watch now

Author Topic: Babies due on SECOND QUARTER of 2017 (APRIL, MAY and JUNE)  (Read 32340 times)

ficklemind

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER of 2017 (APRIL, MAY and JUNE)
« Reply #180 on: March 17, 2017, 04:29:26 pm »
^ hihi sis yung ilong talaga una ko napansin, bakit ang laki? haha hinde ko na nga pinakinggan sinasabi nung OB Sono kasi nakafocus ako sa ilong ni baby.
may sinasabi hubby ko dahil daw sa focus tska sa pwesto blah blah hinde ko na inintindi kasi sabi ko mana sayo anak mo malaki ilong at nakakunot ulo hahaha

yan nga sis naisip ko, mauuwi ako sa CS pero keri na, importante healthy si baby.

gigihopps

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER of 2017 (APRIL, MAY and JUNE)
« Reply #181 on: March 18, 2017, 01:20:22 am »
Magpapa4D narin ako sa monday. Excited ng makita si baby.

Nga pala, lapit na yung due ng iba satin, nag tetake na ba kayo ng malungay supplements para sagana sa milk si baby?

sixteen_16

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER of 2017 (APRIL, MAY and JUNE)
« Reply #182 on: March 20, 2017, 04:05:28 pm »
^ ako pinagtatake ng ob ko mga 2 mos before due ko na.. :)


mommies, may nakapagtake ba sa inyo ng antibiotic while preggy? Naalis kasi tooth filling ko last week tapos expose na daw ugat sabi ng dentist kaya sobrang sakit tuwing gabi  :'( di na talaga ako makatulog ng derecho. Di ko pa makacontact ob ko today dahil wala siya e. or baka meron kayong alam na remedy para sa toothache? hindi ko talaga kayang tiisin to for 3mos.. :o

Tequilaxxii

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER of 2017 (APRIL, MAY and JUNE)
« Reply #183 on: March 21, 2017, 09:58:56 am »
@ ficklemind and dpmallo19, ilong din napansin ko!!!! Tapos di ko matanggap na ang laki ng ilong nya na mukhang nakuha nya sa tatay nya. Nun inexplain ng OB "oh eto fully developed na un features nya, eto un eyes, nose, lips ayan wala siyang cleft lip" nafocus ulit ako sa ilong nya.  ;D ;D ;D

Infairness dpmallo, humarap na si baby mo? hinde na nag-April Regino

@ gigihopps hinde pa e, sabi ng OB sa 8th month ko daw pede na mag malunggay supplements

@sixteen_16, once lang ako nagtake ng medicine (Biogesic) nun nilagnat ako ng bongga. 1 tablet lang yun tapos inistop agad nun nagtake effect na. Better to ask your OB/Dentist na pede sa buntis (nalimutan ko na tawag) kasi hinde tayo pede magtake basta basta ng gamot.

As for natural remedy, try mo magdikdik ng bawang then insert mo dun sa butas. Bawang e may natural na antibiotics kemerluu.

"Combine one clove of garlic with a sprinkling of salt and crush into a fine paste. Apply the mixture sparingly directly onto the affected tooth, applying too much can leave a strong burning sensation. Leave for several minutes before rinsing with warm salt water."

inugracia

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER of 2017 (APRIL, MAY and JUNE)
« Reply #184 on: March 21, 2017, 12:59:11 pm »
@sixteen_16 Nangyari rin sa akin 'yan (toothache) Nung una kaya ko pang tiisin kaso pagtagal-tagal sobrang sakit na. Nagpunta ako ng Dentista para i-consult yung sa ngipin tapos nung nalamang buntis ako. Ayaw n'ya akong resetahan unless may clearance sa OB ko. Tiis-tiis muna daw sabi n'ya. Pinuntahan ko na agad yung OB ko para makahingi ng clearance. Sabi naman ng OB hindi naman pwedeng pabayaan na lang yung sa ngipin at baka daw lumala. Ginawan ako ng OB ko ng clearance saka yung antibiotics na pwede sa akin. Tapos bumalik ako sa Dentista para ibigay yung clearance. Pumili na lang s'ya ng antibiotics na nilista ng OB ko saka Biogesic. 2 days ako uminom tapos nung konti na lang yung kirot at kaya ko namang tiisin. Itinigil ko na pag-inom ng antibiotics. Toothbrush at gargle na lang after every meal saka iwas sa sweets.

