watch now

Author Topic: Latest Showbiz Update (Thread 44)  (Read 103100 times)

thebratinella

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 44)
« Reply #80 on: September 25, 2016, 12:54:15 pm »
I can't blame Albie kasi bata pa siya plus sobrang natorture na siya ng mga patutsada nila Jaclyn Jose sa media. Nabugbog na nga siya and his parents didn't file a case against Andi's friends. According sa isang tweet ng 1 writer, may idea na daw sila Albie matagal na but he chose to keep quiet for the kid. In that aspect, for me gentleman na siya for him to even think of the welfare of Andi's daughter na hindi rin naman niya talaga anak pala in the first place. Kung sa iba yun, gagamitin na leverage for a comeback or makabawi after all it was his budding career that was ruined. Chance na niya yun to publicise everything but he and his family chose not to. Baka tumahimik na lang sila Andi and Jaclyn this time kasi nagkamali.  Baka nag-usap na rin sila Andi and Albie privately and agreed not to speak out. I read sa IG ng mom ni Albie sabi niya sa isang nagcomment: All is forgiven.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 44)
« Reply #81 on: September 25, 2016, 01:00:31 pm »
For me lang kasi, pwede naman na wala akong itatanggi or aaminin unless magpa-dna sila at magpatunay na akin nga or hindi ang bata. Na-broadcast naman na pinagsabay sila ni Jake kaya talagang may karapatan siya magrequest ng dna. Kung wala talagang nangyari pwede naman niya sabihin na imposibleng kanya since wala naman nangyari. Buti na lang may matapang na Eigenmann na nagsabi na may dna testing na naganap at si Jake ang tatay what if baligtad ang naging result at si Albie talaga ang dad, si Albie pa ngayon ang ma-in your face ni Andi pagganun and for sure na kay Andi simpatya natin lahat. Tulad ng sabi ko si Andi ang may prob kung nagpa-dna siya agad natapos na ang issue noon pa. Or sana inantay na lang niya na lumabas ang baby at nagpa-dna bago nagturo ng lalake.

thebratinella

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 44)
« Reply #82 on: September 25, 2016, 01:20:03 pm »
^True. If sa sarili mo may alinlangan ka, pa-DNA test na muna then kung si Albie talaga supalpal sa mukha niya if magdeny. Ang prob kasi nag-announce na si Jaclyn and Andi noon. Nagdeny si Albie and humaba na issue. Like sa case ng daughter ni Melissa Mendez. Kumalat na pregnant pero tumahimik sila. Nung lumabas ang baby, nagpa-DNA test and si Fabio Ide (Brazilian model) ang lumabas na ama. Inako naman ni Fabio yung responsibility and in good terms sila. Sana ganun na lang din ginawa kaysa lumaki pa and nagresult sa drama.

itzzmeeh

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 44)
« Reply #83 on: September 25, 2016, 01:21:54 pm »
Mahirap naman na akuin niya talaga yung baby. Tayo nga diba mapagbintangan lang kahit mababaw kung alam natin na hindi natin ginawa talagang ipapaglaban mo yan. True isang sis natin na aamin or hindi nasira na siya sa maya't mayang pagsasalita nila Jaclyn Andi and her whole family laging nasa news sila diba.

g3rl_23

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 44)
« Reply #84 on: September 25, 2016, 01:22:55 pm »
ganon talaga sis, kanya-kanyang paniniwala yan. just like what others have said, sa akin why
keep quiet kung pangalan mo na din ang nakataya.  ipaglalaban ko talaga yun. 

i think from the start, alam na ni andi kung sino talaga ang dad. i mean, is it that hard to count ng
days or months to know who the real dad is??? unless same day she had sex with both guys, that
i think will be real hard talaga. so i think she already knows or has idea na. di na lang natin ma-
lalaman why insist or insinuate in her interviews na si albie ang dad. only andi and her mom can
anser that.

re: mark gil, in a way i see him as victim also sa nangyari. ofcourse since baby girl nya si andi,
natural lang na ipagtanggol din nya si andie.  not knowing na it's not really albie ang dad. sa
nangyaring ito, madami silang nasaktan din in the process.  sana lang nag-sorry na both andi
and her mom maski not publicly to albie and his family. 

