watch now

Author Topic: LENI ROBREDO: From 1% to Vice President  (Read 55465 times)

Purple_Power

  • Guest
Re: LENI ROBREDO: From 1% to Vice President
« Reply #160 on: January 11, 2017, 07:59:56 pm »
Ipagpalagay natin ang naging Presidente naging si Poe, Binay, kahit na ba example si MDS at Seneres na rin kung nataon buhay pa. Then masasabi pa ba na hindi matatanggap na hindi taga LP ang Presidente? Parang yung nakaraang admin lang rin yan by the time he won the election ang daming galit na galit lalo na sa mga bumoto na halos hindi matanggap, kinequestion pa.

Hindi ko lang mahanap yung exact statement na sinabi ni VP Leni although there is article here already

http://cnnphilippines.com/news/2017/01/10/dont-waste-time-on-lenileaks-duterte-admin-advised.html

Hindi naman niya gusto pigilan ang investigation eh! kung sa tingin niya kinakailangan.

Very obvious naman ang bigat ng reason kung bakit kailangan pang magsabi na magresign na lang ang Presidente at isa pa supporter naman ang nagsabi nun, as if naman siempre the admin will listen.

Quote
One of its members, Filipino-American Loida Lewis-Nicolas admitted to calling for Duterte's resignation, but only based on his failure to fulfill his promise to suppress drugs in six months. She clarified their group is not plotting Duterte's ouster.

Hindi rin naman nakakatulong kung paulit ulit yung patay ng patay tapos may mga nadadamay.

dismembered

  • Guest
Re: LENI ROBREDO: From 1% to Vice President
« Reply #161 on: January 12, 2017, 10:56:16 am »
Quote
Ipagpalagay natin ang naging Presidente naging si Poe, Binay, kahit na ba example si MDS at Seneres na rin kung nataon buhay pa. Then masasabi pa ba na hindi matatanggap na hindi taga LP ang Presidente? Parang yung nakaraang admin lang rin yan by the time he won the election ang daming galit na galit lalo na sa mga bumoto na halos hindi matanggap, kinequestion pa.

This didn't happen. Who knows? Pero based sa mga ginagawa ng Admin ngayon, maraming affected na interest ng ilang LP backers and supporters (Not all). Ano ano ba yun? Example, mining, business, and worst kung mapatunayan is drug trade. Naniniwala din ako na kung hindi ginagalaw ng admin ngayon ang mga bagay na yan, at magpapadikta sya sa gusto ng mga yan, hindi naman sila gagawa ng propaganda at plano din para mapaalis ang presidente. Yung ibang presidentiables na nabanggit mo kayang gawin yan? We don't know yet. And BTW, hindi ganito ang issue kay PNoy during his 1st 6months. Nagsimula lang yung term na "noynoying", pero at the start hindi rin sila ginanyan ng kampo ni Binay.

Quote
Hindi naman niya gusto pigilan ang investigation eh! kung sa tingin niya kinakailangan.

Very obvious naman ang bigat ng reason kung bakit kailangan pang magsabi na magresign na lang ang Presidente at isa pa supporter naman ang nagsabi nun, as if naman siempre the admin will listen.

Obvious reason? Na gusto ikalat at i-project ni Loida sa media locally at internationally? Kahit "Doesn't have to be true. Just needs to LOOK like that"?  Samahan mo pa ng quotation na "In the absence of 1st hand experience, perception becomes the reality?"

Quote
Hindi rin naman nakakatulong kung paulit ulit yung patay ng patay tapos may mga nadadamay.

Hindi rin nakakatulong yung inaction, inefficiencies, and worst, yung pakikipagsabwatan na lang sa mga drug lords. If there is only a simple solution. Kung sana parang tanim bala issue lang ito na mahirap i-solve dati, at nagawan ng mas madaling solution katulad ng ginawa recently. Some say na i-legalize na ang prohibited drugs. But the way I see it, hindi pa ready ang bansa natin for that.