beebeelove

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER of 2017 (APRIL, MAY and JUNE)
« Reply #185 on: March 21, 2017, 09:05:56 pm »
sino sino dito mga nakagat ng lamok during pregnancy nila? takot na takot ako sa zika mga sis.. pagaanin nyo naman loob ko :( 36 weeks na ko pero nakagat ako kahapon.... kelangan ko ba magworry sa zika? may cases na dito sa muntinlupa e... takot ako mga sis.. first baby ko to... and kinakabahan ako. kainis na lamok un.... huhuhu

sixteen_16

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER of 2017 (APRIL, MAY and JUNE)
« Reply #186 on: March 22, 2017, 02:36:34 pm »
@Tequilaxxii, @inugracia Thanks! wala ob ko nung tumawag ako sa clinic nia e though yung assistant nalang nagask sa kanya kung pwede yung amox at biogesic. Pwede naman daw kaso eto si hubby ayaw pa din irisk, and good thing nawala din sakit kinabukasan pero if ever kahit hanggang biogesic lang muna ako then iwas gamit pangnguya.  :)

@beebeelove - bakit may schedule na agad yung induced mo sis? btw, kagatin ako ng lamok so sanay nako and hindi ko na naiisip yung zika unless lagnatin ako ng bongga..

ficklemind

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER of 2017 (APRIL, MAY and JUNE)
« Reply #187 on: March 22, 2017, 09:56:48 pm »
ilang beses na ako nakagat ng lamok sis, hinde naman ako nilagnat. ewan ko ba ang lamok sa sala at kitchen namin sobrang papak ako ng lamok basta andun ako, dati nagwoworry pa kami sa zika pero lumipas na din, parang nakalimutan na.
malapit  ka na manganak sis, wag ka na maparanoid.
« Last Edit: March 22, 2017, 10:02:47 pm by ficklemind »

win_foe

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER of 2017 (APRIL, MAY and JUNE)
« Reply #188 on: March 23, 2017, 08:16:08 am »
hello, sisses! antagal ko hindi naka-check sa thread na 'to. nagreresearch kasi for newborn things, mommy needs, parenting classes etc plus solution sa pregnancy acne. huhuhu. due na ko on april 15. anlapit na natin! naka-position na si baby, although sabi sa ultrasound mas maliit sya ng 1 week and a few days ok lang daw kasi 5-6lbs na sya at perfect score sya.

@sixteen_16, hi sis.. i'm currently taking anitbiotic (cefurex) for uti. mejo mataas kasi [textspeak!] level ng infection. kelangan daw matanggal bago manganak or else si baby ang i-aantibiotic pagka-deliver. safe naman daw sya sabi ni OB.

@jheidine05, sa delgado ako.. OB ko dun is Dra. Agdamag. andami nga lang nyang patients lagi pero sya pinaka-ok sa akin (since dalaga pa ko) sa lahat ng OB na na-try ko. satisfied naman ako sa services ng hospital, i've had d&c procedure sa previous miscarriage, ok naman ang nrses and staff. [textspeak!] packages nga lang, first week of april pa ko masasabihan kasinu pa lang irerelease yong bagong rates.

question sisses (para i-spoil naman ang sarili), meron bang mga nagpapa-derma here while pregnant? meron din bang nagpa-brazilian wax? saka sa mommies na, may nakapag-try na ba ng wink shapewear? TIA :)

ficklemind

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER of 2017 (APRIL, MAY and JUNE)
« Reply #189 on: March 23, 2017, 10:25:57 am »
^ ang lapit mo na din pala sis, April 17 naman ako!
 well April 20 if based sa LMP, sa BPS NST naman April 18, may naging UTZ naman ako na April 17, yung pinakamaaga na lang ang sinusunod ko para hinde na ako maguluhan.
36 weeks na din ako, If may nagaask when ako manganganak ang sinasabi ko na anytime starting next week hehe.
Hubby ko gusto after holy week pa pero sa totoo lang hinde na din ako comfortable ngayon, hirap na, so ok lang if 1st week ng April.
I'm just praying na wag muna next week, may pasok pa ako!

