 

I also think he is a very good actor given the variety of roles that he's played at a young age.  Eto din siguro advantage nya over other pretty boys kasi he can look angelic and innocent as Taek in Reply 1988, but also a psychopath in Hello Monster.  And ngayon naman as the playful but compassionate Crown Prince in Moonlight Drawn By Clouds.  He also plays the piano and migod ang ganda ng boses nya waaahhh.  At shempre ang hot and gwapo nya lang!!!  ;D  Ang sarap titigan ng mukha nya.  I also like his height and body type.  Lean pero makikita mo na may definition.  Basta I find him sexy hehe.  Nakakainis nga sa 1D2N hindi nya hinubad shirt nya LOL. 

Nakakatuwa din mabasa na ang bait nya and religious.  Given na maaga nawala ang mom nya and nagkaron sya ng problema with his dad over financial matters, nakakabilib na lumaki syang napakabuting tao.  Halos puro positive ang nababasa ko about him pagdating sa ugali and pakikitungo sa kapwa.  Sana hindi sya magbago habang tumatagal sa business.

Hope to see more Bogummy fans here! 

witch_goddess

  • Guest
Re: PARK BO GUM
« Reply #1 on: September 21, 2016, 03:33:27 am »
Currently fan girling over Bogummiee sis! Hahaha To add sa sinabi mo on him being talented, he supposedly wanted to be a musician.  Nag enroll yata siya na related to that field para mahasa siya maging musician pero wala eh hindi siya sinwerte.  Siguro fate niya talaga ang maging actor. Ang gusto ko sa kanya is wala siyang kaartehan kasi based doon sa aking nakita when he shot 1N2D, kahit anong ipagawa sa kanya, ginagawa niya talaga.  Knowing the nature of 1N2D, as a variety show, dapat wala ka talagang kaarte-arte and him being a Hallyu star, hindi siya takot na madungisan ang kanyang image.
Kasi most of the idols and actors in Korea are so reserved when they join variety shows.  Pero si Bo-gum all out talaga kahit magbilad pa siya sa araw! Haha At yeah nakakadisappoint talaga na hindi niya hinubad yung shirt niya, hindi man lang natin nasight ang kanyang yummylicious body. Lol
« Last Edit: September 21, 2016, 03:37:53 am by witch_goddess »

drag0nfly

  • Guest
Re: PARK BO GUM
« Reply #2 on: September 21, 2016, 07:52:08 pm »
Hello ulit sis!  ;D  Tinatapos ko yung 1D2N episodes pero di magkakasunod.  Ang gulo kasi ng uploads sa YT.  May isang episode pa pala na nagtanggal sya ng shirt kaso nakatalikod ulit tsk. Yung pagkagising nila.  Likod pa lang yummylicious na nga haha.  Lakas maka-cougar feels nitong si Bogummy eh  ;D  Pero bakit kaya ayaw nya magtanggal ng shirt no?  Kasi conservative Christian sya?  Sayang kasi LOL.  Napa-awww naman ako nung nilatag nila yung higaan and pina-move sya and kinumutan pa.  Baby boy talga.  Baby boy na hot  :-*

Mejo deadma na ako kay Joong Ki dahil sa kanya haha.  Pero maganda din kung magkaka-project sila together ano?  Tutal same agency and both their shows under KBS, hope they'll come up with a good concept for them.  Nabasa ko na gusto daw ni Bogummy mag-play ng student who dates before it's too late.  Oo nga sana mahabol kasi ang laki na ng difference ng itsura nya from Reply 1988 to now.  Biglang naging manly na sya and tumangkad pa yata.

Yung Youth Over Africa napanood mo, sis?

witch_goddess

  • Guest
Re: PARK BO GUM
« Reply #3 on: September 21, 2016, 09:28:10 pm »
^Hello ulit din sis! Tayo lang ang tao dito.  Haha Sana naman yung ibang lurker na fans magsilabas. :D I think sis nahihiya siya nung gawin niya yung task na mangolekta ng coins.  May reservations kumbaga siguro maraming tao sa paligid kaya ganon.  He is so warmhearted sa 1N2D na episodes sis no? Grabe talaga ang manners ng lalaking ito, sobrang down to earth kahit na big star siya.  At natutuwa talaga ako sa kanya nung nagparagliding sila.  Haha
I saw an interview with Joong-ki at tinanong siya kung willing ba siya makatrabaho si Bogum then sabi niya gustong gusto daw niya yun at sana daw maluwag ang kanilang schedule if ever may nag-offer na project sa kanilang dalawa.
Ako rin type ko si Joong-ki before pero nawala nung nakita ko si Jung Joon Young yung isa pang lalaki sa 1N2D at nainlab ako kay Bogum nung nag guest siya.  Nafall ako sa Bogum's magic. Lol
Hindi ko pa napanood yung Youth Over Africa sis pero may nababasa ako na masaklap daw yung driving skills ni Bogum. Lol At nakita ko naman yun sa 1N2D.  Hindi nga sanay siya magdrive kaya there are times na nagMTR siya in going home after an appointment.  Maloloka siguro ako kung makakasabay ko siya sa MTR.  Haha