Purple_Power

  • Guest
Re: LENI ROBREDO: From 1% to Vice President
« Reply #162 on: January 13, 2017, 07:19:47 pm »
Naniniwala naman ako na malaki ang kaibahan ng hindi matanggap na yung isang tao ang Presidente sa hindi matanggap ang mga nangyayari at pinaggagagawa ngayon ng admin which is ito ang nirereklamo nila.

Kung sa tingin ng karamihan ay yung patayan na lang ang mabilis na solusyon sa mga mabibigat na problema at wala na tayong pakialam kung may mga inosenteng madamay, huwag na lang umabot sa punto na ang iba ay kakilala na natin or worst case close to us ang nadadamay sa mga patayan na ito. Kasi for me wala na rin pinagkaiba ito sa krimen mismo.

Madali lang para sa iba ang mag-impose ng reklamo regarding inefficiencies and inaction lalo na kung hindi naiintindihan ang progress or development nito. Hindi naman lahat dapat naidadaan sa puro mabilisan o madalian na lang tulad nang nangyayari ngayon. Marami pa rin consequences yan.

Challenging now for VP Leni ang mga issues na lumalabas aside sa Leni Leaks pero maigi talaga na maayos ang disposition niya para ipagpatuloy pa rin gawin ang mas importanteng bagay kesa patulan pa ang walang kabuluhang mga issue sa kanya.

dismembered

  • Guest
Re: LENI ROBREDO: From 1% to Vice President
« Reply #163 on: January 14, 2017, 02:23:58 am »
Quote
Naniniwala naman ako na malaki ang kaibahan ng hindi matanggap na yung isang tao ang Presidente sa hindi matanggap ang mga nangyayari at pinaggagagawa ngayon ng admin which is ito ang nirereklamo nila.

Kung sa tingin ng karamihan ay yung patayan na lang ang mabilis na solusyon sa mga mabibigat na problema at wala na tayong pakialam kung may mga inosenteng madamay, huwag na lang umabot sa punto na ang iba ay kakilala na natin or worst case close to us ang nadadamay sa mga patayan na ito. Kasi for me wala na rin pinagkaiba ito sa krimen mismo.

Who says na patayan lahat lang ang nagaganap? Hindi ba may malaking rehab ang mga nagagawa ngayon? Pati bilibid ay pilit din na inaayos para naman pilitan na maibago? Yan ang mali... yung puro patayan na lang ang akalang ginagawa ng gobyerno na ito. Kung patayan lang lahat, eh di sana milyon na ang patay?

Quote
Challenging now for VP Leni ang mga issues na lumalabas aside sa Leni Leaks pero maigi talaga na maayos ang disposition niya para ipagpatuloy pa rin gawin ang mas importanteng bagay kesa patulan pa ang walang kabuluhang mga issue sa kanya.

Tama challenging talaga ang sitwasyon na nailagay sya. Unang una, dahil sa pinaggagawa ng supporters nya, pangalawa, dahil sa partido nya. Pangatlo, dahil wala talagang tiwala ang majority sa kanya. Mas marami akong naririnig na nagsisising binoto sya, kesa sa mga bumoto sa presidente.

tischarmedlife

  • Guest
Re: LENI ROBREDO: From 1% to Vice President
« Reply #164 on: January 14, 2017, 03:30:03 am »
^ I agree. They should take into consideration yung number of operations done by PNP. Ilan ang sumuko, nakakulong at ilan ang namatay. And then out of the number of those killed, ilan ang namatay sa valid PNP operations, ilan ang under investigation at ilan ang unknown deaths.

I'll refer to TP's article kase I no longer trust the mainstream media: https://www.facebook.com/TheThinkingPinoy/posts/759410320872740:0

kvandenhaak

  • Guest
Re: LENI ROBREDO: From 1% to Vice President
« Reply #165 on: January 14, 2017, 04:47:02 am »
Uy, hindi yan walang kabuluhang issue no? It's a serious allegation that she should be facing. Kaso puro iwas lang, ayaw sagutin. If I were her and I am really not part of the plot to ouster the President, I will make make an announcement that heads will roll if anyone in her staff is found guilty of participating in any activities that plans to bring division in the country. But then, I am not a lawyer. Simpleng mamamayan lang ako.