I have UTI as well, pero hinde ako pinag antibiotic, low lang naman daw. Water and Buko therapy na lang. Hypertension ang concern ng OB ko now. May times kasi tumataas BP ko.

naku sis, wala ako kahit anong ganyan, bawal kay hubby, tiisin ko na daw. After manganak tska ko gawin kung ano gusto ko. Super atat na ako ipaalis warts na naglabasan netong pregnancy ko. Good thing wala naman acne. nagdarken lang ako pati leeg na ang daming warts, nakakainis.

dpmallo19

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER of 2017 (APRIL, MAY and JUNE)
« Reply #190 on: March 23, 2017, 10:48:56 am »
sis @beebeelove sobrang praning ako before sa zika. nung bago kong pregnant, naglolotion ako tapos mosquito patch. kasi nabasa ko talaga yung first 3 months yung critical kay baby tapos nagbasa din ako na may mga nakagat naman na mothers pero hindi nagkaron ng effect sa baby lalo na pag developed na siya. mas naglie-low nga din ako ngayon e tsaka nakakagat pa din ako ng lamok, nagwoworry naman ako kaya lang wala naman din ako magagawa, dasal na lang. mahirap ba gestational diabetes, ang taas kasi ng OGTT ko e, monitored yung sugar ko now

sis @tequillaxxii - 5th try namin ng 4D, di pa rin maganda kuha ni baby. suplado talaga haha. parang give up na din technician e. kaya sabi ko okay na din yun.

sis @ficklemind and @winfoe - ang lapit na ng mga due niyo. yiheee. ako naman ang gusto ko talaga pa-massage pero siyempre di satin pwede yung mga normal na massage. gusto ko yung pangpreggy pero di ko lam kung saan.  good luck sa inyo ha.


ficklemind

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER of 2017 (APRIL, MAY and JUNE)
« Reply #191 on: March 23, 2017, 11:29:52 am »
^ sis meron mga spa na may prenatal massage like The Spa, Blue Day Water etc. naobsessed ako dyan nung 2nd tri ko pero kahit anong pilit ko kay hubby ayaw pumayag, gusto ko na nga pumunta magisa pero tamad ako magcommute, hinde naman ako ipagddrive ni hubby para dun. tska lagi ko nakakalimutan itanong kay OB tuwing checkup kaya hinde ako magkaron ng clearance so NO talaga kay hubby.

win_foe

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER of 2017 (APRIL, MAY and JUNE)
« Reply #192 on: March 23, 2017, 03:40:20 pm »
ang lapit na nga natin sis :) pero si OB pupuntang states at sa first week pa ng april ang balik. so dapat behave kami ni baby hanggang makabalik sya ahehe

actually kating kati na ko ilabas si baby. normal bang feeling yun? medyo ang hirap na gumalaw, hirap huminga, etc. feeling ko lahat na lang nakuha ko na.. subchrionic hemorrhage, morning sickness, heartburn, acne, GD, carpal tunnel syndrome, too much hair (sorry TMI), UTI, insomnia.. sana hindi naman tumaas bp ko. ano daw triggers ng hypertension mo sis @ficklemind?

re: zika basta wala ka symptoms sis, don't worry. there's mosquito repellent na safe for preggies na you can use din. may times na kinakagat din ako ng lamok, dedma lang.

hindi ko na pala natiis, bumili na ako online ng binder/wink shapewear para mas madali daw to move around after delivery. then hopefully bigyan ako ng medcert ni OB next week for waxing. hindi kasi talaga ako sanay ng hindi hair-free down there :( [textspeak!] face and body acne na lang ang titiisin ko until makapanganak, mahirap nga naman kalaban ang hormones. mejo mommy care naman ang inaatupag ko since i've attended this talk on Mommy&Baby care sa Parenting Emporium a couple of weeks ago, kaya ayan.

good luck sa 'tin momshies.. ang init pa naman. hello summer na  :) :-\

dpmallo19

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER of 2017 (APRIL, MAY and JUNE)
« Reply #193 on: March 23, 2017, 03:56:19 pm »
sis @winfoe goodluck at lapit niyo na. sana behaved muna si baby, come out na lang siya pag diyan na OB mo. i have been looking for similar classes that parenting emporium offers kasi their place is far from us e. i like their topics pa naman.

nyak andami mo nakuha. actually,i think normal naman yun lalo na pag malapit na sa finish line. yung discomforts mo full blown na. cute pa daw kasi feeling pag mga early weeks ng last trimester pero mahirap pag last na. konti na lang sis! will look at the wink shapewear. speaking of init, normal ba yun. sobrang init. kahit nakatapat sakin yung fan, napapawisan ako. di naman pwede mag-aircon sa bahay all day

win_foe

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER of 2017 (APRIL, MAY and JUNE)
« Reply #194 on: March 23, 2017, 04:15:18 pm »
^^ 'yong na-attendan namin sa parenting emporium is free kaya nag-take advantage na kami ni hubby kahit anlayo din namin (at least nakatipid sa reg. fee, hihi). tapos it doesn't feel like it's free kasi andami naman namin natutunan sa 3hrs na 'yon as compared sa 3hrs seminar (isang topic lang) ng isang hospital na in-attendan at binayaran namin. sayang lang this past weekend hindi kami naka-attend dahil sa morning sickness na naman. feeling ko lang kasi apart from preps ng gamit ni baby ay mas kailangan namin mag-aral ng ganito ni hubby kasi we're on our own paglabas ni baby (plus a helper lang na dadating next week).