drag0nfly

  • Guest
Re: PARK BO GUM
« Reply #4 on: September 22, 2016, 09:54:32 pm »
Oo nga other Bogummy fans join na kayo dito!

Actually sis, first time ko makanood ng Korean variety show (tama ba?) na ganyan and super aliw pala!  Ang kukulit ng hosts!  Si Jung Joon Young yung nakalaban ni Bo Gum no?  Yung ang kulit maglaglag ng coins mega-wiggle wiggle hehe.  Cute nga din sya sis  :)

Grabe nga ang manners ni Bogummy.  Meron pa palang nag-eexist na gwapong ganyan sa mundo.  Nabasa ko din sabi ni Cha Tae-hyun na nung una nya na-meet si Bogummy, naisip daw nya kung kakayanin ang showbiz kasi sobrang pure and kind-hearted.  Nabasa ko din yung sa subway.  OMG ako din sis pag nakasabay ko sya wala deds na hahahaha.

Eto yung isang page na nakita ko kahapon lang -- prkbgm.tumblr.com.  Dami din interesting facts about him :)

Lakas makaubos ng oras ng fangirling ko sa kanya!  On top of watching his shows, more nood pa ako ng videos on YouTube.  Ang ganda ganda ng singing voice nya, heart heart.  Parang gusto ko nga mag-comment sa IG account ni Ben Chan.  Kunin nyo pong endorser si Park Bo Gum  ;D

Nakanood ka na ng ibang shows nya, sis?




witch_goddess

  • Guest
Re: PARK BO GUM
« Reply #5 on: September 23, 2016, 03:34:19 am »
Natatawa ako sa ating dalawa sis kasi tayo lang talaga ang tao dito.  Hahaha

Sis nood ka ng past episodes ng 1N2D Season 3, super duper aliw talaga.  Haha I think it was late 2015 when Cha Tae Hyun jokingly invited Bo Gum to be their permanent member kasi yung isang member nila umalis sa show dahil sobrang busy na.  At sabi ni Bogum, pag ininvite daw siya, mag-guguest siya, hindi ko akalain na matutupad yun.  Haha Nakapanood ako ng iba't ibang clips sa YT about him.  May isang episode ng Youth Over Flowers na nagkwekwentuhan sila nung isang guest about working hard to earn money for their family, natouch talaga ako sa sinasabi ni Bogum at yung wisdom niya towards his family and the lessons he learned. Naiyak siya doon sa episode na yun at grabe ang gwapo pa rin! Haha Nakawatch ako ng Youth Over Africa, grabe siya ka caring sis no? Yung concern talaga siya sa welfare ng mga staff kung nakakain naba sila at yung nagreremind talaga siya sa mga cameraman to be careful in crossing the street.  Wahhh kakaloka talaga ang kabaitan niya.  Haha Natatawa ako doon sa isang episode na naiwanan siya sa flight kasi nawiwili sa shopping at pagkain.  Cute niya talaga when his hyungs are worried about him na nasa airport pa sa Africa.  Para siyang bata maglambing sis no?
Sana mag IG siya para naman kahit hindi natin alam ang sinasabi niya mabubusog tayo sa mga photos na posts niya. Lol Napapansin ko mahilig siya sa gadgets kasi may isang episode ng 1N2D, itinuro niya sa mga members kung paano mag screenshot ng photos sa videos. :))
Wish ko talaga sumikat pa siya ng husto para naman may chance na kunin siya as endorser ng Bench ni Ben Chan at makapunta siya sa Pinas! Wahhh
« Last Edit: September 23, 2016, 03:35:57 am by witch_goddess »

drag0nfly

  • Guest
Re: PARK BO GUM
« Reply #6 on: September 24, 2016, 08:08:59 pm »
Oo nga sis tayong dalawa lang talaga dito hahahaha!  Pero keri keri.  Thanks for always replying kasi may nakakachikahan ako about him  :)  Wala kasi ako masyadong nakaka-kwentuhan about Bogummy kasi puro Lee Minho and Song Joong Ki ang ibang friends ko.

