watch now

Author Topic: Babies due on SECOND QUARTER of 2017 (APRIL, MAY and JUNE)  (Read 32330 times)

win_foe

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER of 2017 (APRIL, MAY and JUNE)
« Reply #200 on: March 24, 2017, 12:23:59 pm »
@beebeelove sis nakita ko dun sa thread for binders na meron mga mura sa department stores na brand. i might buy a cheaper one pang-alternate pag nilabhan si wink. although yung friends ko na normal delivery said na hindi naman kailangan, sabi naman dun sa thread saka sa online reviews na mas ok pa rin gumamit (cs or not) para bumalik agad yung pagka-compress ng tiyan/organs sa loob at mas madali gumalaw etc. ayun napabili tuloy ako waha

ficklemind

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER of 2017 (APRIL, MAY and JUNE)
« Reply #201 on: March 24, 2017, 03:43:17 pm »
ako din mga sis, hinde ako makakalabas ng house ngayon ng walang makeup, panget na panget ako sa sarili ko esp this 3rd tri.
hinde ko man lang naexperience ang pregnancy glow, around 2nd tri lahat agad 'ay boy ang baby mo' wahahaha   ;D
nakukulitan na din hubby ko sakin kasi lagi kong dinadrama na ang panget ko, ang laki laki ko na siyempre hinde siya magaagree,  then ipipilit ko talaga until umOO siya, then aawayin ko naman din hahaha kaya pag yun topic namin iiwas na yun lalayo sakin kasi siya na naman daw mapapasama.
 feeling ko din ang babaw ko lang, dapat nga grateful ako kasi maayos naman ang lahat sa pregnancy ko.

konting tiis na lang lalabas na din si baby, sulit naman ang lahat
 I have a lot of plans after giving birth na,  balik alindog LOL
bibili din ako binder cs or not.

sixteen_16

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER of 2017 (APRIL, MAY and JUNE)
« Reply #202 on: March 24, 2017, 06:00:50 pm »
sis Tequilaxxii nabahala naman ako bigla sa sarili ko haha.. kaka 28 wks ko palang and hindi pa naman bumabakas sakin na boy ang baby ko kasi puro girl ang hula nila.. mas nafeel kong blooming ako ngayon compared nung buntis ako sa girl ko noon. Kaso kailangan ko ng paghandaan ang 3rd tri ata at baka biglang magiba na ang itsura ko huhu..


dpmallo19

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER of 2017 (APRIL, MAY and JUNE)
« Reply #203 on: March 24, 2017, 06:24:28 pm »
waaah relate ako mga sis.  umitim na din lahat sakin, lalo na yung underarms, leeg, batok. walang maasahan kay hubby kundi gagatungan pa niya na choco na batok daw ako hehe. pati yung paglakad ko, penguin na. tapos i feel na na-dry yung skin ko, di ko naman malagyan lagi ng lotion kasi nanlalagkit naman ako. good to know na meron akong naririnig sa comments na same feeling din, yung panget na panget ako sa sarili ko, kala ko ako lang madrama. haha.  kapit pa mga sis. ayoko rin naman din madaliin at malamang ma-miss ko din ang pregnancy state ko ngayon kapag andyan na si baby.

gigihopps

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER of 2017 (APRIL, MAY and JUNE)
« Reply #204 on: March 27, 2017, 04:37:43 am »
Grabe sis. Kahit pala ilang beses sa isang araw ka mag lagay ng anti-stretchmarks di mo parin talaga maiiwasan. Haayyyss! Kanina ko lang napansin sa bandang ilalim ng belly botton ko. Sakit sa puso. 😭😭😭