I believe na hindi sya may pakana nyan. But she's participating in it. Kung magaling lang sya, pwede na rin sa akin. But let's face it, hindi sya magaling. Eh eto na nga lang issue sa kanya, hindi pa nya maharap ng maayos. What more if she's in Duterte's shoes?  Panis!

And with regards to EJK. Hindi ko pa nakita kasi ang statistics. Can anybody provide?

TomHansen

  • Guest
Re: LENI ROBREDO: From 1% to Vice President
« Reply #166 on: January 14, 2017, 12:41:42 pm »
Majority speaks. Sya nanalo sa Presidency at hindi naman lingid yung platforms nya. So, safe to say, majority agrees with him.
She was saying hayaan na lang ang govt kung ano gustong gawin, kaya ko nasabi yun. Wala sa usapan yung majority na bumoto sa kanya nung eleksyon. Pnoy was grilled nung presidente siya bakit si pduts di pwede? [Pnoy 42% / Pduts 39 %]

Quote
Yes. May anti-admin hindi mo din ma-deny yun, isa na dun si Loida, di ba? At saka, yung ibang akala mo anti at kontra kay Leni at LP, hindi ba nakiki anti-fanaticism lang din sila sa sobrang pag project ng LP as disente? Hindi ba pwedeng ayaw lang din kasi nila ng lokohan?
oo may anti admin pero hindi lahat ng bumabatikos sa admin anti na that's my point. Yun nga ang problema e because part ng LP si Leni di na rin siya disente? Yung mga ganyan ang sinasabi kong mababaw na pag-iisip. Ayaw ng lokohan e ilang beses na kayong niloloko ni digong pero deadma lang kayo..

Quote
Teka, ibig sabihin, yung nag support sa Presidente ngayon hindi pro-filipino? So kayo lang ang tama at nakakaintindi? lol.
Wala akong sinabing ganun pero yes karamihan mapagtanggol lang si duts ibebend yung moral views nila.. (ex Sass, Mocha) Ang problema sa karamihan ng produts pinoprotektahan niyo yung boto niyo sa kanya, ayaw niyong tanggapin na may mali yung binoto niyo, hello tapos na ang eleksyon siya na ang panalo ngayon maging critical din kayo sa mga ginagawa niya di yung oo lang ng oo at tanggol lang ng tanggol imbes na unahin niyo yung mabuti sa pinas inuuna niyo yung image ni duterte..
Quote
Nakikisabay lang sa pakulo? Ibig sabihin, hindi mo tanggap na meron din naman kakayahan ang ibang tao na mag isip pero hindi lang katulad ng takbo ng pagiisip nyo? Hindi ba ganun din naman ang ginagawa ng anti-admin? Nakikisakay sa kahit anong issue para lang ma-discredit ang admin? Pag sila naman ang gumawa nun sa manok nyo, reklamo kayo?
Oo pakulo.. Imagine na tag agad as Lenileak yung issue samantalang wala namang kaalam alam si Leni sa pinaguusapan ng mga supporters niya. Kumpara mo sa batikos kay pduts kasi halos lahat ng issue sa kanya sa bibig niya mismo nagsisimula. Discredit the admin e sila mismo nagfflip flop ng pinagsasasabi niya..
« Last Edit: January 14, 2017, 09:16:26 pm by TomHansen »

tischarmedlife

  • Guest
Re: LENI ROBREDO: From 1% to Vice President
« Reply #167 on: January 15, 2017, 01:51:49 am »
^ I beg to disagree with 'bending moral values'. I am a follower of Sass (not so with Mocha) and Sass criticizes the admin when she finds something wrong/ inappropriate. When Bato was in Las Vegas, binatikos nya ang pagbabakasyon ni Bato dun kase napatay si Mayor Espinosa (nainis din ako na hindi agad umuwi si Gen. Bato and stayed to watch the fight). Same thing goes with other Duterte supporters like Krizette Chu, Atty. Trixie.  I support the President and his govt pero hindi lahat kami "bulag". I also criticize when I see something that doesn't suit my values and principles like yung pagmumura ni PDuts on air. Buti na lang mejo nabawasan na ngayon, thank God.