^^ sis @dpmallo19 kelan due mo? mas mainitin yata talaga tayong preggies (pati ulo mainit wahaha) than others. halos buong araw din ako naka-ac sa kwarto kaya goodluck na lang sa meralco bill  :'( pag mealtime lang naka-off saka early morning. kapag nasa sasakyan naman ako kelangan full blast din [textspeak!] ac. pag commute expect ko na may headache ako after kasi mainit pero ganun talaga.

dpmallo19

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER of 2017 (APRIL, MAY and JUNE)
« Reply #195 on: March 23, 2017, 05:29:02 pm »
ah, sige magcheck nga din ako ng classes. i like newborn care tsaka breastfeeding classes kasi gusto ko magbreastfeed. same din kami ni hubby na kailangang maglearn, first time parents tapos malayo din ako sa family ko. ah talaga sis, may morning sickness ka pa din.

sa may ang due date ko sis, going 31 weeks na din. mas lalo pa daw iinit sis. grabe nga paglabas ng meralco bill. ready na din ba baby bag mo sis?

win_foe

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER of 2017 (APRIL, MAY and JUNE)
« Reply #196 on: March 23, 2017, 05:59:53 pm »
apir sa breastfeeding, sis @^^ sis @dpmallo19 :) iyan din plan ko for as long as kaya, breastfeeding lang. feeling ko (feelingera lang) kasi andami kong milk.. december pa lang nagli-leak na. binawi na nga ni OB ang reseta for malunggay capsules. pagka-deliver na lang yata. iyong gamit daw ni baby is hospital magpo-provide so we prepared swaddle/hooded blankies and towel/lampin for wiping ng kung ano lang for going home. tapos mommy/daddy bag. ano pa ba kelangan sisses??

beebeelove

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER of 2017 (APRIL, MAY and JUNE)
« Reply #197 on: March 23, 2017, 11:01:09 pm »
iniisip ko nga rin mga sis kung buy ako shapewear na binder. ang mahal kasi... sana may mura lang..

Tequilaxxii

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER of 2017 (APRIL, MAY and JUNE)
« Reply #198 on: March 24, 2017, 07:01:49 am »
Gusto ko din bumili nun Wink pero sabi naman sakin ni MIL, binder lang daw pag CS pag Normal hinde naman requirement. Though sabi naman ni OB na normal delivery ako, mahirap ng maemergency CS like what happened sa friend ko kampante na siya na normal e.

Nun 1st and 2nd tri ko, sabi nila ang blooming ko kahit boy dala ko. Pero ngayon na naglalabasan un senyales na lalake nga yun anak ko. Pakaitim ng leeg ko, dami pa warts tapos nagsstart na lumaki paa ko. Gusto ko din magpagupit kasi ang init init na kaso mas high maintenance buhok ko pag maikli, hinde naman pede magparebond. Kating kating na din ako magpafacial.  :( Sorry, I just need to let it out, though sinasabi ni Hubby na lilipas din to at maganda pa din ako sa paningin nya yung self-esteem ko ang baba na talaga. Iniisip ko na lang unting tiis na lang lalabas na si baby.

win_foe

  • Guest
Re: Babies due on SECOND QUARTER of 2017 (APRIL, MAY and JUNE)
« Reply #199 on: March 24, 2017, 12:15:37 pm »
^^ sis ang swerte mo naexperience mo ang glow.. ako bigla kong natutunan mag-concealer/foundation since first tri kasi hindi ko kinayang lumabas sa itsura ng acne ko sa noo and chin, until now meron pang mga lumalabas plus some scars :( yan na lang din iniisip ko, konting tiis na lang at saka worth it naman lahat para kay baby. mabuti na lang supportive ang hubbies natin at hindi nagbabago tingin nila sa tin. :D

it's nice knowing na hindi ako nag-iisa sa mga concerns ko. minsan kasi feeling ko ang petty ng concerns ko at parang ako lang ganito. feeling not alone here. thanks sisses! we can do this! :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close