watch now

Author Topic: Latest Showbiz Update (Thread 44)  (Read 103114 times)

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 44)
« Reply #60 on: September 24, 2016, 08:55:20 am »
^I don't think magkaaway si Andie and Max. Max kase thought that it's already public knowledge. In the video, she even said, yeah when Mo asked her, "does the public know this?".

Honestly, I think Andie bears the bigger weight in this issue. Wala naman namilit sa kanya na pagsabayin yung dalawa. Plus, it's her choice to let both men use her body. Kung ako yung isa sa dalawa and I find out na may kasabay ako, syempre aside from sampal that to my face, iisipin ko nga naman na anong assurance na saken yung bata. Kawawa naman si Albie but at least he has been vindicated.

SnowBall

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 44)
« Reply #61 on: September 24, 2016, 09:03:54 am »
Nawala respeto ko kay Jaclyn Jose, kunsintidorang nanay. Siya ang nakaka tanda, ni hindi man lang siya nag effort na itama ang mali eh nakasira sila ng buhay ng isang tao.

Totoo mga sis, most hated si Albie noon kasi ang pinalabas ni Andie at ng nanay niya eh napakasamang tao ni Albie na hindi pinanagutan ang pinagbubuntis ni Andie.

Naaalala ko pa, malaki na si Ellie nun eh, nagpa interview si Albie ulit na hindi naman talaga siya ang tatay pero ang sagot ni Andie eh wala naman daw pumipilit kay Albie na magpaka tatay sa anak niya. Pinalabas ni Andie na si Albie ang irresponsableng ama.

Eh tapos nag DNA test na pala sila, lumabas talaga na si Jake ang tatay, wala man lang ni ho ni ha na ipaalam sa public na "sorry po hindi po si albie ang ama".

Kung ako rin si Albie, idedemanda ko yang si Andie. Pero baka dahil kay Ellie eh maawa din ako.

Karma Andie, may karma.

hisana

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 44)
« Reply #62 on: September 24, 2016, 09:42:10 am »
Why didn't Andi agree to a DNA test noon pa to resolve this mess, at bakit naman bigla ngayon pumayag na mag-DNA test na? Andi and her family/friends really have to make amends, matindi yung ginawa nila kay Albie.

snowberry

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 44)
« Reply #63 on: September 24, 2016, 02:09:08 pm »
Sobrang nakakahiya yung hindi mo matukoya ma ng anak mo at iba ang itinuturo nya.

cattleya_simone

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 44)
« Reply #64 on: September 24, 2016, 02:50:43 pm »
Naaawa ako kay Albie. Nasira talaga image and reputation nya. Duda rin ako kay Andi before na sigurado syang si Albie ang ama kasi bakit tumanggi sya magpa DNA? Atleast vindicated na si Albie ngayon.

Nagtataka lang ako what made Albie so sure na hindi sya ang ama? Kahit pinabugbog na sya before todo tanggi talaga. So maybe may alam talaga sya? Maybe he knows na walang nangyari sa kanila ni Andi? Pero he could have said that outright before. O kaya maybe he knows that he used protection? Pero hindi pa rin naman 100% sure yun na di ka makakabuntis. Or maybe gut feel lang nya talaga na hindi sya ang ama? Wala lang, curious lang ako hehe

stylus

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 44)
« Reply #65 on: September 24, 2016, 07:05:45 pm »
I still remember Mark Gil's words to Albie, na magpakalalaki sya. Kasi sya daw (mark gil), kahit marami sya anak sa ibat ibang babae, kinilala nya lahat bilang mga anak nya. So kung di daw balak panindigan ni Albie ang pinagbubuntis ni Andi, atleast man lang daw wag nya itanggi. Toink. Matagal na yata yung dna with jake. Di lang talaga nila pinapaalam sa public. Nakakahiya naman kasi talaga sabihin na "oops sorry guys. Joke joke joke lang pala yung announcement ko dati" ;)

etxetera

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 44)
« Reply #66 on: September 24, 2016, 09:04:30 pm »
^Halos maiyak pa sa galit si Mark Gil before.  :( Namatay siyang may sama ng loob sa taong hindi naman pala nakabuntis sa anak niya. Kaloka si Andi. Ang tapang pa ni Jaclyn Jose dati. Parang Albie vs the Phils yung nangyari dahil sa kadramahan ni Andi.

Napansin ko rin lately sa mga posts ni Jake nagiging kahawig ni Ellie si Laarni Enriquez. Kaya pala close si Ellie sa family nila. Albie's vindicated. Ano kayang pakiramdam ng mga friends ni Andi na bumugbog sa kanya before? Nakakahiya. Yung kaibigan pala nila ang mali.



Oo nga ano how could Andi and Jaclyn do that to Mark Gil hanggang huling hantungan kaya di nito nalaman ang totoo

SnowBall

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 44)
« Reply #67 on: September 24, 2016, 09:13:53 pm »
Nabasa ko ang timeline ng Jake-Andi-Albie issue sa PEP, nakakaloka ang drama pala talaga lol.