With regard to the #LeniLeaks, here's an excerpt from CNN Philippines: 'The emails allegedly showed the Office of the Vice President's social media team giving instructions on how to respond to criticism of Robredo following her absence from her calamity-stricken home province of Camarines Sur at the height of typhoon Nina in December.

In other correspondence, the group's members talked about mass protests against the surprise burial in the heroes' cemetery of the late strongman Ferdinand Marcos, and a call for Duterte's resignation after he failed to meet his six-month deadline to solve the country's drug problem.'

May isang message from OVP SocMed na pinost sa FB. May instructions to attack the pro-Duterte bloggers. Imagine, kung di nya alam ang ginagawa ng staff nya, how can she handle an even bigger responsibility?

True enough, nagsi-circulate na ngayon yung mga photos ni Sass, trying to ruin her image. Ang di nila alam (kase di nila pina-follow ng maigi si Sass), open book ang buhay ni Sass. Kaya ako, as a follower, di ako affected sa mga kinakalat nilang photos. Sass made some of her albums open to public para masaya. Ang hirap kase dun sa ibang mga "blog" or FB pages, they attack the character/ person and not the argument. Also, Krizette Laureta Chu was blocked from her FB because someone tried to access her account. Ganyan din ginawa nila before sa personal FB page ni Sass.


Purple_Power

  • Guest
Re: LENI ROBREDO: From 1% to Vice President
« Reply #168 on: January 16, 2017, 08:47:29 am »
Dahil ba hindi pa milyon ang pinapatay balewala na lang ang ibang mga pinapatay lalo na yung ibang mga walang kinalaman o nadamay lang? Considering yung iba mga batang musmos lang? 
Marami rin akong naririnig na nagsisise rin naman na binoto ang mismong Presidente kasi nga puro patayan na lang ang ginagawa.

Quote
They should take into consideration yung number of operations done by PNP. Ilan ang sumuko, nakakulong at ilan ang namatay. And then out of the number of those killed, ilan ang namatay sa valid PNP operations,

Pero hindi pa rin excuse yung mga abusive acts ng mga pulis at may nagdodouble dead pa. Tapos isama mo pa na may sumuko na nga pinapatay pa rin kahit hindi nanlaban obvious naman na naghahabol sila ng quota.

Quote
But let's face it, hindi sya magaling. Eh eto na nga lang issue sa kanya, hindi pa nya maharap ng maayos. What more if she's in Duterte's shoes?  Panis!

You cannot impose to others na hindi siya magaling as you cannot also impose to others na magaling ang admin. You cannot expect na dapat puro papuri in fact during the elections nga mismo his campaign lead to higher expectation or perfect expectation na mabilis  magiging maayos ang bansa. In fact marami pang tao naging marahas nandahil lang hindi suportado ng admin. Ayaw na ayaw ng mga supporters na macriticize ang admin at galit na galit pa kasi walang maipipintas pero sa ibang partido wagas ang pambabatikos. As I was saying before pa huwag gawin sa iba ang ayaw gawin sa atin mismo.

dismembered

  • Guest
Re: LENI ROBREDO: From 1% to Vice President
« Reply #169 on: January 16, 2017, 11:21:02 am »
Quote
She was saying hayaan na lang ang govt kung ano gustong gawin, kaya ko nasabi yun. Wala sa usapan yung majority na bumoto sa kanya nung eleksyon. Pnoy was grilled nung presidente siya bakit si pduts di pwede? [Pnoy 42% / Pduts 39 %]

Compare the grilling of Pnoy and Duterte currently? Nah. Malayo. Siguro mas comparable yung grilling na nangyari nung panahon ni Erap. Majority speaks kasi yun ang reason kung bakit naiboto ang Presidente at ginagawa nya lang ang mga bagay na binanggit during election. Sanay na kasi siguro sa nakaraang administrasyon na mga pangakong napapako,

Quote
oo may anti admin pero hindi lahat ng bumabatikos sa admin anti na that's my point. Yun nga ang problema e because part ng LP si Leni di na rin siya disente? Yung mga ganyan ang sinasabi kong mababaw na pag-iisip. Ayaw ng lokohan e ilang beses na kayong niloloko ni digong pero deadma lang kayo..

