watch now

Author Topic: Babies due on SECOND QUARTER of 2017 (APRIL, MAY and JUNE)  (Read 32202 times)

ficklemind

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER of 2017 (APRIL, MAY and JUNE)
« Reply #220 on: April 03, 2017, 06:35:28 pm »
sis dpmallo19, mas relax  yung TVS sis, yung IE kasi may diin, sagad na parang may hinanahanap (si baby?) pero mas mabilis, it was not as painful as i've expected (tinodo ko kasi anticipation ng pain hehe) may cramping  until gabi which is nabasa ko na possible after an IE, nakakalito lang kasi baka labor contraction na pala, nawala din naman the next day.

ngmall ako ng Sat-Sun grabe kapagod, then today nagbank then rest na,  1st day ng ML ko, bukas baka magmall ulit ako dito sa malapit samin then laba at linis ng bahay pampatagtag hehe. nakailang akyat baba na din ako sa hagdan, para makatulong  pagbaba ni baby :)

Tequilaxxii

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER of 2017 (APRIL, MAY and JUNE)
« Reply #221 on: April 04, 2017, 08:19:09 am »
 :o hala kinabahan naman ako akala ko masakit na yun TVS, ok lang kasi sakin nun pinasok un instrument kaso nun inikot ikot na wala na yoko na  ;D

Exciting sana may powers ka makapag-update samin sis fickle paglabas ni baby.

sixteen_16

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER of 2017 (APRIL, MAY and JUNE)
« Reply #222 on: April 05, 2017, 04:20:14 pm »
mommies, meron pala sa inyo dito na may birth plan na ibibigay sa hospital? May nababasa kasi ako about sa birth plan e kaso napapractice naman ng Chinese gen mostly ng gusto ko..Except for the delaying of cord clamping (ata).. Gusto ko siya irequest kaso hindi ko alam kung papayag si ob or pano magiging procedure.

Ms. Pink1988

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER of 2017 (APRIL, MAY and JUNE)
« Reply #223 on: April 07, 2017, 02:23:46 am »
My schedule for CS is on the 19th na! :) mixed emotions ako ngayon mga sis. Mas kabado ako now compared sa una ko. Kaso dun sa una, nag trial pako ng normal delivery eh. So habang nag labor ako at sobrang sakit na ng tyan ko, tyaka sila nagdecide na CS and Hindi ko na yun msyado namalayan. Unlike ngayon, pagpunta palang ng hospital super normal ako and alam na alam kong ooperahan ako haha. Nakakakaba pa din kahit pano. 😁

Anyway, goodluck sa atin mga mommies! Lapit na tayo mangitlog!

Shadow Angel

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER of 2017 (APRIL, MAY and JUNE)
« Reply #224 on: April 07, 2017, 07:41:22 am »
^^yap may binibigay ang hospital regarding sa birth plan.

ficklemind

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER of 2017 (APRIL, MAY and JUNE)
« Reply #225 on: April 07, 2017, 05:42:46 pm »
38W4D, walang kasign sign ng labor, medyo naiinip na ako hehe
may nanganak ba ba dito mga sis?
tomorrow is another checkup, let's see if nagprogress na yung 1cm ko from last week at kung nakatulong ba pagmamall ko para bumaba si baby.
hmm hinde pa namin napaguusapan ni ob about birth plan, may admitting orders na ako hinde ko naman maintindihan mga nakasulat, dapat ata nasabi ko yung plans ko para naconsider yun sa admitting orders?

win_foe

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER of 2017 (APRIL, MAY and JUNE)
« Reply #226 on: April 08, 2017, 08:15:38 am »
39weeks today.. 1cm pa lang ako as of IE last wednesday :( pero gusto ko na rin lumabas si baby! well dapat this coming week na kaya lakad galore lang ako kahit ansakit sa likod at tagiliran. i think masakit pa si IE pag hindi pa talaga ganoon kabukas si cervix..bonggang kapa at sukat pa ang ob. dagdag cramps sa gabi.

good news lang kasi nawala na uti ko after antibiotic at [textspeak!] iniinom na parang juice. juskolerd, naka-ilang urinalysis ako. nakakatulog kasi ako sa umaga (sa gabi not much) kaya less intake din ako ng water. tsinaga ko lang ang buko bago yung last urinalysis. sana ok naman si baby at walang infection.

waley pa pala akong birth plan, pero admitting slip meron na two weeks ago pa yata. will ask ob on monday ;)

ang lapit na natin sisses! lakad and pray pa more!