in brad and angie naman...atch on tv na gusto ata ni brad na shared custody.  mas strick pala
na dad si brad while angie is the cool mom. sana maayos na nila yan.  kawawa din yung mga
bata.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 44)
« Reply #85 on: September 25, 2016, 01:40:15 pm »
Di kasi pwede na magturo ka lang ng kung sino dapat magbigay ka ng proof which is sa case ni Andi dapat pumayag siya sa dna. Kay Albie naman di pwede na basta tatanggi lang siya na di kanya ang baby dapat may proof din siya (kunwari sabihin na walang nangyari sa kanila or 3mos na tummy ni Andi tapos 1month pa lang sila sa relasyon). Sa case niya kasi basta na lang siya tumanggi and itinuro si Jake kaya pumanget image niya. Sana na lang may natutunan na silang dalawa lalo na si Andi na wag basta magbuka ng bibig lalo na kung di sure.

Di ko alam kung familiar kayo sa show na MAURY, nago-offer sila sa  guests ng chance to take DNA tests to prove or disprove paternity. Bago i-reveal ang result ng dna pinaghaharap ang mommy and ang "daddy", kadalasan ang "daddy" ang tigas ng tanggi na anak niya ang bata but later on malalaman sa dna na siya talaga ang dad tapos dun siya iiyak at magsisisi na itinanggi niya (yung iba violent reaction pa din upon knowing na sila tatay). Napaka-heartbreaking sa kid na malaman paglaki niya na itinanggi siya ng tatay niya.

foxyhauteur

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 44)
« Reply #86 on: September 25, 2016, 02:53:53 pm »
Kahit naman hindi magturo si Albie kung sino talaga yung nakabuntis kay Andie, sira na talaga sya dahil sa issue na yan. Paghihiwalayin talaga yung loveteam nila ni Kathryn kasi sira na yung innocent image niya tapos madadamay pa si Kathryn. Parang yung kay Jolo and Shaina dati.. Kahit hindi sya magdeny the fact na sya yung known bf ni Andie that time, iisipin talaga ng mga tao na sya yung tatay. Saka bakit hindi nya idedeny kung alam nya sa sarili nya na hindi naman kanya? Para lang maging gentleman sa harap ng maraming tao? Manahimik sya o hindi pareho lang impact sa career nya.

Si Coco Martin wala pa naman syang career na dapat ingatan nung time na tinuro syang tatay pero kung ngayon yan mangayari na sikat na sya magdedemand din yan ng DNA test or idedeny nya kung alam nyang hindi kanya. Ang laking responsibility nyan ha tapos mananahimik ka lang?

thebratinella

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 44)
« Reply #87 on: September 25, 2016, 03:04:32 pm »
Yung kay Coco Martin nagbigay na daw siya ng sustento sa bata. Ayaw lang ng manager niya na maattach siya kasi ang suggestion mag-undergo muna ng DNA test to confirm. Naawa nga daw siya sa bata kasi ang nakagisnan siya yung ama tapos negative pala.  :( Sana naisip nila Andi na Ellie will find out about this in the future. Okay naman na nireveal nila na pregnant si Andi agad kaysa magtago pero sana hindi na sobrang dinikdik si Albie. Hush na lang. Lumala kasi eh. Ang daming nasaktan.

ataypool

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 44)
« Reply #88 on: September 25, 2016, 03:31:06 pm »
Hindi lang naman si Albie sinira nila; lalo na iyong parents, insinuations of bad parenting lalo na from Jaclyn Jose. Minor pa anak mo then magkakaanak tapos may denial. Of course Albie's parents would ask a DNA test.

FOURever

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 44)
« Reply #89 on: September 25, 2016, 04:18:49 pm »
Hindi naman porque napanood sa ibang tv show na maraming tumatanggi na dad, eh ganun na rin si albie. Malay mo kaya todo tanggi rin talaga si albie dati kasi may proof sya na talagang hindi kanya. Malay mo hindi sila nagsex nung month na expected nabuntis si andi. Dont close yourself sis na baka talagang he HAS the proof you've been asking for.