May nakita akong meme, Park Bo Gum:  part-time actor, full-time angel.  Nakakatuwa na may katulad pa nya sa mundo at nasa showbiz pa!  Sana talga hindi sya lamunin ng sistema kasi alam naman natin gano kadumi ang showbiz, kahit siguro saang bansa.  The more I learn about him, the more endearing he becomes.  Sana talaga Lord makita ko sya next year pagpunta namin sa Korea!

Siguro this week panoorin ko na ng buo yung Youth Over Africa.  Sana meron sa torrent.  Reply 1988 dinownload ko kahit natapos ko na.  Pinanood mo ba sis yun?  Sobrang love ko ang show na yun and ngayon na pinapanood ko ulit, mas nag-fo-focus na ako sa scenes nya dun.  Ang galing lang nyang umarte.  Kaya din siguro mas nagustuhan ko sya kesa SJK kasi mas malawak range nya.  Hindi lang sya pretty face eh, talented talaga.  I think major asset nya mga mata nya.  Kasi kaya nyang magmukhang inosente one minute, then magmukhang mean and psycho the next  ;D

Yung napanood kong clip sa YT nung Africa trip nila yung nag-uusap sila ni Ryu Jun Yeol about families nila and naluha sila pareho.  My heart went out to both of them, pero lalo kay Bogummy kasi dba wala na mom nya, tapos sabi nya wala pa daw sila ni isang family picture :(  Love RJY when he said sya na ang magbabayad ng family picture ng Park family basta gawin daw agad ni Bogummy pagbalik nila.  Kuyang kuya ang dating.  Nabasa ko din na ang gusto daw nya sa babae eh yung kaya syang alagaan like a mother would.  Siguro kasi he is longing for a mother's love waaahhh.  Apply tayo sis hahahaha!!

drag0nfly

  • Guest
Re: PARK BO GUM
« Reply #7 on: September 24, 2016, 08:37:19 pm »
Ang agree sana magka-Instagram na nga sya.  May finollow akong isang fan account though ;D  Akala ko nga sasabihin nya dun sa episode ng 1N2D na may Twitter sya.  Diba yung sabi ng director post photos daw on social media.  Pero finollow ko na din Twitter account nya hehe.  Swerte din ng team nila kasi techie si Bogummy.  Yung mga tanders clueless haha.

px17

  • Guest
Re: PARK BO GUM
« Reply #8 on: September 26, 2016, 02:37:03 pm »
Hi mga ka-Bogummy sisters!

Sobrang love ko naman siya sa 1988, dun niya ako naging fan. Ewan ko ba pero from the start palang Team Taek na ako. Ang galing galing niya umarte at ang ganda ganda talaga ng smile niya and yung titig niya.

 

witch_goddess

  • Guest
Re: PARK BO GUM
« Reply #9 on: September 26, 2016, 10:28:03 pm »
sis drag0nfly: tara na at mag-apply na tayo as gf ni Bogum! Hahaha For sure aakma tayo sa kanyang ideals kaya lang hindi tayo marunong magKorean. Ang saklap! Yes sis, I think yung mata niya ang best asset niya kasi sobrang expressive kasi eh.  Nawatch ko ang Reply 1988 sis pero kagaya mo panoorin ko ulit. Gusto ko mainlab sa kanya.  Haha Sana nga sis hindi siya kainin ng sistema sa maruming mundo ng showbiz.  At sana matulad siya kay Cha Tae Hyun na most loved na celebrity sa Korea.  Ang hirap pa naman ng mga Knetz pag may issue ka or may tsismis about sa kanilang mga artista, ang rabid! Nakakatakot! Lol
Ako rin sis wala ako masyadong makausap tungkol kay Bogum at iba pang Korean artists kasi yung mga friends ko hindi sila mahilig.  Ako lang! Ang saklap diba? Lol May fan's club kaya dito si Bogum sa Pinas? Pamember tayo baka saling may petition sila to bring him sa Pinas soon eh makisama tayo.