ficklemind

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER of 2017 (APRIL, MAY and JUNE)
« Reply #227 on: April 11, 2017, 04:01:15 pm »
after a week, walang progress, still 1cm at mataas pa din si  baby, my ob seems not worried naman,  parang ok lang? hehe
walang reseta ng primrose oil, hinde din ako inadvise na maglakad lakad, pwede pero wag ko daw pagurin sarili ko, when it's time bababa din daw si baby, eh ayoko  ma-induced, sakit daw nun! huhu
baby is now 7lbs, waa lalaki pa siya? tiwala si ob ko na kakayanin ko ideliver ng normal si baby
biggest nadeliver niya ng normal ay 9lbs.
39W2D ako today.

sixteen_16

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER of 2017 (APRIL, MAY and JUNE)
« Reply #228 on: April 12, 2017, 09:52:01 am »
^ good luck sis!  :) Good thing hindi ka din pinipressure ni ob mo at push pa din nsd sayo  ;D

dpmallo19

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER of 2017 (APRIL, MAY and JUNE)
« Reply #229 on: April 12, 2017, 11:48:36 am »
wow. goodluck sa mga sis na malapit na ang due date. said a quick prayer for your safe deliveries :). galingan sa pagpush! :) AJA!!

lahat naman daw kakayanin ng mommies para kay baby when the time comes. yan ang pinanghahawakan ko kasi super low pain tolerance ako hehe.

nakapag-IE na pala ako, pero ewan ko kung same pa din yung feeling pag medyo further along way na ko. On my 32nd week kasi, I noticed brown discharge na parang spotting na konti so na-alarm ako and nagpunta ako sa OB. tapos sabi niya, IE na kita ah. so chineck ako, sarado pa naman daw cervix ko. mabilisan lang naman.

natatakot din ako at kinakausap ko si baby na kapit pa at magpapafullterm pa kami. tapos sobrang mabigat na din siya and uncomfortable yung pagsipa, parang puputok na yung feeling nung tyan ko, parang matagal na din ako matunawan. actually i watch out for contractions, takot kasi ako sa preterm labor.


ficklemind

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER of 2017 (APRIL, MAY and JUNE)
« Reply #230 on: April 12, 2017, 06:58:33 pm »
funny! my last post yesterday at 16:01 i had no idea na malapit na pala at 7pm may naramdaman ako sakit, feeling najejebs na hinde ko maexplain, hinde ko  pinansin, hanggang yung pain feeling ko contractions na dun na ako nagpadala sa hospital, Arrived 10pm sa emergency room, 6cm na pala ako! tolerable pa ang pain, pagakyat sakin sa labor room dun nagstart na masakit na siya. super sakit around 8cm and after paputukin water bag ko namimilipit na ako, had difficulty pa sa  pag-ire!!  2am nakalabas na si baby via NSD, everyone says na mabilis ang naging labor ko considering first baby. Kaya Super thankful kay Lord ok kami ni baby.
more details later batchmates! rest muna ako, tom out na kami sa hospital.

Tequilaxxii

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER of 2017 (APRIL, MAY and JUNE)
« Reply #231 on: April 17, 2017, 07:38:03 am »
Congrats sis!!!!  :D

sixteen_16

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER of 2017 (APRIL, MAY and JUNE)
« Reply #232 on: April 17, 2017, 05:57:19 pm »
congrats sis ficklemind!! galing! sana ganun din ako kabilis kahit na i'm aiming for a vbac..

summer shine

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER of 2017 (APRIL, MAY and JUNE)
« Reply #233 on: April 18, 2017, 11:16:14 am »
Hi, Sis fickle minded congrats! woowwww super bilis naman at nakuha mo pang magupdate agad nakakatuwa normal na normal. Sis, questions naman ohh napapraning ako. kumain ako ng mais kahapon after nun sumakit na tyan ko at 1:30am today nagstart na ko jumebs every after 2 hours kusang humuhilab tyan ko kahit almost wala ng mailabas. nagtxt ako kay ob na napapraning ako sa paghilab magstool exam daw ako at inom water. have you experienced na magdiarhhea im 33weeks na kasi ayoko ng ganong feeling na hihilab baka mamaya mapush si baby :( .naeexperienced nio ba ganito pag di kayo matunawan?