I welcome those who criticize the government na hindi anti. But then, I'm talking to you. di ba anti ka?  ;)  BTW, kung disente si Leni at totoong disente sya, dapat nasa delicadeza nya na punahin ang mga hindi disente sa partido nya. Tutal mahilig sya mamuna sa current admin, bakit di nya gawin yun sa mga supporters nya para masabing totoong disente sya at hindi sya kabilang sa mga pumapaligid sa kanya? Or baka naman naloloko lang din tayo ng pakana nila? Lahat naman yata sila manloloko. So magpaloko na lang tayo sa may katuturan :D

Quote
Wala akong sinabing ganun pero yes karamihan mapagtanggol lang si duts ibebend yung moral views nila.. (ex Sass, Mocha) Ang problema sa karamihan ng produts pinoprotektahan niyo yung boto niyo sa kanya, ayaw niyong tanggapin na may mali yung binoto niyo, hello tapos na ang eleksyon siya na ang panalo ngayon maging critical din kayo sa mga ginagawa niya di yung oo lang ng oo at tanggol lang ng tanggol imbes na unahin niyo yung mabuti sa pinas inuuna niyo yung image ni duterte..

Hindi mo sila masisisi. Proprotektahan nila ang desisyon at political interest nila katulad na lang din sa mga nagpoprotekta ng political interest ng kalaban ni Duterete, kaya ganun na lang ang hanap ng mali, ang reklamo, para lang ma-justify din na tama silang hindi iyon ang binoto nila. Oo tapos na ang election, wari ding tapusin na din ang walang humpay na pagkukwestyon sa intelligence ng mga bumoto kay Duterte. Para sa mga bumoto kay duterte, nakikita nila na ang mga policy nya ang makakapagpabuti sa Pilipinas. Hindi mo rin sila masisisi sa part na yun.

Quote
Oo pakulo.. Imagine na tag agad as Lenileak yung issue samantalang wala namang kaalam alam si Leni sa pinaguusapan ng mga supporters niya. Kumpara mo sa batikos kay pduts kasi halos lahat ng issue sa kanya sa bibig niya mismo nagsisimula. Discredit the admin e sila mismo nagfflip flop ng pinagsasasabi niya..

Walang alam si Leni. Alam man nya o hindi, she has to take responsibility. Pero ano ba ang narinig natin nung lumabas ang issue? Walang alam.... Ni magbigay ng pasabi sa mga involved, wala tayong narinig sa kanya. Ano ibig sabihin nun?

Quote
Dahil ba hindi pa milyon ang pinapatay balewala na lang ang ibang mga pinapatay lalo na yung ibang mga walang kinalaman o nadamay lang? Considering yung iba mga batang musmos lang? 
Marami rin akong naririnig na nagsisise rin naman na binoto ang mismong Presidente kasi nga puro patayan na lang ang ginagawa.

Puro patayan na lang ang ginagawa? Seriously? Saan ba nakikinig ng news? Kung sa echo chambers nyo lang kayo lagi tumatambay, aba talagang wala kayong ibang maririnig kundi puro patayan.

Quote
You cannot impose to others na hindi siya magaling as you cannot also impose to others na magaling ang admin. You cannot expect na dapat puro papuri in fact during the elections nga mismo his campaign lead to higher expectation or perfect expectation na mabilis  magiging maayos ang bansa. In fact marami pang tao naging marahas nandahil lang hindi suportado ng admin. Ayaw na ayaw ng mga supporters na macriticize ang admin at galit na galit pa kasi walang maipipintas pero sa ibang partido wagas ang pambabatikos. As I was saying before pa huwag gawin sa iba ang ayaw gawin sa atin mismo.