Saka kung inako ni albie yan, mas nakakalito para sa bata. Mas nakakaawa
« Last Edit: September 25, 2016, 04:20:58 pm by FOURever »

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 44)
« Reply #90 on: September 25, 2016, 05:59:49 pm »
For a guy, ibang klaseng hit sa pride nila to know that their girl is having sex with someone else. Lalo pa sa age nilang yan na puro emotions and impulsiveness ang gumagana. I'm sure Albie has his reasons for denying the kid. And I'm sure his reasons are far more than what he could say on TV. If your gf is a party girl who sleeps around, anong assurance nya na silang dalawa lang ni Jake naka-sex ni Andie?

mysterioza_me

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 44)
« Reply #91 on: September 25, 2016, 06:15:11 pm »
I'm not closing myself na baka nga may proof siya but sana inilabas or sinabi niya yung proof and hindi agad-agad itinanggi. Wala din naman kasi siya proof na sinabi basta itinanggi lang niya which is not acceptable kaya naging nega din siya. Pagkaganun ang ginawa talagang sa babae ang simpatya ng tao nun. Pinatulan din nila agad ang pagbad mouth ng family ni Andi, sana nilatag na lang nila reasons nila bakit niya nasabing di siya ang daddy baka atleast nakapag-isip ang tao na may point naman si Albie. I never said na dapat inako ni Albie ang bata, ang sinabi ko sana hindi naman itinanggi agad. Pwede naman na tumahimik na lang muna wala munang confirmation kung kanya or hindi until such time na may concrete evidence na hindi talaga kanya. Pwede naman niya sabihin na wala akong aaminin at itatanggi hangga't walang dna, then its Andi's turn to prove her claim kung anak nga ni Albie ang baby. Nakasakit ba siya ng feelings by doing that? Nakakainsulto,oo, pero hindi heartbreaking tulad ng direktang pagtanggi. Kasi what if lang naman napatunayan na sa kanya pala? So dapat siya naman ang magsorry kay Andi kung ganun, ang hirap ng bawiin nun ng sorry lang. Maski nga si Andi nananahimik ngayon kasi hindi din niya siguro alam kung paanong sorry ang gagawin niya. Ang akin lang naman kung iniwasan sanang maging reactive nung time na yun, nag-isip muna bago nagsalita may mga bagay sana na naiwasan nangyari.

itzzmeeh

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 44)
« Reply #92 on: September 25, 2016, 07:53:11 pm »
Pero mahirap din naman kasing hindi mag deny or mag no comment nun kasi sobrang aggressive ng family ni Andi sa mga statements nila. And ang public eye hindi mo alam kung pano nila tatanggapin pag hindi ka nagsalita. Malamang pag iisipan ka din ng guilty. And yung parents ni Albie siyempre hindi nila kaya na tumahimik nalang ng ganun habang pinagsasalitaan ng masama anak nila thats why i think they came up with that decision na talagang ideny kasi hindi naman talaga sakanya.

pandalicious

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 44)
« Reply #93 on: September 25, 2016, 08:23:11 pm »
Tingin ko may proof talaga si albie noon kaya sure siya na hindi kanya yung bata at malamang alam din ng magulang niya yun kaya suportado siya. Kasi if may chance talaga na kay albie yung bata i don't think papayag magulang niya na pati sila mapasama sa paningin ng mga tao dahil itinanggi yung bata, nasabihan pa nga sila na pangit pagpapalaki nila sa anak nila di ba.

 And i also think nakapag-apologize na din yung side ni andi, siguro after the dna testing, kay albie and his family kasi parang a couple of weeks ago lang, sinabi ni andi na okay na sila ni albie.