Yehey tatlo na tayong fans! Hahaha

Hi sis px17! Post lang ng post for the love of our gorgeous and charming Bogum <3

drag0nfly

  • Guest
Re: PARK BO GUM
« Reply #10 on: September 27, 2016, 12:40:07 am »
Welcome, sis px17!  Yay 3 na tayo  ;D

^Oo sis, watch mo ulit Reply 1988.  Nung una Team Jung Hwan ako, pero now na pinapanood ko ulit, Team Taek na pala ako haha!  Siguro may bias na din this time towards Bogummy, pero mas nag-ma-make sense na din kung bakit sya ang magiging asawa.  Magugulat ka nga eh sis no kasi for someone na innocent eh ang galing nyang humalik dun  ;D   May nabasa pa akong comment sa isang forum na, "how can someone who doesn't even know how to open a yogurt cup know how to kiss like that??"  LOL.

Wala pa akong nakikitang local fans club nya pero naghahanap na din ako nyan.  So far puro kay Joong-ki eh.  Btw mga sis, merong tvN awards this coming Oct 9.  Parang yung KBS awards na sinabi mo no, sis witch_goddess?  Nakita ko lang kagabi kasi tvN pala yung meron kami sa bahay.  Nag-iisip nga ako magpadagdag ng KBS eh kasi 50 pesos a month lang yata ang dagdag sa bill.  Umikot na lang mata ng asawa ko nung binanggit ko  ;D

Natapos ko na din pala sis yung 1N2D at nakita ko na yung paragliding na sinabi mo.  Hong gwapo talga grabeeeeee.  Napaka-carefree nya and game na game sa extreme sports no?  Kasi sa YOA, nag-bungee jump din sya.  Lakas ng tawa ko nung cino-convince nya si Jongmin kasi reaction ni Jongmin, what's wrong with you bat gustong gusto mong gawin mga yan??  ;D

Tapos yung pagka-shower ni Bogummy eh sabi sila ng sabi, "Ang gwapo mo!"  hahahahha.  Lagi nilang binabanggit na ang gwapo nya.  Ang kukulit lang.

Yung Moonlight up to 18 episodes tama ba?

witch_goddess

  • Guest
Re: PARK BO GUM
« Reply #11 on: September 27, 2016, 11:21:09 pm »
Hay naku sis, hindi ko talaga mapigilan ang pagka fangirl during that episode of 1N2D nung nagparaglide si Bogum.  He is so child at heart pero nakakatuwa kasi mararamdaman mo talaga yung sincerity at pagkagrateful niya na nakaenjoy siya ng trip despite his busy schedule.  Hindi ko alam sis kung hanggang episode 18 lang ba ang Love in the Moonlight.  Baka maextend kasi mataas din yung ratings eh.  Alam mo naman ang KBS! Hahaha
May nakita akong clip sa Happy Together na variety show sis na namention is Bogum ng kanilang guest.  Sabi ng guest na kasamahan niya sa recent drama, grabe daw ka caring si Bogum at appreciative! Kasi may ginawa yung kasahaman niya sa set at naWow niya yata si Bogum at sinabihan siyang cute with matching tender pinch sa cheeks.  Haha I think madali lang pasayahin si Bogum no? Wish ko talaga makita siya in person if ever maligaw ako sa Korea.  Haha

Yung kiss pala sa Reply 1988, naku swerte ni girl.  Haha At sa Love in the Moonlight, naku maswerte rin siya. I think he is a good kisser.  Full of emotions kasi si kuya kung makipagkiss eh.  Parang sanay na sanay. Lol
« Last Edit: September 27, 2016, 11:23:29 pm by witch_goddess »

drag0nfly

  • Guest
Re: PARK BO GUM
« Reply #12 on: September 28, 2016, 12:02:11 am »
True sis, mukha ngang madali lang syang mapasaya awww.  Nakakatuwa talga.  Alam mo sis, minsan nga para akong ewan kasi ang laki-laki ng ngiti ko tuwing pinapanood ko sya.  As in I can't help but smile talga pag nakikita ko sya.  Bukod sa obvious na gwapo eh there's something about him talga, may X factor kumbaga.  Nung nagpaambon si God ng talents, andun siguro sya sa harap at nasalo lahat  ;D  Good looks, great work ethic and manners, superb acting, great singing voice, magaling din sumayaw, matangkad pa - ikaw na!  Dati gwapong gwapo ako kay Joong-ki, pero ngayon pag nakikita ko sya parang meh, bat ba ako nagwapuhan sayo.  Inlababo na talga ako kay Bogummy!