Mas mabuting may criticism. Pero syempre, those who criticize, expect nyo rin na may masasabi sa criticism nyo. Maraming pwede i-criticize, ang tanong, anong pwede ang solusyon? Madaling magsabi ng "mabagal ang relief operations", pero bago mo sabihin yun, nasaan ka ba during that time? Ano ang ginagawa mo? Ano ang maipapayo mong dapat gawin para mas maiayos ang lahat? Nagawa na ba ito dati? O baka naman hindi talaga feasible ang gusto mong mangyari? 

Purple_Power

  • Guest
Re: LENI ROBREDO: From 1% to Vice President
« Reply #170 on: January 16, 2017, 11:52:14 am »
Hindi ko na sasagutin yan regarding kung saan nakikinig ng news but obviously naman kapag admin ang napupuna people don't want to accept it at ang gusto lang ay puro magaganda at papuri ang pakikinggan sa kanya kahit na ba puro pambobola pa rin sa harap mismo ang nangyayari. Kapag siya ang nagkamali imperfection lang ang tawag pero kapag si VP Leni malaking issue na agad kahit na walang kabuluhan. Madali lang naman siya hanapan ng mali ng mga may ayaw sa kanya lalo na't hindi naman kasi siya sunud sunuran ng admin. After this term obserbahan na lang natin kung ano na ang say ng masa kung pipiliin pa ba nila ang tulad sa style ng admin, aminin na natin lalo na mga mahihirap.

Ang regarding relief operations during the typhoon

http://www.philstar.com/nation/2017/01/04/1659277/leni-hits-slow-response-nina-hit-areas

Kung kay Pdutz yan nangyari of course madali lang siyang maiintindihan kahit na nagmumura pa  ;)
« Last Edit: January 16, 2017, 12:12:21 pm by Purple_Power »

dismembered

  • Guest
Re: LENI ROBREDO: From 1% to Vice President
« Reply #171 on: January 16, 2017, 12:40:00 pm »
Quote
Hindi ko na sasagutin yan regarding kung saan nakikinig ng news but obviously naman kapag admin ang napupuna people don't want to accept it at ang gusto lang ay puro magaganda at papuri ang pakikinggan sa kanya kahit na ba puro pambobola pa rin sa harap mismo ang nangyayari. Kapag siya ang nagkamali imperfection lang ang tawag pero kapag si VP Leni malaking issue na agad kahit na walang kabuluhan. Madali lang naman siya hanapan ng mali ng mga may ayaw sa kanya lalo na't hindi naman kasi siya sunud sunuran ng admin. After this term obserbahan na lang natin kung ano na ang say ng masa kung pipiliin pa ba nila ang tulad sa style ng admin, aminin na natin lalo na mga mahihirap.

That is just a wrong assumption. People do accept criticism, pero syempre, they want to really know if it's a valid and reasonable criticism. Add mo pa yung "motive" ng pag criticize. Maraming duterte supporters out there na tanggap yung criticisms.

Kapag si Leni ang nagkamali, kaya nagiging issue, yun ay dahil puro puna rin sya. What goes around, comes around. Kaya ganun na rin lang ang banat sa "Disente" tag line ng LP, dahil sa pagpuna nila sa pagiging hindi disente ng opponents nila, whereas sila hindi rin naman pala disente. Worse eh hindi nila mapuna na hindi disente yung kapartido.

Quote
Ang regarding relief operations during the typhoon

http://www.philstar.com/nation/2017/01/04/1659277/leni-hits-slow-response-nina-hit-areas

Kung kay Pdutz yan nangyari of course madali lang siyang maiintindihan kahit na nagmumura pa  ;)

Sino bang hindi maiinis dyan, sya ng wala, sya pang mareklamo. Politician na politician ang datingan.

yelle

  • Guest
Re: LENI ROBREDO: From 1% to Vice President
« Reply #172 on: January 16, 2017, 01:12:57 pm »

Kapag si Leni ang nagkamali, kaya nagiging issue, yun ay dahil puro puna rin sya. What goes around, comes around. Kaya ganun na rin lang ang banat sa "Disente" tag line ng LP, dahil sa pagpuna nila sa pagiging hindi disente ng opponents nila, whereas sila hindi rin naman pala disente. Worse eh hindi nila mapuna na hindi disente yung kapartido.