Tequilaxxii

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER of 2017 (APRIL, MAY and JUNE)
« Reply #205 on: March 27, 2017, 06:50:09 am »
Hahaha harsh! choco na batok. Tawag nga sakin ni hubby ngayon "Winnie" Winnie the Pooh na daw kasi ako sa mga t-shirt ko ;D Tsaka pak na pak talaga yung penguin na lakad. Pag bumababa na nga ako ngayon sa hagdan sinisilip ko na yung tatapakan ko gusto ko hawiin yun tiyan ko haha. Struggle na din magsuot ng sapatos ngayon nakakaloka  ;D Pero totoo, ienjoy na lang talaga natin kasi hinde naman forever buntis tayo, mamimiss din natin ang special treatment lalo na sa priority lanes!  ;D

ficklemind

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER of 2017 (APRIL, MAY and JUNE)
« Reply #206 on: March 28, 2017, 05:36:51 pm »
mrscurlytops, lapit ka na, have safe delivery sis!
37 weeks na ako  and first IE ko will be this coming Saturday, I'm nervous and scared hinde ako mapakali, Sabi it's painful, may nagsasabi hinde naman talaga masakit, uncomfortable lang. Hinde maalis sa isip ko what to expect, kinakabahan ako sa magiging reactions ko baka mahirapan sakin si OB  :(

in fairness, with all the kaitiman at kapangetan na dinadrama ko this pregnancy, binalato ata sakin ang stretchmarks, wala pa akong nakikita so far.

Tequilaxxii

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER of 2017 (APRIL, MAY and JUNE)
« Reply #207 on: March 29, 2017, 06:30:37 am »
Excited for you mrscurlytops! Balitaan mo kami ng labor story mo ha :) Praying for your safe delivery

Since day 1 nagpahid na ako ng anti-stretch mark cream pero waley, may stretchmarks pa din ako. Sabi nila nasa genes na daw talaga yun kaya swerte mo sis ficklemind!

Ano ba ginagawa sa IE? As in pinapasok yung daliri ganon or may instrument na gagamitin? Dapat pala naka-dress na pag pupunta sa OB pag nasa 37th week na, madalas kasi leggings pa din ako (Weird ng concern ko lol)  ;D

ficklemind

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER of 2017 (APRIL, MAY and JUNE)
« Reply #208 on: March 29, 2017, 10:45:11 am »
^ siguro nga sis, My mom walang stretchmarks, siya ang babaeng pinagpala! napakakinis na babae buong katawan. Sadly, hinde namin namana ng sister ko.
But yung sister ko naman merong mga stretchmarks.  nagcheck naman ako sa salamin wala pa naman ako makitang bakas so far.

Wala din ako idea about IE sis, basta masakit daw siya. Kung pano nalalaman ilang cm, sabi ni hubby baka daw may ruler hahaha joke
Yung tono kasi ni OB nung sinabi niya i-IE nya ako sa susunod kong checkup parang may halong panakot na kelangan kong paghandaan  ;D
Nakadress or skirt naman ako lage every checkup eversince.

dpmallo19

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER of 2017 (APRIL, MAY and JUNE)
« Reply #209 on: March 29, 2017, 11:16:01 am »
ako naman nagpahid ng lotion for stretchmarks around 10 weeks, crossfingers din ako na sana walang maglabasan na stretchmarks.  kasi sabi nga din nila kahit diligently daw nag-aapply nagkakaron pa din ng marks. yung mama ko kasi dami marks sa tyan e.

hehe. ako din e, lagi naka-leggings. kasi wala ako mga dress. mga sis, although matagal pa due ko, medyo kinakabahan na din ako ngayon. mababa kasi pain tolerance ko e.

win_foe

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER of 2017 (APRIL, MAY and JUNE)
« Reply #210 on: March 29, 2017, 04:51:13 pm »
hello, sis @mrscurlytops, mas malapit ka na pala :) yung friend ko na nanganak early february, almost 2weeks siya 2cm nung 38th week niya. nakapasok pa sya nang work ng one week na 2cm siya tapos nag-ML na. tapos lakad lakad kami sa mall ganyan para bumaba lalo si baby. nafifeel na daw niya yung contractions pero bearable naman, mabagal lang kami maglakad. nag-eveprim rin sya. ayun, lumabas na rin bago mag-40weeks. onti na lang sis! :) praying for a safe delivery.