FOURever

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 44)
« Reply #94 on: September 25, 2016, 09:24:34 pm »
^agreed. Just showed sino may class. Buti nga walang hinihingi sina albie sa ngayon na public apology.

lesters_gal

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 44)
« Reply #95 on: September 25, 2016, 10:29:16 pm »
Kung ikaw babae at alam mo sa sarili mo na hindi lang isang lalake ang naka galaw sayo before ka mabuntis dapat hindi sha nagturo agad kung sino ang tatay ng pinag bubuntis niya. At kung sigurado ka naman na yun ang tatay sana nung nag dedemand sila Albie ng DNA sana pumayag siya para once and for all matapos na di ba. Eh kaya lang ginawa nila circus kaya ayan ang nangyari. Si Ellie ang kawawa sa lahat ng 'to. Hindi man lang inisip ni Andi yung anak niya, babae pa naman. Sana wag mag mana sa kanya si Ellie.

Ano na Andi?! Ano na ang damage control mo ngayon?!!!

mysterioza_me

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 44)
« Reply #96 on: September 25, 2016, 10:39:30 pm »
Tingin ko may proof talaga si albie noon kaya sure siya na hindi kanya yung bata at malamang alam din ng magulang niya yun kaya suportado siya. Kasi if may chance talaga na kay albie yung bata i don't think papayag magulang niya na pati sila mapasama sa paningin ng mga tao dahil itinanggi yung bata, nasabihan pa nga sila na pangit pagpapalaki nila sa anak nila di ba.

 And i also think nakapag-apologize na din yung side ni andi, siguro after the dna testing, kay albie and his family kasi parang a couple of weeks ago lang, sinabi ni andi na okay na sila ni albie.

Magdeny or hindi scandal pa din naman, i-judge pa din sila ng public eye. Kung may proof parehas na side sana inilabas nila. Dna test from Andi and maybe circumstantial evidences from Albie to prove na hindi siya. Ang sabi lang kasi ni Albie hindi siya ang dad, so dead end na. Aminin natin may magulang na kunsintidor, walang pakialam kung mapasama sila sa ibang tao basta lang mapagtanggol ang anak. Same with Jaclyn Jose, nanay lang din siya na pinagtanggol anak niya. For sure sinabi ni Andi na si Albie tatay kaya naniwala naman si Jaclyn. Bilang nanay ng  (pa)victim narinig niya na itinanggi ng guy ang bata natural magtatalak yun pinatulan din ng nanay ni Albie syempre ipagtatanggol din anak niya kaya yun na sumabog na sila and mas lalong lumaki. Siguro nag-enjoy naman sila sa away nila kasi nagtuluy-tuloy na.

alice_alice

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 44)
« Reply #97 on: September 25, 2016, 10:48:20 pm »
I'm curious, I wanna know what Andie will say. Magpapainterview kaya siya and apologize to Albie and his family? Grabe!

MotherCat

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 44)
« Reply #98 on: September 25, 2016, 11:23:30 pm »
Quiet si ateng Andi ngayon ah. Busy sa pagbubura ng hate comments sa ig niya. Nawala ang pagkabutangera.

thebratinella

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 44)
« Reply #99 on: September 25, 2016, 11:59:45 pm »
Since this whole thing is being talked about, I searched for articles from 2011 and found these:

http://www.showbiz-portal.com/2011/10/albie-casino-willing-to-undergo.html

Ito sabi ni Albie before: “Yes, we’re neighbors. We’re on for a year and a half. We broke up in March, then June lumabas yung pregnant siya. You count.”

http://www.candymag.com/all-access/is-it-over-between-albie-casino-and-andi-eigenmann

Aaaw... Break na nga before malamang buntis and all kaya siguro nagdoubt si Albie and his family...

Nagrequest pala ang family nila Albie ng DNA test pero sa galit siguro ni Jaclyn, nanaig siyempre ang pride kaya umayaw:

http://www.pinoypower.ph/2011/11/andi-eigenmann-will-not-let-her-baby-to.html

Sana naisip nila si Ellie when this whole thing blew up. When she grows up, she'd find out the whole issue regarding her birth. Anyway, looks like Jake naman is doing his best to be a good dad and mukhang Albie and his family have forgiven Andi. Baka nagkausap na sila in private kaya hindi na rin pinalaki pa yung issue ngayon.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close