dpmallo19

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER of 2017 (APRIL, MAY and JUNE)
« Reply #234 on: April 19, 2017, 06:54:27 am »
hello sis @summer shine. had similar experiences before. last week lang, dahil lang din sa mais. after i ate, sobrang bigat na ng tyan ko tapos humihilab na parang na-jejebs yung feeling (sorry sa term),went to the bathroom several times. lagi ko na lang tinatandaan na wag iiri. napraning din ako, may nakareseta naman sakin for indigestion e, pero sabi ko observe ko muna. umokay naman siya the following morning. sa sobrang kapraningan ko, niready ko [textspeak!] mga stuff sa hospital bag ni baby. sabi kasi din ng iba, ganon daw yung feeling, humihilab tyan na parang ewan. prayer ko magfull term kami ni baby e. 34 weeks here going 35. :)

dpmallo19

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER of 2017 (APRIL, MAY and JUNE)
« Reply #235 on: April 19, 2017, 12:20:21 pm »
sis @summershine. waah. grabe ako din, kala ko nagprepreterm labor na ko. umokay ka na sis? nagwoworry nga din ako now e kasi parang di pa normal tyan ko. takot ako sa preterm labor sis, yung mga contraction kasi maaga pa. di ko naman din madescribe kagad sa OB ko kasi di pa naman tunay na masakit tyan, di lang siya normal :(

not really reseta sis, sorry. but binigyan ako OB ng list ng mga meds safe for pregnancy. tapos may nilagay siya for indigestion - Gaviscon although di ko pa natratry. :)

ficklemind

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER of 2017 (APRIL, MAY and JUNE)
« Reply #236 on: April 20, 2017, 11:43:29 am »
dun nagstart yung labor ko - paghilab ng tiyan na parang najejebs (sorry sa term hehe), wala pang sakit sa puson. I was out of the house nung 1st time sumakit pagdating ko bahay pabalik balik ako sa CR but wala naman nangyayari, umiire ako! unti unti lumalakas yung pain, still deadma muna ako, MIL went to ask me if may sumasakit na daw ba ( gusto niya manganak na ako that day hehe), naglie pa ako sabi ko wala pa hehe. after nun nagintensify yung pain, pati puson ko masakit na kaya nagdload ako ng app to track contractions, after 4 records of contractions, sabi nung app positive, I'm having labor contractions and I need to go sa hospital asap.
dload din kayo ng app mga sis baka makahelp. Ayaw ko pa talaga padala sa hospital eh baka kasi false alarm. buti napilit ako ni hubby nagaaway na kami hehe, ayun 6cm na pala ako.

1 week postpartum, ok naman recovery ko, may occassional pain ako nararamdam down there pero normal naman akong nakakilos , iwas iwas lang magbuhat tska rest pag may chance (kaso lack of sleep dahil kay baby!)
nakapagmall pa ako the day after we got discharged sa hospital, shopped for baby (kala ko complete na gamit niya pero dami pa din pala kulang)
kahapon naman hubby and I went out for groceries, bank and dentist then checkup ni baby nung hapon, people are amazed, bilis ko daw gumaling, actually ako din gulat pa sa mga naganap, hinde ako makapaniwala nanganak na ako & my baby is with us na, sa kanya na umiikot ang lahat hehe.

summer shine

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER of 2017 (APRIL, MAY and JUNE)
« Reply #237 on: April 20, 2017, 03:44:16 pm »
sis, nakaka inspire ka naman. good for you that everything is normal. you are super blessed. btw, what are the things na kailangan mo pa? it might helps us.

sunnysan

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER of 2017 (APRIL, MAY and JUNE)
« Reply #238 on: April 21, 2017, 12:16:22 am »
Hi mga sis! I'm on my 31st week. Just wanted to know kung anong week kayo nagstart na maglaba ng mga gamit ni baby? Halos complete na ako sa gamit hehe excited lang kasi first time. Hehe. Congrats sa mga nanganak na!😊

dpmallo19

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER of 2017 (APRIL, MAY and JUNE)
« Reply #239 on: April 21, 2017, 09:01:04 am »
wow sis@ficklemind. congratulations sa safe delivery and sa baby. sobrang katuwa yung quick recovery mo. lumalakas yung loob ko tuloy haha. praying also na ganyan din kaming mga naghihintay pa. onga, ano pa ba kailangan mong things?

hello sis @sunnysan. ako nag-laba ng clothes ni baby 33rd week. dapat on my 32nd kaya lang pinagpahinga ako nun. glad rin im done na with the clothes kasi mas nahiharapan na ko gumalaw as magfurther yung weeks. tapos kala ko din mabilis lang laba kasi maliit lang clothes ni baby, haha. ang tagal din pala kasi maliit pero madaming pieces. :) :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close