win_foe

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER of 2017 (APRIL, MAY and JUNE)
« Reply #211 on: March 29, 2017, 05:04:59 pm »
congrats sisses na nakakapagpahid ng anti-stretchmark lotion! :) sinubukan ko ang oil at lotion nung first trimester, nag-break out ang tiyan ko. kulang pa daw ng space sa mukha yung breakouts e, kaya sa tiyan din daw  :'( wahaha huhu. pinaniniwalaan ko na lang talaga na mawawala rin lahat ito pagkalabas ni baby at buti wala pa kong nasa-sight na kahit anong trace ng stretchmarks (kulang pa ba ang skin issues??) :)

i had my IE kanina.. hindi ako prepared although nabasa ko sa net na starting 37weeks nga e ginaganun na. pasok lang naman ng fingers si ob tapos pinakita niya lang sa 'kin kung hanggang saan na yung opening ng cervix.. malalim yung pasok niya in fairness, saka hindi pa open yung sa 'kin kaya medyo masakit siya for me more than uncomfortable (to think na mataas ang tolerance ko for pain). akala ko nga medyo open na kasi super sakit na lagi ng lower back ko, as in duck walk na talaga ako lagi ahehe, tapos lagi rin ako nagka-cramps sa puson kapag gabi. normal naman daw lahat yung pain. watch out lang daw kung may blood, water discharge, or hindi mashado magalaw si baby, then punta nang OR. pero as of now tiwala naman si doc na 1-2weeks pa ito. ako naman medyo inip na hindi ko maintindihan hehe.

for now, hanap muna ako ng skin solutions habang naghihintay kay bebe. ahihi. lovelots sisses!!! :)

Tequilaxxii

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER of 2017 (APRIL, MAY and JUNE)
« Reply #212 on: March 30, 2017, 06:56:45 am »
Yung IE ba sis parang tini-TVS yun feeling? Sabi nga sakin nun friend ko masakit daw yun lalo na daw pag naglalabor na kasi lagi na titignan. Starting sa 37th week every week na yun checkup di ba? So every check up IE na lagi?  :o

prettyness

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER of 2017 (APRIL, MAY and JUNE)
« Reply #213 on: March 30, 2017, 08:54:06 am »
^sis uncomfy lang pero hindi naman masakit, kapag naglalabor kana actually dimo na mafifeel ang ie kasi mas lamang ang labor pains

re stretchmarks from 1st daughter ko mega pahid din ako pero walang epek sankaterbang zebra parin naglabasan yun nga lang kulay white sya halos same color ng skin ko, wag lang malapitan titigan ;D so nakatulong ang lotion 8) sa sister ko kasi brown reddish ang stretchies nya ;D Our mom has none, but my grandma on my dads side and some of my aunts got them.

ficklemind

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER of 2017 (APRIL, MAY and JUNE)
« Reply #214 on: April 02, 2017, 09:46:48 am »
had my IE yesterday, 37w and few days, effective talaga sakin yung iset ang mind ko ng 'expect the worst' so expected ko pain, but in fairness keri naman, hinde ako nasaktan, konti lang, sana sa labor applicable din eh no. haha as if!
1cm na ako at mataas pa daw si baby, so feeling ko matagal tagal pa eto. wala naman nireseta na evening primrose oil ba yun, hinde rin ako sinabihan maglakad lakad na, ako pa nagpaalam kay ob kungg start na ako maglakd lakad.
maganda results ng 1 week bp monitoring ko nothing above 120/80 but come the day ng checkup ng140/80 ako waa, ano nangyari!  pinapaulit tuloy bps nst plus meron pa yung doppler velocimetry, eh may kamahalan din.
nag gain din ako 4lbs in a week na dapat 1lb lang, naloloka tuloy ob ko sakin!  eto diet mode ako this week.

dpmallo19

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER of 2017 (APRIL, MAY and JUNE)
« Reply #215 on: April 03, 2017, 07:03:18 am »
hello sis@ficklemind - konti na lang! tumataas pala talaga BP, had a friend, same same mo. sobrang normal results niya then last minute, biglang tumaas ang BP. pero it's good, she has a healthy baby now. yung IE sis, parang TVS ba?