Sino bang hindi maiinis dyan, sya ng wala, sya pang mareklamo. Politician na politician ang datingan.

True na paghahalata na kasi na bawat kibot eh puna. Pwede namang balansehin ang pamumuna. Hinihintay kung punahin din niya itong walangkahiyaang nangyayari sa Hacienda Luisita farmers, Sakada from Mindanao na over the top slavery ang pinag gagawa, trafficking & exploitation. Tutal itong mga ito eh nasa laylayan ng lipunan. That's 1000 farmers from Mindanao na nalinlang nila.

https://www.facebook.com/uma.phl/videos/706334879543874/?hc_ref=PAGES_TIMELINE



« Last Edit: January 16, 2017, 01:18:49 pm by yelle »

Purple_Power

  • Guest
Re: LENI ROBREDO: From 1% to Vice President
« Reply #173 on: January 16, 2017, 03:29:49 pm »
May mga nakakausap na rin naman akong supporter ng admin na tumatanggap ng criticisms and at least hindi nila pinagtatakpan yung kamalian ng sinusuportahan nila kung kaya may iba nagsise na nga rin nandahil sa patayan na nangyyayari, at least they are focusing on issues.

Siguro kung si Pduts ang nataong umalis at ito naging sitwasyon niya, at nagreklamo, maiintindihan agad at walang aangal kahit kapareho lang rin yung pamumuna, which in fact magmura pa yan

?It?s hard to find five tickets because I?m with my three children and 80-year-old mother. We?re supposed to return on the fourth, but the earliest we got was on New Year?s Eve,?

and regarding this

Quote
Ano ang maipapayo mong dapat gawin para mas maiayos ang lahat?

I think she already solve the issue, hindi lang naiintindihan ng karamihan. IN general yan rin naman ang inaasahan ng karamihan on how to solve the crimes as well.

dismembered

  • Guest
Re: LENI ROBREDO: From 1% to Vice President
« Reply #174 on: January 16, 2017, 03:50:38 pm »
Quote
Siguro kung si Pduts ang nataong umalis at ito naging sitwasyon niya, at nagreklamo, maiintindihan agad at walang aangal kahit kapareho lang rin yung pamumuna, which in fact magmura pa yan

?It?s hard to find five tickets because I?m with my three children and 80-year-old mother. We?re supposed to return on the fourth, but the earliest we got was on New Year?s Eve,?

and regarding this

Sino nagsabing maiintindihan agad if si Duterte ang gumawa ng ganyan? Hindi din. Nakakainis kung sya gagawa ng ganyan. Remember Yolanda? Ganyang ganyan kung bakit marami ang nainis sa last admin. If gawin ni Duterte yan, maraming maiinis din sa kanya. Pero, hindi yun ang ginawa nya, that's the difference.

The problem with the VP, alam na nga nyang mangyayari ito, pero ganun pa din. Kung ordinaryong tao ka, paano mo ma assure na kalagayan mo ang priority nitong taong ito?

Quote
I think she already solve the issue, hindi lang naiintindihan ng karamihan. IN general yan rin naman ang inaasahan ng karamihan on how to solve the crimes as well.

She already solved the issue?  ::)

tischarmedlife

  • Guest
Re: LENI ROBREDO: From 1% to Vice President
« Reply #175 on: January 16, 2017, 11:11:30 pm »
Di ko na lang pinapansin mga pinag-gagawa ni Leni. Di ko nga alam bakit ako nandito sa thread nato. ^-^ Maybe to share my two cents about her.  :-\

She said before na susuportahan nya ang Duterte admin pero she's doing otherwise. Puro pamumuna, wala na naman na sya halos naitutulong sa admin, puro negativity pa sya towards Duterte. Di ko alam kung natuturuan lang ba sya ng LP or yun talaga disposition nya.