Cinonfirm na daw ng KBS na up to 18 episodes lang.  Gusto daw ng network i-extend pa ng 2 more, pero ayaw na yata ng production staff kasi daw baka mag-suffer ang story.  Keri lang at abangan na lang natin ang susunod na project nya.  I'm sure ang dami ng nakapila after Moonlight.

Ano yung Happy Together sis?  Variety show din?  Hanapin ko din yan.

Paulit-ulit ko din pinapanood yung 1N2D clips ang kukulit kasi.  Grabe lang sya bat hindi mukhang dugyot kahit buong araw na nagliwaliw sa labas??  Napanood mo ba sis yung part na nag-lemon eating contest sila ng isang fan?  Hindi ko kasi mahanap yung actual clip.  Yung mga hits na nakukuha ko ang sinasabi eh "this video is not available in your region," pero the rest of the clips napapanood ko naman.  Yun daw kasi yung part na tingin ng tingin si Bogummy dun sa girl kasi on purpose nyang binabagalan pagkain ng lemon para siguro si girl ang manalo.  Grabe sa pagka-gentleman!  Tas si ate girl super conscious kasi tingin ng tingin nga si Bogummy sa kanya, naiiyak na daw hahahaha. 

Tingin mo sis nagka-gf na sya?  Dba sabi dun sa episode eh he dated daw before.  Tas niloloko sya nila Jongmin and Defconn na passionate love daw ba yun.  Tas sabi nya it wasn't like that.  Kasi feeling ko pano sya matututo humalik ng ganun kung walang practice dba hehe.  Pero sana wag naman sya mapunta sa malandi  ;D

Sensha na sa mga mahahaba kong replies ha.  Obvious ba dito lang sa GT ko nalalabas ang kaadikan ko sa kanya haha.  Meron pala akong ipo-post na link dito mamaya.  Ay wish ko pala na i-guest sya sa Stardate!  Kaso baka mag-pandemonium kung san man nila gaganapin.  Yung kay Joong-ki nun grabe na eh, what more kay Bogummy ngayon.

witch_goddess

  • Guest
Re: PARK BO GUM
« Reply #13 on: September 28, 2016, 04:35:19 am »
^Ay buti naman hindi naging gahaman ang KBS no na iextend ang story kasi mataas ang ratings. Yes variety/talk show yung Happy Together sis, yung nagbanggit pala na maganda ang work ethics ni Bogum sa Love in the Moonlight is yung character niya is prinsesang mataba tapos naging payat.  Haha
Hindi ako sa YouTube nanood ng 1N2D sis kasi isa ang country natin na binlock nila in watching the current episodes.  Sa dramafire sis tingnan mo nandoon ang full episode.  Yung girl na nakalaban niya sa lemon eating is fan ni Bogum.  Tapos sabi nila Deffcon, Cha Tae Hyun at Jong Min, pag nanalo ang girl may hug siya kay Bogum pero yung girl ayaw niya kasi pinapawisan siya pero sabi ni Bogum it's okay lang daw.  Kaya ayun nung naglaro na sila at nanalo si Bogum, nihug niya pa rin yung girl at feel ko yung girl kulang nalang himatayin sa tuwa.  Haha  At during that game pala sis yung sinabi mong tingin ng tingin si Bogum, he teased the girl kasi eh kasi sobrang fan niya yung girl.  Pilyo din si kuya! Haha

I think sis nagka gf na siya kasi naman impossible na ganoon yung gesture niya sa paghalik kung wala siyang experience diba? Hay naku sis for selfish and safety reasons, wag muna magdate si Bogum kasi baka iblackmail siya ng nakadate niya at kasuhan ng "sexual assault" at yung dirty media sa Korea will stir the news that might bring his falldown.  Kagaya ng nangyari sa biased ko.  Huhuhu

Naku sis pareho naman tayong mahahaba ang replies eh kasi tayo2 lang ang nagsishare ng ating pagkafan sa kanya.  Haha

px17

  • Guest
Re: PARK BO GUM
« Reply #14 on: September 28, 2016, 10:28:34 am »
Iba nga siya magkiss, may napagpractisan na! haha tapos pansinin niyo twing magkikiss siya laging may hawak sa ulo. Swerte swerte ni Hyeri! kay Kim you-jung medyo hinay hinay pa siya eh bagets pa kasi.