Nga pala mga sissies, anyone of you who experienced having brown discharge/spots na parang patak lang. Am 32 weeks pa lang and first time ko makakita nun when I woke up yest. Nakakapraning. Ask ko lang if that's normal. I texted my OB sabi niya, observe daw and bed rest. TIA :)

Tequilaxxii

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER of 2017 (APRIL, MAY and JUNE)
« Reply #216 on: April 03, 2017, 09:08:31 am »
dpmallo19 - nagbleeding ako ng ganyan yun 5th month ko tapos pinainom agad ako ng isoxilan then bed rest. Wala akong naramdamang pain that time pero nun nagkaroon ng brown spotting ng umaga, tanghali dumadami na kaya I informed my OB. Observe mo lang sis tsaka wag ka na muna nagkikilos.

I had my check up last Saturday, naloloka ako sa anak ko. Hinde siya suhi last month, tapos nun chineck nga nito lang yun ulo nya nasa taas na naman juskopo, tapos nakataob pa siya (ang lakas mangtroll ng anak ko April 1 pa naman yun)! Sabi pa ng OB, sumisikip na yung iniikutan nya kasi 32 weeks na nga ako but there's still chance pa din daw naman na umikot si baby.  :-\

No regrets na din ako na lumipat ako ng OB na may sariling sonogram, at least lagi kami updated sa kalagayan nya.

Tinurukan na naman din ako ng second shot ng Anti-Tetanus. Nagpa-HIV Screening kasi sa 1st OB ko hinde ako nirequire, yun pala required na daw ng DOH yun.

Nag gain na din ako ng 3 kilos in 1month so sinabihan na ako ni OB hinay hinay sa desserts (huhuhuh ang hirap)  :-[

dpmallo19

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER of 2017 (APRIL, MAY and JUNE)
« Reply #217 on: April 03, 2017, 09:30:49 am »
thanks sis tequillaxxii  :) - buti naman you are alright na. may pinainom din sakin na gamot and bedrest. yes sis, pahinga muna ko and di klos until cleared by the OB. natakot lang ako never pa ko nagspot before.

hehe ang likot ng baby mo, sis. so totoo pala na iikot pa sila, e sana magsettle siya sa normal position na. ay ganon, wala pang tinurok sakin na anti-tetanus and sa hiv screening.

ilan na na-gain mong pounds sis, i thought nga last trimester, mabagal na ang paggain ng pounds. 23 pounds ang na-gain ko ngaun e.

Tequilaxxii

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER of 2017 (APRIL, MAY and JUNE)
« Reply #218 on: April 03, 2017, 12:43:07 pm »
Onga e naloloka ako kaya siguro pabilog yung tiyan ko imbes patulis.

Rest well sis, unti na lang lalabas na mga little ones natin  ;D Kanina nga sumakit tyan ko akala ko contraction kinabahan ako, kinausap ko baby na wag muna siya lalabas hinde ko pa nalalabhan mga damit nya  ;D ;D ;D

6 lbs in 1 month ang na-gain ko. Dati hirap na hirap ako pakainin, ngayon hirap naman ako pigilan kumain  ::) Overall, 11 pounds na-gain ko since nagbuntis. Plus size ako kaya hinde din talaga ako pwede lumagpas sa 22 lbs na ma-gain.

Sabi sakin ni OB, yung anti-tetanus is for the baby daw para madali maghilom yun pusod tsaka na din para sakin pag nagkasugat na daw, iwas infection. 2 doses siya, first sa 7th month then nitong 32 weeks na ako.

dpmallo19

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER of 2017 (APRIL, MAY and JUNE)
« Reply #219 on: April 03, 2017, 02:19:49 pm »
 pakiusapan mo si baby na umikot pa sis. intay ko na lang advice ni ob kung papainject niya ko.

ay ganyan din ako. kinakausap ko si baby to take his time at wag magmadal. :) kasi maglalaba din dapat ako nung weekend e nagspot ako so pahinga muna. di ko rin kasi alam pano ang contractions, iba iba daw kasi. sabi nung friend ko, pag nagcontract ka, malalaman mo yun na yun.  kaya di ko lam kung yung mga paninigas ng tyan and paghilab e contraction na. madali pa naman ako mapraning hehe

konti na lang sis. kapit pa tayo. mahirap daw paglabas nila hehe. lahat ng new parents na nagsabi sakin sabi enjoyin na daw matulog LOL.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close