Correct me if I'm wrong pero ano na ba nagawa nya? Yung pet project nyang tulay sa Naga City, nag-collapse na agad. Yung mga nakalista nyang "achievements" sa website nya, karamihan naman pag-attend sa kung ano-anong mga ceremonies ek-ek. ???

kvandenhaak

  • Guest
Re: LENI ROBREDO: From 1% to Vice President
« Reply #176 on: January 16, 2017, 11:26:03 pm »

You cannot impose to others na hindi siya magaling as you cannot also impose to others na magaling ang admin. You cannot expect na dapat puro papuri in fact during the elections nga mismo his campaign lead to higher expectation or perfect expectation na mabilis  magiging maayos ang bansa. In fact marami pang tao naging marahas nandahil lang hindi suportado ng admin. Ayaw na ayaw ng mga supporters na macriticize ang admin at galit na galit pa kasi walang maipipintas pero sa ibang partido wagas ang pambabatikos. As I was saying before pa huwag gawin sa iba ang ayaw gawin sa atin mismo.

I am not imposing it. That is my opinion. Comparing to Duterte, di hamak na mas magaling si Duterte. Wala akong problema kung gusto nilang palitan si Duterte, basta yung magaling! Puro lang naman yan photo-up at tweet...LOL! And no, if you read back, I said what I don't like about Duterte

Oh heto, she is concerned daw that using condoms will promote promiscuity. Inday, promiscous na ang kabataan ngayon. The next best thing you can do is educate them to protect themselves. Ang parents ang nagtuturo ng moral values sa mga anak and that does not suddenly change just because condoms are available. I can, in my current situation, sleep with more men than I can ever count...LOL! Tutal naman me condoms so kering keri. But I don't, why? Because I know it's wrong.

shinies

  • Guest
Re: LENI ROBREDO: From 1% to Vice President
« Reply #177 on: January 17, 2017, 03:38:26 pm »
She said before na susuportahan nya ang Duterte admin pero she's doing otherwise. Puro pamumuna, wala na naman na sya halos naitutulong sa admin, puro negativity pa sya towards Duterte. Di ko alam kung natuturuan lang ba sya ng LP or yun talaga disposition nya.

Yan ang isa sa malaking problema sa kanya ng mga tao kaya siya nasasabihan ng kung ano ano. Tipikal na politiko may masabi lang na mabango pero pag aksyon na, kulang. LP brand

Correct me if I'm wrong pero ano na ba nagawa nya? Yung pet project nyang tulay sa Naga City, nag-collapse na agad. Yung mga nakalista nyang "achievements" sa website nya, karamihan naman pag-attend sa kung ano-anong mga ceremonies ek-ek. ???

Naku sis, achievement yan! Nakakapagod kaya maging mutya ng Pilipinas ::)

janachen

  • Guest
Re: LENI ROBREDO: From 1% to Vice President
« Reply #178 on: January 17, 2017, 04:41:44 pm »
Parang naiirita rin ako sa halos weekly may pahaging siya. Hindi nakakatulong para sa kanya yun sa totoo lang. Parang lalong dadaus dos pababa ang rating nya.

Ok namang pumuna, maging oposisyon, pero 'yon bang may pinaglalaban. Dito ko namimiss si MDS, yon bang punain nya ang PNoy admin at kasama nya sa senado pero nasa katwiran tsaka hindi siya yung kaliwa't kanan na painterview at nandoon yung humor pa rin niya.

Leven

  • Guest
Re: LENI ROBREDO: From 1% to Vice President
« Reply #179 on: January 17, 2017, 10:09:28 pm »
Parang naiirita rin ako sa halos weekly may pahaging siya. Hindi nakakatulong para sa kanya yun sa totoo lang. Parang lalong dadaus dos pababa ang rating nya.

Ok namang pumuna, maging oposisyon, pero 'yon bang may pinaglalaban. Dito ko namimiss si MDS, yon bang punain nya ang PNoy admin at kasama nya sa senado pero nasa katwiran tsaka hindi siya yung kaliwa't kanan na painterview at nandoon yung humor pa rin niya.

ok lang pumuna kung may ginagawa naman..e kaso kahit anong google walang lumabas na ginawa puro survey lang...

BTW mga sis, Did u try the #LumiLeniChallenge? ang saya saya..

 

Latest Stories

Load More Stories
Close