Napanood niyo yung heart to heart moment nila ni Ryoo joon-yeol sa youth over flowers africa? Grabe feel na feel ko yung iyak ni bo gum dun. Mafefeel mo na good person siya.

drag0nfly

  • Guest
Re: PARK BO GUM
« Reply #15 on: September 29, 2016, 12:04:44 am »
@px17 - Napanood ko din yan sis, nakakaluha nga.  Saludo ako sa kanila si RJY mapagmahal sa pamilya and happy ako for them na nakakatulong na sila sa families nila.  Let's keep supporting them  para bumongga pa ang career nila.  Napansin ko din yang laging may hawak sa ulo pag kissing scene waaah.  Swerte nga ni Hyeri haha.  Imagine ilang kissing scenes din sila sa Reply ha.  Gustong gusto ko yung scene sa car nung nag-I love you na sa kanya si Duk Seon, tas yung tingin nya and the way he kissed her grabeeee.  Kilig to the max.

@witch_goddess - Thanks sa tip sis!  Ang Dramafire ba nag-aarchive ng past episodes?  Kasi nung sinearch ko 1N2D, parang yung latest episode lang yata ang lumabas.  Pero check ko ulit mamaya.  Btw, may fans club na pala sya dito!  Search nyo Park Bo Gum Philippines.  Tas may survey sila till Sept 30 kung interesado ka magbayad and umattend ng fan meet nya dito, if ever.  Meron daw kasing organizer na nagbabalak dalhin sya dito woot!   Baka gusto nyo din sumagot :)

Sa kaka-search ko sa IG, nakikita ko sa ilang accounts mga latest endorsement shoots nya.  Grabe I think sya na ang bagong Joong-ki sa kanila kung pagbabasehan yung damii ng nanonood and sigawan.  Kagulo na yung fans and dami na nya security. 

drag0nfly

  • Guest
Re: PARK BO GUM
« Reply #16 on: September 29, 2016, 12:28:38 am »
Hindi ako sa YouTube nanood ng 1N2D sis kasi isa ang country natin na binlock nila in watching the current episodes.  Sa dramafire sis tingnan mo nandoon ang full episode.  Yung girl na nakalaban niya sa lemon eating is fan ni Bogum.  Tapos sabi nila Deffcon, Cha Tae Hyun at Jong Min, pag nanalo ang girl may hug siya kay Bogum pero yung girl ayaw niya kasi pinapawisan siya pero sabi ni Bogum it's okay lang daw.  Kaya ayun nung naglaro na sila at nanalo si Bogum, nihug niya pa rin yung girl at feel ko yung girl kulang nalang himatayin sa tuwa.  Haha  At during that game pala sis yung sinabi mong tingin ng tingin si Bogum, he teased the girl kasi eh kasi sobrang fan niya yung girl.  Pilyo din si kuya! Haha

Excited na ko mapanood sis, may nakita akong complete videos sa FB yay.  Parang may pagka-pilyo nga sya kasi yung isang vid ng fan signing nya for K-Swiss yata yun, hinaharot nya yung isang fan (inggit!).  Parang hinampas nya playfully yung girl  ;D  So cute and para naman hindi sya perfect all the time.  Ang laking pressure nun na laging good boy hehe.

kutingpie

  • Guest
Re: PARK BO GUM
« Reply #17 on: September 30, 2016, 01:53:03 am »
super mahiyain siya sa BTS na ito, he's so adorable --
Interview with actors of "Love in the Moonlight" in the film set [Entertainment Weekly / 2016.09.05]
https://www.youtube.com/watch?v=urB22qZX114

drag0nfly

  • Guest
Re: PARK BO GUM
« Reply #18 on: October 01, 2016, 12:13:46 am »
^He's so mild-mannered ano? Pero hindi boring. Playful pa din sya.

BTS ng Mont Bell commercial nya:

https://youtu.be/VjQbwV6pDeA

Ang gwapo talaga!

drag0nfly

  • Guest
Re: PARK BO GUM
« Reply #19 on: October 01, 2016, 12:19:56 am »
Sis witch_goddess - Eto may "frontal" and di lang puro likod haha:

https://youtu.be/7cSZ7VoTE8E

Grabe lang ang chest nya very defined. Kaya pala dun sa isang interview nila ng cast, binibiro sya nung host to maintain his pectorals. Sexiness!

Pansin ko din yang mahilig sya mag bite ng lip hihi.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close