Well at least now, lumabas na totoo.

Wala talagang lihim na hindi nabubunyag.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 44)
« Reply #68 on: September 24, 2016, 09:21:21 pm »
^pero alam mo sis partly agree ako sa sinabi ni Mark Gil na kung ayaw niya panindigan (and di sa kanya talaga ang baby) sana di na lang itinanggi ni Albie, eventually lalabas din naman ang totoo. Yan din ang nasabi ko dati nung kainitan ng issue na sana di niya na lang muna itinanggi agad-agad. Pwede naman kasi na kung walang Dna walang pag-amin or pagtanggi na gagawin. Yaan na lang na mag-isip ang public. Ang nagpasama pa kasi dun nakisawsaw nanay ni Albie, may mga sinabi na di maganda and si Albie itinanggi agad. Sana di na lang niya muna itinanggi but instead politely insisted for a Dna. During that time naman na ayaw ni Andi pa-Dna madami naman napapaisip na noon bakit ayaw ni Andi pa-Dna, kung di nagpadalos-dalos si Albie na itinanggi agad ang baby baka di rin ganun kalaki naging impact sa career niya. I remember Katherine Luna and Coco Martin, ipinipilit ni Katherine na anak ni Coco ang bata walang sinabi si Coco, walang affirmation or pagtanggi sa bata. Later on napatunayan na di kanya and mas lalo nakuha ni Coco ang respect ng tao. Mas mataas kasi tingin ng mga tao sa lalake na di tumatanggi sa responsibilidad, kanila man yun or hindi. Pagnakikita ko pics ni Ellie before lalo na ang billboard niya sa SM (baby&co ata yun) di ko mapigilan isipin na anong klaseng lalake ang nakuha na tanggihan ang ganun kagandang blessing. Maski nga ako di ako tatanggi pag ako itinuro ni Andi na ama ng anak niya 😂

SnowBall

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 44)
« Reply #69 on: September 24, 2016, 09:40:28 pm »
^bata pa kasi si Albie that time sis, eh kung alam naman niya talaga na hindi sa kanya eh mahirap naman akuin.

Alam pati ni albie kasi na kasabay niya si jake so may duda na agad.

Si coco naman kasi that time eh wala siyang duda, hindi naman alam ni coco na may iba pang lalake.



Maiba ako, ang hirap talagang maging artista, ang daming pumupuna kay Marian Dantes sa video:

https://www.instagram.com/p/BKqzfJ7BcA4/

Ako naman naisip ko eh pagod sa biyahe siyempre kapag pagod ka naman na eh mahirap talagang ngumiti.

Pero still people expect you to smile because artista ka. Oh well.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 44)
« Reply #70 on: September 25, 2016, 01:20:52 am »
^Sana pinayuhan na lang si albie na mag no comment lalamig din naman ang issue. Not necessarily naman akuin ang baby but sana di na siya nagsalita, yung pagdedefend niya kasi sa sarili niya ang nagpasama sa kanya before. Pero tama ka sis bata pa siya kaya din siguro impulsive mangatwiran

Re: dingdong and marian (isama na din natin lahat ng artista)- Diyos na kasi tingin ng ibang tao sa artista e, ini-expect nila na sobrang perfect.

g3rl_23

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 44)
« Reply #71 on: September 25, 2016, 02:08:51 am »
if you know na tama ka, bakit ka tatahimik na lang.  it may have killed his career pero pinanindigan
pa din nya na hindi sya ang ama because he knows na he is right. ngayon alam na ng buong pilipinas
kung sino talaga ang nagsasabi ng totoo. tama talaga na the truth will eventually come out, walang
sekreto na matatago. and i think either na he denies it or manahimik lang, ganon pa din ang result,
sira na ang career nya.  So for me, tama lang ang ginawa ni albie.

agree with some of the sisses here, andi and her mom need to apologize kay albie. di lang career nya
ang sinira nila, pati ang good name ni albie and his mom.  mahiya naman sila!!

FOURever

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 44)
« Reply #72 on: September 25, 2016, 08:16:52 am »
Iba iba talaga tayo. Bata pa si albie nun saka for me, kung alam mo naman na hindi sayo o kaya ikaw ang nasa tama, you have the right to speak up. It doesnt mean wala kang kwentang tao.

itzzmeeh

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 44)
« Reply #73 on: September 25, 2016, 08:36:38 am »
For me din tama lang na dineny niya yun. Pag no comment parang partly guilty kasi. Happy that he is finally vindicated. Sana maging less ang exposure ni Andi sa ginawa niyang yan. May go signal kaya from Andi pag amin ni Max?

mysterioza_me

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 44)
« Reply #74 on: September 25, 2016, 09:55:59 am »
For me lang kasi sis sana nagpaka-gentleman na lang muna siya. Sabi nga aminin mo man o hindi kung hindi maniniwala sayo useless ang pag-amin or pagdeny lalabas din naman ang totoo. And yes lumabas na nga ngayon ang totoo. Kung ayaw panindigan or kung talagang hindi kanya pwede naman na wag itanggi lalo na nung time na yun na ayaw naman ipa-dna ni andi ang kid so puro claim lang siya. Dun pa lang alam na si andi may diprensya, agad mapapaisip na bakit ayaw niya pa-dna kung sure na si albie ang tatay. Napasama lang talaga kasi nagdeny siya agad and violent din ang reaction ng panig ni albie kaya si andi tuloy ang lumabas na underdog. Saka paglabas ng baby malalaman mo naman kung sino tatay. Anyway, parang tahimik ang camp ni Andi about this issue, knowing Andi agad may patutsada sa social media agad yun. I don't think may blessing ni Andi ang pag-amin ni Max, kung sa akin kasi yun bakit ibang tao pa aamin para sa akin lalo na sensitive ang issue. Palagay ko nagsasabunutan na sila ni Max kasi naungkat na naman ang nananahimik ng issue 😂

FOURever

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 44)
« Reply #75 on: September 25, 2016, 10:19:58 am »
^thank you ang post ni albie sa IG nya.

Sobrang ayos nga ng reaction ni albie sa lumabas na truth ngayon. Unlike Jake na nagpaka-lalaki "daw" sa pag ako kay ellie (unlike albie) na nakikipagsagutan sa social media. Aaack!

Thank God vindicated si albie. Na-in your face si andi. It just shows na hindi porke sila mukhang kawawa, sila tama o nagsasabi ng totoo.

ataypool

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 44)
« Reply #76 on: September 25, 2016, 10:48:29 am »
Kampo ni Andi ang maingay sa simula kaya si Albie and mother nagreact. Pinagtutulungan ka na ng press, the Eigenmans and the Estradas, tumahimik siya or hindi, sira na rin reputation niya and why would you care anymore about being a gentleman? She could have done what Denise Laurel did by quitting showbiz for a while but she really wanted the attention. Pinagtakpan ng mag-ina si Jake duwag from his parents by using Albie.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 44)
« Reply #77 on: September 25, 2016, 11:22:24 am »
^Yup nabasa ko yung article and according to him nun din niya nalaman na si Jake ang real dad. I'm happy for him kasi he has proven his claims na hindi siya talaga ang dad but then again I would have applauded him kung nagpaka-gentleman siya. Tama si Mark Gil na kung di papanindigan (maski talagang di kanya) wag naman itanggi, unless masasabi niya na wala talagang nangyari sa kanila ng girl. And again for me si Andi may diperensya, di sana pinag-usapan ng matagal kung naging open siya agad sa idea ng dna testing nung hinamon siya. Maski siya siguro duda sino tatay ng anak niya kaya ayaw niya. But less impact siguro sa career ni Albie kung di sila nagreact agad negatively or if they politely insisted to perform a dna test. Agad kasi violent reaction din sila Albie. Si Jake pa tuloy ang napaganda ang image. And yes kadalasan naman ng nagpapaawa sila talaga ang may diperensya e.

FOURever

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 44)
« Reply #78 on: September 25, 2016, 11:53:22 am »
Baka wala talagang nangyari sa kanila kaya ganun sya kasigurado na hindi kanya :P come on guys, di na siguro dapat cinacategorize ang dapat gawin according to gender. Lalaki sya, pero hindi kanya ang bata. Hindi ko sisirain ang buhay ko sa hindi ko naman ginawa, kung ako si albie. Tanggapin or not, nasira na ako eh. So bakit ako papayag na sumunod sa kanila kung hindi naman talaga akin yung bata.
« Last Edit: September 25, 2016, 11:55:27 am by FOURever »

ataypool

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 44)
« Reply #79 on: September 25, 2016, 12:39:09 pm »
^^wrong for Mark Gil to demand Albie to be a gentleman and compare his situation to the kid (that time). Mark Gil sure siya noon na siya lang ang tatay ng mga anak niya, late teens or early twenties siya una nagkaanak, came from a very prominent showbiz family and madami siya connections because of it and madami nang napagdaanan sa buhay. Albie was sure hindi lang siya (5 pa daw) kaya nga DNA test di ba for legalities na rin, he was 15 or 16 that time, a newbie, wala pang connections sa showbiz and had a sheltered life yet did not pretend na goody-goody siya and hindi pa alam ang game sa showbiz. Andi's camp sumugal na mag-ingay, so more consequences. Although I understand him to react that way kasi masakit naman na masabihan na slut ang anak mo, pero wala sila ingay when Jake confirmed pinagsasabay sila ni Albie. Takot sa mga Estradas so pag-initan natin iyong sira na? Pinatahimik na lang sana niya ang mag-ina.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close